You are on page 1of 127

UNANG MARKAHAN (Aralin 1)

Sabjek: Filipino Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Nilalaman: akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Naisasagawa ng mag-aaral ang isang


Pagganap: makatotohanang proyektong panturismo

Kompetensi:  Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na


kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap
F7PT-Ia-b-1
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong
bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga
tauhan F7PN-Ia-b-1

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan hinggil sa
kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan.
Saykomoto Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang
r: kasalungat na kahulugan
Apektiv: Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa pagsunod sa
mga alituntunin

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kuwentong Bayan: Ang Pilosopo (Kuwentong
Maranao)
B. SANGGUNIAN www.rexinteractive.com
http://documents.tips/documents/panitikang-
muslim.html

C. KAGAMITANG Bond paper, lapis, pangkulay, kartolina


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyun 1. Nasubukan n’yo na bang magpunta sa isang
al na Tanong: lugar na kung saan hindi kasama ang magulang
n’yo?
2. Saan ka nagpunta? Anong dahilan?
3. Ano ang kauna-unahang bilin ng iyong
magulang?
4. Mahalaga ba ang kanilang mga bilin? Ipaliwanag
Aktiviti/Gawain ang sagot.

 Pag-alis ng Sagabal (Pangkatang Gawain)


1. Ipaskil sa pisara ang sumusunod na salita:
Luminga-linga, . Matanto, Umiiral, Alituntunin,
Hinabilin
2. Ibigay ang kahulugan sa pamamagitan ng pagbuo
ng mga titik na nasa loob ng kahon/basket.
3. Bigyan ng tig-iisang kahon/basket ang bawat
pangkat na naglalaman ng mga titik.
4. Paunahan sa pagbuo ng salita.
5. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang
binigyang-kahulugan at ang kahulugan nito.
Luminga-linga – nagpalingon-lingon sa
paligid
Matanto – malaman
Umiiral – nangingibabaw, nangyayari
Alituntunin – patakaran, dapat sundin
Hinabilin – pinagkatiwala
 Gamitin sa pangungusap ang mga salitang
binigyang kahulugan.
B. PAGLALAHAD  Ipabasa nang may damdamin ang akdang “Ang
Abstraksyon Pilosopo”. Tumawag ng piling mag-aaral.
(Pamamaraan ng 1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano
Pagtalakay) ang katangian ng mga taong naninirahan dito?
2. Ano ang pinagkaiba ni Subekat sa ibang mga
naninirahan doon?
3. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa
kanilang
paglalakbay?
4. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni
Subekat sa mga
alituntunin?
5. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan sa
panahon ni Abed? Mayroon
ding bang ganoong suliranin sa kasalukuyan?
Ipaliwanag ang sagot.

C. PAGSASANAY  Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng


Mga Paglilinang salitang italisado sa loob ng pangungusap.
na gawain Pagkatapos gamitin sa pangungusap ang
kasalungat na kahulugan. (5 aytems)
D. PAGLALAPAT  Mga pahayag na nagpapakita ng kaugalian at
Aplikasyon kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong binasa batay sa pangyayari at usapan
ng mga tauhan:
1. Isang araw nagtipon ang mga tao upang
magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal).
2. Noong unang panahon, may isang bayan na ang
naninirahan ay mga taong sunudsunuran na
lamang dahil sa takot na masuway ang batas na
umiiral sa nasabing bayan.
3. Ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang
baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay
ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang
dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom
dahil sa liit ng kanyang tinapay.
4. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating
si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at
sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na
maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya
siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis
nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na
kasama si Subekat o hindi.
5. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang
nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi
ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa
kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod
sa mga alintuntunin, wala siyang magandang
kinabukasan.
 Iproseso ng guro ang mga paliwanag ng mga mag-
aaral.

E. PAGLALAHAT Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-


Generalisasyon aaral.

”Paano maipamamalas ang kahalagahan sa


pagsunod ng mga alituntunin ng ating magulang o
paaralan o bansa?”

IV. PAGTATAYA  Pangkatin ang klase sa anim.


 Iguhit sa isang cartolina
1. Mahalaga bang sumunod sa alituntunin na
ibinibigay sa atin? Ipaliwanag sa sagot?
2. Ano kaya ang maaaring mangyayari kung hindi
tayo susunod sa mga alituntunin? Palawakin ang
sagot.
3. Magbigay ng isang sitwasyon na nangyayari sa
ibang lugar sa ating bansa na sa tingin ninyo
nagpapatunay na naging epekto dahil sa hindi
pagsunod sa mga alituntunin.
V. TAKDANG-ARALIN Katulad ni Subekat na hindi sumunod sa kung ano
ang bilin ni Abed, mayroon bang pagkakataon na
kung saan kayo ay hindi sumunod sa magulang.
Kaya, maglista ng limang bilin o payo ng inyong
magulang. Isulat sa inyong kwaderno.

BILIN/PAYO DAHILAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Mga Gabay ba Tanong:
 Mayroon bang ipinagbawal ang inyong magulang?
 Sinunod ba ito? Bakit?
 Sa palagay ninyo, bakit nila ito ipinagbawal?

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


SANAYANG AKLAT (Grade 7)
Sa kabuoan ng markahangUnang ito, ating lakbayin ang mga Akdang Pampanitikan na
Markahan
sumasalamin sa kultura at paniniwala ng Mindanao.
Kaya… Tara na! Samahan ninyo ako sa paglalakbay… Maglakbay tayo patungo sa
pulo ng Mindanao. Sa paglalakbay na ito ay may mga istasyon tayong hihintuan upang
tuklasin ang makulay at mayamang kultura at paniniwala ng mga Muslim. 1Ang salitang
Muslim ay nangangahulugang “isang taong nagpasakop kay Allah”.
2
Pangalawa ang Mindanao sa pinakamalaking pulo ng ating bansa, ito rin ang
tinaguriang Lupang Pangako ng Pilipinas. Masasalamin sa panitikang Mindanao ang
kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga pangkat-etnikong naninirahan dito.
1
Ang panitikan ng mga Muslim sa iba’t ibang panahon ay iba sa panitikan ng ibang
rehiyon sa Pilipinas. Sa dahilang hindi nasakop ang mga Muslim ng mga Kastila at
Amerikano, hindi nabago ang panitikan ng mga Muslim sa bansa – nagpasalin- salin
lamang ang mga ito.
Ang panitikan ng mga Muslim sa Pilipinas ay hindi gaanong kaiba sa panitikan ng
mga Muslim sa Timog Silangang Asya. Ang panitikan nila ay sinasalita at kaunti lamang
ang mga sinusulat. Halos lahat ng panitikan ay matalinhagang patula at hindi pasalaysay.
2
Sa lalawigan ng Lanao, tanyag ang Agamaniyog o ang kalipunan ng mga kilalang
pasalindilang panitikan sa nasabing lugar. Ang Agamaniyog ay isinalarawan bilanag
lupain ng karangyaan at kaluwalhatian. Ang agama ay isang salitang Sanskrit na hiniram
ng mga wikang Maranao at Malay na nangangahulugang “relihiyon” subalit ginamit ito ng
mga Maranao bilang salitang tumutukoy sa mga bayan o lugar na may lupain, mga tao,
may moske, kayamanan at kapangyarihan. Kapag idinugtong sa salitang agama ang
salitang niyog nagiging Agamaniyog na nangangahukugang “Lupain ng mga niyog”.
Ngayon, simulan na nating lakbayin ang makukulay na akdang Pampanitikan ng
Mindanao.

1http://documents.tips/documents/panitikang-muslim.html

2
PINAGYAMANG PLUMA 7 (K to 12)
ARALIN 1 Sesyon 1
Kwentong-Bayan: “ANG PILOSOPO”
TUKLASIN

Simulan nating tahakin ang unang istasyon… alamin natin ang kaalaman at
mga gawaing nakahanda para sa pagpapalawak ng inyong kaalaman at
magpapaigting ng inyong interest sa kultura ng mindanao.
Ang akdang “Ang Pilosopo”, isang kwentong-bayan na nagmula sa mga Maranao.
Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng
katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o
pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan
ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
Ihanda ang inyong mga sarili sa pakikinig sa makulay at puno ng aral na akdang “Ang
Pilosopo”.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Nasubukan mo na bang magpunta/maglakbay sa isang lugar na kung saan
hindi kasama
ang magulang mo?
2. Saan ka nagpunta?
3. Ano ang kauna-unahang bilin ng iyong magulang?
4. Mahalaga ba ang kanilang mga bilin? Ipaliwanag ang sagot.
Palaguin Mo Pa

GAWAIN 1

1. Ipaskil sa pisara ang sumusunod na salita:

Luminga-linga Matanto
Umiiral Alituntunin
Hinabilin

2. Bigyan ng tig-iisang kahon/basket ang bawat pangkat na naglalaman ng mga titik.


3. Ibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagbuo ng mga titik na nasa loob
ng kahon/basket.
4. Paunahan sa pagbuo ng salita.
5. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang binigyang-kahulugan at ang kahulugan
nito.

PAGSUSURI
Gawain 2

Gamitin sa pangungusap ang mga salitang binigyang kahulugan.


1. Luminga-linga
kahulugan: _________________________________________
pangungusap: ______________________________________________________________

2. Matanto
kahulugan: _________________________________________
pangungusap: ______________________________________________________________

3. Umiiral
kahulugan: _________________________________________
pangungusap: ______________________________________________________________

4. Alituntunin
kahulugan: _________________________________________
pangungusap: ______________________________________________________________

5. Hinabilin
kahulugan: _________________________________________
pangungusap: ______________________________________________________________
Ang Pilosopo

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong
sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing
bayan.
Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng
kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga
naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng
pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para
mabigyan ng pagkain
Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed
ALAM MO na
BAmay
NA…nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat
at nakita niya ang kaldero
na kunin kinaumagahan ang kanyang
Ipabasa nang parte dahil
may damdamin angmay inilaan
akdang saPilosopo”.
“Ang kanya. Tumawag ng piling
Isang araw nagtipon
mag-aaral. ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling
pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang
mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa
mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na
hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring
sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis
nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis
ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang
ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking
daliri.
Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at
naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang
pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila,
naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang
ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit
lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato
ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa
pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang
makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat
isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao
ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato.
Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si
Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang
nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran.
Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala
siyang magandang kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao


Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D.
Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D.
PAGSASANAY

1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano ang katangian ng mga taong
naninirahan dito?
2. Ano ang pinagkaiba ni Subekat sa ibang mga naninirahan doon?
3. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan?
4. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa kanilang paglalakbay?
5. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni Subekat sa mga alituntunin?

PAGSASANAY

Panuto: Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng salitang


italisado sa loob ng pangungusap. Isulat sa inyong kuwaderno.

1. Luminga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may


isang nakatutok lamang sa pagkakamasid sa kanya.
2. Kung gusto mong matanto ang mga nangyayari sa paligid, huwag mong
hayaang maging mangmang ka.
3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao sa kabila ng unti-unti nang pagkawala
ng magagandang kaugalian.
4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa kapakanan ng tao na hindi lang para
pagbawalan tayo kung hindi para malayo tayo sa kapahamakan.
5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong bunsong kapatid na maiiwan,
delikado kung ipagwawalang bahala mo lang na maiiwan siya.

PAGLALAPAT

Ang sumusunod ay mga pahayag na nagpapakita ng kaugalian at kalagayang


panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong binasa batay sa pangyayari at
usapan ng mga tauhan. Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng
lugar na pinagmulan ng kwentong binasa batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan. Ipaliwanag ang mga sumusunod.

1. Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor


(pantanghaling pagdarasal).
2. Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga
taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na
umiiral sa nasabing bayan.
3. Ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila,
naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay
sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
4. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi
sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring
sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa
pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat
o hindi.
5. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay
Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na
dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang
magandang kinabukasan.

TANDAAN
Paano maipamamalas ang kahalagahan sa pagsunod ng mga
alituntunin ng ating magulang o paaralan o bansa?

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

1. Pangkatin ang klase sa anim.


2. Gumawa ng poster. Iguhit sa isang cartolina ang isang sitwasyon na
nangyayari sa ibang lugar sa ating bansa na sa tingin ninyo nagpapatunay
na naging epekto dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin.
3. Mga Gabay na Tanong:
 Mahalaga bang sumunod sa alituntunin na ibinibigay sa atin?
Ipaliwanag ang sagot?
 Ano kaya ang maaaring mangyayari kung hindi tayo susunod sa mga
alituntunin? Palawakin ang sagot.
 Magbigay ng isang sitwasyon na nangyayari sa ibang lugar sa ating
bansa na sa tingin ninyo nagpapatunay na naging epekto dahil sa hindi
pagsunod sa mga alituntunin.
4. Kopyahin sa kalahating papel ang rubric sa ibaba para sa pagmamarka.
Isulat ang lahat ng miyembro ng inyong pangkat

RUBRIK PARA SA POSTER


Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat
1-10
ng konsepto sa paggawa ng
poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang
konsepto mensahe sa paglalarawan ng 1-15
konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa
1-10
(Originality) ng poster
Kabuuang
Presentasyon Malinis at Maayos ang kabuuang
1-10
presentasyon

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang


(Creativity) kombinasyon ng kulay upang
1-5
maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe
Kabuuan

TAKDANG ARALIN

Katulad ni Subekat na hindi sumunod sa kung ano ang bilin ni Abed,


mayroon bang pagkakataon na kung saan kayo ay hindi sumunod sa
magulang. Kaya, maglista ng limang bilin o payo ng inyong magulang.
Isulat sa inyong kwaderno.

BILIN/PAYO DAHILAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Mga Gabay na Tanong:


 Mayroon bang ipinagbawal ang inyong magulang?
 Sinunod ba ito? Bakit?
 Sa palagay ninyo, bakit nila ito ipinagbawal?
UNANG MARKAHAN (Aralin 1)
Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Mindanao
Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang
makatotohanang proyektong panturismo
Kompetensi:  Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa
F7PB-Ia-b-1
 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng
lugar na pinagmulan ng alinman sa mga
kuwentong-bayang nabasa, napanood o
napakinggan F7PS-Ia-b-1
I. LAYUNIN
Kaalaman:
Naipahahayag ang sariling pananaw sa mga
pangyayaring kaugnay o kahawig ng mga
pangyayari sa akda
Saykomotor: Nakapag-uulat nang masining ng balita na may
kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng lugar
na pinagmulan ng kwentong bayan
Apektiv: Naisasabuhay ang mga magagandang kaugalian
na nababasa mula sa kwentong-bayan
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mga pangyayari sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa lugar kung saan nagmula ang
binasang akda.
B. SANGGUNIAN www.rexinteractive.com
https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntun
an-Sa-Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-Pangkatang-
Gawain
balita.net.ph/2016/02/03/digmaan-sa-mindanao-
di-imposible-solon/
www.philstar.com/balita-ngayon?page=1
C. KAGAMITANG Bond paper, lapis, pangkulay, manila paper
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal
na Tanong:  May kaugnayan ba ang pagkakakilanlan ng
lugar at tao? Bakit?
 Mahalaga ba ang pagkakakilanlan ng isang
lugar? Ipaliwanag.
 Paano mauuri ang pagkakakilanlan ng
isang tao?
Aktiviti/Gawain

Pangkatang Gawain (3 pangkat)


 Bigyan ng tig-iisang kopya ng kasalukuyang
balita tungkol sa Mindanao ang bawat
pangkat.
 Bigyan ng tatlong minuto ang bawat
pangkat para mag-ensayo
 Ipaulat sa klase sa pamamagitan ng
pagtula, pag-awit o madulang sabayang
pagbigkas.
Mga Gabay na Tanong.
1. Bago pa man mabasa ang hawak na kopya
ng balita, ano ang alam mo sa lugar na
pinangyarihan.
2. Paano mo nakuha ang mga impormasyon na
ito?
3. Matapos mabasa ang balita nagbago ba ang
iyong pananaw tungkol sa lugar na ito?
Bakit? Ipaliwanag.
 Iproseso ang mga kasagutan ng mga mag-
aaral.

NOTE: Maaring kumuha ng mga balita mula sa


website na nasa bahagi ng sanggunian.
B. PAGLALAHAD  Ipabasa ang isang balita na ang paksa ay
tungkol Lake Lanao sa Mindanao.
C. PAGSASANAY  Pasagutan
1. Ang kwentong-bayan na ating binasa ay
nagmula sa Mindanao, Ano ang
masasalamin mo sa kasalukuyang
kalagayan ng lugar na ito?
2. Mula sa balitang iniulat ng bawat grupo,
ano-ano ang mga detalyeng
makakapagpatunay ng iyong sagot sa
unang bilang?
3. Batay sa balita, may problema bang
kinakaharap ang Mindanao? Magbigay ng
mga patunay.
4. Mula sa binasa, ano ang ebidensiyang
magpapatunay na ang pagkasira ng
kalikasan/kapaligiran ay maraming
masamang epekto sa buhay ng tao

 Sumulat ng isang talata tungkol sa suliranin


ng inyong lugar na may katulada sa
binasang akda ay nakakaapekto sa
pamumuhay ng inyong lugar.
 Isulta sa isang bung papel
 Dapat hindi bababa sa 35 na salita
D. PAGLALAPAT  Pangkatin ang klase sa limang (5).
 Gamitin ang Grapikong Representasyon.
 Sumulat ng mga pangyayari mula sa binasang
akda na “Ang Pilosopo” na may kaugnayan sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa sa
kasalukuyan.
 Maghanda sa paglalahad nito sa harapan.

E. PAGLALAHAT  Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga


mag-aaral.
“Bakit kailangang maisabuhay ang mga
magagandang kaugalian na nababasa mula sa
mga kwentong-bayan?”
IV. PAGTATAYA  Sumulat ng isang talata tungkol sa kaugalian
sa inyong lugar na sumasalamin sa inyong
kultura.

Note: Maaaring kumuha ng rubriks sa website na


ito: https://www.google.com/search?=rubrics
V. TAKDANG-ARALIN Manood ng balita isulat sa inyong kuwaderno ang
laman ng balita. Isang balita lamang ang
kailangang isulat.

ARALIN 1 Sesyon 2

Kasalukuyang Kondisyon ng Lugar na Pinagmulan ng Binasang Akda

TUKLASIN

Matapos nating alamin at kilatisin ang kwentong-bayan na sumasalamin sa


kultura at kaugalian ng Mindanao. Ngayon, tunghayan naman natin ang
kasalukuyang pangyayari sa Mindanao na kung saan maiuugnay natin sa mga pangyayari sa
kwentong-bayan na binasa. Alamin kung gaano nga ba kahalaga ng pagkakakilanlan ng
isang lugar at sa papaanong paraan ito maaaring makaapekto sa buhay ng isang tao.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. May kaugnayan ba ang pagkakakilanlan ng lugar at tao? Bakit?


2. Mahalaga ba ang pagkakakilanlan ng isang lugar? Ipaliwanag.
3. Paano mauuri ang pagkakakilanlan ng isang tao?

GAWAIN 1

Pangkatang Gawain (3 pangkat)

 Bigyan ng tig-iisang kopya ng kasalukuyang balita tungkol sa Mindanao ang bawat


pangkat.
 Iuulat sa klase ang balita sa pamamagitan ng pagtula, pag-awit o madulang sabayang
pagbigkas.
 Bigyan ng tatlong minuto ang bawat pangkat para mag-ensayo.

PAGSUSURI

GAWAIN 2
Sagutin Natin

1. Bago pa man mabasa ang hawak na kopya ng balita, ano ang alam mo sa lugar na
pinangyarihan.
2. Paano mo nakuha ang mga impormasyon na ito?
3. Matapos mabasa ang balita nagbago ba ang iyong pananaw tungkol sa lugar na ito?
Bakit? Ipaliwanag.

ALAM MO BA NA…

Mindanao, Maisasalba ng Lake Lanao


Mario B. Kasayuran

Dapat na maipasa na ng Kongreso ang panukala sa pagtatag ng Lake Lanao


Development Authority na lilikha ng malinaw na framework sa pangangasiwa sa Lake
Lanao at sa watershed resources nito upang matugunan ang pagpapatuloy ng
rotational brownout sa Mindanao, tinuturing “land of promise”.
Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, ang talamak at lumalalang
deforestation sa mga watershed, kabilang ang nasa Lake Lanao, at siltation sa mga
ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang suplay ng koryente sa
Mindanao.
Samantala, ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt (MW) fossil fuelpowered
electric plant ang nakikita ng gobyerno na pansamantalang solusyon sa kapos na
suplay ng koryente sa rehiyon.
Iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagtuyo ng Lake Lanao ay nakaapekto
sa suplay ng tubig mula sa lawa para sa anim na hydroelectric power plant sa
Mindanao, kabilang ang Agus, na ang kabuoang sinusuplay ay responsable sa 70
porsiyento ng pangangailangan sa koryente ng buong rehiyon.
Ayon sa Senadora, inaasahan na niya ang kakapusan ng koryente sa Mindanao,
kaya naman inihain niya ang Senate Bill 3097 para makalikha ng epektibong polisiya
at regulatory administration para sa Lake Lanao, sa pamamagitan ng Lake Lanao
Development Authority.
“The Lake Lanao Development Authority shall have the exclusive jurisdiction to
issue Environment Compliance Certificates (ECCs)/ Certificate of Non-Coverage (CNCs)
and grant permits for any projects or activities in or affecting the Lake Lanao Area,’
ani Legarda.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,484 MWs ang demand sa koryente sa Mindanao,
ngunit nasa, 1,181 MVs lang ang kayang ipagkaloob ng mga power plant sa rehiyon,
kaya kulang ng 300 MWs ang kabuoang suplay, na nagresulta sa rotational brownouts.

Pinagyamang PLUMA 7 (K to 12)


Karapatang-ari 2015 ng Phoenix Publishing House, Inc.
At nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra, at Alma M. Dayag

ATING SURIIN
Gawain 3

1. Ang kwentong-bayan na ating binasa ay nagmula sa Mindanao, Ano ang


masasalamin mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar na ito?
2. Mula sa balitang iniulat ng bawat grupo, ano-ano ang mga detalyeng
makakapagpatunay ng iyong sagot sa unang bilang?
3. Batay sa balita, may problema bang kinakaharap ang Mindanao? Magbigay
ng mga patunay.
4. Mula sa binasa, ano ang ebidensiyang magpapatunay na ang pagkasira ng
kalikasan/kapaligiran ay maraming masamang epekto sa buhay ng tao

Gawain 4

Sumulat ng isang talata tungkol sa hanaharap na suliranin sa inyong lugar na


may pagkakatulad sa binasang akda ay nakakaapekto sa pamumuhay ng
inyong lugar. Isulat sa isang buong papel. Dapat hindi bababa sa 35 na salita.

