You are on page 1of 3

SAWIKAIN

1. Alilang-kanin 2. Balik-harap

Kahulugan: Utusang walang bayad o

katulong sa bahay ngunit pinapasweldo.

Halimbawa: Alilang-kanin si Gema ng kanyang amo.

Kahulugan: Taksil (mabuti ang


pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.)

Halimbawa: Naging balik-harap si aling


Teresita sa kanyang kaibigan dahil sa pera.

3. Malapad ang papel 4. Di mahapayang gatang

Kahulugan: Maraming koneksyon sa tao. Kahulugan: Sobrang yabang

Halimbawa: Malapad ang papel ni Mayor Franco Halimbawa: Dahil sa pagiging di


mahapayang kaya madali niyang makuha ang mga impormasyong gatang ni Ruben, sinuntok siya
ng kainuman .gusto niyang malaman. niya kagabi

5.Talusaling
Kahulugan: Manipis ang balat

Halimbawa: Huwag kang masyadong magbilad

sa araw kasi sabi ni Inay talusaling ka raw.


ANG BATIK NG BUWAN
Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.


Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na
ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan
sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.
Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming
damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag
niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak.
Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan.
Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang
mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang
madikit sa kanya ay biglang natunaw. Hindi naman nagtagal at umuwi n
ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang
bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't
hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga
anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag
kang magsisinungaling!”
Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang
isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na
ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya
maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng
isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa
nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan
ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon
ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

You might also like