You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG

PILIPINAS
Lalawigan ng Marinduque
Bayan ng Boac

Tanggapan ng Punong Bayan

“Itong bulaklak na alay


Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo, O Birheng mahal
Ng tuwa sa kalangitan.”

Ito ang bahagi ng ating dalit kung tayo’y nag-aalay ng mga masamyong bulaklak sa
paanan ng Mahal na Birheng Maria tuwing buwan ng Mayo. Ang maringal na piyesta
ng mga bulaklak bilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen ay naging bahagi na ng
ating tradisyon at kalinangang Boakenyo.

Sa mga pamayanan dito sa ating bayan, bawa’t isa ay nagiging aktibong bahagi ng
tradisyon ng Flores de Mayo o kilala din bilang Mayflower festival. Sa loob ng buong
buwan ng Mayo, dinadasal natin ang Dalit kay Maria upang sa kanyang
pamamagitan ay maiparating sa Panginoon ang ating mga mithiin at adhikain,
magpaabot ng pasasalamat sa mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa atin, at
panalanging panatilihin tayong malusog, ligtas sa mga kalamidad, at maging
masagana ang buhay ng bawa’t isa.

Bagama’t ito na ang aking huling termino dito sa ating Bayan, hinahangad ko po na
mapalawig pa ang tradisyong ito at matagumpay na mailunsad sa taong ito. Buong
karangalan kong binabati ang Hermanidad ng Boac Mayflower 2019, lakip ang aking
pag-asa na ang inyong mga palatuntunan sa taong ito ay higit pang maging bukal ng
malalim na pananampalatayang Kristiyano.

Dalangin ko rin na maging daan ito upang ibayo pang payabungin ang inyong
pagkakaisa at pagsasabuhay natin sa diwa ng bayanihan.

ROBERTO MERCENE MADLA, C.E.


Punong Bayan

You might also like