You are on page 1of 5

Ang Mayabang na

Palaka
May mag-ama na palaka na masayang
naninirahan sa isang sulok ng bukid. Si
Amang Palaka ay isang mabuting ama.
Ngunit ito ay may kayabangan. Palagi nitong
pinagmamalaki ang kanyang sarili.

“Ako ang pinakamalaki. Tignan mo ang


katawan ko,” buong pagmamalaking sabi nito.

“Oo nga! Ama, ang laki-laki mo!”


humahangang sabi ng anak.

Minsan ay namasyal ang Batang Palaka.


Nakakita siya ng kalabaw. Iyon ang unang
pagkakataon na nakakita siya ng kalabaw.
Nalibang siya sa kakatingin dito kaya’t
matagal bago niya naisipang umuwi na.
“Saan ka ba galing? Ang tagal-tagal mong
nawala,” tanong ni Amang Palaka pagkakita
kay Batang Palaka.

“Namasyal ako, Ama. Marami akong nakita


sa labas. May katulad din natin,” sagot ni
Batang Palaka.

“Anong katulad natin?” tanong naman ni


Amang Palaka

“Kapareho natin, Ama. Apat din ang paa.


Kaya lang…” ang mahinahong tugon ni
Batang Palaka.

“Anong kaya lang? Sige, ituloy mo,” udyok ni


Amang Palaka.
“Akala ko sabi n’yo, kayo ang pinakamalaki
,” ang may pagtatakang himig ng anak.

“Bakit? Ako naman talaga ang pinakamalaki


sa lahat ng palaka rito sa atin,” sagot naman
ng ama

“May nakita ako, Ama. Mas malaki sa iyo at


may sungay pa!” ang bulaslas ni Batang
Palaka.
“Ano? Hindi maaari iyon!” malakas na sigaw
ng ama.

“Totoo, Ama. Napakalaki niya,” mahinang


sagot ni Batang Palaka

Pinalaki ni Amang Palaka ang kanyang tiyan.

“Ganito ba kalaki?” tanong ng ama sa anak.


“Malaki pa riyan, Ama,” sagot ng anak

Pinuno ng hangin ni Amang Palaka ang


kanyang tiyan.

“Ganito ba?” tanong muli ni Amang Palaka.

“Hindi, Ama. Malaking-malaki pa riyan,”


sagot naman ni Batang Palaka.

At pinuno ng hangin ni Amang Palaka ang


kayang tiyan. Hanggang sa pumutok ang tiyan
ng mayabang na palaka.

You might also like