You are on page 1of 7

Paaralan: West Coast College Baitang: 2

DAILY LESSON
LOG Sheena Mae. Olofernes Asignatura: Filipino

Petsa ng Pagturo at Oras: Markahan:

Araw:

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang
mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang
maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa
kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
B. Pamantayan sa Pagtuturo
Ang teksto ay may pinahahayag na ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng pangunahing ideya upang maintindihan
ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang pangunahing ideya ay maaaring matagpuan sa pamagat, unahan, gitna at
huling bahagi ng teksto. Nakatutulong sa pag-unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay ng narinig sa sariling
karanasan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Paggamit ng naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang kuwento
Isulat ang code ng bawat
kasanayan Pahina (3-19) MELC G2 Q1 F2PN-la-2 F2PN-Ilb-2 F2NP-Ila-2

II. NILALAMAN Pag-unawa sa Kuwento Gamit ang Karanasan

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga pahina sa Kagamitang


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan, Visual Aid
III. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Mga bata, balikan natin ang mga naunang aralin natin sa Filipino.
at/o pagsisimula ng bagong aralin.
Sa ating pang-araw-araw na buhay ay nakaririnig tayo ng iba't
ibang kuwento. Madaring ito ay kuwento ni nanay, tatay, ate,
kuya, lolo, old, o ng lyong guro at mga kaibigan.

Sa pakikinig at pagbasa ng teksto, mahalaga na atin itong


nauunawaan. Bukod sa pagkilala sa mga tauhan sa kuwento,
madari ring maiugnay ang mga pangyayaring ito sa ating sariling
karanasan.

Ngayon, tatanongin ko kayo kung ano ano ang mga dapat tandaan
sa pakikinig ng kwento?
(Sagot ng mga batang tumataas ng kamay)

1. Tumgin sa nagkukwento
2. Tandaang mabuti ang mga tauhan ng
kwento.
3. Tandaan ang mga mahahalagang
pangyayari sa kwento.
Magaling!

B. Paghahabi sa Layunin ng Ngayon ay magbabasa ako ng kuwento at unawain itong mabuti.


Aralin Ang kuwento ay pinamagatang “Kakaibang baboy ni kiel” na
akda ni Christina T Fangon.
Walong taong gulang pa lamang si Kiel ay natutuhan na niyang
mag-alaga ng isang baboy.
Kakaiba ang baboy na alaga niya, hindi ito lumalaki, hindi rin
tumataba subalit ito ay bumibigat. Ito ay isang alkansiya, dito
niya ifinatabi ang sobra niyang pera.

Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan ay binibisita niya ang


kanyang alkansiyang baboy at hinuhulugan ito.
Natutuwa siyang marinig ang tunog mula dito. Ang perang
kanyang naiipon ay inilalaan niya para sa kadrawan ng kaniyang
ina.

Lumipas ang mga araw. Sumapit na ang kaarawan ng kaniyang


ina. Kinuha niya ang kanyang baboy, inalog-alog niya hanggang
sa makuha ang lahat ng laman nito.
Tinapik-tapik niya ito at sinabi, pangako pabibigatin kitang muli.
Nakalabas na ngumiti si Kiel at bumiling isang pulang blusa
kasama ang kaniyang kuya Clarence.

Mayroon tayong mga karanasan na maihahalintulad sa ating


nabasang kuwento. Marunong ka rin bang mag-ipon? Madaring
ang sitwasyon na iyong nabasa ay nangyari na sa iyo. Tara
 Si Kiel
balikan natin ang ating kuwento.

 Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?  Hindi po

 Totoo bang baboy ang alaga ni Kiel?  Hinihingi sa Nanay

 Sa palagay mo, saan kinukuha ni Kiel ang ipinanghuhulog  Alkansyang Baboy


niya sa kanyang alkansiyang baboy?
 Mapag-ipon
 Ano ang alaga ni Kiel?
 Binasa at inunawa ko po ang kuwento
 Anong katangian ni Kiel ang ipinakita sa kuwento?
 Iugnay ito sa sarili niyong karanasan
 Paano mo nasagot ang mga tanong sa bilang 1 hanggang 4?

 Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang


higit mong maunawaan ang tekstong nabasa o
napakinggan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin
Ngayon ay makinig ulit sa aking babasahin na kuwento.

Ang pamagat ng kwenton ito ay pinamagatang “Araw Para Sa


Kanya” akda ni Christina T. Fangon.

Araw Para sa Kanya


Maagang nagising ang mag-anak ni Aling Minda. Sabay-sabay
silang kumain ng agahan at mabilis na naghanda para magsimba.
Sa loob ng simbahan ay tahimik na nagdarasal ang lahat,
sumasabay sa awit ng papuri at nakikiisa sa iba pang gawain.
Matapos ang misa ay masayang umuwi ang mag-anak.

 Anong araw nagsimba ang mag-anak ni Aling Minda?

 Saan nagpunta ang mga anak?  Lingo

 Ano-ano ang mga ginawa nila sa simbahan?  Simbahan

 Mahalaga ba ang magsimba?  Nagdarasal at umawit

 Ano ang mga ipinagdarasal mo kapag ikaw ay nagsisimba?


 Opo

 Ang unang dinarasal ko po ang ang


mabuting kalagayan ng aking pamilya sa
pang araw-araw at pagpapasalamat sa
lahat ng binigay ng panginoon.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Makinig sa babasahing kuwento at sagutan ang sumusunod na
tanong.

Ito ay pinamagatang “Mahusay na Kamay” na akda ni Christine


T. Fangon.

Mahusay na Kamay

Hilig ni Jowen ang gumuhit.


Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano pang
nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya.
Sa mga paligsahan siya ay laging nangunguna.
Gayunman, lagi niyang sinasanay ang kaniyang kakayahan dahil
lagi niyang nadalala ang sinasabi ng kaniyang ina, "Kung hindi
mo pauunlarin ang iyong talento ay mawawala iyan sa iyo.
"Sa tuwing naiisip niya, lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang
ginagawa.

Ano ang iba pang tawag sa pagguhit?  Pag-drawing

Magiging magaling kaya si Jowen sa pagguhit kung hindi siya


nagsasandy?  Hindi po

Anong katangian ang maroon si Jowen?


 Matiyag
Sino ang laging nadalala ni Jowen Kaya pinagbubuti niya ang
kaniyang ginagawa?
 Nanay
Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa ating kuwentong "Mahusay
na Kamay"?
 Magaling gumuhit

E. Pagtalakay ng bagong konsepto


at paglalahad ng bagong Panuto: Punan ang bawat patlang. Pilin ang
kasanayan #2
letra nang wastong sagot.

1. Pagkagising sa umaga, upang maipakita ang


pasasalamat sa Diyos, ako ay _______.
a. nagsasayaw
b. kumakanta
c. nagdarasal
d. tumutula

2. Binabawalan ako ni Nanay na maglaro sa


ulan upang ako ay hindi ________.
a. sipunin
b. lumaki
c. malatin
d. maasar

3. Kumakain ako ng gulay at prutas dahil gusto


kong maging ______.
a. payat
b. antukin
c. maganda
d. malusog
4. Pag-uwi ko sa bahay ay natanaw ko agad si
Lolo kaya ako ay agad na lalapit sa kanya at
_______.
a. aasarin siya
b. magmamano
c. magdarasal
d. sasayaw

5. Maraming dala si Nanay nang umuwi siya


galing sa palengke, sasalubungin ko siya at
_______.
a. yayakapin
b. hihingan ng pasalubong
c. tutulungan siyang magbitbit
d. kakawayan

F. Paglinang sa Kabihasaan Karagdagang Halimbawa:


(Tungo sa Formative Assessment)
Basahin ang sumusunod na mga paglalarawan.
Pilin ang letra ng wastong sagot sa loob ng kahon.
1. E
1. Hayop na lumilipad, mayroon silang pakpak
2. B
2. Malambot ito, masarap yakapin at ilagay sa
3. A
ulunan
4. D
3. Bilog at tumatalbog, umiimpis kapag nabutas
4. Pansapin sa likod kung pawisan, pangkuskos sa katawan sa 5. C
paliguan
5. Paboritong gamitin ng mga bata matapos ang
pagguhit ng larawang kanilang ibig

G. Paglalapat ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay
Panuto: Isulau ang tamang sagot upang mabuo ang kaisipan.

