You are on page 1of 11

Alamat ng Unang Butiki

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay.
Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina.
Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang
galang sa mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y
walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay
nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim
nitong sinisira.Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso
at walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abut-abot ang
kanyang paghingi ng paumanhin sa mga duwende."Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking
anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Mag-babait na po siya. Pangako po."Pinangaralang mabuti
ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito sa punso dahil masamang
magalit ang mga lamang-lupa.Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak
naman ang napagtuunan ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot
sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.Laking
galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na tinirador ang
mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende."HOY!
BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY
SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG
BAYAWAK...!""Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks
man.""SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA NG
TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO KABA?
NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW
AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG
ITATAWAG SA IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho ang duwende.Dali-daling kumaripas ng takbo
ang nahintakutang bata at nagsisigaw nang..."AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN
MO AKO... AYAW KONG MAGING BUTIKI...!"Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang
pagkasubasob ng anak bago paman ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-
anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo'y bayawak.Palibhasa'y "BUTIKI" ang
huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang itinawag niya rito. Bagama't mabait ay
mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing
dapithapon. Panahon na lang ang hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si
Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili ito ng butiki sa habang panahon. (HOY!
BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)

You might also like