PAGLALAPAT

1. Bumuo ng limang pangkat.


2. Buuin ang grapikong representasyon. Isulat sa manila paper.
3. Sumulat ng isang pangyayari mula sa binasang akda na “Ang Pilosopo” na may
kaugnayan sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa.
4. Maghanda sa paglalahad nito sa harapan.

Pangyayari sa
ibang lugar sa
Pangyayari mula
bansaat
Patunay naPaliwanag
may
sa binasang akda
kaugnayan sa
binasang akda
Rubriks para sa Pangkatang Gawain
5 4 3 2 1

Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot ang


mahusay ang mahusay ang lahat ng halos lahat ng iilang
lahat ng mga halos lahat ng katanungan katanungan katanungan
katanungan katanungan

Presentasyon Buong husay Naiipapaliwana Naipapaliwana Naipapaliwana Naiipapaliwana


na g ang mga g ang gang halos gang iilang
naipapaliwana kasagutan ng kasagutan sa lahat ng kasagutan sa
g ang mabuti klase kasagutan sa klase
kasagutan sa klase
klase

Kooperasyon Naipapamalas Naipapmalas Naipapamalas Naipapamalas May pagkanya-


ng buong ng halos lahat ang ang kanya ang
miyembro ang ng miyembro pagkakaisa ng pagkakaisa ng bawat
pagkakaisa ang mga miyembro iilang miyembro
pagkakaisa miiyembro

TakdangOras Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Gawain ng Gawain sa loob Gawain ngunit Gawain ngunit ang Gawain
buong husay ng itinakdang lumagpas ng 5 lumagpas ng
sa loob ng oras minuto 10 minuto
itinakdang
oras

Preparasyon Laging alisto Laging Nakahanda sa Kailangang Walang


at lagging nakahanda pangkatang lumabas sa kahandaan
handa ang ang mga Gawain klase at
mga kagamitan sa manghiram ng
kagamitan sa pangkatang gamit dahil
pangkatang gawain walang
gawain handang
kagamitan

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-
Pangkatang-Gawain

TANDAAN
Isulat sa “activity notebook” ang sagot.

Bakit kailangang maisabuhay ang mga magagandang kaugalian na nababasa


mula sa mga kwentong-bayan?
PAGSASANAY
Sumulat ng isang talata tungkol sa kaugalian sa inyong lugar na
sumasalamin sa inyong kultura. Isulat sa isang buong papel ang iyong talata na
hindi bababa sa 75 na salita.

TAKDANG ARALIN
Manood ng balita isulat sa inyong kuwaderno ang laman ng balita.
Isang balita lamang ang kailangang isulat.

UNANG MARKAHAN (Aralin 1)


Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Nilalaman: akdang pampanitikan ng Mindanao
Pamantayang Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
Pagganap: proyektong panturismo
Kompetensi:  Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa
pagbibigay ng mga patunay F7WG-Ia-b-1
 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan
ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito F7PU-Ia-b-1
I. LAYUNIN
Kaalaman:
Nakapagpapaliwanag kung paano mapapatunayan ang
katotohanan ng isang bagay.
Saykomoto Nakapagbubuod ng kwentong-bayan gamit ang mga
r: salita o pahayag na nagbibigay ng patunay
Apektiv: Napangangalagaan ang mga tradisyon o kaugalian na
sumasalamain sa isang lugar
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay

B. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7


Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag
https://www.google.com.ph/search?client=firefox-
b&biw=1366&bih=659&noj=1&tbm=isch&sa=1&q=imp
ortant+events
https://www.untvweb.com/news/problema-sa-kuryente
https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-
Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-Pangkatang-Gawain
C. KAGAMITANG manila paper, permanent marker, larawan
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA 1. Nakasaksi ka na ba ng isang di-pangkaraniwang
Pangmotibesyun pangyayari tulad ng aksidente, pagdiriwang,
al na Tanong: kababalaghan at iba pa? Ano ang naging reaksiyon
mo?
2. Ano ang unang pumasok sa iyong isipan matapos
masaksihan ang pangyayari?
3. Sa papaanong paraan mapapatunayan na ang
pangyayari ay totoong naganap?

Pangkatang gawain.
Aktiviti/Gawain
 Bigyan ang bawat pangkat ng picture puzzle.
Paunahan sa pagbuo nito. Ihayag sa klase ang
nabuong picture puzzle.

1. Ano kaya ang naging motibo ng taong kumuha ng


larawan.
2. Bakit kinakailangang kunan ng larawan ang mga
pangyayaring ito?
3. Ano ang maidudulot nito sa taong makakakita ng
larawan?

B. PAGLALAHAD  Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


1. Bakit kailangan ng mga pahayag na
magpapatunay sa katotohanan ng isang bagay
o pangyayari
2. Gaano ito kahalaga? Patunayan ang sagot.
3. Ano ang naging epekto nito sa tao o lugar na
pinapatunayan ng pahayag?

C. PAGSASANAY  Ipabasa ang maikling teksto tungkol sa lugar na


pinagmulan ng binasa nating kwentong-bayan, ang
Lanao del Sur.
 Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na
nagpapatunay.
1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na
mayroong kinakaharap na suliranin sa kuryente
ang mga residente sa Mindanao?
2. Anong ebidensiya mula sa binasa ang
magpapatunay na malulutas na ang suliranin sa
kuryente?
3. Ano-anong ahensiya na bubuo ng komite upang
pangasiwaan ang paglutas sa suliranin ng
Mindanao?

D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain


1. Mag-isip ng kwentong-bayang kilala sa inyong lugar.
Isulat ang buod nito.
2. Sumulat ng mga patunay na ang kwentong-bayang ito
ay sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian ng
inyong lugar o sa lugar kung saan ito nagmula.
3. Gumamit ng mga salita o pahayag na nagbibigay
patunay.
4. Maghanda sa pag-uulat nito sa harapan.

E. PAGLALAHAT  Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-


aaral.

Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa


mga katanungan, ano ang kailangang isaalang-alang o
ang nararapat ibigay ng taong sasagot?
IV. PAGTATAYA Kilalanin at isulat sa kahon ang hugis kung ang
pangungusap ay nagbibigay ng patunay. Lagyan naman
ng ekis X kung hindi ito nagpapatunay.
V. TAKDANG-ARALIN Magdala ng mga datos o kagamitang kakailanganin sa
pagbuo ng Travel Brochure tungkol sa Mindanao.
ARALIN 1 Sesyon 3

Aralin: Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay

TUKLASIN
Sa panahon kung saan tayo ay maglalakbay, may mga lugar tayo na
maaaring daanan, mga tanawin na matatanaw at mga pangyayari na maaaring
saksihan. Sa ganitong sitwasyon kinakailangan natin ng ebidensiya o datos
upang mapatunayan ang katotohanan ng isang pangyayari. Kaya sa pagpapatunay ng isang
bagay ay mahalaga na may kalakip ito na datos o ebidensiya.
Halinat’t basahin at alamin ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay
patunay.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Nakasaksi ka na ba ng isang di-pangkaraniwang pangyayari tulad ng


aksidente,
pagdiriwang, kababalaghan at iba pa? Ano ang naging reaksiyon
mo?
2. Ano ang unang pumasok sa iyong isipan matapos masaksihan ang
pangyayari?
3. Sa papaanong paraan mapapatunayan na ang pangyayari ay
totoong naganap

GAWAIN 1

Pangkatang gawain.

Pangkatin ang klase sa anim. Bigyan ang bawat pangkat ng picture puzzle. Paunahan sa
pagbuo nito. Ipakita sa klase ang nabuong picture puzzle. Gamitin ang mga gabay na
tanong sa ibaba, sa paglalahad ng inyong picture puzzle sa buong klase

GAWAIN 2
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano kaya ang naging motibo ng taong kumuha ng larawan.
2. Bakit kinakailangang kunan ng larawan ang mga pangyayaring ito?
3. Ano ang maidudulot nito sa taong makakakita ng larawan?

PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
1
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng


isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay
dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay
sa katotohanan ng inilalahad.

Ilang Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Patunay:


 May Dokumentaryong Ebidensiya ̶ ang mga ebidensyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, larawan, o video.

 Kapani-paniwala ̶ ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at


kalakip na ebidensya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.

 Taglay ang matibay na Konklusyon ̶ isang katunayang pinalalakas ng ebidensya,


pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

 Nagpapahiwatig ̶ hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensya


subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

 Nagpapakita ̶ salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o


tunay.

 Nagpapatunay/katunayan ̶ salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o


paniniwala sa ipinahahayag

 Pinatutunayan ng mga detalye ̶ makikita mula sa mga detalye ang patunay sa


isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para Makita ang katotohanan sa
pahayag.

1
PINAGYAMANG PLUMA 7 (K TO 12)

PAGSASANAY

Sagutin Natin
Gawain 3
1. Bakit kailangan ng mga pahayag na magpapatunay sa katotohanan ng
isang bagay o pangyayari?
2. Gaano ito kahalaga? Patunayan ang sagot.
3. Ano ang magiging epekto nito sa tao o lugar na pinapatunayan ng
pahayag

GAWAIN 4

Basahin ang balita tungkol sa Mindanao pagkatapos sagutan ang mga katanungan sa
ibaba.

Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.


1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mayroong kinakaharap na suliranin
sa kuryente ang mga residente sa Mindanao?
2. Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na malulutas na ang suliranin
sa kuryente?
3. Ano-anong ahensiya na bubuo ng komite upang pangasiwaan ang paglutas sa
suliranin ng Mindanao?
Problema sa kuryente nasa Lanao del Sur, inaasahang malulutas ng binuong task force
ng Malakanyang
by UNTV News   |   Thursday, August 7th, 2014 ARMM Regional Governor Mujiv
Hataman (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Kasalukuyan ngayong nagpupulong sa Marawi City, Lanao


del Sur ang mga miyembro ng binuong task force ng Malakanyang upang lutasin ang
mahigit isang taon nang problema sa kuryente ng lalawigan.

Ang komite ay pinangungunahan ng Department of Energy, Department of National


Defense, DOJ, ARMM Regional Government at Mindanao Development Authority.

Sa 40 bayan ng Lanao del Sur, 36 dito ang nakararanas ng browout matapos na


putulan na putulan ng supply na kuryente ng ng Lanao del Sur Electric Cooperative
dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwanang bill.

Ngunit ayon sa lokal na pamahalaan, walang basehan ang kumpanya upang singilin
ang itinakdang halaga sa ilalim ng “pakyawan system” dahil wala naman umanong
metro ang mga tahanan sa maraming munisipalidad ng lalawigan

Kaya iginiit ng provincial government sa LASURECO na maglagay ng metro ng


kuryente sa bawat tahanan upang maging basehan ng paningil sa kuryente.

Ani ARMM Governor Mujiv Hataman, “Una, yung metering kasi ito yung una, eh.
Strategic solution sa problema dahil ang problema lang, karamihan sa mga residente
ng Lanao del Sur wala silang meter tungkol sa ilaw. So, ito yung unang aayusin.”

Samantala, isa rin sa lulutasin ng binuong task force ay ang problema sa Davao del
Norte Electric Cooperative na parehong pinamamahalaan ng National Electrification
Administration at Cooperative Development Administration.

Dahil nagdudulot ito ng kalituhan sa mga consumer at nakaka-apekto sa serbisyo ng


kooperatiba. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

https://www.untvweb.com/news/problema-sa-kuryente

PAGLALAPAT

1. Pangkatin ang klase sa lima.


2. Mag-isip ng kwentong-bayang kilala sa inyong lugar. Isulat ang buod nito.
3. Sumulat ng mga patunay na ang kwentong-bayan ito ay sumasalamin sa mga
tradisyon o kaugalian sa inyong lugar o sa lugar kung saan ito nagmula.
4. Gumamit ng mga salita o pahayag na nagbibigay patunay.
5. Maghanda pag-uulat nito sa harapan.

Rubriks para sa Pangkatang Gawain


5 4 3 2 1

Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot


mahusay ang mahusay ang lahat ng halos lahat ng ang iilang
lahat ng mga halos lahat ng katanungan katanungan katanungan
katanungan katanungan

Presentasyo Buong husay Naiipapaliwan Naipapaliwan Naipapaliwana Naiipapaliw


n na ag ang mga ag ang gang halos anagang
naipapaliwana kasagutan ng kasagutan sa lahat ng iilang
g ang mabuti klase kasagutan sa kasagutan
kasagutan sa klase sa klase
klase

Kooperasyo Naipapamalas Naipapmalas Naipapamala Naipapamalas May


n ng buong ng halos lahat s ang ang pagkanya-
miyembro ang ng miyembro pagkakaisa pagkakaisa ng kanya ang
pagkakaisa ang ng mga iilang bawat
pagkakaisa miyembro miiyembro miyembro

TakdangOra Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi
s Gawain ng Gawain sa Gawain Gawain ngunit natapos
buong husay loob ng ngunit lumagpas ng ang Gawain
sa loob ng itinakdang lumagpas ng 10 minuto
itinakdang oras 5 minuto
oras

Preparasyo Laging alisto Laging Nakahanda Kailangang Walang


n at lagging nakahanda sa lumabas sa kahandaan
handa ang ang mga pangkatang klase at
mga kagamitan sa Gawain manghiram ng
kagamitan sa pangkatang gamit dahil
pangkatang gawain walang
gawain handang
kagamitan

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-
Pangkatang-Gawain

TANDAAN
Isulat sa “activity notebook” ang sagot.

Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa mga katanungan, ano


ang kailangang isaalang-alang o ang nararapat ibigay ng taong sasagot?

Pagsubok ng Kaalaman

Kilalanin at isulat sa kahon ang hugis kung ang pangungusap ay


nagbibigay ng patunay. Lagyan naman ng ekis X kung hindi ito nagpapatunay.
 Di bababa sa 10 katao ang patay at nasa 60 iba pa ang sugatan sa pagsabog na
naganap sa Davao City noong .
 Huwag na sanang maulit ang mga ganitong pangyayari, kawawa naman ang mga
taong nawalan ng mahal sa buhay.
 Isang pagsabog ang naganap sa night market sa Roxas Street, Davao City nitong
Biyernes ng gabi na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 10 katao, at
pagkakasugat ng nasa 60 iba pa.
 Bagaman patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog, hinigpitan na ng pulisya
ang seguridad sa Davao City at naglagay ng mga checkpoint.
 Sadyang walang awa ang mga gumawa ng pagsabog.

TAKDANG ARALIN

Magdala ng mga datos o kagamitang kakailanganin sa pagbuo ng Travel


Brochure tungkol sa minadanao.

UNANG MARKAHAN (Aralin 1)

Sabjek: Filipino Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 4

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng


tradisyon at akdang pampanitikan batay sa napanood na
kuwentong-bayan F7PD-Ia-b-1
 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng
datos kaugnay ng isang proyektong panturismo
F7EP-Ia-b-1

VI.LAYUNIN
Kaalaman:
Naisasaalang-alang ang mga hakbang sa pagkuha ng mga
datos kaugnay ng isang proyektong panturismo

Saykomotor Nakagagamit ng graphic organizer sa paglalahad ng


: pagkakaugnay ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa
napanood na kuwentong-bayan

Apektiv: Naisasabalikat ang pananagutan para sa pagpapalaganap ng


tradisyon sa kasalukuyan

VII. PAKSANG-ARALIN

D. PAKSA Si Pilandok ang Bantay-Gubat (video)


Author: Victoria Anonuevo (Virgilio S. Almario)
Illustrator: Kora Dandan-Albano

E. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7

Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,

Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag

http://www.dailyteachingtools.com/language-arts-graphic-
organizers.html

GINTONG PAMANA I

SD Publication, Inc. at Leticia F. Dominguez

F. KAGAMITANG Bond paper, lapis, pangkulay, construction paper


PAMPAGTUTURO
VIII. PAMAMARAAN
F. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal
na Tanong: 1. Naranasan mo na bang malinlang?
2. Anong emosyon ang nangibabaw sa’yo matapos mong
malinlang?
3. Mayroon bang pagkakaiba kung ang panlilinlang ay
mabuti o masama ang layunin?

Aktiviti/Gawain
Pangkatang Gawain

 Pangkatin ang klase sa lima, papiliin ng limang miyembro


ang bawat pangkat na kakatawanin ang kanilang grupo.
 Isulat ang kasabihan sa isang pirasong papel Ang
kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa
kasaganahan. “Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan
sa tiyaga.”
 Ibigay ang panuto:
 Pumila na nakaharap sa pisara.
 Pumunta sa guro ang mag-aaral na pinakauna sa pila.
 Sa loob ng 10 segundo ipabasa ng tahimik ang piraso
ng papel.
 Ipapasa ng unang miyembro sa susunod nito ang
mensahe.
 Ang pinakahuling pinasahan ng mensahe ang siyang
magsusulat nito sa pisara.
 Hintayin ang hudyat ng guro para sa pagsisimula ng
laro.
 Ang unang makakasulat ng tamang mensahe ang siyang
panalo.
G. PAGLALAHAD
Abstraksyon
(Pamamaraan ng  Bago simulan ang pagpapakita ng video ay ipaskil muna
Pagtalakay) ang mga katanungan sa pisara.
Mga gabay na tanong:
1. Bakit nagalit ang Sultan kay Pilandok
2. Makatarungan ba ang iniutos ng Sultan sa kanyang
mga kawal?
3. Ano-ano ang mga ginawa ni Pilandok sa mga kawal?
4. Tama ba ang ginawa ni Pilandok sa mga kawal?
5. Kung ikaw si Pilandok, ano ang iyong gagawin upang
mapangalagaan ang kagubatan?
 Ipanood sa klase ang video ng Si Pilandok ang Bantay-
Gubat
 Talakayin ang “Pagkuha at Pag-aayos ng Impormasyon”.
H. PAGSASANAY  Think-Pair_share
Mga Paglilinang na Gamit ang tsart sa ibaba, punan ng angkop na pahayag
gawain hingil sa suliraning kinakaharap ng mga tauhan sa
napanood na kuwentong-bayan.
 Ngayong alam mo na kung paano ang pagkuha at pag-
aayos ng impormasyon, gamitin ang napanood na kwento.
Punan ng mga impormasyon ang “graphic organizer” sa
ibaba.
I. PAGLALAPAT Gawing batayan ang Gawain 4 sa pagsasagot ng aktibiting
Aplikasyon ito.
Masasalamin ba sa kwentong napanood ang ugnayan ng
tradisyon at akdang pampanitikan ng Mindanao?

J. PAGLALAHAT Ilahad sa ibaba ang mga datos o kagamitang kakailanganin


Generalisasyon gayundin ang gagawin mong paraan sa pagkuha ng datos.

IX. PAGTATAYA Kompletuhin ang analohiya sa ibaba batay sa napanood na


kwento.

X. TAKDANG-ARALIN Mangalap ng mga datos at impormasyon tungkol sa inyong


lugar o lungsod na makakatulong sa pagbuo ng isang travel
brochure. Mahalagang maipakita sa travel brochure ang
tradisyon at kaugalian ng inyong lugar upang muli nating
mapalaganap ang mayamang kultura nito.

Inihanda ni:

MARYNELL G. MAQUILING
Aralin: 1
SESYON: 4
Si Pilandok ang Bantay-Gubat (video)

TUKLASIN
Ang panitikan ay sumasalamin sa tradisyon ng isang lahi. Masasalamin ng
panitikan ang mga kaugalian at tradisyon ng Mindanao. Sa araling ito, ating
tunghayan ang mayamang kultura ng Mindanao na ating mapapanood sa
kwentong ating susuriin. Kung gaano binibigyang halaga ng mga kapatid nating
Muslim an gating kalikasan. Sa araling ito rin natin sisimulan ang paghahanda sa mga datos
at kagamitang ating kakailanganin upang makabuo ng travel brochure tungkol sa
mayamang kultura at tradisyon ng Minadanao.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Naranasan mo na bang malinlang?


2. Anong emosyon ang nangibabaw sa’yo matapos mong malinlang?
3. Mayroon bang pagkakaiba, kung ang layunin ng panlilinlang ay mabuti
o masama? Ipaliwanag.

GAWAIN 1

Pangkatin ang klase sa lima, papiliin ng limang miyembro ang bawat pangkat na
kakatawanin ang kanilang grupo. Ang unang makakasulat ng tamang mensahe
ang siyang panalo.
Panuto:
 Pumila na nakaharap sa pisara.
 Pumunta sa guro ang mag-aaral na pinakauna sa pila.
 Sa loob ng 10 segundo ipabasa ng tahimik ang piraso ng papel.
 Ipapasa ng unang miyembro sa susunod nito ang mensahe.
 Ang pinakahuling pinasahan ng mensahe ang siyang magsusulat nito sa pisara.
 Hintayin ang hudyat ng guro para sa pagsisimula ng laro.

PAGSUSURI
Gawain 2
Mga panlinang na tanong para sa panonooring video:
6. Bakit nagalit ang Sultan kay Pilandok
7. Makatarungan ba ang iniutos ng Sultan sa kanyang mga kawal?
8. Ano-ano ang mga ginawa ni Pilandok sa mga kawal?
9. Tama ba ang ginawa ni Pilandok sa mga kawal?
10. Kung ikaw si Pilandok, ano ang iyong gagawin upang mapangalagaan ang kagubatan?

ALAM MO BA NA…

Halina't panoorin ang kuwentong “Si Pilandok ang Bantay-Gubat”. Makinig


at manood nang mabuti upang masagutan ang mga panlinang na tanong.

Matapos panoorin ay talakayin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral sa Gawain 1.

