You are on page 1of 14

Bilog

na
Itlog
Al Santos at Josefina
Sanchez
Malungkot na naman si Bilog na itlog
ng manok.
Tinutukso na naman siya ng mga
kalarong itlog
Sabi ng inahing manok, bilog ang
buwan nang isinilang si Bilog, kaya
ibang-iba ang kanyang ayos.
Hindi matulis ang tuktok.
Hindi malaki ang batok.
Madalas iparis sa bola, lobo at
holen si Bilog.
Kaya minsan, umalis siyang
masama ang loob.
“Pupunta ako sa malayong
pook.”
Sabi niyang nagpagulong-
gulong at nagpaiko-ikot.
Sumisikat na noon ang araw sa
silangan.
Nakita ng araw si Bilog sa
isang taniman.
“Bakit ka malungkot?” tanong
ng araw kay Bilog.
“Tinutukso nila ako dahil sa
aking ayos.”
“Walang masama sa pagiging bilog,”
sabi ni araw.
“Masdan mo amabuti ang aking
magiging ayos.”
“Bilog! Pareho pala tayong bilog!”
Tuwang-tuwang sigaw ng itlog.
“Oo, tulad ng mga planeta
sa kalawakan.
Tulad ng mundong iyong
ginungulungan,” anang
araw.
Sa paglaganap ng liwanag ng araw,
nagising ang mga tanim sa paligid
ni Bilog.
“Bakit ka malungkot?” tanong ng
pakwan sa itlog.
“tinutuksonila ako dahil sa aking
ayos.”
Sagot ni Bilog.
“Ang mga paris namin,” sabi ng
pakwan, ay lalong tumatamis
kapag namimintog.
Kaya walang masama sa
pagiging bilog!”
Maya-maya’y nagdaan ang
gulong ng dyip.
“Bakit ka malungkot?”
tanong nito sa itlog.
“Tinuntuksonila ako dahil
sa pgiging bilog,” sagot
ni Bilog.
“Isipin mo, batang itlog,” sabi
ng gulong, “kung di ako
bilog, paano ako aabot sa
sasakyan para mapalitan ang
gulong na nagputok?
Kung wala ako, my kotse bang
haharurot?”
Ginabi sa pag-iisip si Bilog.
“Wala nga yatang masama
sa aking ayos.
Babalik ako sa mga kapatid
ko’t inahing manok!”
Nasalubong ng buwan si Bilog.
“Ginabi ka yata sa paglilibot?” bati ng
buwan.
“Inahatid kita sa pag-uwi, batang
itlog.”
Kahit pagod, masayang nagpaikot-ikot
si Bilog

You might also like