You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Masbate
CAWAYAN WEST DISTRICT
GILOTONGAN ELEMENTARY SCHOOL

Learning Activity Sheet


in Story Time Week 2
8-Week Curriculum

Pangalan:

I. Introductory Concept
Ang Learning Activity Sheets na ito ginawa ko para sa inyo
upang mas lalong mapaunlad ang inyong mga kakayahan sa
pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ng kwento.
Layunin din nito na makatulong sa pagkilala,pagtukoy at
pagsasaayos ng mga bagay na naiiba at magkatulad.

II. Learning Skills from Eight-Week Curriculum


Objectives:
 Nakikilala ang magkatulad na bagay/larawan/titik.EC2
P10
 Natutukoy ang naiibang bagay/larawan/titik. EC2 P10
 Nababasa ang kwentong larawan. EC2 P10
 Naiaayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari sa kwento. EC2 P10
 Nasasabi ang kuwento ayon sa wastong pagkakasunud-
sunod ngmga pangyayari sa tulong ng larawan. EC2 P10
 Nababasa ang mga kuwentong larawan mula kaliwa-
pakanan/itaas-pababa.EC2 P10
III. Mga Kasanayan
Babasahin ng magulang ang kwento para sa pakikinig ng
anak.Sasagutin ang mga tanong pagkatapos ng
pagbasa/pakikinig.

Bilog na Itlog

Guhit ni: Josefina Sanchez


Kwento ni: Allan Santos

Malungkot na naman si Bilog na Itlog


ng
Manok.

Ha!ha!ha!Bilog!
“Oo nga Bilog” Hugis bilog! Naiiba
talaga siya sa atin”, tinutukso na naman siya ng
mga kalarong itlog.

Sabi ni inahing manok, “Bilog ang


buwan ng isinilang si Bilog. Kaya ibang-iba
ang kanyang ayos.
Hindi matulis ang kanyang tuktok, hindi
malaki ang batok.

Madalas ipares sa bola,lobo at holen si


Bilog.
Kaya minsan umalis siyang masama ang
loob. Pupunta ako sa malayong pook,”sabi nyang
nagpagulung-gulong at nagpaikot-ikot.

Sumisikat na noon ang araw sa Silangan. Nakita ng


Araw si Bilog sa isang taniman.”Bakit ka malungkot?
Tanong ng Araw kay Bilog. “Tinutukso nila ako dahil
sa aking ayos”Walang masama sa pagiging Bilog!, Sabi
ng Araw.Masdan mong mabuti ang aking magiging
ayos.
“Wow! Bilog. Pareho pala tayong Bilog! Tuwang-
tuwang sigaw ng Itlog. Oo, tulad ng mga planeta sa
kalawakan, tulad ng mundong iyong ginugulungan;
anang Araw.

Sa paglaganap ng liwanag ng Araw,nagigising ang mga tanim sa paligid


ni Bilog!
Bakit ka malungkot? Tanong ng pakwan sa Bilog
na Itlog.
. “Tinutukso nila ako dahil sa aking ayos”sagot ni
Bilog. “Ang mga pares namin”, sabi ng Pakwan
lalong tumatamis kapag namimintok kaya walang
masama sa pagiging Bilog.

Maya-maya’y nagdaan ang gulong ng Jeep! .


Bakit ka malungkot?tanong nito sa
itlog.“Tinutukso nila ako dahil sa pagiging
Bilog”,sagot ni Bilog. Isipin mo batang Itlog!sabi
ng gulong.” Kung di ako Bilog,paano ako aabot sa
sasakyan para mapalitan ang gulong na
pumutok.Kung wala ako may kotse bang
haharurot?”

Ginabi na sa pag-iisip si Bilog.” Wala naman yatang masama sa aking


ayos. Babalik ako sa mga kapatid ko’t inahing Manok.
Nasalubong ng Buwan si Bilog. “Ginabi ka
yata sa paglilibot”? Bati ng Buwan. Ihahatid kita
sa pag-uwi batang itlog. Kahit pagod masayang
nagpaikot-ikot si Bilog pabalik sa kanyang mga
kapatid at inahing manok.
Gawain 1:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


a. Bilog na Buwan b. Bilog na Itlog

2. Ano ang hugis ng batang “Bilog na itlog”?


a. Bilog b. biluhaba
3. Kanino madalas inihahambing si Bilog na Itlog?
a. Lobo b. holen c. bola
d. lahat ng nabanggit
4. Ano ang hugis ng Araw?
a. Parisukat b. parihaba c. Bilog
5. Bakit malungkot ang batang si Bilog na Itlog?
a. Dahil tinutukso siya sa pagiging bilog.
b. Dahil iniwan siya ng araw.
c. Dahil Nawala ang kanyang kapatid.
Gawain 2.
Bilugan ang naiiba sa bawat Pangkat.

1.

2. A A B
3.

4. a a b
5.

Gawain 3.
Bilugan ang mga larawan na hugis Bilog

Gawain 4.
Iayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
sa kwento. Lagyan ng bilang mula 1 hanggang 5.
____ _____

____ ____

_____

IV. Sanggunian: Eight- Week Curriculum Guide Page10.


-search youtube.com

Prepared by:
RECEL R. FLORES
Teacher I

Noted:
ALECIO A. VERACES, ESP-I
School Head

You might also like