Pagkuha at Pag-aayos ng Impormasyon

Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutuhan ang pagkuha o pangangalap ng


impormasyon. Ang mga impormasyong ito naman ay dapat na maihanay nang maayos
upang malinaw na maihatid ang pangunahing ideya ng buong teksto o diskursong binuo.
Sa paglalahad ng mga impormasyon, maaaring magsimula sa malawak na kaalaman
at pagkatapos ay isa-isang ihanay ang mga pantulong na detalyeng sumusuporta sa
kaalamang ito. Maari namang ilahad muna nang sunod-sunod ang mga butil ng
impormasyon bago lagumin sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing kaisipan o
kaalaman.
Ang pananaliksik ang pangunahing paraan ng pagkuha o pangangalap ng
impormasyon at kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikipanayam,
paglalakbay at pagmamasid. Sa pagbabasa, iba’t ibang uri ng sanggunian ang maaaring
gamitin. Nariyan ang mga aklat, magasin, pahayagan, pamphlet at brosyur. Ang
ensayklopidya ang isa sa babasahing mapagkukunan ng komprehensibong kaalaman at
impormasyon tungkol sa isang paksa.
Sa makabagong panahon ngayon na maaari ng gamitin ang internet sa pananaliksik
ay makatutulong ito upang mapabilis din ang iyong pananaliksik. Ngunit palaging tandaan
na sa paggamit ng internet bilang sanggunian ay mahalagang isaalang-alang ang
pinanggalingan ng impormasyong iyong nakuha. Tingnan at suriin kung ang website na
pinanggalingan ng impormasyon ay mapagkakatiwalang institusyon o organisasyon.
Ang pagtatala ng impormasyon ay hindi sapat upang masabing maibibigay mo ito
nang mabisa. Kailangan ng kasanayan sap ag-unawa sa mga impormasyong nakalap.
Mahalaga rin sa pagkuha ng mga tala o datos ang kakayahan sa pagtukoy sa mga
pangunahing ideya at paghahanay o pagsunod-sunod ng magkakaugnay na impormasyon.
Kahit na anumang paraan ang gamitin sa paglalahad ng iyong pananaliksik,
mahalagang ito ay maging malinaw, tiyak at may batayan ang teksto o diskursong
naglalayong maglahad ng mga impormasyong mapagkakatiwalaan.

PAGSASANAY
Gawain 3
Think-Pair-Share

Gamit ang tsart sa ibaba, punan ng angkop na pahayag hingil sa suliraning


kinakaharap ng mga tauhan sa napanood na kuwentong-bayan.
Ano ang suliraning Ano ang sanhi ng Ano ang epekto Ano ang posibleng
kinakaharap sa suliraning nito? solusyon nito?
kwento? kinakaharap?

Batay sa tradisyon ng mga Muslim, Paano nila hinahanapan ng solusyon ang mga
suliraning kinakaharap?

Suliranin/Problema Sanhi ng suliranin Epekto ng suliranin Solusyon

Gawain 4

Think-Pair-Share
Ngayong alam mo na kung paano ang pagkuha at pag-aayos ng impormasyon,
gamitin ang napanood na kwento punan ng mga impormasyon ang “graphic organizer” sa
ibaba.

Karakters Tagpuan

Problema

3 Pangunahing Paglutas
kaganapan

Paglalapat

Gawing batayan ang Gawain 4 sa pagsasagot ng aktibiting ito.

Masasalamin ba sa kwentong napanood ang ugnayan ng tradisyon at akdang


pampanitikan ng Mindanao?
TANDAAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay magiging batang kintawan ng


turismo na bubuo ng isang travel brochure para maakit ang mga turista,
dayuhan man o local na dalawin o pasyalan ang Mindanao. Sa araling ito
pa lang ay magsisimula na ang paghahanda mo para sa gawaing iyan. Pag-isipan at
paghandaan moa ng mga datos at kagamitang kakailanganin mo para maging
epektibo ang bubuoing travel brochure sa pagtatapos ng kabanata.
Ilahad sa ibaba ang mga datos o kagamitang kakailanganin gayundin ang
gagawin mong paraan sa pagkuha ng datos.

Mga Datos o Kagamitang Kakailanganin Mga Paraang Gagamitin sa Pagkuha ng


sa Pagbuo ng Travel Brochure tungkol sa mga Datos na Ito
Mindanao

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
Mahusay na nailahad ang mga datos o kakailanganin mula sa mga
mapagkukunang impormasyon tulad ng aklat, magasin, iba pang
babasahin gayundin sa Internet na akma sa sintalakay na paksa.

Maliwanag na nailahad ang mga paraang gagamitin sa pagkuha


paglikom ng datos
Malinis ata maayos ang pagkakasulat, makikita ang pagsisikap na
maging mahusay ang ipinasa

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – katamtaman 2 – Di-mahusay 1 – sadyang


Di-mahusay
PAGTATAYA

Kompletuhin ang analohiya sa ibaba batay sa napanood na kwento.

1. Mindanao : _____________ :: Visaya : Cebuano

2. berde : kapaligiran :: asul : ______________

3. pilandok : _____________ :: isda : dagat

4. ibon : lumilipad :: ahas : _____________

5. kuweba : oso :: bahay pokyutan : _____________

TAKDANG ARALIN

Mangalap ng mga datos at impormasyon tungkol sa inyong lugar o


lungsod na makakatulong sa pagbuo ng isang travel
brochure. Mahalagang maipakita sa travel brochure ang
tradisyon at kaugalian ng inyong lugar upang muli nating mapalaganap
ang mayamang kultura nito.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 1

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang


kaisipan sa binasang akda F7PB-Ic-d-2

 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari


batay sa akdang napakinggan F7PN-Ic-d-2

I. LAYUNIN

Kaalaman: Nakapaglalahad ng sariling kaisipan hinggil sa binasang


akda

Saykomotor: Nakagagamit ng mga sitwasyon upang mabigyang diin ang


gintong-aral na nakuha sa akda

Apektiv: Naipamamalas ang katapatang loob sa lahat ng gawain

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Natalo rin si Pilandok (Pabula)

B. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7

Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,

Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-
Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-Pangkatang-Gawain

http://educational-filipino.blogspot.com/2015/09/ang-
matalinong-pilandok.html

C. KAGAMITANG Permanent marker, manila paper


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA

Pangmotibesyunal na Ipakita sa pisara ang mga sumusunod na salita.


Tanong:
(Dugo-dugo, Budol-budol, Laglag Barya)
1. Pamilyar ba kayo sa mga salitang nakapaskil sa pisara?

2. Saan ninyo narinig ang mga salitang ito?

3. Ano ang tawag sa mga taong may ganitong gawain?

4. Sa inyong palagay, ano ang dahilan kaya sila pumapasok


sa ganitong gawain?

5. Paano kaya maaaring makaiwas sa mga taong


mapanlinlang o manloloko?

Aktiviti/Gawain (Pangkatang Gawain) Pantomina

 Bawat pangkat ay pipili ng magrerepresenta ng


kanilang grupo

 Ang kinatawan ng bawat pangkat ay bubunot ng


isang nilukot na papel mula sa kahon.

 Huhulaan ng ibang grupo kung anuman ang ikikilos


(act) ng kinatawan.

 Nanghohold-up, akyat-bahay, nang-snatch ng


bag, nagpapasan ng bigas, barker sa sakayan
ng jeepney, nag-iigib ng tubig sa poso, at iba
pa

 Ang unang makahuhula ang makakukuha ng puntos.

 Para hindi magiging masyadong maingay.


Magkaroon ng kasunduan bago magsimula.

 Magbigay ng tig-iisang flaglet na syang


itataas. Ang unang makapagtataas ng flaglet
ang unang pasasagutin.

 Ang may pinakamataas na puntos ang syang panalo.

 Mga gabay na tanong:

1. Nahulaan ba kaagad ang nais ipahiwatig ng bawat


kinatawan?

2. Paano ninyo nahulaan ang mga ikilos ng bawat


kinatawan?

3. Paano ito makatutulong upang maging mabisa ang


ating paglalarawan?

 Iproseso ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.

B. PAGLALAHAD  Magbigay ng pahapyaw na pagtatalakay tungkol sa


pabula.
Abstraksyon 1. Ano ang pabula?
2. Sinu-sino ang nagsipaganap sa kuwento?
3. Kalakitaan ba ito ng mga aral?

 Ipabasa ng dugtungan ang akdang “Natalo rin si


Pilandok (Pabula) sa mga piling mag-aaral.
Tumawag ng mag-aaral na magaling sa pagpapaiba-
iba ng kanyang boses. Ipabasa ito sa masining na
paraan.

1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Paano mo sya


ilalarawan?

2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo?

3. Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para


makaligtas na maging hapunan ng baboy-ramo subalit hindi
mo naman ito kailangang ipahamak?

4. Paano makaiiwas maging biktima ng isang taong


mapanlinlang o manloloko?

C. PAGSASANAY Pangkatang Gawain (Isulat sa Manila Paper)

Mga Paglilinang na gawain Isulat sa tamang hanay ang mga bagong salita o salitang
hindi mo alam ang ibig sabihin mula sa binasang pabula.

Mga Bagong Salita para sa Kahulugan Batay sa


Akin Pagkakagamit sa Akda o
Mula sa Diksyunaryo

Makabuluhang Pahayag (Panuto: Gamitin ang mga


bagong salita sa pagsulat ng makabuluhang pahayag.
Dapat naglalaman ang makabuluhang pahayag ng
gintong-aral na napulot mula sa pabulang binasa.

D. PAGLALAPAT Isulat sa iyong “activity notebook”

Aplikasyon Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang ang


iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong napili. (5 aytems)

E. PAGLALAHAT Pangkatang Gawain

Generalisasyon  Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng


sabayang pagbigkas, pagtula, pag-awit o
pagsasadula

Mga gabay na tanong:

 Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay


babalik din sa iyo?
 Ano-anong patunay ang maibibigay mo sa
katotohanan ng kasabihang ito?
IV. PAGTATAYA Isulat sa iyong “activity notebook”

Tukuyin at lagyan ng tsek ( ) ang lahat ng mahahalagang


kaisipang taglay ng binasa. Ekis ( X ) naman ang ilagay sa
hindi. Bigyan ng maikling paliwanag kung bakit mahalaga
ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek.

V. TAKDANG-ARALIN Gumupit ng mga larawan mula sa balita sa pahayagan o


dyaryo. Sumulat ng talong pangungusap tungkol sa
larawan.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING
SESYON 1

Aralin : 2

Natalo rin si Pilandok (Pabula)

TUKLASIN

Ngayon naman ay tahakin natin ang ikalawang istasyon… tunghayan kung


ano ang mga gawaing nakahanda para sa pagpapalawak ng inyong kaalaman at
magpapaigting ng inyong interest sa kultura ng mindanao.

Ang pabula ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan. Ang akdang


“Natalo rin si Pilandok”, ay isang uri ng pabula. Ito’y kathang-isip lamang na panitikan kung
saan mga hayop ang nagbibigay-buhay sa mga tauhan sa kwento. Noong unang panahon at
magpahanggang ngayon, ang maikling salaysay na ito ay napapalooban ng kagandahang
asal at pananampalataya sa Poong Maykapal na may layuning maipunla sa isip ng mga bata.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Pamilyar ba kayo sa mga salitang nakapaskil sa pisara? (Dugo-dugo, Budol-


budol, Laglag Barya)
2. Saan ninyo narinig ang mga salitang ito?
3. Ano ang tawag sa mga taong may ganitong gawain?
4. Sa inyong palagay, ano ang dahilan kaya sila pumapasok sa ganitong
gawain?
5. Paano kaya maaaring makaiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko?

GAWAIN 1

Pangkatang gawain (Pantomina)


 Bawat pangkat ay pipili ng magrerepresenta ng kanilang grupo
 Ang kinatawan ng bawat pangkat ay bubunot ng isang nilukot na papel mula
sa kahon.
 Huhulaan ng ibang grupo kung anumang ikikilos (act) ng kinatawan.
 Ang unang makahuhula ang makakukuha ng puntos.
 Para hindi magiging masyadong maingay. Magkaroon ng kasunduan bago
magsimula.
 Magbigay ng tig-iisang flaglet na syang itataas. Ang unang makapagtataas ng
flaglet ang unang pasasagutin.
 Ang may pinakamataas na puntos ang syang panalo.

PAGSUSURI
GAWAIN 2
Mga Gabay na Tanong
1. Nahulaan ba kaagad ang nais ipahiwatig ng bawat kinatawan?
2. Paano ninyo nahulaan ang mga ikilos ng bawat kinatawan?
3. Paano ito makatutulong upang maging mabisa ang ating paglalarawan?

ALAM MO BA NA…

AN G MATALINONG PILANDOK

Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasa anyo ng tuluyan. Isa itong
kwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita ngunit sa mas malalim
na pakahulugan ng kwento. Ang mga hayod ang nagsisilbing representasyon ng mga
tao sa lipunan at kalakip nito ang mga makukuhang magandang-aral mula sa kwento.

Hindi nakikita sa laki ang talino at kakayahan ng tao.

Isang mainit na hapon, isang matalinong pilandok ang umiinom sa isang malinaw
na batis sa gubat. Habang siya ay umiinom, isang tigre ang dumaan. Napahinto ang
tigre pagkakita sa pilandok. Pasalbaheng tumawa ang tigre at sinabi nito sa mabangis
na tinig,
"Aha! Munting Pilandok, kaysarap mong gawing hapunan! Dalian mo't ihanda mo
ang iyong sarili upang maging pagkain, dahil maghapon akong hindi kumakain."
"Maghapon kang walang makain?" tanong ni Pilandok, nagkukunwang naaawa sa
tigre. Ang totoo'y nanginginig siya sa takot pagkakita sa malalaking panga at matatalim
na ngiping garing ng tigre. Ngunit pinilit niyang huwag magpahalata. Dugtong niya, "O,
kawawang Tigre! Ang totoo, gusto kong magkaroon ka ng masarap na hapunan, pero
palagay ko'y hindi ka mabubusog sa isang munting hayop na tulad ko."
"Pero nagugutom ako!" atungal ni Tigreng hindi na makapaghintay.
"Iyon nga!" sigaw ni Pilandok habang nag-iisip ng gagawin. "Ang kailangan mong
pambusog sa iyong gutom ay laman ng tao."
"At ano ang tao, Pilandok?"
"Di mo ba alam kung ano ang tao?" sambit ni Usa, na nagkukunwang namangha.
"Hindi. Hindi ko yata alam," sabi ni Tigreng nagiging mausisa. "Sabihin mo,
Pilandok, ano ba ang tao?"
"Buweno," sabi ni Pilandok na nasiyahan sapagkat ang Tigre ay nahuhulog na sa
kanyang bitag. "Ang tao ay isang uri ng hayop na may dalawang paa at siyang
pinakamakapangyarihang hayop sa mundo."
"Totoo? Mas malakas pa kaysa akin?" tanong ng Tigre na medyo nasaktan.
"A, oo, pero kung napakabilis mo, puwede mo siyang sagpangin at gawing
hapunan."
"Magaling. Pero kung hindi ako makasunggab ng tao, ikaw ang aking kakainin.
Kasunduan ba natin ito?"
"Kasunduan!" sigaw ni Pilandok na nasiyahan.
"Pero saan ako makakakita ng tao? Ipakita mo agad ito sa akin dahil ako'y gutom
na gutom na. Kundi ka magmamadali, kakainin kita ngayon din!"
"Makapaghintay ka sana, dakilang Tigre," sagot ni Pilandok. "Sumama ka ngayon sa
akin sa gilid ng daan at baka may isang taong magdaan."
At sinamahan ng Pilandok ang tigre sa gilid ng daan Habang nakakubli sa damuhan,
naghintay sila ng pagdaan ng tao. Di nagtagal ay dumaan ang isang batang lalaking
papunta sa eskwela. Abala siyang nag-iisip ng kanyang gawaing-bahay at di niya
namamalayang dalawang hayop ang nagmamatyag sa kanya.
"Iyon ba ang tao?" tanong ni Tigre. "Ba, tiyak kong mas malaks ako sa kanya!"
pangungutya niyon.
"Ba, hindi iyon ang tao," sagot ni Pilandok. "Iyo'y patungo pa lang sa pagiging tao.
Kailangan pa niya ang maraming taon-dalawampu o higit pa marahil kaya maaaring
patay ka na noon."
Pagkaraa'y isang matandang lalaki ang mabagal na lumakad sa ibaba ng daan.
Matandang-matanda na ang lalaki at ang balbas niya'y simputi ng yelo. At siya'y
nakatungkod habang naglalakad.

"Tiyak na iyan ang taong sinasabi mo. Di kataka-takang napakapayat niya


pagkaraang mabuhay nang maraming taon! Niloloko mo naman ako," galit na sabi ni
Tigre.
"Hindi, hindi! Hindi iyan tao. Tira-tirahan lang iyan ng isang tao. Ang isang
mabuting hayop na tulad mo'y ayaw kumain ng tira, di ba?"
"Hindi, hindi, syempre. Pero hindi ko rin gustong maghintay pa."
"Shhh! Narito na ang isang tunay na tao!" sabi ng Usa, habang paparating ang
matabang katawang punung-puno ng laman at ang kanyang mamula-mulang pisnging
sagana sa dugo. Tiyak na hindi mo na ako gustuhing kainin 'pag nakain mo ang taong
iyon, di ba?"
"Baka nga, Pilandok, baka nga! Panoorin mo ako ngayon!" Pagkasabi niyon ay
sinugod ng tigre ang mangangaso. Ngunit mas mabilis ang mangangaso kaysa kanya.
Itinutok ng mangangaso ang kanyang riple at binaril ang tigre noon din. Masaya si
Pilandok dahil nakaligtas siya, ngunit sa sobrang pagod ay bumalik siya sa batis para
uminom. Habang siya'y umiinom, biglang may sumakmal sa isang paa niya. Sumigaw
siya, ngunit nang makita niya kung sino ang sumakmal sa kanya ay tiniis niya ang
sakit at mabilis na nag-isip. Ang buwaya iyon, isa sa kanyang mahihigpit na kaaway.
Galit ang buwaya kay pilandok dahil sa mga panlilinlang nito. At galit din si pilandok
sa buwaya dahil palagi siyang tinatakot nito tuwing gusto niyang uminom sa batis.
Ngayo'y lalo siyang galit, ngunit itinago niya ang kanyang damdamin at nakuha pa
niyang tumawa.
Nagsabi siya sa mapanghamak na tinig: "Ay, kawawang Buwaya, kailan mo ba
malalaman ang pagkakaiba ng paa ng usa at ng isang patpat? Isang lumang patpat
lang iyang kagat-kagat mo!"
Ngunit sanay na ang buwaya sa mga panlilinlang ng usa. "Huwag mo akong
lokohin uli," sabi niyon. "Alam na alam kong kagat-kagat ko'y paa mo at hindi ko ito
pawawalan hanggang hindi kita nakakain ng buo."
"Pero hindi kita niloloko," sabi ng Usa. "Kung sa palagay mo'y nililinlang kita, ano
ito kung gayon?" At iwinasiwas ng usa ang isa pa niyang paa sa tapat ng mukha ng
buwaya.
Ang gunggong na buwaya ay naniwala sa sinabi ng usa. Mabilis niyang binitawan
ang kagat na paa at sinagpang ang isa pang paa. Ngunit ito ang hinihintay na
pagkakataon ng usa. Lumukso siyang palayo. Pagkaraan, nang siya'y di na maabot,
binalingan niya at sinigawan ang buwaya "Higit kang gunggong kaysa asno. Ni hindi
mo alam ang pagkakaiba ng aking paa at ng lumang patpat!"
At sa gayo'y tumakbong palayo ang Pilandok, naiwan ang buwayang lumubog muli
sa lawa, galit sa isa na namang pagkatalo sa patalinuhan.
Ngayon nama'y nakatagpo ng pilandok ang isang suso. Natutuwa siyang makita
ang suso dahil gusto niyang magyabang at ngayo'y makapagyayabang na siya sa
suso . Hinamon niya iyon ng karera at takang-taka siya nang tanggapin iyon ng suso.
At ang isa pang lalong nakakapagtaka ay ang hamon ng suso na ito'y mananalo.
Tumawa ang Pilandok. Paanong maiisipan ng isang suso na manalo sa takbuhan?
Ngunit nagkataong ang susong ito ay tuso rin. Nauna rito ay binalak na niya at ng
isang kaibigan kung paano nila matatalo ang mapanloko ring pilandok."Tingnan mo
kung paano kang mananalo sa takbuhan, mabagal na suso," sigaw ni Pilandok at
siya'y nawalang tulad ng hangin. Ngunit nang marating niya ang dulo ng takbuhan,
halos mapalundag siya sa pagkabigla nang makita niyang naroon na at nauna sa
kanya ang suso. Hindi matanggap ni Pilandok na siya ay natalo; hinamon niya ang
suso sa panibagong karera.
Ngunit kahit ilang ulit siyang maghamon, laging nananalo ang suso. Ngayon, ang
hindi alam ng pilandok, ay laging ginagamit ng suso ang sarili nitong utak. Tuwing
karera ay may ibang susong tumatayo sa dulo ng takbuhan, una'y ang kaibigan ng
suso, pagkatapos ay ang orihinal na suso. Ang dalawang suso ay magkamukhang-
magkamukha at akala ng pilandok ay isa lamang ang mga iyon. Pabalik-balik na
tumakbo ang Pilandok hanggang sa maubusan siya ng lakas at hingal na hingal na
bumagsak sa lupa."Nanalo ka, Ginoong Suso," pahingal na sabi ng pilandok. "suko na
ako."
At sa gayon, ang munting pilandok na nag-aakalang napakatalino niya ay natalo
nang araw na iyon sa wakas-hindi ng mabangis na tigre, hindi ng mabagsik na
buwaya, hindi ng ano pa mang malalaking hayop sa gubat, kundi ng isang maliit at
madulas na suso!
http://educational-filipino.blogspot.com/2015/09/ang-matalinong-pilandok.html

PAGSASANAY

Sagutin Natin
Gawain 3

1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Paano mo sya ilalarawan?


2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo?
3. Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas na maging
hapunan ng baboy-ramo subalit hindi mo naman ito kailangang ipahamak?
4. Paano makaiiwas maging biktima ng isang taong mapanlinlang o
manloloko?

Gawain 4
Pangkatang Gawain (Isulat sa Manila Paper)

Isulat sa tamang hanay ang mga bagong salita o salitang hindi mo alam ang ibig
sabihin mula
sa binasang pabula.

