You are on page 1of 53

Habágat

Habágat ang tawag sa simoy na nagmumula sa timog-kanluran at


nagdadala ng malakas na ulan na karaniwang bumabagsak sa kanlurang
bahagi ng bansa. Ito ay kadalasang nagsisimula sa panahon ng tag-init sa
hilagang hemisphere, sa panahong ang kalupaan ng kontinente ng Asia ay
nagiging mas mainit kaysa mga nakapalibot na karagatan. Nagreresulta ito
sa pagkakaroon ng mababàng presyur ng hangin sa lugar at ang hanging
dalá nitó mula sa karagatan ay imiihip papuntang kalupaan ng Asia. Ang
simoy na ito ay may daláng init at alinsangan na dumadaan sa kalupaan ng
Filipinas at siyang nagiging pangkalahatang klima ng bansa. Ang pag-iral
ng simoy ito ay nagsisimula mula Mayo o Hunyo at tumatagal hanggang
Oktubre.
Sa ilang alamat, malimit ilarawan si Habagat na isang mabagsik na
nilaláng at nagnanasà sa magandang diwatang si Amihan. Ang pagsisikap
ni Habagat na dakpin si Amihan ang lumilikha ng pagpupuyos ng hangin at
pagtaas ng alon na kinatatakutan ng mga magdaragat. (AMP) (ed VSA)
habanéra
Ang habanéra ay isang mabagal na sayaw Cubano (ipinangalan sa kapi-
tolyo ng Cuba na “Havana”) at tumutukoy rin sa musika ng sayaw na ito.
Kilalá ito sa Cuba bilang contradanza, isang popular na musika noong sig-
lo 19. Kahalintulad nitó ang ritmo ng danza subalit kaiba dahil inaawit ito.
Ito ang unang musika na may ritmong Aprikano at unang sayaw ng Cuba
na lumaganap sa mundo. Nagmula ang kontradanzang Cubano sa kontra-
danzang Pranses na dinala sa Cuba ng refugees bunga ng Rebolusyong
Haiti ng 1791.

Pinaniniwalaang naging popular ito sa Filipinas noong pagtatapos ng siglo


19 bilang intermisyon ng sarsuwela na dumating sa bansa noong 1878.
Itinuturing itong isang uri ng sayaw na Maria Clara mula sa tauhan sa Noli
Me Tangere ni Jose Rizal dahil nakasuot ng damit Maria Clara ang mga
babaeng sumasayaw nitó. Tradisyonal na isinasayaw ang habanera boto-
lenya para sa papaalis na pari sa Botolan, Zambales. Kalaunan ay naging
sayaw ito sa kasal, binyag, o pista. Ang ilan pang bersyon ng habanera ay
habanera capizeña mula sa Capiz, habanera jovencita mula sa Pam-
panga, at habasinan mula sa Pangasinan.

Mayroong tempong habanera ang awiting tulad ng “Walay Angay” ng mga


Bisaya, “May Isang Bulaklak na Ibig Lumitaw” ng mga Tagalog, at “Ti
Ayat ti Maysa nga Ubing” ng mga Ilokano, “La Flor de Manila” ni Dolo-
res Paterno, “Recuerdos de Capiz” ni Julio Nakpil, “Ikaw Rin” ni Nicanor
Abelardo, “Anong Ligaya Ko” ni Francisco Santiago, “Hatinggabi” ni An-
tonio Molina, at “Ulila sa Pag-ibig” ni Juan Hernandez. (KLL)
habháb
Ang habháb ay isang paraan ng pagkain na hindi ginagamit ang mga ka-
may. Karaniwang ganito kumain ang baboy at ibang mga hayop. Bahagi
ng ganitong mababàng paraan ng pagkain ang tila gutom na gutóm na
paglulon sa kinakain nang hindi na nginunguya. Gayunman, ipinakilála
itong natatanging paraan ng pagkain ng pansit sa Lucban, Quezon. Ang
pansit—na tinatawag na pansit lucban o pansit habhab— ay inihahain sa
pamamagitan ng ga-palad na dahon ng saging at walang kasámang kuby-
ertos. Hinahabhab ang nakatumpok na pansit upang hindi na marumihan
ang mga kamay..

Miki o kanton ang uri ng ginagamit sa pagluluto ng pansit habhab. Isi-


nasahog ito sa ginisang laman ng baboy at hipon na may mga gulay at
maraming sibuyas. Sukà sa halip na kalamansi ang ibunubudbod bilang
pampalasa kapag inihain. Kasama ng longganisang lucban, broas, at ha-
luhalo kinikilala ang pansit habhab bilang isang natatanging kulturang
Lucbanen. Bahagi ito ng pang-araw-araw na pagkain ng mga taga-Lucban
lalo na kung almusal. Ngunit higit na nagiging sentro ng kainan ang pansit
habhab tuwing Pista ng Pahiyas kapag Mayo at malakas itong pang-akit
sa mga turista. (WFF) ed VSA
hábi, paghahábi
Ang hábi ay tela na binuo sa pamamagitan ng pinagsalit-salit na mga hi-
maymay, hibla, o sinulid. Tumutukoy din ito sa paraang ginamit o nata-
tanging disenyo sa paghahabi. Halimbawa, ang “hábing Iloko” ay tumu-
tukoy sa paraan at disenyong katutubo sa Ilocos. Ang “tinálak” ay isang
halimbawa ng katangi-tanging paghahábing gumagamit ng hibla ng abaka.
Ang “hablón” ay isang paraan ng paghahabing nagmula sa Iloilo.

