You are on page 1of 7

ANG LITURHIYA PARA SA HUWEBES SANTO

(Isang babae mula sa kongregasyon ang tutungo


sa Banal na Hapag at magsisindi ng kandila at
sasabihin:)

Babae: Pinagpala ka, Panginoong Diyos,


Hari ng buong kalawakan; Nilikha
Mo ang apoy, Ikaw ang liwanag,
dinala Mo kami dito sa banal na
kapanahunang ito at iniutos Mo na
sindihan ang kandila ng
kapistahang ito.

(Sisindihan ang lahat ng kandila at aawitin ang


panimulang awit. Matapos ang awit, isang bata
mula sa kongregasyon ang tatayo at tutungo sa
harapan at sasabihin:)

Bata: Padre, ano po ang ibig sabihin ng


pagdiriwang na ito na taun-taon ay
isinasagawa natin para sa Diyos?

Pari: Anak, nang tayo ay mahulog sa


kasalanan at naging masama at ng
tayo ay nagkaroon ng kamatayan,
ipinadala ng Diyos ang kanyang
bugtong na Anak upang tayo’y
iligtas. Kaya’t taun-taon tayo ay
1
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
nagdiriwang bilang paggunita na
makapangyarihang gawa ni
Hesukristo, ang kanyang Pasyon,
kamatayan, at muling pagkabuhay.
Sa pamamagitan ng pag-ibig at
awa, iniligtas tayo ng Diyos at
pinalaya. Taun-taon sa ganitong
pakikipagdiwang kay Kristo, tayo
ay lumalampas mula sa kamatayan
tungo sa buhay.

(Babalik ang bata sa upuan. Sasabihin ng pari sa


bayan:)

Pari: At ngayon umpisahan natin ang


pagdiriwang ng may saya at
kagalakan; pagpalain at purihin
natin ang Diyos na nagligtas sa
atin.

QUIDDUSH

Pari: Pagpalain natin ang Panginoon na


pinagpala.

2
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
Bayan: Pagpalain ang Panginoon na
pinagpala sa lahat ng panahon ng
mga panahon.

Namumuno: Pinagpala ka, Diyos na aming Ama,


ginawa mo at pinamahalaan ang
buong kalawakan, sinubaybayan
mo at ginabayan ang takbo ng mga
nilalang sa lupa at pinili Mo ang
aming mga magulang upang
maging pag-aari Mo. Ibinigay Mo sa
kanila ang kasunduan na ang Israel
ay maging banal na bayan.
Tinuruan Mo sila ng Iyong batas, at
sa pamamagitan ng Iyong mga
propeta ipinahayag Mo sa kanila
ang Iyong katotohanan.

Bayan: Binigyan Mo sila ng oras para sa


kagalakan at panahon para sa
kasayahan. Ibinigay Mo sa kanila
ang Pista ng Tinapay na walang
lebadura upang maisagawa nila
ang pag-aalaala sa Iyong pag-ibig
sa mga sali’t-saling lahi. O
Panginoong Diyos! Anong laki ng
Iyong kaawaan?

3
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
Namumuno: Ang aming mga magulang ay alipin
sa Ehipto. Panginoong Diyos, sa
pamamagitan ng Iyong
makapangyarihang kamay ay
pinalaya Mo sila nang may
kamanghaan. Sila ay dumaan sa
tuyong lupa sa gitna ng karagatan
at dinala Mo sila sa Iyong Banal na
Bundok. Apatnapung taon,
pinatnubayan Mo sila ng ulap at
apoy sa disyerto at ibinigay sa
kanila ang Lupang Pangako upang
sila’y mabuhay at makapagbigay
papuri sa Iyo dahil sa Iyong
pagkakaligtas na tulad nang sa
gabing ito.

Bayan: At tulad nang sa gabing ito:


Pinagpala ka, Panginoong Diyos, ng
aming mga magulang. Pinupuri ka
namin dahil sa Iyong pag-ibig na
ipinakita sa iyong bayang Israel.

Namumuno: Pinagpala ka, O Banal na bayan ng


Israel upang purihin at itaas nang
higit sa lahat. Maging malalaking
kaawaan ay ibinigay Mo sa amin.
Sa tamang panahon ay nanatili ang
4
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
pangakong ginagawa sa
pamamagitan ng Iyong mga
propeta, at ipinadala sa amin ang
tunay na Tagapagligtas, ang Iyong
Anak na si Hesukristong aming
Panginoon.

Bayan: Sa kapangyarihan ng Iyong


Espiritu, ginawa Mo siyang tunay
na tao, sa pamamagitan ni Maria,
ang Birheng Ina, upang baguhin
muli ang Iyong anyo. Ibinigay niya
ang kanyang sarili hanggang sa
kamatayan sa Krus upang iligtas
kami. Binuhay Mo Siya mula sa
libingan upang kami ay palayain.
Itinaas Mo Siya sa Iyong kanang
kamay sa pagluwalhati at sa
pamamagitan niya pinuspos Mo
kami ng nagbibigay buhay na
Espiritu. O Panginoong Diyos,
anong laki ng Iyong kaawaan?

Namumuno: Tinipon Mo kami mula sa iba’t-


ibang bayan at ginawa kaming
kabahagi ng katawan ng Iyong
Anak. Sa kanya ginawa Mo kaming
tagapaglingkod upang makaharap
at makapag-alay sa Iyo ng tunay at
5
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
nararapat na handog katulad ng sa
gabing ito.

Lahat: Katulad nang sa gabing ito:


Pinagpala ka, Panginoong Diyos ng
Israel, dumating siya sa Kanyang
bayan at kami ay pinalaya.

Namumuno: At sa gabing ito, Panginoon naming


Diyos, kami na Iyong bayan, ang
bagong Israel, ay nagkakatipon sa
Iyong harapan. Sapagkat ito ay
pasimula ng kapistahan ng aming
pagkaligtas; ang gabi ng banal na
hapunan, ang gabi ng kamangha-
manghang misteryo. Ibinigay ng
Iyong Anak sa amin ang Kanyang
katawan at dugo nang naisagawa
namin ang pag-aalaala
magpakailanman at aming
maipakita ang kanyang paghihirap
sa lahat ng mga nilikha.

Bayan: Tunay na pinagpala ang gabing ito.


Panginoong Diyos, sapagkat
minsan pa sa gabing ito ay
inanyayahan Mo kami sa
kapistahan ng tinapay na walang
lebadura na ang mga pusong
6
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino
tigmak ng pasasalamat at papuri
ay magkasama-sama sa Iyong
banal na hapunan at sa araw
naming ito ay mapanatili ang
kapistahan ng aming pagkaligtas.
Kami nawa sa taong ito ay manatili
sa Kapistahan ng Paskuwa sa
pamamagitan ng Sakramento,
palatandaan at simbolo at sa
susunod na tao ay magdiwang na
kasama ng Panginoon at nang
lahat ng mga santo sa Iyong
makalangit na hapag sa kaganapan
ng Iyong kaharian.

(Saglit na katahimikan)

7
Liturhiya sa Huwebes Santo
Iglesia Filipina Independiente - Molino

You might also like