Mga Bagong Salita para sa Kahulugan Batay sa


Akin Pagkakagamit sa Akda o Mula
sa Diksyunaryo
Makabuluhang Pahayag (Panuto: Gamitin ang mga bagong
salita sa pagsulat ng makabuluhang pahayag. Dapat
naglalaman ang makabuluhang pahayag ng gintong-aral na
napulot mula sa pabulang binasa.

PAGLALAPAT

Magbigay ng hinuha/hinagap sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akda. Bilugan


ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang ang iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong
napili. Isulat sa iyong “activity notebook”.

1. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang susunod na mangyayari
kapag magkrus muli ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan ng buhay so Pilandok at tuluyan na itong kainin.
b. Maiisahang muli ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan sina Piladok at Buwaya

dahil

2. Kapag ng ibang hayop kung paanong namataysi Tigre dahil sa panlilinlang ni Pilandok,
ano kaya ang kanilang gagwin?
a. Iiwasan nila at hindi na makikipagkaibigan kay Pilandok
b. Maghihiganti sila kay Pilandok
c. Bibigyan ng papuri sa Pilandok dahil sa ginawa

dahil

3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang suso si Pilandok. Ano kaya ang
mensaheng nais ipaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a. Ang galling-galing mo talaga Pilandok! Idol ka talaga naming.
b. Tama lang talaga na kay Suso kami pumusta! Sigurado ang premyo naming.
c. Dapat lang sa’yo yan Pilandok para malaman mo kung ano ang pakiramdam kapag
nalilinlang.

dahil

4. Sumuko na si Pilandok at tinanggap na lamang ang pagkatalo niya kay Suso. Anong
katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong din palang tumanggap ng pagkatalo si Pilandok at alam niya kung kalian
siya dapat magpakumbaba.
b. Mahusay makisama at maaasahang talaga ng maraming hayop sa gubat ang mabait
na si Pilandok.
c. Masipag at matulungin din pala si Pilandok sa kanyang kapwa hayop.
dahil

5. Pagkatapos tanggapin ang pagkatalo ni Pilandok kay Suso, ano kaya ang susunod na
mangyayari sa kanya?
a. Babalik sa panlilinlang si Pilandok sa tuwing siya ay magigipit.
b. Gagawin ang lahat upang maiwasan ang panlilinlang sa ibang hayop.
c. Ikukubli na lamang ni Pilandok ang kanyang panlilinlang sa ibang hayop.

dahil

TANDAAN

1. Pangkatin ang klase sa lima.


2. Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, pagtula,
pag-awit o pagsasadula.
3. Ipaliwanag ang kasabihanang ito “kung ano ang itinanim mo ay
babalik din sa iyo”. Iugnay ito sa kwento at magbigay ng halimbawang
sitwasyong sa buhay ng tao na maiuugnay sa kasabihan.

Rubriks para sa Pangkatang Gawain


5 4 3 2 1

Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot ang


mahusay ang mahusay lahat ng halos lahat iilang
lahat ng mga ang halos katanungan ng katanungan
katanungan lahat ng katanungan
katanungan

Presentasyo Buong husay Naiipapaliwa Naipapaliwa Naipapaliwan Naiipapaliwa


n na nag ang nag ang agang halos nagang
naipapaliwanag mga kasagutan lahat ng iilang
ang kasagutan kasagutan sa klase kasagutan sa kasagutan
sa klase ng mabuti klase sa klase

Kooperasyo Naipapamalas Naipapmalas Naipapamal Naipapamala May


n ng buong ng halos as ang s ang pagkanya-
miyembro ang lahat ng pagkakaisa pagkakaisa kanya ang
pagkakaisa miyembro ng mga ng iilang bawat
ang miyembro miiyembro miyembro
pagkakaisa

TakdangOra Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi
s Gawain ng Gawain sa Gawain Gawain natapos ang
buong husay sa loob ng ngunit ngunit Gawain
loob ng itinakdang lumagpas ng lumagpas ng
itinakdang oras oras 5 minuto 10 minuto
Preparasyo Laging alisto at Laging Nakahanda Kailangang Walang
n lagging handa nakahanda sa lumabas sa kahandaan
ang mga ang mga pangkatang klase at
kagamitan sa kagamitan Gawain manghiram
pangkatang sa ng gamit
gawain pangkatang dahil walang
gawain handang
kagamitan

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-
Pangkatang-Gawain

PAGTATAYA

Tukuyin at guhitan ng hugis puso ( ) ang lahat ng mahahalagang kaisipang


taglay ng binasa. Ekis ( X ) naman ang ilagay sa hindi. Bigyan ng maikling
paliwanag kung bakit mahalaga ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek.

1. May mga tao talagang tulad ni Pilandok na manlilinlang ng kapwa para sa sariling
kapakanan.
Paliwanag:

2. “Do unto others what you want others to do unto you.” Ang kasamaan ay susuklian
din ng kasamaan.
Paliwanag:

3. Ang pagmamahal sa salapi o kayamanan ay siyang nagiging ugat ng kasamaan.


Paliwanag:

4. Nakikilala ang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan at kasiyahan.


Paliwanag:

5. Huwag kaagad-agad maniniwala sa sinasabi ng isang tao, alamin at kilatisin munang


mabuti ang sinasabi at ang pagkatao nito upang hindi matulad ni Tigre na naging
biktima ng manloloko.
Paliwanag:

TAKDANG ARALIN

Gumupit ng mga larawan mula sa balita sa pahayagan o dyaryo. Sumulat ng


tatlong pangungusap tungkol sa larawan.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 3

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo
Kompetensi:  Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa
karakter ng isang tauhan sa napanood na animation
F7PD-Ic-d-2
 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging
karapat-dapat/ di karapat-dapat ng paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhan sa pabula F7PS-Ic-d-2
I. LAYUNIN
Kaalaman:
Nakapagpapaliwanag kung paano lumaganap ang pabula

Napagtitimbang-timbang kung karapat-dapat/ di karapat-dapat


ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula

Saykomotor: Naisasagawa ang pagsusuri sa pinanood na animation hinggil


sa paksa

Apektiv: Napangangatwiran na ang panlilinlang ay hindi magdudulot ng


kabutihan sa atin.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Si Pagong and Matsing (Animation)

B. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7

Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,

Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag

https://www.youtube.com/watch?v=e4hOF7Gj2Y4

C. KAGAMITANG Permanent marker, manila paper, cartolina, bond paper,


PAMPAGTUTURO pangkulay

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal
na Tanong: 1. Bago kayo umalis ng bahay, ano ang bilin ng inyong
magulang?
2. Sa tuwing nagagawa ninyo ang mga bilin ng inyong
magulang ano naman ang inyong nararamdaman?
3. Sa papaanong paraan upang mapagpatuloy ang ating
mabuting gawain?

Aktiviti/Gawain Idol ko, Gagayahin ko.

 Magtawag ng 5 piling mag-aaral.


 Gamit ang kanilang takdang aralin na mga larawan mula sa
dyaryo o pahayagan, ilahad ang iyong paliwanag sa
pamamagitan ng pag-uulat o newscasting.
 Gagayahin mo ang istilo ng pag-uulat ng iyong paborito o
idolong newscaster.
1. Ano ang karaniwang laman ng mga balita?
2. Bakit kaya nahahantong sa ganoong sitwasyon ang mga
taong ito?
3. Makatarungan ba ang kanilang paninindigan?
Pangatwiranan.

B. PAGLALAHAD  Ipanood ang animation ng Si Pagong and Matsing


Abstraksyon  Habang nanonood ang mga mag-aaral, itanong:
1. Ano ang nakita nina Pagong at Matsing?

2. Bakit walang nagawa si Pagong sa napagdesisyonan ni


Matsing? Naging patas ba si Matsing sa kanyang desisyon?

3. Anong katangian nina Matsing at Pagong ang di dapat


tularan? Ano naman ang dapat tularan? Pangatwiranan ang
sagot.

C. PAGSASANAY Think-Pair-Share
Mga Paglilinang na
gawain  Talakayin ninyong magpartner kung anong parte o
pangyayari sa kwento nina Pagong at Matsing ang sa
palagay ninyo nagpapakita ng di mabuting gawain o asal.
 Iguhit sa isang short bond paper ang inyong sagot.
 Pagkatapos maghanda sa paglalahad nito sa harapan.
D. PAGLALAPAT  Sa iyong palagay, karapat-dapat ba o hindi ang paggamit ng
Aplikasyon mga hayop bilang mga tauhan sa pabula?
 Magpahayag ng limang dahilan sa napili mong sagot sa mga
patlang sa ibaba.

E. PAGLALAHAT Isulat sa iyong “activity notebook”


Generalisasyon
Magbigay ng isang gintong-aral o mahalagang kaisipan na
natutunan mo sa pabula. Pangatwiranan.

IV. PAGTATAYA Isulat ang hugis puso sa patlang kung nagpapakita ng mabuting
asal ang pahayag at sad face naman kung ang pahayag ay
nagpapakita ang masamang gawain

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng isang simpleng “good deed” bawat araw at isulat


sa inyong activity notebook ang iyong naramdaman matapos
gawin ito.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING
SESYON: 3

Aralin: 2

Si Pagong and Matsing (Animation)

TUKLASIN
Sa pabulang ating nabasa hindi lang tayo naaliw kundi may aral
pa tayong napulot, nadagdagan ang ating kaalaman sa puso at sa isip.
Kaya sa pagkakataong ito, muli nating busugin ang
ating puso at isip sa isa pang pabula na tiyak na marami na
naman tayong mapupulot na kaalaman at gintong aral.
MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Bago kayo umalis ng bahay, ano ang bilin ng inyong magulang?


2. Sa tuwing nagagawa ninyo ang mga bilin ng inyong magulang ano naman
ang inyong nararamdaman?
3. Sa papaanong paraan upang mapagpatuloy ang ating mabuting gawain?

GAWAIN 1
Idol ko, gagayahin ko…

Magtawag ng 5 piling mag-aaral. Gamit ang kanilang takdang aralin na mga


larawan mula sa dyaryo o pahayagan, ilahad ang iyong paliwanag sa pamamagitan ng pag-
uulat o newscasting. Gagayahin mo ang istilo ng pag-uulat ng iyong paborito o idolong
newscaster

PAGSUSURI

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang karaniwang laman ng mga balita?
2. Bakit kaya nahahantong sa ganoong sitwasyon ang mga taong ito?
3. Makatarungan ba ang kanilang paninindigan? Pangatwiranan.

ALAM MO BA NA…

Manood at pakinggang mabuti ang kwento pagkatapos maghanda sa talakayan.

https://www.youtube.com/watch?v=e4hOF7Gj2Y4

PAGSASANAY
Sagutin Natin
1. Ano ang nakita nina Pagong at Matsing?
2. Bakit walang nagawa si Pagong sa napagdesisyonan ni Matsing? Naging
patas ba si Matsing sa kanyang desisyon?
3. Anong katangian nina Matsing at Pagong ang di dapat tularan? Ano naman ang dapat
tularan? Pangatwiranan ang sagot.

GAWAIN 4
Think-Pair-Share

1 Talakayin ninyong magpartner kung anong parte o pangyayari sa kwento nina


Pagong at Matsing ang sa palagay ninyo nagpapakita ng di mabuting gawain o
asal.
2 Iguhit sa isang short bond paper ang inyong sagot.
3 Pagkatapos maghanda sa paglalahad nito sa harapan.

RUBRIC PARA SA POSTER


Natatamong
Pamantayan Indikador Puntos
Puntos

Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang


maayos ang ugnayan ng lahat ng 15
konsepto sa paggawa ng poster

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe


15
konsepto sa paglalarawan ng konsepto

Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng


10
(Originality) poster

Kabuuang Malinis at Maayos ang kabuuang


10
Presentasyon presentasyon

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon


(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang 10
nilalaman, konsepto, at mensahe

Kabuuan

PAGLALAPAT
Gamit ang “discussion web” sagutin ang tanong na ito. Sa iyong palagay, karapat-
dapat ba o hindi ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula? Magpahayag
ng tatlong dahilan sa napili mong sagot sa mga patlang sa ibaba.

OO HINDI
OO HIND
I
Karapat-dapat ba o
hindi ang
paggamit ng mga
hayop bilang mga
tauhan sa pabula?

TANDAAN
Isulat sa iyong “activity notebook”
Magbigay ng isang gintong-aral o mahalagang kaisipan na natutunan mo sa pabula.
Pangatwiranan.

PAGTATAYA

Isulat ang hugis puso ( ) sa patlang kung nagpapakita ng mabuting asal


ang pahayag at “sad face” ( ) naman kung ang pahayag ay nagpapakita
ang masamang gawain

_____ 1. May nakaiwan ng bag sa taxi ni Mang Greg. Naglalaman ito ng pera, mga ID at tila
mahahalagang dokumento. Tinawagan kaagad ni Mang Greg ang numero sa ID
para isauli ang bag.

_____ 2. Si Gabriel ay gutom na gutom na dahil walang perang maibigay ang kanyang
magulang para pambaon sa eskwela. Nakakita sya ng isang mag-aaral na
maraming dalang pagkain mula sa canteen, nilapitan niya ito at tinakot para lang
ibigay sa kanya ang pagkain.

_____ 3. Nakita mo ang ina ng iyong kaaway na tumatawid sa kalsada at nahihirapan sa


kanyang mga dala. Tiningnan mo lang at sinabi sa sarili “bakit ko ba siya
tutulungan eh! Palagi naman akong inaaway ng kanyang anak”.

_____ 4. Ang iyong ama ay nagbubungkal ng lupa para tamnan ng mga gulay. Nakita mo
siya sa ganoong sitwasyon, agad-agad kang nag-alok na ikaw na lang ang gagawa
sa halip na pumunta sa basketball court dahil may usapan kayong magbabarkada.

_____ 5. Sa babaan ng jeep, nalaglag ang cellphone ng isang mag-aaral dahil sa


pagmamadali. Alam mong iisang paaralan lang ang inyong pinapasukan, kaya
dinala mo ito sa “lost and found section” ng inyong paaralan para mabalik ito sa
may-ari.

TAKDANG ARALIN

Sa loob ng isang lingo, gumawa ng isang simpleng “good deed” bawat


araw at isulat sa inyong activity notebook ang iyong naramdaman matapos
gawin ito.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 4

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin


tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
F7PU-Ic-d-2
 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng
posibilidad (maaari, baka, at iba pa) F7WG-I-cd-2

I. LAYUNIN
Kaalaman:
Nakalilikha ng pangungusap gamit ang ekspresyong
naghahayag ng posibilidad

Saykomotor: Nakagagamit ng mga ekspresyong naghahayag ng


posibilidad sa paglalahad ng damdamin o saloobin

Apektiv: Nakapagbibigay ng payo upang matugunan ang hinaharap


na suliranin

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad

B. SANGGUNIAN  Pinagyamang PLUMA 7


Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,

Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag

 https://prezi.com/fnxgdizuoqm5/mga-ekspresyong-
nagpapahayag-ng-posibilidad/
 Supplemental Lesson Plan rexinteractive.com
C. KAGAMITANG Permanent marker, manila paper, cartolina, bond paper,
PAMPAGTUTURO pangkulay

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal
na Tanong: 1. May posibilidad nga bang magbagong-buhay ang isang
taong naliligaw ng landas?

2. Kung iuugnay mo ito sa naging desisyon ni Pilandok na


magbago, masasabi nga bang tanging ang tao lamang ang
maaaring magpabago sa kanyang sarili at hindi ang ibang
tao?

3. Maaari nga kayang makatulong ang taimtim na


pananalangin sa Panginoon para sa pagbabago ng iba?
Aktiviti/Gawain

Pangkatang Gawain

 Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba.


“Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-
tao na magbagong-buhay. Dapat na ang pagbabago ay
magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.
 Lapatan ng himig ang teksto, pagkatapos ay ipaliwanag
ang kung ano ang nais ipahiwatig nito.
1. Bakit kailangang magbago ng isang tao?
2. Ayon sa binasa, sino lamang daw ang puwedeng
makapagbago sa kanya?
3. Sa inyong palagay, bakit kailangang magsimula sa
sarili ang pagbabago?

B. PAGLALAHAD  Talakayin ang Mga Ekspresyong Naghahayag ng


Abstraksyon Posibilidad
 Magbibigay ng halimbawa ang mga mag-aaral.
 Ipagamit sa sa pangungusap ang ibinigay na
halimbawa.
1. Ano ang kahulugan ekspresyong naghahayag ng
posibilidad?

2. Ano-ano ang mga salita o ekspresyong ginagamit sa


ganitong pagpapahayag?

3. Kailan natin ito puwedeng gamitin?

C. PAGSASANAY  Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekspresyong


Mga Paglilinang na nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang.
gawain

D. PAGLALAPAT  Bumuo ng maikling usapan sa pagitan mo at ang


Aplikasyon tauhang nasa mga sitwasyon. Gumamit ng mga
ekspersyong naghahayag ng posibilidad para sa bawat
usapan.
E. PAGLALAHAT Isulat sa iyong “activity notebook”
Generalisasyon
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin kung nais
nating magbigay ng posibilidad?

IV. PAGTATAYA Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan


ng buong pangungusap gamit ang mga salita o
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Salungguhitan
ang salita o ekspresyong ginamit mo.

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa


Mindanao.
Dalhin ang inyong mga sanggunian.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING

SESYON: 4
Aralin: 2
Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad

Aralin:

TUKLASIN
Madalas kapag tayo ay tinatanong at hindi pa tayo tiyak sa kung ano ang
kalalabasan, sinasagot na lamang natin ang katanungan ng… “maaari”,
“posible”, at “marahil”. Dahil may mga bagay talaga na hindi natin saklaw ang
mga pangyayari. Kagaya na lamang ng isang taong naligaw ang landas,
nalulong sa droga, at iba pang tulad ng nauna na mga sitwasyon. Ang kanilang pagbabago
o pagtuwid ng landas ang kadalasan nating idinadasal sa Poong Maykapal, lalong-lalo na
kung mahal natin sa buhay ang nangangailangan ng pagbabago.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1 May posibilidad nga bang magbagong-buhay ang isang taong


naliligaw ng landas?
2 Kung iuugnay mo ito sa nagging desisyon ni Pilandok na magbago, masasabi
nga bang tanging ang tao lamang ang maaaring magpabago sa kanyang
sarili at hindi ang ibang tao?
3 Maaari nga kayang makatulong ang taimtim na pananalangin sa Panginoon
para sa pagbabago ng iba?

GAWAIN 1

1. Pangkatin ang klase sa lima.


2. Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba.
“Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-tao na magbagong-
buhay. Dapat ang pagbabago ay magmula sa mismong indibidwal at ninanais
niya ito.
3. Lapatan ng himig ang teksto, pagkatapos ay ipaliwanag ang kung ano ang
nais ipahiwatig nito.

PAGSUSURI

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit kailangang magbago ng isang tao?


2. Ayon sa binasa, sino lamang daw ang puwedeng makapagbago sa kanya?
3. Sa inyong palagay, bakit kailangang magsimula sa sarili ang pagbabago?

ALAM MO BA NA…

Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay


nagpapahayag tayo ng mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa
mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masigurado o
may pag-aagam-agam pa tayo. May mga salita o ekspresyong ginagamit sa
ganitong pagpapahayag tulad ng:

baka puwede
kaya ang…

maaari siguro

marahil sa palagay
ko

may tila
posibilidad
bang…

possible
kayang

Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaasahang sagot
ay maaaring positibo o negatibo depende sa kung maaari nga bang magkatotoo
ang bagay na inihahayag o itinatanong.

Halimbawa:
Usapan 1
Lianne: Posible kayang magkaroon ng snow ditto sa Pilipinas?
Dona: Hindi posible ‘yan kasi kabilang ang bansa natin sa may klimang tropikal
kaya dalawang uri ng klima lang ang nararanasan natin, ang tag-ulan at ang tag-
araw.
Usapan 2
Ding: Posible kayang umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang uulan nga mamaya. Makulimlim kasi ang himpapawid.
PAGSASANAY
Talakayin Natin

1. Ano ang kahulugan ekspresyong naghahayag ng posibilidad?


2. Ano-ano ang mga salita o ekspresyong ginagamit sa ganitong
pagpapahayag?
3. Kailan natin ito puwedeng gamitin

GAWAIN 4
Palawakin mo

Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa


bawat bilang.

1. Possible nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang
maubos tulad ng pilandok, Philippine eagle at tamawaw?
2. Sa palagay ko malaki ang maitutulong ng mamamayan upang maisalba ang
mga hayop na nanganganib nang maubos.
3. Maaari bang mabilanggo ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga
hayop na malapit nang maubos para hindi na sila pamarisan?
4. Kailangan lang siguro na may mga taong italaga sa ating kagubatan upang
magbantay sa mga hayop upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
5. Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay masyado ng nahuhumaling
sa teknolohiya tulad ng cellphone, gadgets at iba pa tila nakakalimutan na
nilang maging sensitibo sa pangangailangan ng ating kalikasan.

PAGLALAPAT
Tiyakin Mo

Bumuo ng maikling usapan sa pagitan mo at ang tauhang nasa mga sitwasyon.


Gumamit ng mga ekspersyong naghahayag ng posibilidad para sa bawat usapan.

1. Nakausap mo si Pilandok. Malungkot siya dahil hindi naniniwala ang ibang hayop
na nagbago na nga siya. Maglahad ka ng mga posibilidad na puwede niyang gawin
para makumbinsi niya ang ibang hayop na nagbago na siya.

Pilandok:
Ikaw:
Pilandok:

2. Naawa ka kay Pilandok kaya’t kinausap mo ang ibang hayop na bigyan naman siya
ng pagkakataong maipakita ang kanyang pagbabago. Magsabi ka ng mga
posobilidad na puwede nilang gawin para hindi umiral ang pagiging mapanghusga.

Ikaw:
Ibang hayop:
Ikaw:

3. Maliban kay Pilandok, ,ay iba pang taong nangangailangan din ng iyong payo.
Nalulungkot ang kapatid mo dahil hindi siya pumasa sa basketball tryout sa
paaralan. Alam mong mahusay siya sa iba pang larangang walang kaugnayan sa
basketball kaya maglahad ka ng ibang posibilidad para sa kanya.
Ikaw:
Ibang hayop:
Ikaw:

TANDAAN
Isulat sa iyong “activity notebook”

Paano mabisang maipahahayag ang saloobin kung nais nating magbigay ng


posibilidad?

