You are on page 1of 2

St.

Francis Xavier Parish


Cadena de Amor St., Brgy. Mayamot, Antipolo City
Founded: 1978

Darasalin sa Panalangin ng Bayan (tuwing Linggo, Hunyo 18, 19, 25, at 26)

Panalangin para sa ika-sampung


Pandaigdigang Pagpupulong ng mga Pamilya

Amang nasa Langit,


kami ay dumudulog sa Iyo
upang purihin Ka at pasalamatan
sa dakilang biyaya ng pamilya.

Nananalangin kami sa Iyo


para sa lahat ng pamilya
na binasbasan sa Sakramento ng Matrimonio.

Nawa’y muli nilang matuklasan


bawat araw ang biyayang kanilang natanggap.
Bilang Munting Simbahan,
nawa’y matutunan nila kung paano
maging tagapagpatunay sa Iyong presensiya
at sa pagmamahal ni Kristo sa Simbahan.

Nananalangin kami sa Iyo


para sa lahat ng pamilyang nahaharap
sa kahirapan at pagdurusa
dulot ng sakit o mga pangyayari
na Ikaw lamang ang nakakaalam.

Itaguyod sila at ipaalam sa kanila


ang landas tungo sa kabanalan
kung saan Mo sila tinawag,
upang maranasan nila ang Iyong
walang hanggang awa
St. Francis Xavier Parish
Cadena de Amor St., Brgy. Mayamot, Antipolo City
Founded: 1978

at humanap ng mga bagong paraan


para lumago sa pag-ibig.

Nananalangin kami sa Iyo


para sa mga bata at kabataan.
Nawa’y matagpuan Ka at tumugon
ng may kagalakan sa bokasyon
na inilaan Mo para sa kanila.

Ipinapanalangin namin
ang mga magulang at mga lolo at lola.
Nawa’y magkaroon sila ng kamalayan
na sila ay mga tanda
ng pagiging ama at ina ng Diyos
sa pangangalaga sa mga bata
na sa katawan at espiritu
na ipinagkatiwala Mo sa kanila
at para sa karanasan ng pagkakapatiran
na kayang ibigay ng pamilya sa mundo.

Panginoon, loobin Mo
na ang bawat pamilya ay magsabuhay
ng kani-kanilang bokasyon
tungo sa kabanalan sa Simbahan
bilang panawagan na maging
mga misyonerong alagad,
sa paglilingkod sa buhay at kapayapaan,
sa pakikipag-kaisa sa mga pari,
relihiyoso, at lahat ng bokasyon sa Simbahan.
Pagpalain Mo ang Pandaigdigang
Pagpupulong ng mga Pamilya. AMEN.

You might also like