You are on page 1of 3

Alamat Daw ng Gatas

(Book Review)

Anjo G. Labrador

9 – Gold
I. TALASALITAAN
 nasisikmura – nakakayanan
 karumal-dumal – kasuklam-suklam
 pagkahimbing – pagkatulog
 dakipin – hulihin
 pagyanig – malakas na paggalaw
II. TUNGKOL SA MAY-AKDA

Si Russele Lovedioro, A.K.A. Pekoiman ay isang artist na may malawak na


imahinasyon. Hilig niya ang magdrawing lalo na kung wala siyang ginagawa. Madalas siyang
makikita sa mga Computer Shop habang naglalaro ng online games, o hindi kaya naman ay
nanonood ng kung anu-ano sa Internet.

III. TAGPUAN
 Kaharian ng Dessertia
IV. TAUHAN
• Ubebe • Ubeybi
• Saging • Sago
• Gulaman • Yelo
• Pinipig • Boss Langka
• Corn • Mirkoo
• Mangga • Prinsesa Condensada
• Prinsesa Eva • Nata de Ngongo
• Dating kawal ng palasyo • Mga ngipin
• Jerald at Jericho • Mr. Flans
• Leche • Uyu
• Pinkberry • Macapuno
•Doray • Damap
•Butch • Mga Ahas
•Iscream • Dyosa Melai
V. BUOD

Noong unang panahon, tahimik na namumuhay ang mga sahog sa kaharian ng


Dessertia. Dito ay hindi masisilayan ang anumang uri ng krimen, mga taong nagtatago matapos
mangutang, mga tsismosong kapitbahay at higit sa lahat mga jejemon. Perpektong lugar na sana
ito kung maituturing, kung saan ang lahat ay sumusunod sa pamamalakad ng mabuting hari
ngunit ang lahat ng ito ay biglang magbabago dahil sa isang trahedya. Isang araw ay bigla na
lamang nagdilim ang buong kalangitan, at mula sa hindi kalayuan ay umalingawngaw ang mala-
halimaw na boses ng hindi malamang nilalang na siyang nagbigay ng matinding takot sa lahat ng
mamamayan ng Dessertia. Yumanig ang kalupaan, bumuka ito at tila gutom na halimaw na
kinain ang mga kabahayan at mga sahog na nahagip nito. Kasunod noon ay unti-unting pumatak
ang mga puting butil ng tubig na sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin. Mula sa madidilim
na ulap ay isa-isang nagsulputan ang mga mala-higanteng bakal na may kakaibang hugis, sunod-
sunod itong nagbagsakan na animo’y mga bomba at walang awang sinira ang lahat ng tinamaan
nito. Ito ang alamat na nabasa ni Ubebe na siya pa lang mangyayari sa kasalukuyan.

Nagsimula ang lahat ng bigla na lamang lumabas sa aklat na pinagmulan ng alamat si


Mirkoo, ang kanang kamay ni Prinsesa Condensada, siya ang nagbanta at humingi ng tulong kila
Ubebe at iba pang sahog upang tulungan siyang mapigilan ang nalalapit na delubyo na dulot ni
Prinsesa Eva. Matapos matipon ang lahat ng mga sahog ay nagsimula na silang maglakbay
papunta sa palasyo upang mapigilan ang masamang balak ni Prinsesa Eva. Sa kasamaang palad
ay nagkahiwa-hiwalay sila at dumanas muna ng maraming pagsubok bago muling magkita-kita.
Sa kanilang muling pagsasama ay unti-unti ng nagaganap ang nakatala sa alamat kaya naman
agad silang pumasok sa palasyo at kinaharap ang lahat ng humadlang sa kanila. Matapos ang
mahabang labanan ay humantong na sa huling labanan na siyang magtatakda ng kapalaran ng
kaharian ng Dessetia. Ang huling labanan ay sa pagitan ni Prinsesa Condensada at Prinsesa Eva.
Sila ay nagkaroon ng duelo sa pamamagitan ng mga baraha. Sa huli ay namayani pa rin ang
kabutihan at winakasan na ni Prinsesa Condensada ang kasamaan ni Prinsesa Eva.

Sa wakas ng kwentong ito ay muli na namang napatunayan na hindi kailanman


magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan. Matapos ang maladelubyong pangyayari sa
kaharian ng Dessertia ay bumalik na ngang muli ang lahat sa dati kung papaano ito bago ang
delubyo.

VI. TEMA

You might also like