You are on page 1of 1

na minamaneho na kadalasang nagdudulot

Buhay ng Tsuper ng aksidente sa kalsada at trapiko.

Tunay nga na ang buhay ng mga tsuper ay


Sakripisyong maituturing ang pagiging hindi biro. Ang kanilang buhay ay katulad
isang tsuper ng dyip. Bilang anak ng isang din ng daanan o kalsada. Ang mga lubak
tsuper, nakikita ko ang sakripisyong na daanan ay sumisimbulo sa mga
dinadanas ng aking ama. Aalis siya ng panahong hirap kumita. Samantala, ang
malakas, masigla, may ngiti sa mukha at patag at mainam na daan naman ay
uuwing lupaypay sa magdamag na sumisimbolo sa mga panahong
pagpapasada dala ang kakarampot na kita. nakakaranas ng kariwasaan at malaking
Sa isang pagkakataon sa aking buhay, ako kita. Ang mga "U - Turn" naman ay
ay sumama at naranasan ang pagpapasada sumisimbulo sa pagbangon at
ng magdamag sa kalsada. Doon ko nakita pagsisimulang muli sa panibagong byahe
ang halaga ng bawat pisong ibinabayad ng ng buhay.
mga pasaherong akyat baba sa aming
dyip. Naiintindihan ko na ngayon kung
bakit ganoon na lamang ang paghihigpit
ng aming ama sa pagbibigay ng pera sa
aming magkakapatid.

Ang pagpapasada ang isa sa pangunahing


ikinabubuhay ng maraming pamilyang
Pilipino. Sa bawat pagtaas ng presyo ng
gasolina lalo nitong naapektuhan ang
magiging kita ng bawat tsuper. Ito ay
nangangahulugan na kailangan pa nilang
mas pag-igihin ang pagpapasada sa bawat
oras. Doble kayod pa ang dapat nilang
ipakita upang matustusan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Idagdag mo pa ang araw-araw na
nagpapahirap sa kanila na tirik na araw at
maitim na usok na kanilang nalalanghap
sa kalsadang tinatahak.

Ayon sa salaysay ng aking ama, maraming


nakakatuwa, nakakainis at nakakapikon na
eksena habang nagpapasada. Mayroong
mga hindi nagbabayad o kung tawagin
nila ay mga "123". Nagtutulugtulugan at
mayamaya di mo namamalayan mga
nakalibre at nakababa na pala. Mga lasing
na pasahero na nangungulit sa kapwa
byahero na minsan ay nagdudulot pa ng
gulo. At higit sa lahat, mga kapwa drayber
o tsuper na matutulin magpatakbo ng dyip

You might also like