You are on page 1of 5

Rizal Technological University

Kolehiyo ng Edukasyon

Masusing Banghay Aralin Filipino 7

I. Layunin

A. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kuwento sa totoong buhay.

B. Naibibigay ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

C. Napapahalagahan ang aral sa kuwento.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Ang Duwende

B. Sanggunian: Panitikang Pilipino – Ikapitong Baitang Filipino – Modyul para

sa Mag-aaral. Nina: Wilita A. Enrijo. et.al.

C. Mga kagamitan: Kagamitang Biswal, Marker, Larawan.

III. Pamamaraan

A. Rutinang Pansilid-Aralan

1. Pagdarasal

2. Pagbati

3. Pagpuna sa silid-aralan

4. Pagtala ng liban

B. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang araw klase! Magandang araw din po Bb. Loveres!

Klase sa pisara ay may nakadikit na larawan, nais


kong gumawa kayo ng isang maikling pahayag na
pumapatungkol sa larawan. Mayroong dalawang
grupo ang unang pangkat sa kanan, at ikalawang
pangkat sa kaliwa.
Unang Pangkat:

Ang mga kakaibang nilalang sa ilalim ng lupa o


maging sa ibabaw ay dapat huwag ipagsawalang
bahala, totoo man o hindi ay dapat parin natin
galangin ang kanya kanyang paniniwala.

Ikalawang Pangkat:

Ang mga engkanto at iba pang lamang lupa ay di


man natin nakikita, ngunit ito ay nasa ating
imahinasyon.

Magaling! Bigyan natin ng tatlong bagsak ang


bawat grupo.

2. Paghawan ng Sagabal

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Klase bago ako magsimula ay tatanungin ko kayo
kung saan ang inyong mga probinsiya, sige nga
klase sino ang nais magbahagi?

Mag-aaral1:
Bb. Ang probinsiya po namin ay sa Bicol doon po
matatagpuan ang napakasarap na Bicol Express.
Sige pa, sino pa ang nais magbahagi?
Mag-aaral2:
Bb. Ang lolo ko po ay nakatira sa Capiz, Antique,
doon daw po Binibini ay maraming kuwentong
kababalaghan.
Mahusay! Bigyan natin ng Mabuhay clap ang
inyong mga kaklase.

C. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Klase, Ngayon matutunghayan natin ang isa sa
kuwentong bayan ng mga taga Bikol, at sa aking
natatandaan ay pina takdang aralin ko ito sa inyo
ang kuwentong ito ano nga iyong klase?
Ang Duwende po!
Mahusay!

At nasisigurado ko na nabasa niyo na ang


kuwentong iyan, kung kaya’t may larawan ako rito
ng isang duwende at nais ko sa gilid ng duwende
ay ididikit ninyo ang pagkasunod sunod ng
pangyayari sa kuwento, handa na ba klase?
Opo Binibini!

Talaga ngang alam niyo na ang kuwento klase,


bigyan natin ng isang bagsak ang mga
nakipagpartisipasyon.

D. Pagtatalakay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Upang mas maintindihan natin ang kuwentong
bayan ng Bikol ay mayroon ako ditong ilang
katanungan.

1. Bakit kailangang isara ang Bintana at Pinto Mag-aaral1: Bb. Sinasara po ang pinto at bintana,
tuwing gabi? sapagkat kasabihan na kapag hindi ito isinara ay
dadalawin sila ng Duwende

2. Ano ang katangian ng tauhan/duwende sa Mag-aaral2: Bb. Ang duwende ay tuso ngunit
kuwento? matulingin kapag sila ay iyong nagging kaibigan.
3. Ano ang Pisikal na kaanyuan ng Duwende sa Mag-aaral3: Bb. Maliit siya, kasinliit lamang ng
kuwento? isang dalawang taong gulang na bata; pula
angkaniyang mukha; mayroon siyang mahabang
bigote at maputing kulot na buhok.Maigsi ang mga
braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga
kamay niya–malaki para sa kaniyang braso.

E. Pagpapalalim

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Klase naniniwala ba kayo sa kuwentong ating
tinalakay?

Sino ang naniniwala at sino naman ang hindi?


Upang malaman natin ang inyong mga kasagutan
ay papangkatin ko kayo sa dalawa tulad kanina,
ang nasa kanan, ang hindi naniniwala, ang kaliwa
naman ay ang mga naniniwala. Nais kong bigyan
ninyo ng patunay kung totoo ba o hindi ang
duwende.

At para maging gabay ninyo sa inyong pangkatan


ay narito ang Rubriks ubang maging basehan ninyo
sa paggawa.

Kasanayan Bahagdan

Punto/ Patunay 10%

Linaw ng 5%
pagpapaliwanag

Pakiisa ng Pangkat 5%
20%

F. Pagbuo ng Sintesis

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Klase kung mayroong katanungan, paglilinaw sa
ating kuwentong tinalakay ay huwag mahihiyang
magtanong.
Mag-aaral1: Bb. Ikaw po ba ay naniniwala sa mga
duwende?
Klase, tulad ng inyong kamag-aral ay taga Antique
rin ako. Maraming kababalaghan na kuwento,
ngunit di pa ako nakakaranasan makakita ng isa.

Mag-aaral2: Bb. Kung totoo man po o hindi ang


mga lamang lupa na ito, dapat parin po ba natin
silang respituhin?

Oo, naman klase. Totoo man o hindi ang mga


duwende at ilan pang mga lamang lupa ay dapat
parin natin silang respetuhin tulad ng mga nilalang
na nabubuhay sa mundo.

IV. Takdang Aralin

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Sa Pagtatapos ng ating klase, nais kong basahin
ninyo sa inyong bahay ang isa pang kuwentong
kapupulutan ng aral, ito ay isa ring kuwentong
bayang pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok”
Sa inyong pagbabasa ay nais ko ninyong bigyang
kahulugan ang salawikain na ito.

“Tuso man ang matsing ay


naiisahan din.”

Hanngan dito na lamang sa araw na ito, Paalam Paalam narin po Bb. Loveres.
klase!

Inihanda ni: Rexclyn Rose G. Loveres.

Propesor: G. Imelda D. Sioson.

CED03-501A

You might also like