PAGTATAYA

Pagsubok ng Kaalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng buong
pangungusap gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong ginamit mo.

1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?

2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?

3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?

4. Mangingibang-bansa ka kaya para roon na magtrabaho at tumira?

5. Ilang taon ka kaya magpapakasal o mag-aasawa?

TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Dalhin ang


inyong mga sanggunian.
UNANG MARKAHAN Aralin 3

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 1

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at


paraan ng kanilang pananalita F7PN-Id-e-3
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa
akda F7PT-Id-e-3
I. LAYUNIN
Kaalaman:
Natutukoy ang mga salita sa tulong ng mga pahiwatig na titik

Saykomotor: Nakagagamit nang angkop na mga salita sa paghahayag ng


saloobin hinggil sa simbolong ginamit sa akda

Apektiv: Napasisidhi ang pagpapahalaga sa pagtulong sa kapwa na


walang hinihintay na kapalit

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

B. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7

Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,

Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-
Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-Pangkatang-Gawain
http://all-about-filipino.blogspot.com/2011/01/indarapatra-at-
sulayman.html

C. KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
Permanent marker, manila paper, diksyonaryo

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal
na Tanong: 1. Bakit mahalaga ang kusang pagtulong sa kapwa nang
walang hinihintay na anumang kapalit?

2. Bakit kaya hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga


kuwentong puno ng kababalaghan at di-kapani-paniwalang
pangyayari gaya ng epiko?

3. Tama bang pag-aralan pa ito lalo nan g kabataang tulad mo


sa paaralan? Bakit?

Aktiviti/Gawain
Pag-alis ng Sagabal

Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga


pahiwatig na titik sa bawat kahon.

k_w_ _a
1. iba pang tawag sa yungib
B. PAGLALAHAD  Think-Pair-share
Abstraksyon Magtala ng tatlong (3) bagong salita o salitang hindi mo pa
alam ang ibig sabihin mula sa binasang epiko. Pag-usapan
ng iyong katabi ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa
pagkakagamit sa epiko. Maaari ring gumamit ng
diksyonaryo para sa gawaing ito. Isulat sa tamang hanay
ang kahulugan kung saan mo ito kinuha. Pumili ng isang
salita at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat
sa “activity notebook

 Ipabasa ng dugtungan. Pumili ng limang mag-aaral na


babasa ng buod ng Indarapatra at Sulayman nang may
damdamin.
1. Ilarawan ang katangian ng bawat pangunahing tauhan sa
binasang akda.
2. Sa unang bahagi ng akda, anu-anong suliranin ang
makikita ditto? Isa-isahin ang mga suliraning makikita sa
akda.
3. Paano naman ito nabigyan ng solusyon ang nasabing
suliranin? Ipaliwanag ang sagot.
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan nina Sulayman at
Indarapatra, gagawin mo rin ba ang ang naging pasya nila?
5. Sa ginawang pagtulong ng magkapatid sa Mindanao, ano
naman ang idinulot nito sa kanilang buhay?

”.

C. PAGSASANAY Pangkatang Gawain (Isulat sa Manila Paper) Gawain 4


Mga Paglilinang na
gawain  Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa
akda na nakatala sa bawat bilang.
 Bawat pangkat ay magpapalabunutan ng larawan,
ipaliwanag kung ano ang isinisimbolo ng larawang nabunot.
 Maghanda sa paglalahad ng inyong paliwanag.
 Mga simbolo: apat na halimaw, halaman, singsing at
espada, bathala, tubig, puso
D. PAGLALAPAT Kilalanin kung anong katangian mayroon ang tauhang nakatala
Aplikasyon ayon sa kanilang sinabi sa akda. Lagyan ng tsek ( ) ang
napiling sagot at saka ipaliwanag sa patlang kung bakit ito
ang iyong sagot.

E. PAGLALAHAT Sagutan ang sumusunod na katanungan sa inyong activity


Generalisasyon notebook.

Ipaliwanag nang mabuti ang pahayag na ito, “Tumulong sa


kapwa nang walang hinihiling na kapalit”. Magbigay ng
halimbawang sitwasyon. (10 puntos).

IV. PAGTATAYA Punan ng sagot ang “graphic organizer” sa ibaba.

1. Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng


pagtutulungan?
2. Bilang isang mag-aaral/anak/mamamayan, paano mo
ipinakikita ang iyong pagdamay sa mga taong
nangangailangan?

3. Sa iyong palagay, tungkulin ba ng bawat tao na tumulong sa


sinumang nangangailangan? Ipaliwanag ang sagot?

V. TAKDANG-ARALIN Sa iyong paboritong teleserye, magtala ng isang sitwasyon na


kung saan nagpapakita ng kabutihan sa kapwa at ilahad kung
ano ang naging bunga ng ginawang kabutihan.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING

SESYON: 1
Aralin: 3
Indarapatra at Sulayman
Isinalin ni Bartolome del Valle
TUKLASIN

Sa ating buhay, lahat tayo ay dumaan sa pagkabata… parte ng ating


pagkabata ang mangarap na maging isang superhero na taglay ang pambihirang
kapangyarihan. Kapangyarihang ginagamit sa kabutihan para sa kapakanan ng sanlibutan
upang maipagtanggol ang naapi at mailigtas sa masasamang nilalang. Maaaring bunga
lamang ito sa panonood natin ng pelikula, telebisyon o pagbabasa ng komiks ngunit bago pa
man sumikat ang mga ito, ang ating mga ninuno ay mayroon na ring ganitong klaseng mga
kwento… ang pambihirang kapangyarihang ito ay mababasa sa mga epiko.
Kaya halina’t tunghayan naman natin ang kwentong nagtataglay ng mga
pambihirang kapangyarihan… tiyak na marami tayong mapupulot na magagandang-aral na
ating maisasabuhay at maging gabay tungo sa kabutihan.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Bakit mahalaga ang kusang pagtulong sa kapwa nang walang


hinihintay na anumang kapalit?
2. Bakit kaya hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga kuwentong puno ng
kababalaghan at di-kapani-paniwalang pangyayari gaya ng epiko?
3. Tama bang pag-aralan pa ito lalo na ng kabataang tulad mo sa paaralan?
Bakit?

GAWAIN 1

Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig na


titik sa bawat kahon.

K __ w __ __ a 1. iba pang tawag sa yungib

b __ y __ n 2. lantad na lugar; binubuo ng mga barangay

u __ __ l a 3. namatayan o nawalan ng mahal sa buhay

k __ b __ __ __ g 4. pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay

b __ __ g __ __ y 5. tawag sa patay na tao o hayop


PAGSUSURI

Think-Pair-share
Magtala ng tatlong (3) bagong salita o salitang hindi mo pa alam ang ibig sabihin mula sa
binasang epiko. Pag-usapan ng iyong katabi ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa
pagkakagamit sa epiko. Maaari ring gumamit ng diksyonaryo para sa gawaing ito. Isulat sa tamang
hanay ang kahulugan kung saan mo ito kinuha. Pumili ng isang salita at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap. Isulat sa “activity notebook”.

Mga Bagong Salita Kahulugan Batay sa Kahulugan Batay sa Pagkakagamit


para sa Amin Diksyonaryo sa Akda
1.

2.

3.

Makabuluhang Pangungusap

ALAM MO BA NA…

Ipababasa ng dugtungan. Pumili ng limang mag-aaral na babasa ng


Indarapatra at Sulayman nang may damdamin.

INDARAPATRA AT SULAYMAN
Isinalin ni Bartolome del Valle

I
Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

II
Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.
III
Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw
na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

IV
Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad
ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

V
Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Sa anong kadahilanan at nawala ang dati’y maligayang pamumuhay ng mga


tao sa Mindanaw? Isa-isahin ang mga ito.

VI
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw
ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;
Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

VII
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas
ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad
at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”

VII
Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid
upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;
“ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

IX
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian
nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan
ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;
“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.
X
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok
at biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;
sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

Ilarawan si Indarapatra.

Ano ang iniutos ni Indarapatra upang malutas ang suliranin ng maraming


bayan sa Mindanaw?

XI
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay
kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal
na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”

XII
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,
at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.
Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos;
ang kay Tarabusaw sa sandata nama’y sangang panghambalos.

XIII
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang
Ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman
At saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.

XIV
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;
siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;
Ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa
at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.

Paano nilabanan ni Sulayman ang mga halimaw?

Ano ang nagpatatag ng loob ni Sulayman?


XV
Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,
datapwat siya rin ang sinamang-palad sa bagsakan niyon;
sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon
kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.

XVI
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari
pagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangalabi;
“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

XVII
Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha
ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas
Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

XVIII
Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,
at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay.
Sil ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,
saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.

Sa pakikipaglaban ni Sulayman sa mga halimaw, sa papaanong paraan


siya nabawian ng buhay?

Kahit malayo ang kapatid na si Indarapatra, paano niya nalaman na ang


kapatid na si Sulayman ay nasawi na?

Mapatos mahabag ang Bathala kay Indarapatra, ano ang sumunod na


nangyari?

XIX
Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap
ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap;
dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas
subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas

XX
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,
“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang.
Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”
At kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.

XXI
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya
kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa
na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika
ang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

XXII
Ang tubig ng dagatay tila hinigop sa kailaliman;
at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawing kapatagan,
Si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,
at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

Ano ang hiniling ni Indarapatra matapos niyang magapi ang halimaw sa


bundok Kurayan?

Paano lumitawa ang kapatagan sa pulong Mindanaw?

PAGSASANAY
Gawain 3

Talakayin Natin

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ilarawan ang katangian ng bawat pangunahing tauhan sa binasang akda.
2. Sa unang bahagi ng akda, ano-anong suliranin ang makikita dito? Isa-isahin ang mga
suliraning ito.
3. Paano naman ito nabigyan ng solusyon ang nasabing suliranin? Ipaliwanag ang
sagot.
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan nina Sulayman at Indarapatra, gagawin mo rin ba ang
ang naging pasya nila?
5. Sa ginawang pagtulong ng magkapatid sa Mindanao, ano naman ang idinulot nito sa
kanilang buhay?

PAGLALAPAT

Palawakin mo (Gawain 4)

Pangkatang Gawain (Isulat sa Manila Paper)


Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akdang nakatala sa bawat
bilang. Bawat pangkat ay magpapalabunutan ng larawan, ipaliwanag kung ano ang
isinisimbolo ng larawang nabunot. Maghanda sa paglalahad ng inyong paliwanag. Ang
unang bilang ay sinagutan na upang maging gabay mo sa pagsagot.

1. simbolo (Saknong II): apat na halimaw

Ang apat na halimaw na maaaring pumatay o lumapa sa mamamayan ay


sumusimbolo sa malalaking problemang dumating sa buhay ng mamamayan sa
Mindanao. Dahil marami at malaki ang problema, nangangahulugan din ito na
kailangan ng Mindanao ng mahusay, matapang, at makapangyarihang pinuno o
taong makatutulong sa kanila.

2. simbolo (Saknong VIII): halaman

3. simbolo (Saknong VIII): singsing at espada

4. Simbolo (Saknong XVII) bathala


5. Simbolo (Mga saknong XVII at XVIII): tubig

6. Simbolo (Mga saknong XII at XXI): puso

Rubriks para sa Pangkatang Gawain


5 4 3 2 1

Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot ang


mahusay ang mahusay ang lahat ng halos lahat ng iilang
lahat ng mga halos lahat ng katanungan katanungan katanungan
katanungan katanungan

Presentasyon Buong husay Naiipapaliwana Naipapaliwana Naipapaliwana Naiipapaliwana


na g ang mga g ang gang halos gang iilang
naipapaliwana kasagutan ng kasagutan sa lahat ng kasagutan sa
g ang mabuti klase kasagutan sa klase
kasagutan sa klase
klase

Kooperasyon Naipapamalas Naipapmalas Naipapamalas Naipapamalas May pagkanya-


ng buong ng halos lahat ang ang kanya ang
miyembro ang ng miyembro pagkakaisa ng pagkakaisa ng bawat
pagkakaisa ang mga miyembro iilang miyembro
pagkakaisa miiyembro

TakdangOras Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Gawain ng Gawain sa loob Gawain ngunit Gawain ngunit ang Gawain
buong husay ng itinakdang lumagpas ng 5 lumagpas ng
sa loob ng oras minuto 10 minuto
itinakdang
oras
Preparasyon Laging alisto Laging Nakahanda sa Kailangang Walang
at lagging nakahanda pangkatang lumabas sa kahandaan
handa ang ang mga Gawain klase at
mga kagamitan sa manghiram ng
kagamitan sa pangkatang gamit dahil
pangkatang gawain walang
gawain handang
kagamitan

https://www.scribd.com/doc/154113324/Panuntunan-Sa-Pagbibigay-Ng-Marka-Sa-
Pangkatang-Gawain

Tiyakin Mo
Kilalanin kung anong katangian mayroon ang tauhang nakatala ayon sa kanilang
sinabi sa akda. Lagyan ng tsek ( ) ang napiling sagot at saka ipaliwanag sa patlang
kung bakit ito ang iyong sagot.

1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo, Na iyong iligtas ang maraming


taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”

likas na maawain

mahina ang loob

may malasakit sa kapwa

Paliwanag:

2. Sulayman: “O mahal na hari na aking kapatid, Ngayon din lilipad at maghihiganti sa


mga halimaw, ang talim ng tabak.”

mapagmalasakit sa iba
masunurin sa kapatid
takot sa kapatid
Paliwanag:

3. Sulayman: “Ikaw ay magbabayad mabangis na hayop?”

mabangis sa hayop
mapaghiganti sa kapwa
matapang na mandirigma
Paliwanag:

4. Indarapatra: “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi, “Ang
kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

madaling matarantang hari


mapagmahal na kapatid
matapang na kapatid
Paliwanag:
5. Diwata: “Salamat sa iyo, butihing bayani, na ubod ng tapang, kaming mga labi ng
ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”

mapagpasalamat
marunong tumanaw ng utang na loob
magalang sa maykapangyarihan

Paliwanag

TANDAAN

Ipaliwanag nang mabuti ang pahayag na nasa kahon. Isulat ang sagot sa iyong
“activity notebook”

“Tumulong sa kapwa nang walang hinihiling na kapalit”.


Magbigay ng halimbawang sitwasyon.

PAGTATAYA

Punan ng sagot ang “graphic organizer” sa ibaba.

Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng pagtutulungan?

Paano mo ipinakikita ang iyong pagdamay sa mga taong


nangangailangan?

Bilang
Bilang Mag-aaral Bilang Anak
Mamamayan
Sa iyong palagay, tungkulin ba ng bawat tao na tumulong sa sinumang
nangangailangan? Ipaliwanag ang sagot?

TAKDANG ARALIN

Sa iyong paboritong teleserye, magtala ng isang sitwasyon na kung


saan nagpapakita ng kabutihan sa kapwa at ilahad kung ano ang naging
bunga ng ginawang kabutihan.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)
Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang


kaisipan sa binasang akda F7PB-Ic-d-2
 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay
sa akdang napakinggan F7PN-Ic-d-2
VI.LAYUNIN
Kaalaman: Nakapaglalahad ng sariling kaisipan hinggil sa binasang
akda
Saykomotor: Nakagagamit ng mga sitwasyon upang mabigyang diin ang
gintong-aral na nakuha sa akda
Apektiv: Naipamamalas ang katapatang loob sa lahat ng Gawain
VII. PAKSANG-ARALIN
D. PAKSA Natalo rin si Pilandok (Pabula)

E. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7


Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag
F. KAGAMITANG Permanent marker, manila paper
PAMPAGTUTURO
VIII. PAMAMARAAN
F. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal 1. Pamilyar ba kayo sa mga salitang nakapaskil sa pisara?
na Tanong: (Dugo-dugo, Budol-budol, Laglag Barya)
2. Saan ninyo narinig ang mga salitang ito?
3. Ano ang tawag sa mga taong may ganitong gawain?
4. Sa inyong palagay, ano ang dahilan kaya sila pumapasok
sa ganitong gawain?
5. Paano kaya maaaring makaiwas sa mga taong
mapanlinlang o manloloko?

 (Pangkatang Gawain) Pantomina


Aktiviti/Gawain
 Bawat pangkat ay pipili ng magrerepresenta ng kanilang
grupo
 Ang kinatawan ng bawat pangkat ay bubunot ng isang
nilukot na papel mula sa kahon.
 Huhulaan ng ibang grupo ang kung anuman ang ikikilos
(act) ng kinatawan.
 Ang unang makahuhula ang makakukuha ng puntos.
Para hindi magiging masyadong maingay. Magkaroon ng
kasunduan bago magsimula.
Magbigay ng tig-iisang flaglet na syang itataas. Ang
unang makapagtataas ng flaglet ang unang pasasagutin.
 Ang may pinakamataas na puntos ang syang panalo
1. Nahulaan ba kaagad ang nais ipahiwatig ng bawat
kinatawan?
2. Paano ninyo nahulaan ang mga ikilos ng bawat
kinatawan?
3. Paano ito makatutulong upang maging mabisa ang
ating paglalarawan?

G. PAGLALAHAD  Magbigay ng pahapyaw na pagtatalakay tungkol sa


Abstraksyon pabula.
 Pag-alis ng Sagabal:
Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa
pangungusap
 Ipabasa ng dugtungan ang akdang “Natalo rin si
Pilandok (Pabula) sa mga piling mag-aaral. (DRTA)
1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Paano mo sya
ilalarawan?
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo?
3. Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para
makaligtas na maging hapunan ng baboy-ramo subalit hindi
mo naman ito kailangang ipahamak?
4. Paano makaiiwas maging biktima ng isang taong
mapanlinlang o manloloko?

H. PAGSASANAY Pangkatang Gawain (Isulat sa Manila Paper)


Mga Paglilinang na Isulat sa tamang hanay ang mga bagong salita o salitang
gawain hindi mo alam ang ibig sabihin mula sa binasang pabula.
Mga Bagong Salita para Kahulugan Batay sa
sa Akin Pagkakagamit sa Akda
o Mula sa Diksyunaryo

Makabuluhang Pahayag (Panuto: Gamitin ang


mga bagong salita sa pagsulat ng makabuluhang
pahayag. Dapat naglalaman ang makabuluhang
pahayag ng gintong-aral na napulot mula sa
pabulang binasa.

I. PAGLALAPAT Isulat sa iyong “activity notebook”


Aplikasyon Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang ang
iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong napili. (5 aytems)
J. PAGLALAHAT Isulat sa iyong “activity notebook”
Generalisasyon Tukuyin at lagyan ng tsek ( ) ang lahat ng mahahalagang
kaisipang taglay ng binasa. Ekis ( X ) naman ang ilagay sa
hindi. Bigyan ng maikling paliwanag kung bakit mahalaga
ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek.
IX. PAGTATAYA Pangkatang Gawain
 Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng sabayang
pagbigkas, pagtula, pag-awit o pagsasadula
Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din
sa iyo?
Ano-anong patunay ang maibibigay mo sa katotohanan ng
kasabihan?
X. TAKDANG-ARALIN Manood ng balita. Itala ang mga balita na sa tingin mo may
pagkakatulad sa ang sitwasyon sa pabulang binasa.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7


Mga Yugto ng Pagkatuto

Unang Sesyon (Ikatlong Paksa)


Aralin 4:
Tuklasin Natin:
Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng maraming mga likas na yaman
gaya ng mga pulo. Isa sa pikamalaking pulo ng ating bansa ay Mindanao.
Matatagpuan sa pulong ito ang mga kababayang Muslim na may katangi-
tanging kultura. Subaybayan ang mga gawain sa sanayang aklat at tiyak
na maging kilala nang lubos ang kanilang kultura. Huwag kang bibitaw!

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Kayo ba ay pinapayuhan ng mga magulang ninyo o ng mga nakatatanda lalo
na kung nagkamali kayo?
2. Paano ninyo tinanggap ang payo o pangaral?
3. Bakit may mga kabataang ayaw mapagsabihan?

Gawain 1: Mga Larawan kaugnay sa Kultura ng mga Muslim


PAGSUSURI
Gawain 2 :
Mula sa mga nakikita o
napanonood, masasagot mo na ba?

1. May alam ba kayo sa


paraan ng panliligaw
ng mga taga-
Mindanao lalo na ang
mga Muslim?
2. Paano kaya
maiiwasan ang
pagtatampuhan ng
mga kasapi ng
pamilyang Muslim?

Alam mo ba na……

Mas mauunawan natin ang nilalaman ng kwentong “Solampid”


Ta kapag maibibigay
lasalitaan: natin ayon sa ating pagkakaunawa ang kahulugan
ng mga nasa ibaba sa pamamagitan ng pagpili sa angkop na sagot
Hanay A Hanay B
1. mag-abuloy- a. banal na aklat ng mga Muslim
2. tumangis- b. magbigay /mag-alay
3. lamin- k.uri ng tahanan ng mga Muslim
4. torongan- d. lumuha
5. Qu’ran- e. tore ng isang prinsesa

Basahin ang Maikling Kuwentong “Solampid” sa loob ng 10 minuto.


