You are on page 1of 3

Mga Batas at Tuntunin sa Entrepreneur

1. Magna Carta for small Enterprises


Ang R.A. 6977 o “Magna Carta for small
Enterprises” ay ipinasa ng Kongreso noong 1991
upang maalagaan ang “growing Filipino
entrepreneurial spirit”. Ito ay nagtakda ng
pagtatatag ng “Small and Medium Enterprise
Development Council and a Small Business
Guarantee and Finance Corporation” upang
itaguyod, paunlarin, at tulungan ang maliliit na
negosyo.
2. Fair Trade Laws
Ang “Fair Trade Laws” ay mga batas na
nagtatakda ng hangganan ng presyo ng mga
kalakal at upang maipagtanggol din ang mga
karapatan ng mga mamimili.
3. Business Name Registration
Ang R.A. 3883 ay nagtatanggol sa mangangalakal
sa paggamit ng pangalang nakarehistro sa
goodwill at pagtangkilik na kanyang kinakatawan.
4. Retail Trade Act of 1954
Ang batas na ito ay nagtatakda na ang mga
negosyo lamang na 100% pag-aari ng Pilipino ang
maaaring magbenta nang tingian sa mga
mamimili.
5. Executive Order No.226 o Omnibus Investment
Code
Ang batas na ito ay humihikayat sa mga local at
mga banyagang may balak mamuhunan ng
negosyo sa Pilipinas.
6. Executive Order Nos. 264 and 288 o Traffic
Reform Measures
Ang pagbabago ng estruktura ng taripa at buwis
sa ilang produktong inaangkat ay upang bigyan
ng higit na pagkakataon ang mga local na
industriya na makipagsabayan sa mga
kakompetisyon sa ibang bansa.
7. Decentralization/Localization
Ang pamahalaan ay sumusuporta sa
desentralisasyon ng mga serbisyo sa mga rehiyon
upang lumaki ang partisipasyon ng mga local na
pamahalaan sa mga kritikal na Gawain.
Reference: Masiglang Pamumuhay 4 Para sa
Kinabukasan (Phoenix Publishing House)

You might also like