You are on page 1of 2

Bilog na Itlog

Ni Al Santos at Josefina Sanchez


Malungkot na naman si Bilog na itlog ng manok.
“hahaha bilog” “oo nga hugis bilog”
“naiiba talaga sya sa atin”
Tinutukso na naman siya ng mga kalarong itlog
Sabi ng inahing manok, bilog ang buwan nang isinilang si Bilog, kaya ibang-iba
angkanyang ayos.
Hindi matulis ang tuktok.
Hindi malaki ang batok.
Madalas iparis sa bola, lobo, at holen si Bilog.
Kaya minsan, umalis siyang masama ang kanyang loob.
“Pupunta ako sa malayong pook.”
Sabi niyang nagpagulong-gulong at nagpaiko-ikot.
Sumisikat na noon ang araw sa silangan.
Nakita ng araw si Bilog sa isang taniman.
“Bakit ka malungkot?” tanong ng araw kay Bilog.
“Tinutukso nila ako dahil sa aking ayos.”
“Walang masama sa pagiging bilog,” sabi ni Araw.
“Masdan mong mabuti ang aking ayos.”
“Bilog! Pareho pala tayong bilog!”
Tuwang-tuwang sigaw ng itlog.
“Oo, tulad ng mga planeta sa kalawakan. Tulad ng mundong iyong ginugulungan,”
anang araw.
Sa paglaganap ng liwanag ng araw, nagising ang mga tanim sa paligid ni Bilog.
“Bakit ka malungkot?” tanong ng pakwan sa itlog.
“tinutukso nila ako dahil sa aking ayos.” Sagot ni Bilog.
“ang mga paris namin,” sabi ng pakwan, “ay lalong tumatamis kapag namimilog.
Kaya walang masama sa pagiging bilog!”
Maya-maya’y nagdaan ang gulong ng dyip.
“Bakit ka malungkot?” tanong nito sa itlog.
“Tinutukso nila ako dahil sa pagiging bilog,” sagot ni Bilog.
“Isipin mo, batang itlog.” Sabi ng gulong, “kung di ako bilog, paano ako aabot sa
sasakyan para mapalitan ang gulong na nagputok? Kung wala ako, may kotse bang
haharurot?”
Ginabi sa pag-iisip si Bilog.
“Wala nga yatang masama sa aking ayos. Babalik ako sa mga kapatid ko’t inahing
manok!”
Nasalubong ng buwan si Bilog.
“Ginabika yata ng paglilibot?” Bati ng Buwan.
“Ihahatid kitasa pag-uwi, batang itlog.”
Kahit pagod, masayang nagpaikot-ikot si Bilog pabalik sa kanyang mga kapatid at
inahing manok.

You might also like