You are on page 1of 2

Ang Kuwintas

1. Mga Tauhan
o Matheldi Loisel- ang magandang may bahay ni G.Loisel na nagmula sa angkan ng mga
taga sulat. Labis ang paghahangad ng karangyaan at kayamanan na malayung-malayo sa
estado ng pamumuhay ng asawa.
o G. Loisel- ang mapagmahal na asawa ni Matheldi, siya ay nagtatrabaho bilang tagasulat sa
Kagawaran ng Instruksyon Publiko. Empleyado lamang ng instruksiyong pampubliko na
labis na ikinalungkot ni Mathilde dahil hindi siya kayang bilhin mamahaling gamit ng
kanyang asawa.
o Ginang Ramponneau – isa sa umimbita kina G. Loisel at Gng.Loisel na dumalo sa isang
kasiyahan.
o Ministro ng Edukasyon – ang nag anyaya sa mag Asawang Loisel sa isang kasiyahan.
o Madam Forestier- siya mayamang kaibigan na nagpahiram ng kuwintas kay Matheldi
Loisel. Na nagpahiram sa kanya ng alahas upang maisuot niya sa kasiyahan.

2. Tagpuan
o Ang mga tagpuang nabanggit sa kwento ay ang bahay nina G. at Gng Matilde,
o Ang sayawan sa palasyo at ang bahay ni Madame Forestier.
o Sa bahay nina G. at Gng Matilde ay dito siya madalas naglalagi at gumagawa ng mga
gawaing pambahay. Dito din niya parating naiisip ang ang pagkahabag sa kanyang sarili
dahil sa uri ng buhay meron siya.
o Sa palasyo ginanap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa kung saan lubos na naging
maganda at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na bestida at kwintas.
o Sa bahay ni Madame Forestier din nanghiram ng kwintas si Matilde para maisuot sa
kasiyahan.

3. Banghay

( Mga Bahagi )

Simula
o Nagsimula ang kwento sa pagpapakilala kay mathilde na maganda at mapanghalinang
babae. subalit sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga
tagasulat.pumayag siyang pakasal sa isang abang taga sulat a kagawaran ng instruksiyon
publiko sapagkat walang paraan upang siya ay makilala ,panuyuan ,bigyan ng dote,at
pakasalan ng isang mayaman o tanyag na lalaki.
Wakas

o Nagkita sina mathilde at madame forestier isang araw. doon isinuwalat ni mathilde ang
tungkol sa kuwintas, sinabi nya rin dito ang lahat ng paghihirap na napagdaanan nya ng
dahil sa kuwintas. nalaman nya mula kay madame forestier na ang kuwintas na ipinahiram
nya sa kanya ay nagkakahalaga lamang ng marahil ay limang daang prangko

(Mga Elemento)

1. Saglit na Kasiyahan

o Ang pagdating ni G. Loisel na may dalang sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang


kasiyahan mula sa MInistro ng Instruksyon Pampubliko.
o Ang pag ayaw ni Mathilde na dumalo dahil siya ay walang damit para sa kasiyahang
dadaluhan.
o Ang pagbibigay ni G. Loisel ng pera kay Mathilde upang ipambili ng kasuotang gagamitin.
o Ang pag hiram ni Mathilde ng kwintas na diyamante sa kaibigan.

2. Suliranin o Tunggalian
o Ang uri ng tunggalian na mayroon sa Ang Kwintas ay Tao sa sarili- isang maigting na
paglaban ng tao sa sarili.
o Sa pagnanais ni Mathilde na maging maganda sa pagtitipon kanyang dadaluhan humiram
siya ng kwintas sa kanyang kaibigan ngunit ito ay kanyang naiwala. Isang malaking
suliranin ito sa kanya at sa kanyang pamilya sapagkat napilitan siyang palitan ang kwintas
na nagresulta ng kanilang paghihirap. Ito ay isang tungalian ng tao sa sarili sa kanyang
naging kagustuhang maging marangya siya din ang nagdusa sa huli.
3. Kasukdulan
o Ang kasukdulan ng kuwentong "Ang Kuwintas" ay nung nawala ni Mathilde ang kuwintas
ng kanyang kaibigan.

4. Kakalasan
o lumipat ng bahay ang mag asawa.
o ang kanilang dinadanas na matinding hirap dahil sa malaking pagkaka utang.

You might also like