You are on page 1of 3

Napakaganda ng paligid, napakalamig ng hangin at napakaraming ibon na lumilipad.

Ito ang makikita


mo sa lugar na tinatawag na Sapang Putol. Dito mararamdaman mo ang halik ng mapaglarong hangin
habang pinagmamasdan mo ang maamong karagatan. Makikita mo ang mga malalayang ibon na
lumilipad sa malawak na kalangitan. Sa lugar na ito mapapawi ang iyong pagod, malilimutan mo ang
iyong mga problema at makakausap ng Poong Maykapal.

Madalas pumunta ditto ang batang si Boyet, pagkaminsan kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Sa
lugar na ito pinaguusapan nila ang kanilang mga pangarap at mga masasayang bagay ng nangyayari sa
kanilang buhay.

“Tol, anu ba ang pangarap mo?”, tanong ni Cleo, isa sa mga kaibigan ni Boyet.

“Marami! Napakarami kong pangarap. Lahat gagawin ko matupad lng ang mga pangarap na yon.”, sagot
ni Boyet.

“Ganun, ayos a! Sa’kin simple lng pangarap ko, basta maging mayaman ako, ayos na”, bulong bi Billy sa
hangin habang iniisip ang problema niya, ang asignatura sa Pilipino.

“Ha!? Ano ba yan? Mangangarap ka na nga lng simple pa.”, sagot ni Boyet.

Tumawa ng malakas sina Boyet, Cleo at Billy dahil sa kakornehan ng kanilang pinaguusapan pero para sa
kanila sama sama nilang aabotin ang mga binitiwang pangarap. Pero bago yun mangyari, magaaral
muna sila dahil kinabukasan ay may pagsusulit sila sa Pilipino.

Pagdating ni Boyet sa kanilang bahay agad niyang binuklat ang mga aralin. Pinagaralan niya itong
mabuti nang sa ganun makakuha siya ng mataas namarka. Kinabukasan ang lahat ay abala sa pag aaral.
Napansin ni Boyet na ang isa niyang kamagaral ay hindi nag aaral bagkus nag lalaro lng ng Gameboy
habang siya ay tagaktakan ang pawis sa pagsasaulo ng mga aralin.

“Tol, bakit di ka nagaaral, may pagsusulit tayo ngayon ah?”, tanong ni Boyet.

“ALam ko, pero pareho rin yun, mag aral ka man o hindi”, sagot ng kanyang kaklase, “pagkaminsan nga
nagiging mas mataas pa ang marka ng di nag aaral.”

Hindi naniwala si Boyet, patuloy parin siya sa pagaaral nang dumating ang kanilang guro.

“Magandang Hapon sa inyong lahat”, wika ng guro.

“Magandang hapon din po”, sagot ng mga mag aaral.

“kumuha kayo ng isang papel at magkakaroon tayo ng pagsusulit”, wika ng guro.

Maingat na sinagutan ni Boyet ang mga tanong at inaasahan niya ang mataas na marka.

Natapos ang pagsusulit. Masaya si Boyet sa resulta ng pagsusulit.

“UuUUyyy… pwede na rin! Dalawa mali ko”, masayang wika ni Boyet.


“Masaya ka na ba? Nakakuha ka ng dalawang mali sa kabila ng labis labis mo na pag aaral, samantalang
ako ni hindi man lng nag aral Wala akong Mali”, pagyayabang ng kaklase ni Boyet.

“Eh ano naman”, asar na sagot ni Boyet.

Uwian nan g mga oras na yon kaya mabilis na lumabas si Boyet upang makauwi ng maaga at
makapagpahinga. Sa kanyang paglalakad, nakakita siya ng isang pulubi. Hirap na hirap ito na humihingi
ng limos sa mga tao. Naisip niya kung ano ang silbi at layunin kung bakit merong pulubi sa paligid.

Muli siyang naglakad at sa di kalayuan nakakita siya ng mayaman. Masayang masaya ito sapagkat
napakagara ng buhay niya. Pagmamay ari niya ang halos lahat ng kompanya sa Pilipinas.

Sa kanyang paglalakad iniisp niya ang pulubia at ang mayaman. Habang ang pulubi ay labis na
nahiirapan ang mayaman ay nagpapakasaya lamang sa kanyang buhay.

Biglang bumalik sa kanyang ala ala ang mga pagsisikap sa kanyang nagawa, mga paghihirap na tiniis
ngunit sa bandang huli ay wala ring nagyari.

“Sawa na ko sa ganitong buhay”, galit niyang wika, “mas nagiging masaya pa ang iba kahit wala silang
ginagawa, pero ako sa kabila ng paghihirap walang napapala.

Umuwi siya sa kanilang bahay at inis na inis. Ang buhay ay di patas. May kinikilingan ang tadhana sa
pagsaulat nito ng kwento.

Nagtungo siya sa Sapang Putol. Nakita niya ang mga ibon na malayang lumilipad. Walang problema.
Ang sarap ng buhay.

Nakikita niya sa mga ibon ang pagiging Malaya at masaya ngunit sa kanyang sarili ang malagin at
kapaitan ng buhay. Bumabalik sa kaniyang isipan ang pagiging di maktwiran ng buhay.

“Ang buhay na ito ay di makatwiran, totoo iyon. Ang pagpapagal sa maraming bagay ay di nagdudulot
ng kaayusan. Wala akong makitang magandang dahilan updang gumawa, iisa rin nmn ang kahihitnan –
pagkabigo.”

Habang sinasabi niya ang mga katagang ito, naalal niya ang taong nagbuwis ng buhay para sa lahat.
Naalala niya ang pagiging di makatwiran ng mundo ang nagging dahilan upang mapalapit sa Poong
Maykapal.

“Totoo nga ang buhay ditto ay di patas, may mga pangyayari na walang kabuluhan pero ipinapangako ko
magsisikap ako upang matupad ang aking mga pangarap, upang mabigyan ko nang katuturan ang aking
buhay hanggang sa muling pagbalik ng Poong Maykapal.

Lumipas as maraming taon, pumasok si Boyet sa kolehiyo na may kursong Pagtutuos. Siya ay
nagtagumpay, napatunayan niya ang pagpapagal ay may maiman na resulta. Sa katunayan siya ang may
pinakamataas na marka sa CPA Board Exam.
Minsan, gaya rin ni Boyet ang ating reaksyon sa mga masasakit na pangyayari sa ating buhay. Pero
kailangan nating manindigan. Ating ipangako, sa ating mga sarili ang katuparan n gating mga pangarap
sa tulong ng Poong maykapal.

You might also like