You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan_____________________________Baitang at Pangkat: V – Carnation Petsa:_____________________

Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung ang pangngalang may diin at
salungguhit ay pambalana, pantangi, tahas, basal o lansakan.

1. Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso sa iyong ibinalita.

2. Si Ginoong Reyes ay mabait at mapagbigay sa mga nangangailangan.

Panuto: Ipabasa sa kaibigan ang tekstong pang-impormasyon. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot nang may
wastong baybay at bantas.

Ang sepak takraw ay isang laro na binubuo ng dalawang koponang magkatunggali. Ang bawat koponan ay
binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang bawat manlalaro. Upang makagawa ng puntos, kailangang
mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang puntos lamang ang kailangan para manalo.

3. Ano ang sepak takraw?

4. Ilang manlalaro mayroon ang bawat koponan?

Panuto: Babasahin ng iyong magulang o kapatid ang sumusunod na ulat. Makinig nang mabuti at unawain ang ulat
tungkol sa ating mga ninuno.
Ang Ating mga Ninuno
May tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, ang mga Indones at ang mga
Malayo. Sila ang maituturing na mga naunang nanirahan sa Pilipinas. Ang mga Negrito ang naunang pangkat ng tao
na namalagi rito sa ating kapuluan. Nakarating sila dito sa pamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay. Sila ay
maliliit, maiitim, sarat ang ilong, makapal ang labi at kulot ang buhok. Nabuhay sila sa pangangaso, panghuhuli ng
isda at pagsasaka. Sumunod na dumating ang mga Indones na nahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
nakarating mula sa Timog – Silangang Asya.

5. Ano ang naging paksa ng teksto? Bakit mahalagang alamin ang pinagmulan mo bilang Pilipino?
6. Sa iyong sariling palagay, ano kaya ang naging kalagayan ng ating mga ninuno kung hindi sila sinakop ng mga
dayuhan?

Panuto: Ipabasa sa iba at pakinggang mabuti ang pabula sa ibaba.