Ang Kuwento ni Solampid
Noong unang panahon, may mag-asawang datu at ba’i sa Agamaniyog na may isang
anak na babae na nagngangalang Solampid. Pinag-aral siya sa isang paaralan sa Antara a
Langit na matatagpuan sa pagitan ng langit at lupa. Ipinadala siya upang mag-aral ng Banal
na Qu’ran, hanggang sa umako siyang napakagandang dalaga. Naging guro niya si Somesen
sa Alongan. Hingi nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at
ipinaalam kay ni Solampid. Umuwi si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama.
“Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?” ang nag-aalalang tanong ng dalaga. Sumagot sa
kanya ang ama, “Mahal kong anak, malapit na yata akong mawala sa mundong ito. Gusto
kong basahin mo sa akin ang Qu’ran bago ako mamatay at huwag mong kalilimutang mag-
abuloy sa mga mahihirap o magbigay ng ‘sadaka’ sa aking pangalan.”
“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng kahilingan mo,” ang sagot ni
Solampid. Umupo siya sa tabi ng amang maysakit at sinimulan niya ang pag-awit ng bawat
bersikulo ng Qu’ran. Nang marinig ang kanyang boses, tumigil ang ihip ng hangin at ang
mga dahon ay tumigil sa paggalaw. Pati na rin ang mga ibon ay tumigil sa paglipad upang
makinig sa pag-awit ni Solampid. Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran, namatay ang
kanyang ama.
Tumangis nang malakas ang dalaga, “Nanalangin ang lahat sa kaisa-isa nating
Panginoon! Oh ama, bakit mo kami iniwan sa mundong ito?” Umiiyak si Solampid patungo sa
kanyang ina at niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng nasa bahay. Inihanda ang datu para sa
kanyang libing.
Pagkatapos ng pagdadasal, inilibing ang datu sa Agamaniyog. Sumunod naman ang
pang-araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik na si Solampid sa Antara a Langit.
Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang ama ni Solampid, bumalik na
siya para sa isang kaugaling sinusunod ng kanyang ama. Tinulungan ni Solampid ang
kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita. Nang mga oras na iyon,
nanonood sa kanya ang kanyang guro na si Somesen sa Alongan at inihulog niya ang isang
sulat na may larawan niya para kay Solampid. Sinadya niyang ihulog ang mga ito sa harap
ni Solampid. Kinuha ng ba’ing Agamaniyog ang sulat na may larawan. Pumasok kagaad ito
sa kanyang silid at itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya ang larawan ni
Somesen sa Alongan at humanga siya sa kagandahang lalaki nito.
Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita at
pagkatapos ay pinakain niya ang lahat ng mga naroroon. Para sa alaala ng kanyang ama
ang paghahandang ito. Pagkatapos ng lahat, pumunta na si Solampid sa “lamin”, ang tore
ng prinsesa upang matulog. Nanaginip siya na may isang matandang lalaki na pumunta sa
kanya at nagsabing, “Solampid, hindi mo ba alam na si Somesen ay naghulog ng sulat at
larawan para sa iyo ngunit kinuha ng inyong ina at doon itinago sa kanyang kahon?
Gumising ka at buksan mo ang kahon at kunin mo ang sulat.” Gumising si Solampid at
sinunod ang sinabi ng matanda. At natagpuan niya doon ang sulat at larawan. Binasa niya
ang sulat. Para sa ina ni Solampid ang sulat at nagsasabing umiibig si Somesen sa Alongan
kay Solampid at gusto rin niyang pakasalan ito. Sinunog ni Solampid ang sulat.
Kinuha niya ang larawan at dali-dali siyang umalis ng bahay. Nang dumating ang
kanyang ina, kaagad namalayan niyang bukas ang kanyang kahon. Nalaman niyang wala na
ang larawan at sulat. Alam din niya na walang ibang magbubukas ng kahon maliban sa
kanyang anak. Pumunta siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid. Bumaba siya at nakita
niya itong papalayo na sa “torongan”. Galit na galit ang ina ni Solampid. Kumuha ito ng
kutsilyo at nagbalak na patayin si Solampid. Muntik na niyang maabutan ito ngunit tumalon
ito sa ilog. Lumangoy siya hanggang sa makarating sa kabilang dako ng ilog. Lumakad siya
nang lumakad hanggang sa makarating siya sa isang bahay na may dalawang matanda.
Bingi ang isang matanda at bulag naman ang isa. Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at
nagtago. Dali-dali niyang isinara ang pinto. Maya-maya, dumating ang kanyang ina, hinanap
si Solampid doon ngunit nabigo siya. Hindi niya nakita si Solampid kaya bumalik siya sa
kanilang bahay.
Pagkaraan ng ilang araw, may tatlong magkakapatid na binatang dumating sa bahay
na pinagtataguan ni Solampid. Nagtago si Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig
ang magkakapatid sa kanyang kuwento at napagkasunduan nilang ituring siya na kanilang
sariling kapatid. Dahil sa natuklasan din nilang may maganda itong boses, pinakiusapan ang
kanilang gurong si Rajah Indarapatra na tanggapin si Solampid na isa sa kanilang mga mag-
aaral. Hindi nagtagal umibig si Rajah Indarapatra kay Solampid at pinakasalan ito.
Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao Nina
Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D

Gawain 3:
Pagpapangkat-pangkat sa klase sa apat. Pagtatalakay sa kwentong binasa
sa pamamagitan ng pangkatang talakayan.
Pangkatang Gawain: Hatiin sa apat (4) ang klase. Bawat pangkat ay may
dapat ibahaging impormasyon batay sa mga banghay ng
kuwento:
I. Ibahagi ang simula at suliranin ng kuwentong narinig: Bakit kaya iniwan ng
dalaga ang mga magulang sa kanilang bayan? Ano ang dahilan sa pag-uwi ni
Solampid sa kanila?
II. Isalaysay ang papataas na aksyon at Kasukdulan: Paano
III. Iulat ang pababang aksyon at wakas ng kuwento
IV. Isa-isahin ang mga natatagong aral o mensahe mula sa kuwento.

Gawain: Pag-uulat hinggil sa pangkatang talakayan kaugnay sa napag-usapang


impormasyon sa tulong ng krayterya:

Krayterya sa Pagmamarka:
1. May kaangkupan ang kasagutan sa gawaing ibinigay - 15
Pts.
2. Malinaw ang pagkaka-ulat na ibinabahagi ng reporter - 10
Pts.
3. May malinis at kaaya-ayang visual aid - 5
Paglalapat:
Palawakin Pa Natin
Gawain 1:
Pag-usapan ang mga mga ss.
1. Paano ipinakita ng babae ang kanyang paninindigan sa buhay?
2. Makatwiran ba ang ginawa ng ina sa anak niya?
3. Tama bang bigyan ng pagkakataon ng Rajah ang babae na nauwi sa
kasalan? Ipaliwanag.
Tandaan:

Gawain: Isulat ang mga tungkulin ng lalaki at babae upang maiiwasan ang pananakit
sa isa’t isa at magtatagumpay sa buhay pagdating ng araw (bilang haligi at
ilaw ng tahanan).

Lalaki Babae

Sa mga tinedyer dapat hwag basta-bastang magsalita kaugnay sa pag-ibig lalo na


kung gagamitin mo lang upang manakit o manloko sa kapwa.
PAGSUBOK NG KAALAMAN.
Gawain:
1. Isa-isahin ang mga katangian ng mag-anak sa kwento. Sa mga tauhan, sino sa kanila
ang nagiging makatwiran? Bakit?
2. Nagustuhan mo ba si Rajah Indarapatra, anu-anong mga katangian ang nakukuha
mo sa kanya?

Gawain 5: Para sa karagdagang kaalaman


Basahin muli ang kuwento at sagutin ang mga ss.sa kwaderno:
1. Bakit kaya di nagkatuluyan ang dalagang si Solampid kay Somesen?
2. Paano nalaman ng ina ang pag-ibig ng lalaki kay Solampid?

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Pangkatang Gawain

 Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, pagtula, pag-


awit o pagsasadula.

1. Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo?


2. Ano-anong patunay ang maibibigay mo sa katotohanan ng kasabihan?

TAKDANG ARALIN
 Manood ng balita. Itala ang mga balita na sa tingin mo may
pagkakatulad sa ang sitwasyon sa pabulang binasa.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)
Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang


makatotohanang proyektong panturismo

Kompetensi:  Napatutunayang nagbabago ang kahulugan


ng mga salitang naglalarawan batay sa
ginamit na panlapi F7PT-Ic-d-2
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nailalahad ang pagbabagong naganap sa salita
kapag ang salitang-ugat ay nilapian
Saykomotor: Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng
salitang-ugat na nilapian at nagagamit sa
pangungusap
Apektiv: Naisasagawa ang pagpapahalaga sa paggamit ng
wastong salita upang maipahiwatig nang husto
ang saloobin.
PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Panlapi at salitang-ugat

B. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7


Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene
Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M.
Dayag
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Tanong: 1. Paano ba mabisang mailalarawan ang isang
bagay?
2. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, paano
nyo naipahahayag ang iyong saloobin?
3. May kahalagahan ba ang pagpili ng wastong
salita upang maipahayag ang iyong saloobin?
Aktiviti/Gawain Ipaliwanag.

 (Pangkatang Gawain)
 Bawat pangkat ay bibigyan ng
magkaparehong salitang-ugat ang mga
panlapi.
 Ang unang makabuo ng limang salita gamit
ang mga panlapi ang siyang panalo.
 Pagkatapos ay kilalanin ang kahulugan ng
mga salita batay sa gamit ng panlapi.
 Idikit ang salitang napili sa espasiyong
nakalaan dito.
1. Habang binubuo ninyo ang mga salita, ano
ang napansin ninyo sa salitang-ugat?
2. Mayroon bang pagkakaiba sa mga ito? Sa
papaanong paraan?
3. Paano ito makatutulong upang maging
mabisa ang ating paglalarawan?

B. PAGLALAHAD  Talakayin ang Kahulugan ng panlapi, Uri ng


Abstraksyon panlapi at gamit ng panlapi.
 Pagbibigay ng sariling halimbawa ng mga
mag-aaral.

C. PAGSASANAY Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa


Mga Paglilinang na gawain gamit ng panlapi. Piliin ang sagot sa hanay B at
isulat ang titik sa patlang.
D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain
Aplikasyon  Sumulat ng isang pabula.
Malayang gumamit ng tauhan sa inyong
pabula. Siguhaduhin na nagtataglay ito ng
magandang-aral.
 Isulat sa short bond paper at maghanda sa
paglalahad nito sa buong klase.
 Pumili ng tatlong salitang naglalarawan na
nilapian pagkatapos sumulat ng apat pang
salita gamit ang ibang panlapi pero pareho pa
rin ang salitang-ugat.
E. PAGLALAHAT Isulat sa iyong “activity notebook”
Generalisasyon Paano makatutulong ang paggamit ng panlapi
upang maging mabisa ang ating pagpapahayag
ng saloobin?
PAGTATAYA Bilugan ang panlapi sa salita. Isulat sa patlang
ang U kung unlapi, G kung gitlapi at H kung
hulapi. (5 aytems)
TAKDANG-ARALIN Magdala ng larawan na nagpapakita ng
mabuting-asal.
Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING

UNANG MARKAHAN
Mga Yugto ng Pagkatuto

Ikalawang Sesyon
Tuklasin Mo:

Tingnan ang larawan, ano ang inyong natutuhan sa nakaraang talakayan.


Tungkol kanino ang buhay na may kinalaman sa nakita?.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Paano ba mabisang mailalarawan ang isang bagay?
2. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, paano nyo naipahahayag ang iyong
saloobin?
3. May kahalagahan ba ang pagpili ng wastong salita upang maipahayag ang iyong
saloobin? Ipaliwanag.

BALIKAN NATIN
1. Bakit kaya pinag-aral ng datu at ba’i na taga Agamaniyog ang anak?
2. Paano nalaman ng anak na nagkasakit ang ama?
3. Ano ang papel na ginagampanan ni Somesen sa buhay ni Solampid?

Gawain 1:
Panoorin ang isang doku-film o freeze story kaugnay sa kultura ng mga Muslim.

1. Sa napanood, ano ang impormasyong nababatid ninyo?


2. Paano kaya ipinakita ng mga tauhan ang kanilang mga damdamin upang
maunawaan ng tumitingin?
3. Sa palagay n’yo kung di kayo, magsasalita mauunawaan pa rin ba kayo?

Gawain 2:
Sa ibinigay na takdang-aralin sa nakaraang araw, muling pag-usapan ang
talasalitaan kaugnay dito at ang natutuhang aral.

Alam mo ba …

Ang mga muslim ay kapwa nating Pilipino na may iba’t ibang kultura.
Kailangang alamin natin.

1. Ano kaya ang pagkakaiba ng Maguindano at Maranao?


2. Anong kultura ang masasalamin dito?
3. Ipakita ang larawang nabanggit na uri ng mga Muslim.

 Pag-usapan ang kultura ng mga Muslim sa tulong ng kuwentong narinig.

Gawain 3

Pangkatang Talakayan: Pag-usapan ang mga ss.

 Tauhang nagsipagganap sa kuwento, mga suliraning bumabalot at solusyong


ginawa sa kuwento.

 Isa-isahin ang kulturang bumabalot sa kuwento gaya ng tradisyon at pag-uugali ng


mga Muslim . https://www.youtube.com/watch?v=JlXpf7rDwN8 I Love My Culture:
Alamin ang mga kultura ng 5 Muslim tribes ng bansa [08|13|14]

Gawain 4

Payabungin Natin:
“Ang Pagbibinyag ng mga Muslim”
(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang


kasalanan, kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya
na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag
ng mga Muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na


napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang
sanggol.

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang
babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y ikintal na
siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.

Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.


Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli,
isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga
kaibigan, kamag-anakan at pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.


Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito ay tinatawag na aqiqa,
na ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.

Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng


isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa
isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag
lumutang ang buhok, magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata.
Ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang
bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit bahagi ito ng tradisyon, patuloy
pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng
seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin,
dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin.
Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito
ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may
kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa
tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buwaya.

Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa
pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito
ang pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga
batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pagaari. Ang pagislam ay
ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa
kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang
mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

 Ibahagi sa klase ang napag-usapan mula sa pangkatang talakayan. Gagabayan sila


sa tulong ng inihandang krayterya/rubrics (bubuo ang guro).

Paglalapat
 Pagpapabuod sa binasang kuwento nang maayos at may kaisahan sa mga
pangungusap sa tulong ng Story Pyramid na nasa manila paper/cartolina.

 Mula sa ginawa, hayaang basahin ng piling estudyante ang ginawang pagbuod upang
makilala ang angkop na gawain kung ito ba’y sumusunod sa tagubilin.
Hal. Ipinagbunyi ng mga Muslim ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat
nandoon ay naghandog ng regalo sa batang Muslim. Masayang-masaya ang mag-asawa
sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang pasasalamat nila sa mga dumalo sa pag-
gugunting kay Abdulah.

Tandaan:
Kung ang mga kababayan nating Muslim ay nagpapahalaga sa
kanilang kultura at pag-uugali, bilang kristiyano, paano mo naman
pahalagahan ang sa iyo?

PAGSUBOK NG KAALAMAN:
 Sa isang buong papel, isulat ang buod sa kwentong pinag-usapan at iugnay
ang mga mahahalgang kultura ng mga Muslim lalo ang pagmamahal nila sa
kapamilya. Dapat may pagkakaugnay ang mga pahayag. Gamitin ang mga
elemento ng banghay sa pagbubuod.

 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1) Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?


Ilarawan ang kanyang nagging reaksyon?
2) Paano niya ipinakitang nagpasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap?

3) Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang


mga ganitong uri ng paniniwala? Pangatwiranan.

Gawain 5:
Sagutin sa kwaderno ang nakasaad sa visual aid kaugnay sa pagbibigay
hinuha sa mga sumusunod na pangungusap:
1) Kung ikaw ang tatanungin, tama ba ang ginawa ng ina ng dalaga na itago ang
sulat? Pangatwiranan.
2) Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng dalaga sa paglihim ng ina sa kanya?
Makatwiran kayang pakasalan ni Solampid si Rajah Indarapatra?

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
 Bilugan ang panlapi sa salita. Isulat sa patlang ang U kung unlapi, G
kung gitlapi at H kung hulapi. (5 aytems)
TAKDANG ARALIN
 Magdala ng larawan na nagpapakita ng mabuting-asal.

UNANG MARKAHAN (Aralin 2)


Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa


karakter ng isang tauhan sa napanood na animation
F7PD-Ic-d-2
 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging
karapat-dapat/ di karapat-dapat ng paggamit ng mga
hayop bilang mga tauhan sa pabula F7PS-Ic-d-2
VI. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapaliwanag kung paano lumaganap ang pabula
Napagtitimbang-timbang kung karapat-dapat/ di karapat-
dapat ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa
pabula
Saykomotor: Naisasagawa ang pagsusuri sa pinanood na animation hinggil
sa paksa
Apektiv: Napangangatwiran na ang panlilinlang ay hindi magdudulot
ng kabutihan sa atin.
VII. PAKSANG-ARALIN
D. PAKSA Si Pagong and Matsing (Animation)

E. SANGGUNIAN Pinagyamang PLUMA 7


Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag
F. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Permanent marker, manila paper, cartolina, bond paper,
pangkulay
VIII. PAMAMARAAN
F. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Tanong: 1. Kumusta ang gising ninyo ngayong umaga?
2. Ano ang una ninyong ginawa pagkagising?
3. Bago kayo umalis ng bahay, ano ang bilin ng inyong
magulang?
4. Sa tuwing nagagawa ninyo ang mga bilin ng inyong
magulang ano naman ang inyong nararamdaman?
5. Sa papaanong paraan upang mapagpatuloy an gating
mabuting gawain?
Aktiviti/Gawain
 Idol ko, Gagayahin ko.
 Magtawag ng 5 piling mag-aaral.
 Gamit ang kanilang takdang aralin na balita, gagayahin ng
mag-aaral ang istilo ng pag-uulat ng kanyang paborito o
idolong newscaster.
1. Ano ang karaniwang laman ng mga balita?
2. Bakit kaya nahahantong sa ganoong sitwasyon ang mga
taong ito?
3. Makatarungan ba ang kanilang paninindigan?
Pangatwiranan.

G. PAGLALAHAD  Pagtatalakay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula.


Abstraksyon 1. Bakit kaya patuloy na lumalaganap ang mga pabula
kahit pa ang mga naunang pabula ay sa paraang pasalita
lamang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon?
2. Ano ang pinatutunayan ng mahaba at makulay na
kasaysayan ng pabula?
 Ipanood ang animation ng Si Pagong and Matsing
 Habang nanonood ang mga mag-aaral, itanong:
1. Ano ang nakita nina Pagong at Matsing?
2. Bakit walang nagawa si Pagong sa napagdesisyonan ni
Matsing? Naging patas ba si Matsing sa kanyang desisyon?
3. Anong katangian nina Matsing at Pagong ang di dapat
tularan? Ano naman ang dapat tularan? Pangatwiranan
ang sagot.

H. PAGSASANAY Think-Pair-Share
Mga Paglilinang na gawain  Talakayin ninyong magpartner kung anong parte o
pangyayari sa kwento nina Pagong at Matsing ang sa
palagay ninyo nagpapakita ng di mabuting gawain o asal.
 Iguhit sa isang short bond paper ang inyong sagot.
 Pagkatapos maghanda sa paglalahad nito sa harapan.

I. PAGLALAPAT Isulat sa iyong “activity notebook”


Aplikasyon Magbigay ng isang gintong-aral o mahalagang kaisipan na
natutunan mo sa pabula. Pangatwiranan.
J. PAGLALAHAT  Sa iyong palagay, karapat-dapat ba o hindi ang paggamit
Generalisasyon ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula?
 Magpahayag ng limang dahilan sa napili mong sagot sa
mga patlang sa ibaba.

IX. PAGTATAYA Isulat ang hugis puso sa patlang kung nagpapakita ng


mabuting asal ang pahayag at sad face naman kung ang
pahayag ay nagpapakita ang masamang Gawain
X. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng isang simpleng “good deed” bawat araw at isulat
sa inyong activity notebook ang iyong naramdaman matapos
gawin ito.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7


Mga Yugto ng Pagkatuto

Ikatlong Sesyon

Ating Tuklasin:

Ang mga Pilipino ay likas na masayahin, kung minsan nanggagaya


tayo upang makapagpatawa at matawa na rin. Kung kaya malilit tayong
magpapahula o manghula gamit ang sarili nating dayalikto o kaya’y wika.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Kumusta ang gising ninyo ngayong umaga?
2. Ano ang una ninyong ginawa pagkagising?
3. Bago kayo umalis ng bahay, ano ang bilin ng inyong magulang?
4. Sa tuwing nagagawa ninyo ang mga bilin ng inyong magulang ano naman ang
inyong nararamdaman?
5. Sa papaanong paraan upang mapagpatuloy an gating mabuting gawain?
Paghuhula (Guess What?) Ano kaya ang mga sumusunod, ito ba’y salita,
pangungusap o parirala?
1. Ina
2. Naku!
3. Tatay at nanay
4. Di sukat akalain
5. Pista na!

Gawain 1:
1. Ano ba ang pagkakaiba ng salita sa pangungusap? Ng parirala sa
pangungusap?
2. Magkakapareho ba ang gamit ng isa’t isa? Patunayan
3. Ano ang pangungusap?
4. Madalas bang kasama ang simuno sa panaguri kapag bumubuo ng
pangungusap? Ipaliwanag.
5. Anu-ano ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa/simuno?

Alamin Natin: Ang kahalagahan ng Gramatika/Balarila


Ang Pangungusap ay lipon ng mga salitang nagbibigay ng buong diwa o
kaisipan.

 Ang mga uri nito ay Simuno at Panaguri.


 Ang simuno ay pinag-uusapan sa loob ng pangungusap samantalang ang
panaguri naman ay nagsasabi tungkol sa simuno.
Mga Pangungusap na walang Simuno o Paksa

1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring ginawa na at


kailangan lamang pasalamatan.

Halimbawa: Salamat.(po)

2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at nauunawaan


naman ng tinatawag na siya'y hinahanap

Halimbawa: a. Allan!

3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may kinalaman


sa kalikasan

Halimbawa: a. Umuulan na. b. Lumilindol.

4. Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong binabati

Halimbawa: a. Magandang Araw. b. Maligayang pagbati sa iyo.

5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap


ang pinagpaalaman ng aalis

Halimbawa: a. Paalam na(po). b. Hanggang sa muli.(po)


6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon.

Halimbawa: a. Pasko na! b. Bertdey mo na.

7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong

Halimbawa: a. Oo. b. Hindi. c. Baka.

8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang pahayag


na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit.

Halimbawa: a. Saan? b. Ano? c. Ha?

9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos


ang inuutusan.

Halimbawa: a. Lakad na. b. Sulong! c. Halika.

10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki.

Halimbawa: a. Pakidala nito. b. Makikiraan.(po)

11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang kay at


napaka.

Halimbawa: a. Kaybuti mo! b. Napakatamis nito!

12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama

Halimbawa: a. Aray! b. Ay!

13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may mayroon at


wala.

Halimbawa: a. May pasok ngayon. b. Walang tao riyan.