A. teksto
B. karanasan
C. maunawaan
D. tanong
E. pag-uugnay

Ang paggamit sa iyong mga karanasan mong kaalaman sa


pagbasa o pakikinig sa isang teksto ay magandang gawi.
Mahalaga ang pag-uugnay o nauna
ng iyong karanasan sa teksto upang higit itong maunawaan.
Ito man ay tula, kuwento, simpleng pangungusap o talata dapat
ito ay nababasa mo nang may pang-unawa. Ang wastong
pagsagot sa mga tanong tungkol sa teksto ay pagpapatunay ng
pag-unawa dito.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang karanasan ng kuwento?  Ang karanasang kuwento ay ang
pagbabahagi natin ng kuwentong
nararanasan natin sa buhay o
pang araw-araw na pwede nating
ibahagi sa mga tao.

Bakit importante ang karanasan ng kuwento?  Sapagkat dito tayo magkakaroon ng


mga realisasyon sa ating buhay. Ang
pag uugnay ng ating mga personal
na karanasan sa ating binasa ay
magbibigay aral sa atin at naiisip
natin na kung tayo ang nasa libro na
ating binasa ano ang gagawin natin
sa tunay na buhay.

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Babasahin ko
ang mga tanong ng dalawa o tatlong besos at pipiliin
niyo ang tamang sagot sa kahon na ipinaskil ko sa
pisara

bumbero
pulis
panadero
guro
doktor
1. Pulis
1. Madalas mo akong makikita, sa kalsada man o sa
opisina. Trabaho kong panatilihin, kaayusan ay
bigyang-pansin.
2. Bumbero
2. Nagliliyab na bahay o gusali man ay hindi ko
katatakutan. Mailigtas lamang ang buhay ninyo't ari-
arian.
3. Doktor
3. Sa klinika at ospital ako'y iyong makikita.
Prayoridad ko ang kalusugan ng mga mamamayan.

4. Guro
4. Pangalawang magulang ang turing sa akin.
Magturo sa mga mag-aaral ang aking gawain.

5. Panadrro
5. Masarap na tinapay, gawa ng aking mga kamay.

J. Karagdagang gawain para sa Karagdagang Gawain!


takdang-aralin at remediation
Bibigyan ang mga bata ng tag-iisang kopya para sa takdang aralin at sasagotan nila ito sa bahay.

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong. Isulat ang letra nang wastong sagot.
Si Putot at Bibot
Akda ni Cristina T. Fangon

Si Putot ay asong masayahin, mapaglaro at magiliw sa kaniyang among si Bibot. Pag-uwi galing sa
paaralan ay sinasalubong ni Putot si Bibot. Palaging pinapakain ni Bibot si Putot. Madalas ay may
pasalubong na tinapay ang amo na galing sa baon nito.
Tuwing Sabado ay sabay na naliligo si Pufot at si Bibot. Namamasyal sila at naghahabulan. Mahal na
mahal ni Bibot ang kanyang asong si Putot.

1. Sino ang may alagang aso?

A.Putot
B. Bibot

2. Ano ang madalas na pasalubong ni Bibot sa alaga?

A kanin
B. tinapay

3. Kailan pinapaliguan ni Bibot si Putot?

A. Tuwing Linggo
B. tuwing Sabado

4. Kung ikaw ay may alagang aso, anong pagkain ang ibibigay mo sa kanya?

A. kanin namay ulam


B. tsokolate

5. Ano kaya ang mararamdaman ni Bibot kapag nawala si Putot?

A. malulungkot
B. matutuwa

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehyang


pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like