You are on page 1of 2

Name: _______________________________________________________ Score: ________

SUMMATIVE TEST NO. 1 (4th Grading MAPEH)

I. MUSIC
a. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na elemento ng musika ang naglalarawan ng bilis?
a. rhythm b. melody c. dynamics d. tempo
2. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na tempo?
a. largo b. presto c. piano d. forte
3. Alin sa mga sumusunod ang mabagal na tempo?
a. piano b. largo c. forte d. presto
4. Lahat ng mga awitin ay may tempong presto maliban sa isa. Piliin ang naiiba.
a. “Chua-a b. “Ili-ili Tulog Anay” c.“Akong Manok” d. “Sitsiritsit”
5. Pakinggan ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. Ano ang tempo nito?
a. mabilis at mabagal c. mabagal
b. mabilis na mabilis d. katamtamang bilis

b.Tukuyin ang tempo sa pamamagitan ng paglagay ng tsek ( √ ) sa kahon.

Pamagat ng Awit Largo Presto


6. Ili-ili Tulog Anay

7. Leron-Leron Sinta

8. Sitsiritsit

9. Do a Little Thing

10. Magtanim ay Di Biro

II.SINING
Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.

1. Ilagay ang tinaliang tela sa solusyon mula 5 hangang 15 minuto.


2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye).
4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
6. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
7. Ihalo ang tina, suka at asin sa tubig.
III.P.E.
a. Isulat ang “wasto” kung ang salita ay tumpak at “mali” kung hindi wasto ang pag-uugali.
_______ 1. Hindi ako sumali sa pampasiglang gawain dahil sa tinatamad ako.
_______ 2. Nagsuot ako ng mahabang palda ng kami’y tumatakbo.
_______ 3. Bago kami maglaro inalis ko muna ang aking hikaw.
_______ 4. Nagwalis muna kami ng palaruan bago kami naglaro.
_______ 5. Nakakita ako ng bato sa palaruan at ito’y sinipa ko sa isang tabi.

b. Isulat ang “wasto” kung ang salita ay tumpak at “mali” kung hindi wasto ang pag-uugali.
______ 1. Ang pangalawang manlalaro ang unang hahawak ng baston.
______ 2. Hahawakan ng isang manlalaro ang baston na isang talampakan ang taas at lalakad
patungo sa likod habang lumulundag ang bawat manlalaro nang pasulong.
_______ 3.Pagkalundag ng lahat sa hanay, ang manlalaro bilang 1 na may hawak na baston ay tatakbo sa
paikutang guhit;babalik sa hanay at ibibigay ang isang dulo ng baston sa manlalaro bilang 2.
______ 4.Gagawin ang ginawang pagpapalundag sa bawat manlalaro at ang manlalaro bilang 3 naman
ngayon ang tatakbo sa labas ng paikutang guhit.
______ 5.Ulitin hanggang lahat ay matapos at ang koponang unang makakabalik sa dating lugar o
kaayusan ang panalo.

IV. HEALTH (Tama o Mali)


Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung ang GAWAIN ay Tama at ekis ( X ) naman kung
Mali.
1. Masayang naligo ang mga bata sa tubig-baha.
2. Nakinig si Fe sa radyo upang malaman kung walang pasok dahil sa bagyo.
3. Hindi pinansin ni Mang Alfonso ang mga natumbang puno at sirang linya sa kanilang lugar.
4. Inilayo ni Dan sa kurtina ang kandilang may sindi.
5. Ipinaskil ni Inay ang numero ng teleponong dapat tawagan sa oras ng sakuna.
6. Lasing na nagmaneho ang tsuper.
7. Sumali si Erica sa earthquake drill ng paaralan.
8. Gumamit si Michael ng kawayang kanyon noong BagongTaon.
9. Nanonood ng pailaw sa plasa sina Helen at Julia tuwing pista.
10. Pinagsama-sama ni Repot ang mga basura at itinapon lahat sa ilog.

You might also like