14. Pangungusap na temporal – nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong


panandalian, karaniwan na itong pang-abay na pamanahon.

URI NG TEMPORAL

A. Oras, Araw, Petsa B. Panahon, Selebrasyon

Hal. Umaga na. Bukas ay Lunes. Hal. Labor Day na bukas. Magbabakasyon
lang.
Ala singko pa lang ng hapon

15. Pangungusap na Modal- gumagamit ng mga salitang gusto, nais pwede, maari, dapat
o kailangan.

Halimbawa: Gusto kita. Kailangan mo ba ko ?


16. Pangungusap na mga “Ka-Pandiwa “- nagsasaad ito ng katatapos na kilos o
pangyayari. Malimit itong may kasunod na “lang o lamang”.
Halimbawa: Kasasara ko lang. Kabubukas ko lang.

17. Pangungusap na Penomemal- tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa


mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o kapaligiran.

2 URI NITO

1. Verbal
 binuo ng pang uring pandiwa na maaaring may kasamang pang abay.

Halimbawa: Uulan marahil. Bumaha kahapon.

2. Ajectival
 Binubuo ng mga pang uri na maaring may kasama ring pang abay.

Halimbawa: Maginaw ngayon. Maalinsangan.

18. Pangungusap na Sambitla - karaniwang binubuo ito ng isa o dalawang pantig na


nagsasaad ng masidhing damdamin.

Halimbawa a.) Sunog! b.) Wow!

19. Pangungusap na Pahanga - nagpapahayag ito ng damdamin ng paghanga.

Halimbawa: a.) Ang ganda-ganda mo b.) Kay sipag mong bata.

Pangkatang gawain.
Hatiin sa apat ang klase at bigyan sila ng sampung minute upang makabuo ng
mga pangungusap mula rito. Mula sa impormasyon kaugnay sa pangungusap, ang
bawat pangkat ay magbabahagi ng mga sariling halimbawang di kinopya ang
nakasaad na mga halimbawa sa panahon ng talakayan.
I – (tig tatlo) sa mga naunang limang uri ng pangungusap (1-5)
II – tig tatatlo sa ikalawang limang uri (6-10)
III – tig tatatlo sa ikatlong limang uri (11-15)
IV. tig lilima sa huling tatlong uri ng pangungusap na walang simuno o paksa
(16-18)

Gawain 4:

 Sa manila paper, nakasulat ang ilang mga pangungusap ayon sa hinihingi.


 Pagpapaulat hinggil sa gawain sa panahon ng “cooperative learning”.
 Pagtatala sa nakuhang marka.

PAGLALAPAT
Gamit ang mga pangungusap, bumuo ng hinuha o pahayag sa mga posibleng
mangyari batay sa binasa o narinig na kuwento:

Gawain 4:
A. 1. Hindi mamamatay ang datu kung ……
2. Kung sakaling ipinakita ng ina sa dalaga ang sulat mula kay Somesen …..
3. Kapag nahuli ng ina ang dalaga sa ginawang pagtakas maaaring ……

4. Hindi sana kay Rajah Indarapatra ang dalaga……

B. Punan ng tiyak na detalye sa pamamagitan ng pagtukoy upang makabuo ng


pangungusap:

1. Ang makisig at lalaking-lalaki na talagang nagmana sa kanyang ama ay


____.
2. Ang nanguna sa seremenya ng penggunting at bang sa sanggol ay ang
____.
3. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baro-baruan sa silid ng sanggol ay si
____.
C. Uriin kung Sambitla, Penomenal, Temporal, Ka- Pandiwa o Pahanga ang mga
ss.
1. Kakakain lang ng mag-anak ni Tomas nang dumating ang kanyang anak na
si Hilda.
2. Umulan kahapon.
3. Pit Senior!
4. Napakagaling niya sa kantahan.
5. Pista na naman.

TANDAAN:

Mula sa Pangungusap na tinatalakay, pakatatandaan ang kahala-gahan nito:

Bilang pagpapahalaga sagutin ang ilan sa mga katanungan:

1. May diwa ba ang pangungusap kapag di sinasabayan ng simuno? Pangatwiranan.

2. Ano ang halaga ng pangungusap sa ating buhay?

Pagsubok ng Kaalaman:
Sa isang buong Papel. Magpabuo ng isang Sanaysay na ginagamit ang mga
uri ng Pangungusap na walang simuno. Salungguhitan ang mga ginagamit na
salita. Maaring may kaugnayan sa:

1. Kalikasan 2. Sa sariling Karanasan o 3. Sa mga Problema ng


Bansa.

Gawain 5:
Sa kwaderno, isulat ang mga ginagawang kasagutan hinggil sa
kwentong “Solampid”.

Sagutin sa kwaderno ang nakasaad sa visual aid kaugnay sa pagbibigay


hinuha sa mga sumusunod na pangungusap, pwedeng gamitin ang mga natutuhan
kaugnay sa Pangungusap na walang Paksa.
1. Kung ikaw ang tatanungin, tama ba ang ginawa ng ina ng dalaga na itago ang
sulat? Pangatwiranan.
2. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng dalaga sa paglihim ng ina sa kanya?
3. Makatwiran kayang pakasalan ni Solampid si Rajah Indarapatra?

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

 Isulat ang hugis puso sa patlang kung nagpapakita ng mabuting


asal ang pahayag at sad face naman kung ang pahayag ay
nagpapakita ang masamang Gawain

TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang simpleng “good deed” bawat araw at isulat sa inyong
activity notebook ang iyong naramdaman matapos gawin ito.
UNANG MARKAHAN (Aralin 2)
Sabjek: Filipino Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 4
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang


proyektong panturismo

Kompetensi:  Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin


tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
F7PU-Ic-d-2
 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng
posibilidad (maaari, baka, at iba pa) F7WG-I-cd-2

VI. LAYUNIN
Kaalaman: Nakalilikha ng pangungusap gamit ang ekspresyong
naghahayag ng posibilidad
Saykomotor: Nakagagamit ng mga ekspresyong naghahayag ng
posibilidad sa paglalahad ng damdamin o saloobin
Apektiv: Nakapagbibigay ng payo upang matugunan ang hinaharap
na suliranin
VII. PAKSANG-ARALIN
D. PAKSA Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
E. SANGGUNIAN  Pinagyamang PLUMA 7
Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Baisa-Julian,
Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M. Dayag
 https://prezi.com/fnxgdizuoqm5/mga-ekspresyong-
nagpapahayag-ng-posibilidad/
 Supplemental Lesson Plan rexinteractive.com
F. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Permanent marker, manila paper, cartolina, bond paper,
pangkulay
VIII. PAMAMARAAN
F. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Tanong: 1. May posibilidad nga bang magbagong-buhay ang isang
taong naliligaw ng landas?
2. Kung iuugnay mo ito sa nagging desisyon ni Pilandok na
magbago, masasbi nga bang tanging ang tao lamang an
gang maaaring magpabago sa kanyang sarili at hindi ang
ibang tao?
3. Maaari nga kayang makatulong ang taimtim na
pananalangin sa Panginoon para sa pagbabago ng iba?
Aktiviti/Gawain
Pangkatang Gawain
 Basahin at unawain aang maikling teksto sa ibaba.
“Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-tao
na magbagong-buhay. Dapat na ang pagbabago ay
magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.
 Lapatan ng himig ang teksto, pagkatapos ay ipaliwanag
ang kung ano ang nais ipahiwatig ng nito.
1. Bakit kailangang magbago ng isang tao?
2. Ayon sa binasa, sino lamang daw ang puwedeng
makapagbago sa kanya?
3. Sa inyong palagay, bakit kailangang magsimula sa
sarili ang pagbabago?
G. PAGLALAHAD  Talakayin ang Mga Ekspresyong Naghahayag ng
Abstraksyon Posibilidad
 Magbibigay ng halimbawa ang mga mag-aaral.
 Ipagamit sa sa pangungusap ang ibinigay nahalimbawa.
1. Ano ang kahulugan ekspresyong naghahayag ng
posibilidad?
2. Ano-ano ang mga salita o ekspresyong ginagamit sa
ganitong pagpapahayag?
3. Kailan natin ito puwedeng gamitin?
H. PAGSASANAY  Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
Mga Paglilinang na gawain pamamagitan ng buong pangungusap gamit ang mga
salita o ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.
 Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong ginamit
mo.
I. PAGLALAPAT  Bumuo ng maikling usapan sa pagitan mo at ang
Aplikasyon tauhang, na nagbibigay ng payo upang matugunan ang
hinaharap na suliranin ng tauhan nasa mga sitwasyon.
Gumamit ng posibilidad para sa bawat usapan.
J. PAGLALAHAT Isulat sa iyong “activity notebook”
Generalisasyon Paano mabisang maipahahayag ang saloobin kung nais
nating magbigay ng posibilidad?
IX. PAGTATAYA Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekspresyong
nagsasaad ng posibilidad. (5 aytems)
X. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa
Mindanao.
Dalhin ang inyong mga sanggunian.

Prepared by:

MARYNELL G. MAQUILING
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7
Mga Yugto ng Pagkatuto

Ikaapat na Sesyon

Ating Tuklasin:

Nararanasan ba ninyong maglakbay sa ibang lugar o kaya’y sa ibang bansa?


Ano ang inyong nararamdaman? Kayo ba’y excited o malungkot? Bakit kaya?
Motibasyunal na tanong:
1. May posibilidad nga bang magbagong-buhay ang isang taong naliligaw ng
landas?
2. Kung iuugnay mo ito sa nagging desisyon ni Pilandok na magbago, masasabi
nga bang tanging ang tao lamang ang maaaring magpabago sa kanyang
sarili at hindi ang ibang tao?
3. Maaari nga kayang makatulong ang taimtim na pananalangin sa Panginoon
para sa pagbabago ng iba?

Gawain 1: Pagpapakita ng larawan magagandang tanawin ng Mindanao.


Majestic Masjids Dreams of an Angel, Samal Island

1. May ideya ba kayo kung bakit may mga taong naglalakbay sa mga malalayong lugar?
2. Naniniwala ka bang kalimitan sa mga turistang pumupunta sa ating bansa ay bihasa
sa mga pinupuntahang lugar?
3. Ano kaya ang dahilan sa pagkawili nilang puntahan ang ilan sa mga lugar sa
Pilipinas?

Gawain 2: I proseso ang nakasaad sa gawaing 1

Alam Mo Ba Na …….

Ang Mindanao ay tinatawag na “Lupa ng Pangako” ng ating mga


ninuno pa hanggang ngayon. Kapag maririnig mo na pinag-uusapan ang
nasabing lugar hindi ka ba naiinggit lalo na kung ikaw ang taga Visayas o
Luzon? Sakaling bigyan ako ng pagkakataong patunayan na lupang pangako
ang aking lugar, gagawa ako ng paraan upang maiwawasan ang anumang
ikasasama ng reputasyon ng aking minamahal na lupain.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
Pangatnig

 Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap.

Halimbawa ng mga pangatnig sa Tagalog:

at pati saka o

ni maging subalit ngunit

kung bago upang sana

dahil sa sapagkat

Panimbang: Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.


at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, subalit

Mga Uri ng Pangatnig Halimbawa:


Gusto kong umuwi, ngunit kailangan ko siyang hintayin.
Nagwalis muna si Lina saka siya naglaba.

Pantulong: Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.


⇛ kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa
Gawain 3:

Pangkatin sa 3 ang klase at pabuuin sila ng isang maganda at makabuluhang


advertisement kaugnay sa panghihikayat sa sariling lugar o sa Mindanao gamitin
ang mga nakasaad na pang-ugnay o bigyang-pansin ang mga pang-ugnay sa
gagawing advertisement na pagpapanatili sa ganda ng proyektong panturismo.

Isaalang-alang ang krayterya na may 45 Pts.

Kaangkupan sa tema/angkop sa tema : 20 Pts.

Koordinasyon ng grupo : 10 Pts

Tamang bigkas, tono at lakas ng boses: 15 Pts

Kabuuan : 45 Pt

SIMULAN NATIN:

Gawain 4:
Sa itinatanghal ng bawat pangkat, hihikayatin ang mga mag-aaral (maliban
sa nagtanghal) na magbigay ng score para sa pagmamarka sa tulong ng mga
krayterya.

PAGLALAPAT /PAYABUNGIN MO PA: Sagutin nang may pag-uunawa.

1. Ano kaya ang iyong mararamdaman kapag marami ang mga dayuhay ang
nangangarap na mararating mo sa iyong lugar?
2. Ano ba ang pwede mong gawin upang patuloy ang pagpunta ng mga lokal at
dayuhang turista sa inyong lugar?
3. Paano makatulong sa ekonomiya ng bansa ang pag-unlad ng turismo?

TANDAAN: Pasalita
Ang inang kalikasan ay biyayang dapat pakaiingatan, paano mo
mapanatili ang mga biyayang ibinibigay ng Maykapal?
1. Anu-ano ang mga proyektong panturismong sikat sa Mindanao? (hal.
Pasonanca Park)
2. Paano kaya mapanatili ang kagandahang panturismo lalo na si Mindanao?
3. Ano ang maaring mangyari kapag nilapastangan ng mga naninirahan ang
kagandahan ng lugar?
4. Paano mo kaya hihimukin ang mga turista upang pasyalan ang iyong
sariling lugar sa Mindanao?
5.
MAGAGAWA NATIN:
Sa papel o short bond paper bumuo ng sariling advertisement na nanghihikayat.
Dapat binubuo ng apat (4) na linya. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit.
Gawain 5:
Para sa karagdagang kabatiran sa long bond paper, iguhit ang proyektong
panturismo na alam mong makikita pa rin sa Mindanao, hal. isa sa mga sikat
na lugar na may maraming malalaking isdang pang-eksport.
PAGLALAPAT
 Bumuo ng maikling usapan sa pagitan mo at ang tauhang nagbibigay ng payo upang
matugunan ang hinaharap na suliranin ng tauhan nasa mga sitwasyon. Gumamit ng
posibilidad para sa bawat usapan.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
 Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng
posibilidad. (5 aytems)

TAKDANG ARALIN
 Magsaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
 Dalhin ang inyong mga sanggunian.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 5

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan ng Mindanao.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang


makatotohanang proyektong panturismo.
*Nasusuri ang isang doku-film o freeze story mula sa
Kompetensi: You.tube
Naiisa-isa ang mga elemento ng Maikling Kuwento
mula sa Mindanao. F7PB-If-g-4
Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa
kuwentong napakinggan. F7PN-If-g-4
I. LAYUNIN:
*Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon
Kaalaman: kaugnay sa akdang pinag-uusapan sa tulong ng ilang
mga halimbawang ginagamit kaugnay sa
pangungusap.
*Naisasagawa ang pagbabahagi ng mga kabatiran
talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
Saykomotor: pantiyak na tanong sa tulong ng pangkatang
talakayan.
*Nakapag-uugnay sa mahahalagang mensahe gaya
Apektib: ng pagmamalasakit na napapaloob sa akda matapos
ang ginawang talakayan sa maikling kwento.
I. Paksang Aralin:

A.Paksa Maikling Kuwento- Ang Kuwento ni Solampid


B.Sanggunian Supplemental Lesson Guide for Teachers, pahina 17-
24
C.Kagamitang Pampagtuturo Larawan ng magsing-irog, visual aid (Story Mountain)
II. Pamamaraan
A. PAGHAHANDA *Pagpapasagot sa tanong gaya ng: 5 minuto
Pangmotibesyunal na 1. Kayo ba ay pinapayuhan ng mga magulang ninyo
tanong: o ng mga nakatatanda lalo na kung nagkamali kayo?
2. Paano ninyo tinanggap ang payo o pangaral?
3. Bakit may mga kabataang ayaw mapagsabihan?
4. (Ibahagi ang mga ideya)Ibigay ang mga dahilan
Karagdagang Gawain:
1. May alam ba kayo sa paraan ng panliligaw ng mga
Aktiviti/ Gawain taga-Mindanao lalo na ang mga Muslim?
2. Paano kaya maiiwasan ang pagtatampuhan ng
mga kasapi ng pamilya?
*Ibahagi ang mga impormasyon.
*Paghawan ng sagabal: Paglinang ng talasalitaan:
a. mag-abuloy-
2. tumangis
3. lamin
4. torongan
5. Qu’ran
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Mula sa pinag-usapan, ipabasa ang tungkol sa
(Pamamaraan ng Pagtalakay) pamagat na nakasulat sa visual aid: “Maikling
Kuwento- Solampid”
Basahin ang Maikling Kuwento sa loob ng 10 minuto.

Pangkatang Gawain: Hatiin sa apat (4) ang klase.


Bawat pangkat ay may dapat ibahaging impor-
masyon batay sa mga banghay ng kuwento:
V. Ibahagi ang simula at suliranin ng
C. PAGSASANAY kuwentong narinig: Bakit kaya iniwan ng
dalaga ang mga magulang sa kanilang
bayan? Ano ang dahilan sa pag-uwi ni
Solampid sa kanila?
VI. Isalaysay ang papataas na aksyon at
Kasukdulan: Paano
VII. Iulat ang pababang aksyon at wakas ng
kuwento
VIII. Isa-isahin ang mga natatagong aral o
mensahe mula sa kuwento.

Mula sa ginawang pangkatang talakayan, Isa-isang


D. PAGLALAPAT iuulat ang mga impormasyong napag-usapan at
lapatan ng marka alinsunod sa husay ng
pagbabahagi.
Itanong sa mga estudyante ang tungkol sa:
E. PAGLALAHAT Kalagayang panlipunan ng lugar lalo na ang
pamamaraan ng kanilang pag-iisang dibdib na may
kinalaman sa kuwen-tong bayan?
1. PAGTATAYA Bigyan sila ng 2 tanong hinggil sa kuwento upang
sagutan nang tama alinsunod sa naunawaan.
2. TAKDANG-ARALIN Basahin muli ang kuwento at sagutin ang mga ss.sa
kwaderno:
1. Bakit kaya di nagkatuluyan ang dalagang si
Solampid kay Somesen?
2. Paano nalaman ng ina ang pag-ibig ng lalaki kay
Solampid?

Inihanda ni: ELAIN QUESORA NOVERO- DNHS, Dauin

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7


Mga Yugto ng Pagkatuto

Ikalimang Sesyon

TUKLASIN:

Sa araling ito ay mararanasan mong maging isang director, artista;


maaaring bida o kontrabida, script/play writer ng isang commercial
advertisement. Bubuo ka ng isang komersyal ayon sa paraang iyong napili upang mahikayat
ang kapwa mo mag-aaral na panoorin ang iyong dulang panlasangang iyong napanood.
Humandang ipagmamalaki ang iyong mabubuo.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Kayo ba ay pinapayuhan ng mga magulang ninyo o ng mga nakatatanda lalo
na kung nagkamali kayo?
2. Paano ninyo tinanggap ang payo o pangaral?
3. Bakit may mga kabataang ayaw mapagsabihan?
4. (Ibahagi ang mga ideya)Ibigay ang mga dahilan
SIMULAN NATIN:
Bawat tao ay may kahilingan o pangarap na nais abutin sa buhay. Kung bibigyan ka
ng pagkakataong humiling ng isang bagay para sa iyong buhay, ano kaya ito?
1. Ano ang ginagawa ninyo kapag naririnig ninyo ang kalembang ng kampana sa alas-6
ng gabi?
2. Paano kaya ipinakita ng ating ibang kapatid na Muslim ang kanilang pananampa-
lataya ang kanilang pagsamba?
3. Paano nakikilala ang mga taga-Mindanao lalo na ang mga Muslim?( Pag-uusapan ang
mga kasagutan)
Para sa karagdagang impormasyon:
Magpapakita ng isang halimbawa ng maikling dula tungkol sa Pamilya.
Panoorin ang isang video presentation tungkol sa dulang pampamilya sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=FTrqn0FTQ3s “Kwento ng Pamilya Dela Cruz" (Maikling
Dula)
1. Bakit dapat buo ang pamilya ayon sa napanood?
2. Paano kung isa sa mga kasapi ay nawala sa tamang landas ng buhay?
3. Ano ang pwedeng resulta kapag laging nag-aaway ang bawat kasapi nito?

Alam mo ba ...

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na


maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng
isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan
ng panonood.

ALAM MO BA?

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna -


matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

PAYABUNGIN NATIN
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula
ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan
ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman
dito ang kakalasan at ang kalutasan.

GAWAIN 3:
Pangkatang Talakayan:
Mula sa talakayang natutuhan hinggil sa kahalagahan ng Dula.
Bibigyan sila ng panahon upang mapag-uusapan ang gagawing dula-dulaan
kaugnay sa ritwal ng mga Muslim at Katoliko (paraan ng pananampalataya).
Mag-ensayo pagkatapos para sa pagtatanghal.

MAGAGAWA NATIN
Isadula ang ritwal ng mga Muslim at ang ritwal ng mga Katoliko
( pwede sa paraan ng pananampalataya). Lapatan ng dayalog, 5 minuto lang
ang pagtatanghal. Mga napapansin habang pinapanood ang nagsipagtanghal
ay pag-uusapan matapos ang nasabing gawain.
Isaalang-alang ang krayterya gaya ng:

 Kahusayan sa pagganap ng sariling papel sa dula : 20 Pts.


 Mahusay sa pagganap ngunit mahina ang boses : 5 Pts
 Hindi masyadong mahusay ngunit malakas ang boses : 10 Pts

 Pagbibigay ng mga kaukulang marka batay sa ginawang Kraterya kaugnay dito.

PAGLALAPAT:

 Pag-usapan ang mga napapansin mula sa aktwal na pagsasadula at pansinin ang


uring ginamit.
Mga Pantiyak na tanong:
1. Ano ba ang alam ninyo kapag tatanungin kayo tungkol sa Mindanao?
2. May mga pwede bang ipagmalaki ang nasabing lugar? Patunayan.
3. Paano kaya mapanatili ang ganda ng bawat tanawin sa Mindanao?

TANDAAN:
Maging maganda ang kalalabasan sa gagawing Gawain kapag binigyan
ng panahon, husay at pagmamahal ito.
Pagpapakita ng mga larawang Panturismo sa Mindanao
Hal. Bundok Apo, Talon ng Maria Cristina, Dalampasigan ng Dakak, at ibpa.