Si Kalabaw at si Kabayo
Mataas ang sikat ng araw. Ibig magpahinga ni Kalabaw. Masyado siyang napagod sa pagtatrabaho sa bukid.
Gutom na gutom siya. Uhaw na uhaw. Ngunit nakalimutan siyang pakainin at painumin ng kaniyang tagapag-alaga.
“Mukhang may sakit ka, Kaibigang Kalabaw,” ang bati ni Kabayo. “Wala, Kaibigang Kabayo,” ang sagot ni Kalabaw.
“Lubha lang akong napagod. Madaling-araw pa kasi’y nag-aararo na ako ng bukid at ngayon pa lamang ako natapos.
Pagkatapos, iniwan na ako rito ng aking tagapag-alaga. Ni hindi man lang niya ako pinakain o pinainom kaya.” “Ano?
Nagawa sa iyo ‘yon ng iyong amo?” ang nagtatakang tanong ni Kabayo. “Oo, kaibigang Kabayo. Kaya nga lungkot na
lungkot ako,” ang malungkot na tugon ni Kalabaw. “Pareho pala tayo ng kapalaran,” ang nasambit ni Kabayo.
“Huwag mong sabihing hindi ka rin pinakain at pinainom man lang ng tagapag-alaga mo,” ang mabilis na sabi ni
Kalabaw. “Ganoon na nga, Kaibigang Kalabaw. Pareho tayo ng kapalaran,” ang sagot ni Kabayo. “Paano nangyari
‘yon?” ang tanong ni Kalabaw. “Kahapon ay isinama akong muli ng amo ko sa bayan. Ipinagamit ako sa mga taong
sumakay sa kalesa. Alam mo bang pagkasaki-sakit ng katawan ko kahapon? Dahil ito sa dami at bigat na inilagay niya
sa kalesa. Halos sumayad na sa lupa ang aking mahabang dila sa matinding hirap na dinanas ko. Lubog na ang araw
ng umuwi kami ng aking amo. Ngunit tulad mo, hindi rin ako pinakain o pinainom man lang. Narinig ko pa nga ang
sabi ng amo ko wala raw akong silbi kaya sa umaga na lang niya ako pakakainin,” ang hinaing ni Kabayo. “Kaya heto,
ngayon pa lang ako kumakain.”
“Alam mo, Kaibigang Kabayo? Narinig ko mula sa aking tagapag-alaga na ipapalit na raw sa akin ang bagong
traktora ng amo ko, paano na ako? Baka lalo niya akong gutumin. O baka naman kaya hindi na niya ako pakainin,”
ang buntunghininga ni Kalabaw. “Ako rin, Kaibigang Kalabaw. Narinig kong sinabi ng amo ko na bibili siya ng
pampasaherong dyip. Baka iyan na ang kaniyang gagamitin papunta sa bayan,” ang himutok ni Kabayo. Maya-maya
ay natanaw ni Kalabaw ang dalawang lalaking papalapit sa kanilang kinatatayuan. “Dumarating ang amo natin,” ang
sabi ni Kalabaw kay Kabayo. “At wala ring dalang pagkain para sa akin ang amo ko.” “Ano kaya ang kanilang sadya?
Napakaaga pa para kami pumunta sa bayan,” ang nasabi ni Kabayo. “Totoo iyon, Pareng Floro,” ang bungad ng amo
ni Kalabaw. “Darating ang bago kong traktora. Kaya magiging magaan ang pagtatrabaho ko sa bukid.” “Paano na ang
kalabaw mo?” ang tanong ng amo ni Kabayo. “Matanda na ito kaya pagpapahingahin ko na. ito ang gagawin kong
bantay ng aking kubo sa gitna ng bukid,” ang sagot ng amo ni Kalabaw. “Ako naman ay nakabili na ng
pampasaherong dyip. Iyon na ang gagamitin kong panghakot ng malalaking kahon, balde, at dram,” ang sabi ng amo
ni Kabayo. “At ano naman ang binabalak mong gawin sa kabayo mo?” ang tanong ng amo ni Kalabaw. “Gagamitin na
lang ito ng mga anak ko sa pamamasyal,” ang mabilis na tugon ng amo ni Kabayo. “Nagkatinginan sina Kalabaw at
Kabayo. At sila’y lihim na napangiti.

1. Bakit magkapareho ng kapalaran sina Kalabaw at Kabayo?


2. Paano raw gagamitin ng kaniyang amo si Kalabaw kapag siya’y nakabili ng traktora?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pabula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang letra lamang.
Ang Agila at ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malalapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari
ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na Kalapati ang mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila. “Hoy,
Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?” Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapati na bigyan
ng aral ang humahamon. “O sige,” sagot ng Kalapati, “Kailan mo gustong magtunggali tayo?” Hindi ipinahalata ng
Agila na nagulat siya sa matapang na sagot ng hinamon. “I... ikaw ang bahala kung kailan mo gusto,” sabi nito.
Napansin ng Kalapati na may nakaambang pag-ulan dahil sa maitim na ulap sa kalangitan. Alam niyang ilang sandali
lamang ay uulan na. “Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat
tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw naman ay magdadala ng
isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?” Tanong ng kalapati kay Agila. Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na
magaan ang bulak sa asin. Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa
tuktok ng Berdeng Bundok. Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na
dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang 3 bumigat. Nagpapabagal ito sa paglipad ng Hari ng Ibon. Ang
asin ay nalusaw naman na nagpapabilis sa paglipad ng Kalapati. Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyayabang
mula noon ang palalong Agila.

9. Anong paglalarawan ang mailalapat mo sa katangian ng Agila nang sabihin niyang “Hoy, Kalapati, lalaban ka ba sa
akin?”
A. maunawain B. mapagmataas C. palakaibigan D. palaaway

10. Bakit masasabi nating mapamaraan si Kalapati?


A. Alam niyang uulan kaya and dinala niya asin at hindi bulak.
B. Tinanggap niya ang hamon ni Haring Ibon sa paglipad.
C. Hindi siya nagyabang sa Agila.
D. Nanalo siya sa paligsahan.

“PANATILIHING LIGTAS ANG SARILI.”

You might also like