You are on page 1of 3

FIRST SUMMATIVE

QUARTER 4

NAME: ________________________________ DATE: ___________________

MUSIC

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang “Tama” kung wasto ang pahayag,
“Mali” naman kung hindi.

____1. Forte ang tawag sa antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa kaniyang sanggol.

____2. Higit na mas mahina ang pianissimo kaysa sa piano.

____3. Inaawit nang mahina ang isang Lullaby.


____4. Ang simbolo ng decrescendo ay >.

____5. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog kapag ang antas ng dynamics ay
crescendo.

PANUTO: Isulat ang nawawalang dynamics, tempo, simbolo o kahulugan upang makompleto ang talaan.

DYNAMICS SIMBOLO KAHULUGAN


Forte f 1.
2. ff higit na malakas
Pianissimo pp 3.
Decrescendo 4. dahan-dahang paghina
5. < dahan-dahang paglakas
Largo 6.
7. mas mabillis at mas masigna
Mezzo forte 8. hindi gaanong malakas
9. mp mindi gaanong mahina
10. p Mahina

ARTS

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot para mabuo ang diwa ng pangungusap.

MOBILE ART PALAYOK


BURNAY GINTO ITIM NA LUWAD

1. Ang __________ ay pangunahing bagay na kagamitan sa paggawa ng tapayang burnay.


2. Ang __________ ay isang kagamitan sa pagluluto na ginawa mula sa pulang luwad.
3. Ang __________ pangunahing bagay na ginagamit sa paggawa ng sinaunang personal na palamuti ng ating mga
ninunong Pilipino.
4. Ang tapayang __________ ay gawa sa maitim na luwad na nagiging tila kristal kapag naluto o nahurno.
5. Ang ____________ ay uri ng sining na gumagalaw sanhi ng tao o hangin.
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Ang _______ ng luwad sa mainit na baga o apoy ay kinakailangan upang ito ay maging matibay.
A. paghuhurno B. paglalapag C. paglilitson D. pagsisiga
7. Ang tapayang ________ ay gawa sa maitim na luwad na nagiging tila kristal kapag naluto o nahurno.
A. banga B. burnay C. palayok D. tapayan
8. Ang siyudad ng _____________ ay kilala sa tapayang burnay.
A. La Union B. Pampanga C. Pangasinan D. Vigan
9. Ang paso ay gawa mula sa __________ uri ng luwad.
A. dalandan B. dilaw C. itim D. pula
10. Ang ____________ ay sinaunang banga na nagsisilbing pangalawang libingan.
A. bangang Manunggul B. burnay C. palayok D. tapayan
11. Ang ________ ay kaaya-ayang paggalaw ng kulay, hugis, linya o biswal at hindi- biswal na pandama.
A. ginto B. itim na luwad C. mobile art D. ritmo
12. Ang ________ ay uri ng sining na gumagalaw sanhi ng tao o hangin.
A. ginto B. mobile art C. paper bead D. paper mache
13. Ang _________ ay pangunahing bagay na ginamit sa paggawa ng sinaunang personal na palamuti ng ating mga
ninunong Pilipino.
A. ginto B. palayok C. paper bead D. paper mache
14. Ang _________ ay pangunahing bagay na kagamitan sa paggawa ng tapayang burnay.
A. ginto B. itim na luwad C. pulang luwad D. tapayan
15. Ang ________ ay isang kagamitan sa pagluluto na ginawa mula sa pulang luwad.
A. mobile art B. palayok C. paper bead D. paper mache

PE
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang makulay na sayaw na ang mga mananayaw ay gumagamit ng tatlong “tinghoy”
A. Pandanggo sa Ilaw C. Singkil
B. Maglalatik D. Tinikling
2. Ang sayaw na Singkil ay may saliw at tunog na dulot ng kawayan at ang babaeng mananayaw ay nakabihis sa
eleganteng ________.
A. Camisa de Chino C. Muslim na kasuotan
B. Baro’t saya D. Patadyong
3. Ang sayaw na tinikling ay nagmula sa lalawigan ng mga ___________.
A. Bohol at Leyte C. Leyte at Samar
B. Leyte at Visayas D. Samar at Surigao
4. Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nagsimula sa ________, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas.
A. Marinduque B. Masbate C. Mindanao D. Mindoro
5. Ang Maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni ________ tuwing buwan ng Mayo.
A. San Isidro Labrador B. San Miguel Arkanghel
C. San Nicolas de Tolentino D. San Vicente Ferrer
PANUTO: Punan ang patlang ng tamang salita o parirala upang mabuo ang diwa ng pahayag. Hanapin ang mga sagot sa
loob ng kahon.
1. Ang sayaw na Singkil ay nagsasaad ng kuwento tungkol sa _______.
2. Ang sayaw na ______ ay makulay at hindi pangkaraniwan dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o
“tinghoy”.
3. Ang sayaw na Maglalatik ay naglalarawan ng labanan ng mga _____________.
4. Ang Tinikling ay inuugnay sa pagdiriwang na may kinalaman sa _______.
5. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ang anumang mga sayaw ay tinuturing na _____.

MORO AT ESPANYOL AGRIKULTURA PRINSESA GANDINGAN

NA MASIGLA AT BUHAY NA BUHAY PANDANGGO SA ILAW


HEALTH

PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakapagpapanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang tao.
2. Naiiwasan ng pangunahing lunas ang paglala ng mga pinsalang natamo o nararamdaman.
3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay ng isang tao.
5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at kasanayan.

PANUTO: Iguhit ang puso kung tama ang isinasaad ng pangungusap at buwan
naman kung ito ay mali.
1. Ang paunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.
4. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng paunang lunas ay upang maisalba ang buhay.

PANUTO: Hanapin sa word search puzzle ang sampung (10) salita na mayroong kinalaman sa paglalapat ng pangunang
lunas o first aid.

You might also like