May mga palatandaan ng katutubo’t sinaunang ugat ang paghahabi sa Fil-


ipinas. Halos lahat ng pangkating katutubo sa bansa ay may sinaunang
habihan, paraan ng pagkuha ng himaymay sa iba’t ibang halaman, at
natatangi’t paboritong kulay at disenyo. Sa panahon ng Espanyol natu-
tuhan ang paggamit ng sinulid na bulak (cotton). Sa panahon ding ito
nadevelop ang industriya ng paghahabing gumagamit ng maselang hibla
ng pinya na nakilalang húsi, at ginagamit sa paghabi ng mamahaling tela
para sa barong tagalong at kasuotang pngmariwasa.

Sa kasalukuyan, higit na popular ang múra, matibay, at sari-saring kulay


na tela na habing pabrika at yari sa mga sinulid na sintetiko. Gayunman,
patuloy na isinusúlong ang katutubong hábi bilang industriyang pangko-
munidad. Isang magandang halimbawa ang programa sa Ilocos na paun-
larin at tangkilikin ang abél/inabél o habing Iloko. (PGD)
hablón
Tinatawag na hablón ang tela na hábing-kamay at yari sa husi (himaymay
ng saging) o pinya, lokal na mga sinulid na seda, koton, rayon, at ibang
materyales na nabubuo sa kaakit-akit na mga kulay esmeralda, biyoleta,
pink, kahel, at pula. Tradisyonal na ginagamit ang hábing hablón sa mga
produktong gaya ng may guhitparisukat na patadyong, bandana, at mga
gamit sa bahay na kulumbo, kumot, at palamuti sa mesa.

Sinasabing isang matanda nang industriya ang paghabi sa ilang bayan ng


Iloilo, lalo na sa Miag-ao. Bago matapos ang panahon ng Espanyol, ti-
natawag itong “habol” o “hinabol” at gawa sa anumang lokal na matery-
ales. Ang paghahalo-halo ng makulay na himaymay at sinulid ay naganap
noong mga taóng 1920 at naging bantog sa bansa sa panahong 1950-1970.
Sumikat ang hablón mulang Miag-ao, Oton, at ibang lugar sa Igbaras at
Dueñas. Nagsimula itong huminà noong mga taóng 1980 dahil sa pagla-
ganap ng mumurahin at likhang-makinang mga tela. Humanap ng ibang
trabaho ang mga manghahabi at wala namang nagkainteres maghabi sa
mga kabataan.

Sinisikap muli itong buhayin ng pamahalaan ng Iloilo at ng Kagawaran ng


Turismo. Gumagamit ngayon ng higit na makulay na himaymay ang mga
manghahabi at may mga fashion designer na lumilikha ng bagong panana-
mit gamit ang hablon. Isa ang talyer na Jaki Peñaloso, hindi kalayuan sa
Robinsons Mall, Lungsod Iloilo, na nagtatanghal ng mga inobatibong dis-
enyo upang maibalik ang pansin ng madla sa tunay at marikit na hábing-
kamay ng Iloilo. (VSA)
hádji
Ang hádji ay isang titulo ng karangalan na inilalagay sa unahan ng pan-
galan ng isang muslim na matagumpay na nakapaglakbay sa Mecca. Mula
ito sa salitáng Arábe na haj na nangangahulugang magsagawa ng peregri-
nasyon sa Mecca. Bukod sa Shahadah, Salat, Zakat, at Ramadan, kabilang
ang Haj sa Limang Haligi ng Islam ayon sa turo ng propetang Muham-
mad at naisulat sa Koran. Itinuturing na mahalagang lugar ang Mecca da-
hil sa lugar na ito ipinanganak si Muhammad noong 570 CE. Narito rin
ang isang batong marmol na pinaniniwalaang ginamit ni Abraham upang
makapagkubli sa mga kaaway.

Ang mga babaeng nakapagsagawa ng haj ay tinatawag na hadja o hajiya.


Sa ilang mga bansang Arábe, kadalasan itong ginagamit bilang tanda ng
paggalang sa mga nakatatandang miyembro ng lipunang Muslim, naka-
paglakbay man sa Mecca o hindi.