1. Bakit kaya dinarayo ang mga nabanggit?


2. Ano ang maaaring resulta kapag sikat ang mga nasabing tanawin sa turismo ng isang
lugar?
3. Paano kaya mkikinabang ang mga naninirahan sa mga nabanggit na tanawin?

MAGAGAWA NATIN:
Pagbuo ng isang maikling dula ayon sa napipiliing uri nito. Sa intermediate na
papel isusulat. Ibigay ang uri at saka pansinin ang istilo sa pagbuo ng dula batay
sa nasaksihan.

GAWAIN 5:
Maghanap ng isang dulang melodrama, isulat sa short bond paper gawing malinis
ang nasabing gawain.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

 Bigyan sila ng 2 tanong hinggil sa kuwento upang sagutan nang tama


alinsunod sa naunawaan.

TAKDANG ARALIN
Basahin muli ang kuwento at sagutin ang mga ss.sa kwaderno:

1. Bakit kaya di nagkatuluyan ang dalagang si Solampid kay Somesen?

2. Paano nalaman ng ina ang pag-ibig ng lalaki kay Solampid?

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 2 IKALAWANG ARAW
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pamantayang Pangnilalaman: akdang pampanitikan ng Mindanao.
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
Pamantayan sa Pagganap: proyektong panturismo.
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkaka-
Kompetensi: sunud-sunod ng mga pangyayari sa kwentong napa-
kinggan. F7PS-Id-e-4
I.LAYUNIN: Naibabahagi nang maayos ang pagkakasunud-sunod
Kaalaman: ng mga pangyayari sa kuwento at ang napanood na
doku-film o freeze story kasama ang kulturang
napapaloob dito.
Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang
Saykomotor: maayos at may kaisahan ang mga pangungusap.
Nakikibahagi sa pagbabalita sa kasalukuyang kala-
Apektib gayan ng isang lugar na pinagmulan ng alinmang ku-
wentong-bayang nabasa, napanood o napakinggan
upang mapahalagahan ang sariling kultura.
II. Paksang Aralin
A. Paksa Maikling Kuwento- Ang Kuwento ni Solampid

B. Sanggunian Supplemental Lesson Guide for Teachers, pahina 17-24


Visual aid: laptop/TV, manila paper/cartolina para sa
C. Kagamitang mga pangungusap
Pampagtuturo

III. Pamamaraan
A. PAGHAHANDA Pagbabalik-aral hinggil sa kuwentong pinag-usapan sa
Pangmotebisyunal na tanong nakalipas na araw tulad:
1. Bakit kaya pinag-aral ng datu at ba’i na taga
Agamaniyog ang anak?
2. Paano nalaman ng anak na nagkasakit ang ama?
3. Ano ang papel na ginagampanan ni Somesen sa
buhay ni Solampid?
Panoorin ang isang doku-film o freeze story sa laptop:
1. Sa napanood, ano ang impormasyong nababatid
ninyo?
2. Paano kaya ipinakita ng mga tauhan ang kanilang
Aktiviti/Gawain mga damdamin upang maunawaan ng tumitingin?
3. Sa palagay n’yo kung di kayo magsasalita
mauunawaan pa rin ba kayo?
Sa ibinigay na takdang-aralin sa nakaraang araw,
muling pag-usapan ang talasalitaan kaugnay dito.
B. PAGLALAHAD *Mula sa kuwentong-bayang: Ang Kuwento ni Solampid:
Abstraksyon Pag-usapan ang mga ss.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) *Ano kaya ang pagkakaiba ng Maguindano at Mara-
nao?
* Anong kultura ang masasalamin dito?
* Ipakita ang larawang nasa laptop kaugnay sa mga
nabanggit na uri ng mga Muslim.
*Pag-usapan ang kultura ng mga Muslim sa tulong
kuwentong narinig.

C. PAGSASANAY Pangkatang Talakayan: Pag-usapan ang mga ss.


Mga Paglinang na gawain *Tauhang nagsipagganap sa kuwento, mga suli-raning
bumabalot at solusyong ginawa sa kuwento.
*Isa-isahin ang kulturang bumabalot sa kuwento gaya
ng tradisyon at pag-uugali ng mga Muslim.
*Ibahagi sa klase ang napag-usapan mula sa
pangkatang talakayan. Gagabayan sila sa tulong ng
inihandang krayterya/rubrics (bubuo ang guro).
D. PAGLALAPAT Pagpapabuod sa binasang kuwento nang maayos at
Aplikasyon may kaisahan sa mga pangungusap sa tulong ng Story
Pyramid na nasa manila paper/cartolina.
E. PAGLALAHAT Mula sa ginawa, hayaang basahin ng piling estud-yante
Generalisasyon ang ginawang pagbuod upang makilala ang
angkop na gawain kung ito ba’y sumusunod sa tagu-
bilin.
IV. PAGTATAYA Markahan ang ginawang buod upang matanto ng mga
estudyante ang kahalagahan ng gawain.
Ano kaya ang maaaring kahahantungan sa
pangunahing tauhan?
Sagutin sa kwaderno ang nakasaad sa visual aid
V. TAKDANG-ARALIN kaugnay sa pagbibigay hinuha sa mga sumusunod na
pangungusap:
3) Kung ikaw ang tatanungin, tama ba ang ginawa
ng ina ng dalaga na itago ang sulat?
Pangatwiranan.
4) Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng
dalaga sa paglihim ng ina sa kanya?
5) Makatwiran kayang pakasalan ni Solampid si
Rajah Indarapatra?

Inihanda ni: ELAIN QUESORA NOVERO

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 7


Mga Yugto ng Pagkatuto

IKAANIM NA SESYON
TUKLASIN:
1. Sa ginawang talakayan sa nakalipas na araw, anu-ano ang mga di
malilimutan n’yo kaugnay sa dula?
2. Bakit kaya dapat gamitin ang mga bahagi sa paggawa ng dula?
3. Paano nakatutulong ang dula sa tao?
4. Ano ba ang kalimitang itinatanghal sa panahon ng kwaresma?

SAGUTIN NATIN

Sa nasaksihan, ibahagi ang inyong mga opinion hinggil sa mga larawan.


Sagutin ng may kahusayan ang mga sumusunod:
1. Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang pananampalataya sa Diyos na Siyang
Lumkha?
2. Bakit kaya may may nagpapako sa krus? Saan sa Pilipinas madalas matatagpuan ang
mga eksena ito?
3. Kung bibigyan ka nang pagkakataong ipahayag ang iyong pananampalataya sa
Diyos, ganito rin kaya ang iyong gagawin? Pangatwiranan.

ALAMIN MO NA…..
Ang dulang panlangsangan ay isang uri ng dula na ginaganap sa
lansangan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1.Panunuluyan
Ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng
bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo
2. Salubong
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo
ng Pagkabuhay.
3. Tibag
Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kay Kristo
nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap tuwing Mayo sa
mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal.
4. Senakulo
Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil
sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.

Panitikan ng Panahon ng Kastila. Maagang nagtatag ng mga paaralan ang simbahan.


Sinumulan ito ng mga misyonaryo sapagkat ang pangunahing layunin ng mga kastila ay
mapalaganap ng pananampalatayang katolisismo ang edukasyong ibinigaysa mga Pilipino
ay balot ng mga araling panrelihiyon.Ang mga Imlpuwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino1. Ang
pagkakapalit ngalib ata sa alpabetong Pilipino2. Ang pagkakasulat ng aklat pambalarila sa
iba’t-ibang wikaing Pilipino gaya ngtagalong, ilukano, cebuano at hiligaynon.3. Ang malaking
ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng iba¶t-ibang uri ng panitikan.4. Ang
pagkakaturo ng doctrina cristina.5. Ang pagsisinop at pagkakasalin ng mga makalumang
panitikan sa tagalong at sa ibangwikain.6. Ang pagkakadala sa pilipinas ng mga alamat sa
Europa at ng tradisyong Europeo nanagging bahagi ng panitikang Pilipino sa ngayon, gaya
ng awit,corridor at moro-moro.7. Ang wikaing kastila na siyang wika ng panitikan nang
panahong yaon at marami sa mgasalitang ito ang nagging bahagi na rin ng wikang
Pilipino.Uri ng Panitikang lumaganap:1. awit2. 2. Corridor 3. Duplo 4. Karagatan 5. Comedia
6. moro-moro 7. senakulo 8. saruwela

MAGAGAWA NATIN
Gawain 3
Sa tulong ng mga binabasa gamit ang manila paper na nakapaskil sa pisara
kaugnay sa mga dulang panlansangan, pag-pangkat-pangkatin ang klase sa apat.
Ipaliwanag ang mga dulang panlansangan, magbigay ng halimbawa: Ibahagi sa
harap ng klase ang ginagawang pangkatang gawain.
I. Panunuluyan
II. Salubong
III. Tibag
IV. Senakulo

Gawain 4:
Ihanda ang dialog para sa gagawing dula-dulaan sa susunod na araw.

PASKO - Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Please wait for me. Hindi ko makita ang shoes ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Me too.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Merry Christmas sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Merry Christmas rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayroon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayroon po ba kayong hamburger?”


Tindera 2: “Mayroon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche
Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na sa inyo eh, magaling magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayo lagi kina Lolo at
Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong
Bagong Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraming salamat po sa handa ninyong mga pagkain.Busog na busog po


kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.”


“Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Kaya Mo Ito:

Batay sa dula sagutin ang mga sumusunod:

1. Paano ipinakita ng mag-anak ang pagmamahalan?


2. Anong kulturang Pilipino ang ipinababatid sa dula?
3. Paano nakatutulong ang dulang binasa upang maipakita ng kapamilya ang
kahalagahan ng bawat isa?

Magagawa Mo
Sa mga puting papel na intermediate, bubuo ng isang halimbawa ng dulang
panlansangan gamit ang isa sa mga uri nito.

 Ipabahagi ang ginawa sa ilang mga nakatapos na upang masuri kung talaga bang
nakuha ang dapat gawin.

ISULAT NATIN
Bigyan sila ng maikling pagsusulit kaugnay na pinag-usapan gamit ang kapat na
bahagi ng papel.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang kahulugan ng dula at bakit ito itinatanghal ayon sa binasa? Ipaliwanag.
2. Paano ito naiiba sa ibang anyo ng panitikan?
3. Isa-isahin ang mga uri ng dulang panlansangang nabanggit sa binasa.
4. Anong napansin mo sa pagkakatulad ng dulang ito?
5. Ano ba ang naidudulot ng dula sa buhay ng tao lalo na ang kabaraang Pilipinong
kagaya mo?

GAWAIN 5
Mula sa halimbawa ng dulang nakasulat sa visual aid, sipiin ang mga salita ayon sa
mga sumusunod:

Ingles Bisaya Filipino/Kahulugan


1. tinuud tama/wasto
2.performance
3. Katawa
4.
5.
6.
7.
PAGLALAPAT

TANDAAN
Ang tagumpay ng pagtatanghal ay nakadepende sa kahandaan ng
mga dramatorgo. Kailangang may mahabang paghahanda.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Bubuo ng isang maikling dula ayon sa pipiliing uri ng dula

TAKDANG ARALIN
Maghanap ng isang dulang melodrama, isulat sa bondpaper ang
Gawain, gawing malinis ang pagkabuo.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 3 IKATLONG ARAW
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pamantayang Pangninilalaman: akdang pampanitikan ng Mindanao.
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
Pamantayang Pagganap: proyektong panturismo.
*Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa
pagbibigay ng mga patunay. F7WG-1a-b-1
Kompetensi:
*Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap.
F7PT -1a-b-1

I. Layunin
*Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/kamalian
Kaalaman ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na
salita.
Saykomotor *Nakagagamit sa mga pangungusap na walang tiyak
na Paksa/Simuno nang may pag-unawa.
Apektib *Nakapaglalahad ng sariling ideya nang upang
magkaroon ng sariling kompyansa tungo sa paglinang
ng kakayahan sa paggamit ng mga pangungusap.
II.Paksang Aralin
A. PAKSA Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa/ Simuno:
Sambitla, Pormularyong panlipunan, Pangungusap na
pamanahon at Pangungusap na eksistensyal
B. Sanggunian:
Supplemental Lesson Guide for Teachers, pahina 17-
24, Tinig ng Lahi, pahina 56
C.Kagamitang pampag-
tuturo Aklat, visual gaya strips kaugnay sa mga
pangungusap.

A. PAGHAHANDA Paghuhula (Guess What?) Ano kaya ang mga


Pangmotibasyunal na sumusunod, ito ba’y salita, pangungusap o parirala?
tanong: 6. Ina 4. di sukat akalain
7. Tatay at nanay 5. Pista na!
8. Naku!
Aktiviti/ Gawain Ano ba ang pagkakaiba ng salita sa pangungusap? Ng
parirala sa pangungusap?
Magkakapareho ba ang gamit ng isa’t isa? Patunayan.

B. PAGLALAHAD 1. Ano ang pangungusap?


Abstraksyon 2. Madalas bang kasama ang simuno sa panaguri
(Pamamaraan ng Pagta- kapag bumubuo ng pangungusap? Ipaliwanag.
lakay) 3. Anu-ano ang mga pangungusap na walang tiyak na
paksa/simuno?

C. PAGSASANAY Gamit ang mga pangungusap , bumuo ng hinuha o


pahayag sa mga posibleng mangyari batay sa binasa o
narinig na kuwento:
1. Hindi mamamatay ang datu kung ……
2. Kung sakaling ipinakita ng ina sa dalaga ang
sulat mula kay Somesen …..
3. Kapag nahuli ng ina ang dalaga sa ginawang
pagtakas maaaring ……
4. Hindi sana si Rajah Indarapatra ang dalaga……
D. PAGLALAPAT Uriin kung anong pangungusap na walang tiyak na
Aplikasyon paksa ang mga sumusunod:
1. Pasko na!
2. Umuulan nang malakas.
3. Magandang araw po!
4. At iba pa.( sa guro ang karagdagang pangu-
ngusap)
E. PAGLALAPAT 1. Bakit kaya magkaiba ang paggamit ng mga pa-
Generalisasyon ngungusap?
2. Mula sa ginawang pagsusulit bilang paggamit,
alin ang mahirap intindihin o ang hindi nauna-
waan?
IV.PAGTATAYA Para sa karagdagang kaalaman, isulat sa kwaderno
ang tig tatalong halimbawa ng bawat pangungusap na
walang tiyak na paksa/simuno.
V.TAKDANG-ARALIN Para sa karagdagang kaalaman magbasa ng ilang
kwento sa internet o kaya’y sa aklat kaugnay sa
kultura ng ilang mga katutubo n gating bansa.
*Paano kaya ang istilo ng panliligaw, pamamanhikan
at pagpapakasal ng ilang pangkat-etniko sa Mindanao?

Inihanda ni: ELAIN QUESORA NOVERO


SESYON: Ikatlong Sesyon

Aralin: 5

TUKLASIN

Kasanayang Panggramatika

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Please wait for me. Hindi ko makita ang shoes ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Me too.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Merry Christmas sa inyo, mga anak.”


Mga Anak: (Magmano) “Merry Christmas rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 2: “Mayroon po ba kayong hamburger?”

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Anu-ano ang mga nakalimbag na salita?

2. Isulat sa wikang Filipino ang mga nakalimbag na salita o pahayag?

3. Ano ang kahulugan ng salitang hiram o banyagang salita?

GAWAIN 1

Magagawa Mo

1. Ano ba ang nararamdaman ninyo kapag may nag-uusap ngunit hindi ninyo
naiintidihan ang mga sinasabi?
2. Natutuwa ba kayo kapag kinakausap kayo gamit ang ibang wika?
3. Anong wika ang madaling unawain, Ingles o Filipino?

Pagpaparinig ng dalawang estudyanteng binabasa ang dulang matatagpuan sa batayang


aklat ng guro.

Pagpapabasa sa nakasulat sa pisara kaugnay sa: Mga Halim-bawa na ginawa ng guro.


Ingles Bisaya Filipino/Kahulugan
1. tinuud Tama/wasto
2.
3.
4.
5
6.
7.

PAGSUSURI

PAGHIHIRAM NG MGA SALITA


Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa
pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na hindi
matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa pangyayaring ito,ang tanging
magagawa ay manghiram o dili kaya aylumikha ng bagong salita.Walang masama sa
panghihiram ng salita.hindi namankailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang
hihiraman na mgasalita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na
hiraminhindi rin ito nakakahiya. Ayon sa pag-aaral: Limang libong salitang kastila na
hiniram sa Filipino. Tatlong libong salitang malay. Isang libo sa ingles at daan-daang
mga salita rin ang hiniram natin
saInstik,Arabe,Sanskrito,Latin,Niponggo,Aleman,Pranses at iba pa.Salitang teknikal at
pang- agham ang una nating hinihiram.Sa halip na lumikha tayo ng salita,hinihiram na
lamang natin ang ngasalitang ito.May mga salitang panteknikal at pang-agham ang
MaugnayangPilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng araneta university,subalit
angmga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kayahindi palasak
na ginagamit sa mga paaralan.

HALIMBAWA NG MAUGNAYANG PILIPINO

Daktinig (mikropono) Agsikap (inhinyero) Miksipat (mikroskopyo) Batidwad (telegrama)


Sipnayan (matematika)Liknayan (pisika)Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin
o paran ngpanghihiram sa Ingles sa aklat niyang “Sining ng Pananaliksik”.
Paraan I.
Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiramingsalitang Ingles at pagbaybay ditto ayon sap
alabaybayamg Filipino.Halimbawa:Liquid=liquido=likidoCemetery=cementerio=sementeryo
Paraan II.
Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas saKastila),hiramin ang salitang Ingles at
baybayin sa paalbaybayangFilipino.Halimbawa: Tricycle=trisikel Truck=trak Trai=tren
3.)Paraan III.
Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiraminang salitang Ingles at walang
pagbabagong gawin sa pagbaybay.Halimbawa:Manila Zoo = Manila ZooVisa = VisaXylem =
XylemZygote = ZygoteXerox = XeroxSandwich = SandwichZamboanga =
ZamboangaFrancisco = FranciscoRoxas = RoxasVilliviza = nilliviza

Mga Salitang Hiram sa Ingles


Filipino Words from English

Babay – bye-bye Ketsap – ketchup


Keyk – cake
Basket – basket
Komisyoner – commisioner
Basketbol – basketball
Kostomer – customer
Bilib – believe (impressed) Kompyuter – computer
Breyk – break
Bolpen – ballpen
Manedyer – manager
Masel – muscle
Dayari – diary Misis – wife
Dikri – decree Mister – husband
Drayber – driver
Dyip – jeep
Nars – nurse

Elementari – elementary
Eksport – export Peke – fake
Prinsipal – school principal
Pulis – police
Fultaym – full time

Sarbey – survey
Greyd – grade Sori – sorry
Groseri – grocery Suspek – suspect

Hayskul – high school Taksi – taxi


Titser – teacher
Telebisyon – television
Interbyu – interview Trapik – traffic
Iskor – score Traysikel – tricycle
Iskrin – screen Treyning – training

KAYA KONG GAWIN

Pangkatang Gawain: Hatiin sa apat ang klase at bawat pangkat ay magbahagi sa harap ng
mga impormasyon hinggil sa mga nakasaad na tanong:

I. Ano ang Tuwirang Hiram at ganap na hiram?


II. Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.
III. Ano ang mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles ni Dr. Alfonso Santiago sa
aklat niyang “Sining ng Pananaliksik”?

*Isa-isang ibabahagi ng bawat pangkat ang mga impormasyon sa klase matapos ang
ginawang pangkatang talakayan. Gagabayan sila sa tulong ng mga rubrics o krayterya
(mula sa guro) na ipinaskil o binanggit ng guro.

GAWAIN 3
Sagutin ang mga sumusunod na mga gawain gamit ang kalahating papel na nasa isang
sulatin ni Leoncio Deriada ang “Mutya ng Saging”. (Hahayaan ng gurong ililista ng mga
estudyante ang mga salitang hiram mula sa nabanggit na dula.

“Mutya ng Saging”
ni Leoncio P. Deriada

Mga Tauhan: Philip Parker, 25, isang peace corps volunteer


Bondyong, 35
Igme, 28
Tura, 28
Temio, 18
Clarita, 17
Lolo Osting, 73
Lola Basyon, 70
Pook: Isang baryo sa Davao
Panahon: Ngayon
Unang Tagpo: Nag-iinuman sina Bondyong, Igme, Tura, at ang Amerikanong si
Philip Parker. Sa gitna nila ay isang mahabang mesang may galon ng tuba at mga
mumurahing baso. Si Philip at si Bondyong ay nakaupo sa isang bangko. Sa kabila
naman ng mesa ay nakaupo si Igme at si Tura. Si Clarita ay nasa loob ng tindahan.
(Excerpt lamang)
Philip: Talagang maganda.
Temio: (dahan-dahang iinumin ang tuba sa baso) You speak very good Tagalog, Mr.
Parker.
Philip: Thank You. Salamat. Call me Phil. You speak very good English, Temio.
Temio: Hindi naman. Matagal ka na ba rito? Have you been here long?
Philip: Three months.
Igme: Pero nag-aral siya ng Tagalog bago siya lumipat dito.
Temio: Nagtuturo ka ba sa community high school?
Philip: Yeah, on the side. I am doing a research.
Temio: Research on what?
Philip: Philippine culture.

Mula sa binasang dula, isulat sa kalahating papel ang mga salitang hiram. Ibigay ang angkop
na kahulugan. Isalin ang pahayag ayon sa diwang nais ipabatid.

PAYABUNGIN PA NATIN

GAWAIN 4

Pag-usapan ang ginawa ng mga estudyante tungkol sa mga tamang sagot. (Iga-guide sila ng
guro)

PALAWAKIN PA NANG HUSTO

Pagtataksil ba sa sariling wika ang manghiram ng wikang nagmumula sa ibang bansa


lalo na ang wikang ingles? Ipaliwanag ang ginagawang sagot.
ALAM MO BA NA…

PAGSASANAY

GAWAIN 5

Isulat sa kwaderno. Bilang karagdagang kaalaman:

Gagawa ng isang patalastas na nanghihikayat. Gagamitin ang ilang mga salitang banyaga
at sa-lungguhitan.

PAGLALAPAT

TANDAAN

PAGTATAYA

TAKDANG ARALIN

You might also like