You are on page 1of 7

“Katawan Ko”

Katawan ko, akin ito


Ako lamang ang may-ari nito
Kaya iniingatan ko ito
Kahit sino, kahit anino
Ipagtatanggol ko ang katawan ko
SARILI AY INGATAN
(Field Song)

Huwag maglaro
Matalas na bagay
Laging tatandaan
Ang turo ni tatay

Bilin ni nanay
Bago lumisan
Ligtas na laruan
Ang gamitin lamang
“Bilog na Itlog”
Malungkot na naman si Bilog na itlog ng manok.
Tinukso na naman siya ng mga kalarong itlog
Sabi ng inahing manok, bilog ang buwan nang isilang si Bilog
Kaya ibang-iba ang kaniyang ayos.
Hindi Matulis ang tuktok
Hindi Malaki ang batok
Madqalas iparis sa bola, lobo at holen si Bilog
Kaya minsan, umalis siyang masama ang loob.
“Pupunta ako sa malayong pook”, sabi niyang naghpagulong-
gulong at nagpaikot-ikot
Sumikat na noon ang araw sa silangan.
Nakita ng araw si Bilog sa isang taniman.
“Bakit ka malungkot?”, tanong nga araw kay Bilog.
“Tinutukso nila ako dahil sa aking ayos.”
“Walang masama sa pagiging Bilog,” sabi ng araw.
“Masdan mong mabuti ang aking magiging ayos.”
“Bilog! Pareho ba tayong bilog!”
Tuwang-tuwang sigaw ng itlog
“Oo, tulad ng mga planeta sa kalawakan
Tulad ng mundong iyong ginugulungan” anang araw
Sa paglaganap ng liwanag ng araw,
Nagising ang mga tanim sa paligid ni Bilog
“Bakit ka malungkot?” tanong ng pakwan sa itlog.
“Tinutukso nila ako dahil sa aking ayos,” sagot ni Bilog.
“Ang mga paris naming,” sabi ng pakwan ay lalong tumatamis
kapag namimintog
Kaya walang masama sa pagiging bilog!
Maya-maya’y nagdaan ang gulong ng dyip
“Bakit ka malungkot?” tanong nito sa itlog.
“Tinutukso nila ako dahil sa pagiging bilog,” sabi ni bilog.
“Isipin mo batang itlog”, sabi ni gulong
“Kung di ako bilog, paano ako aabot sa sasakyan
Para mapalitan ang gulong na nagputok?
Kung wala ako may kotse bang haharurut?
Ginabi sa pag-iisip si Bilog
“Wala nga yatang masama sa aking ayos.
Babalik ako sa mga kapatid ko’t inahing manok.”
Nasalubong ng Buwan si Bilog
“Ginabi ka yata sa paglilibot?” bati ni buwan.
“Ihahatid kita sa pag-uwi, batang itlog”
Kahit pagod, masayang nagpaikot-ikot si Bilog.
“Si Hinlalaki”
Sa limang anak ni Inang kamay
Si hintuturo ang panganay
At dahil mahilig magturo
Kaya laging guro sa paglalaro
Kung may hinahanap o naliligaw
Si Hintuturo din ang pinagtatanungan
Si hinlalato naman ang pinakamatangkad
Kaya sa larong basketball ay sikat
Pinakamalakas sa sumping
Kaya laging pinakamagaling
Ang pusforyosong si Palasingsingan
Siya naming taga-ingat ng yaman
At ang bunsong si kalingkingan
Ang masipag nilang utos-utusan
Kahit tinutuksong “Hinliliit”
Bawat butas nililinis.
Pero itong si Hinlalaki
Ang walang tiyak na silbi
Kaya sa laro ay di kasali
At palaging nasa tabi-tabi
Dahil punggok at iba ang tabas
Tinutukso pang “Anak sa labas!”
Minsan ang lakas ni Hinlalato
Sa pagbuhat ng poste ay napasubo
Tumulong ang tatlong kapatid
At naligo silang apat sa pawis
Pero ang poste’y di matinag-tinag
At talaga yatang pagkabigat-bigat!
Sumaklolo si Hinlalaki
At biglang gumaan ang poste
Kaya ngayon sinasabi
“Walang mabigat na poste
Pag katulong si Hinlalaki”.
What is missing? Match it.

You might also like