You are on page 1of 27

Panalangin ni

Papa Francisco
kay Maria
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

“Kupkupin mo kami
sa iyong pagkakandili,
O Mahal na Ina ng Diyos.”
Sa kasalukuyang
nakalulungkot na sitwasyon
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

na ang mundo ay
pinaghaharian ng
hirap at takot, kami’y
napaaampon sa iyo,
Mahal na Ina ng Diyos
at amin ding Ina, at
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

Napakukupkop sa iyong
pagkakandili. O Birheng
Maria, itunghay mo
sa amin ang mga mata
mong maawain sa gitna ng
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

pandemya ng coronavirus.
Aliwin mo ang mga
namimighati sa pagyao
ng kanilang mahal sa buhay,
na kadalasa’y naililibing
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

nang di man lamang


nila nasilayan. Samahan
mo ang mga nag-aalala
sa kanilang mga maysakit
na mahal sa buhay,
na hindi man
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

lamang nila masamahan


para hindi sila mahawahan.
Punuin mo ng pag-asa
ang mga nababagabag
sa walang katiyakang
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

kinabukasan at bunga
nito sa ekonomiya at
hanapbuhay. Ina ng
Diyos at amin ding Ina,
ipanalangin mo kami
sa Diyos Ama ng
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

awa, na ang laganap


na pighating ito ay matapos
na at muling sumilay ang
kapayapaan at pag-asa.
Isamo mo sa iyong mahal
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

na Anak, tulad ng ginawa


mo sa kasalan sa Cana, na
aliwin ang mga pamilya
ng mga maysakit at mga
biktima upang buksan ang
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

kanilang mga puso sa


pagtitiwala at pananalig.
Ipagsanggalang mo ang
mga doctor, nars, ang mga
tagapangalaga ng
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

kalusugan at ang mga


nagkukusa sa pagtulong, na
nasa unahan ng laban na ito,
na sinusuong ang panganib
maging sa kanilang buhay
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

para sa kaligtasan ng buhay


ng iba. Itaguyod mo sila sa
kanilang pagpupunyagi at
panatilihin mo silang
malusog, malakas at
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

mapagbigay. Manahan
ka sa mga nag-aalaga sa
maysakit, araw at gabi, at sa
mga paring tumutulong at
nagmamalasakit sa lahat
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

dahil sa gampanin ng
pagpapastol at pagsunod
sa Mabuting Balita.
Mahal na Birhen, liwanagan
mo ang isipan ng mga
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

nagsusumikap na tuklasin
ang lunas para puksain ang
virus na ito. Nawa ang mga
namumuno sa mga bansa,
taglay ang karunungan,
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

pagmamalasakit at
pagkamapagbigay ay
tulungan ang mga lubhang
nangangailangan at bumuo
ng panlipunan at
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

pang-ekonomiyang lunas
na isinasaalang-alang ang
hinaharap at ang ikabubuti
ng lahat. Maria na Lubhang
Banal, pukawin mo ang
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

aming budhi, upang ang


inilalaan naming malaking
pondo para sa pagtuklas
at paggawa ng mga
mapamuksang armas ay
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

mailaan sa makabuluhang
pagtuklas kung paanong sa
hinaharap ay maiwasan ang
ganitong mga trahedya.
Minamahal naming Ina,
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

tulungan mo kaming
mapagtanto na kami ay
nabibilang sa isang
malaking pamilya at
kilalanin na may
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

nagbubuklod sa amin
upang sa diwa ng kapatiran
at pagkakaisa, matighaw
namin ang laganap na
kahirapan at
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

pangangailangan.
Gawin mo kaming matatag
sa pananampalataya,
matiyaga sa paglilingkod at
marubdob sa pananalangin.
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

Maria, Kaaliwan ng mga


Nagdurusa, yapusin mo ang
iyong mga nasisiphayong
anak at ipanalangin mong
hanguin kami ng Diyos at
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

palayain sa kasalukuyang
salot upang manumbalik
ang mapayapang takbo ng
aming buhay. Sa iyo na
nagniningning sa aming
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

paglalakbay bilang
pag-asa nami’t kaligtasan,
ipinagkakatiwala namin ang
aming mga sarili,
Panalangin ni Papa Francisco kay Maria

O maawain, at
maalam at matamis
na Birheng Maria.

AMEN.

You might also like