You are on page 1of 1

Ang West Philippine Sea

Dulay, Sherlene Desyre C.

Ang West Philippine Sea o mas kilala bilang "South China Sea" ay isang dagat na pinag-aawayan ng
Pilipinas, Tsina, Vietnam, Brunei at Taiwan. Ang mga lupa rin na nasa West Philippine Sea ay may iba't
ibang pangngalan dahil sa mga ibang bansa na gusto o nais silang kunin.

Ang West Philippine Sea ay pinangalangan na South China Sea dahil sa pagiging daan nito noon ng mga
kastila at iba pang mga taga-ibang bansa sa panahon ng dilim. Ginagamit nila ito sa pagpapa-import ng
mga gamit tulad ng "silk" o "china glass" papunta sa Europa. Dahil ito ay tinuturing daan, ang mga
bansang nakalibot rito ay nag-away dahil ginagamit din nila yun noon para sa parehas na rason.

Ngunit, ang Pilipinas rin ay nakipag-away dahil sa Pilipinas raw talaga ang dagat at ang mga lupa roon.
Ito ay dahil noon pa raw itong nakuha ng ating mga ninuno at meron na rin mga nakatira na mga Pilipino.
Ito rin ay dahil malapit siya sa Philippine Area of Responsibility.

Ang Tsina naman ay pinaglaban ang nine dash line na isinasabing ang South China Sea daw ay sa kanila.
Agad naman itong nabigyan pansin nung nagkakaroon na ng hindi magandang pagaka-unawaan ang mga
gobyerno ng Pilipinas at Tsina. Napunta ang kaso na ito sa ASEAN na sinabi naman na sa Pilipinas daw ito
at pinabalewala ang nine-dash-line ng Tsina na kanilang ikinagalit.

Kahit nanalo man ang Pilipinas, nagmatigas ng ulo ang Tsina at nagpatayo ng kanilang sariling lupa
malapit sa Spratly's na pinag-aawayan din ng dalawang bansa. Hindi nagtagal, nag-usap ang dalawang
pangulo at nagkaintindihan.

Ang South China Sea ay hindi nagpalit ng pangngalan sa ibang bansa ngunit sa deklara ni Benigno
Aquino, ito ay magiging West Philippine Sea sa mapa ng Pilipinas.

Sa ibang bansa naman, ito rin ay nagpalit ng pangngalan. May sarili silang rason at dahil doon, nag-
away rin sila ng Tsina. Sa Spratly Islands, hindi lamang ang dalawang bansa ang nag-away doon pero pati
na rin ang iba. Tulad lang sa Spratly Islands, ang West Philippine ay may maraming yamang dagat at dahil
doon, kakasabi lang kanina, ito ay pinag-aawayan parin.

Kahit anuman ang sabihin nila, ang Pilipinas ay hindi nagpapatalo at nagbibigay rin ng mga papeles na
dinedepensa ang teritoryo ng Pilipinas rito. Pati ang Tsina ay ayaw magpatalo kahit sila'y wala nang
mabigay na depensa. Ang away para sa West Philippine Sea at ang mga lupa rito ay hindi matatapos
hanggang merong mapapakita na malakas na depensa rito.

You might also like