Sa Filipinas isa sa mga kilaláng hadji si Hadji Butu (1865-1938), isang


iskolar, estadista, at ang unang senador na Muslim. Nanungkulan siyá sa
senado sa ikaapat at ikawalong Philippine Assembly bilang senadorpara sa
ika-12 distrito ng Mt. Province, Baguio, Nueva Vizcaya, Bukidnon, Cota-
bato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga. (KLL)
hagábi
Ang hagábi ay isang marangya at mahabàng bangkô na iniukit sa kahoy
na ipinagkakaloob sa Kadangyán—pinakamataas na antas sa lipunang If-
ugao—bilang trono o simbolo ng paggalang sa Cordillera. Tinutukoy rin
nitó ang isang pagdiriwang na may kaugnayan sa naturang upuan.

Bago maging Kadangyan ang isang Ifugaw, kailangan niyang magbigay


ng isang marangyang pista na tinatawag na uya-uy. Nagsisimula ito sa da-
lawampung gabi ng pagsasayaw at nagtatapos sa tatlong araw na kainan at
inuman. Matapos ang uya-uy, kailangan din niyang magbigay ng pista ng
hagabi, para sa upuang magiging simbolo ng kaniyang kapangyarihan.

Orihinal na tinawag ito bilang ginulgulding na nangangahulugang “ka-


gaya ng kambing” dahil ang magkabilâng dulo nitó ay may ukit ng ulo ng
kambing. Ang ginagawang hagabi sa ngayon ay may ukit ng isang hayop
na may mahabàng nguso at dalawang malaking tainga. Ang pangalang
“ginulgulding” ay tawag din sa isang iniukit na upuan sa isang kuwentong
Ifugaw. Sinasabing sa Camandag, Kiangan, Ifugao, may dalawang magka-
patid na sina Anniyan at Boyagon. Mayroon siláng paboritong alaga na da-
lawang isdang nahuli sa Ilog Camandag. Nang makabili ng maraming pa-
layan ang mga magulang nilá, nagbigay ito ng pista ng ibbuy at ginawang
handa ang alaga ng magkapatid. Dahil dito, naglayas ang dalawa at nag-
punta sa isang malayong lugar na tinatawag na Tutung. Nagpadala ang mga
magulang ng mensahero sa magkapatid na nagmamakaawa sa kanila na
bumalik na. Ipinayari nilá ang ginulgulding, isang kahoy na upuan, bilang
kapalit ng mga alaga ng magkapatid. Nang matapos ang upuan, nagbigay
silá ng marangyang pista at inimbitahan ang dalawa na magpunta ngunit retrato ni Phillipi Kimpo Jr.
tumanggi ang mga ito. Dahil sa pagsisisi ng mga magulang, itinapon nila
ang ginulgulding sa ilog. Tinangay ito sa Naliwan, malapit sa Lamut, sa mangguni sa mumbaki o pari upang malaman kung pabor dito ang mga
probinsiya ngayon ng Nueva Vizcaya. Natagpuan ito sa putikan ng lalak- diyos. Sa seremonyang mamaldang, papatay ng mga manok at titingnan
ing nagngangalang Cabbigat. Dinalá niya ito sa kaniyang bahay at dinagsaang kanilang apdo. Kung maliit at maputla ito, hindi sang-ayon ang mga
ang ng mga tao mula sa malalayong lugar na nais makita ang upuan. Inisipdiyos sa gaganaping hagabi. Kapag pabor ang mga diyos sa pagdiriwang,
ng ilan na kailangang gumawa ng naturang upuan para sa mararangyang pupunta ang mga mangangahoy at karpintero sa gubat upang pumili ng
pagdiriwang. Mula noon, lumaganap na ang kaugalian. malaking punò ng naga o ipil upang ukutin ang hagabi. Kapag natapos
ito, maraming tao ang magtutulungan upang mailabas sa gubat ang upuan
Tanging mayayaman lámang ang makapagdiriwang ng hagabi. Idinaraos hábang nagkakasayahan at nag-iinuman. Sa pagdating ng hagabi sa bahay
ang pista tuwing tialgo o kung kailan may kakulangan sa bigas at maram- ng Kadangyan, magbabatuhan ng binilog na mainit na kanin ang mga tao.
ing tao ang nagugutom. Bago ganapin ang tialgo, kailangan niyang su- Susundan ito ng tatlong araw na kainan, inuman, at sayawan. (KLL)
Hája Amína Áppi
Si Hája Amína Áppi ng Ungos Matata, Tandabas, Tawi-Tawi ay
pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2005 para sa
kaniyang kahusayan sa paglalála ng makukulay na banig ng Sama na
nagtataglay ng komplikadong heometrikong padron na nagpapamalas ng
kaniyang kagalingan sa disenyo, proporsiyon at simetriya, at sensitibidad
sa kulay.

Ang sining ng paglalála ng banig ay itinuturo ng kababaihang Sama sa


kanilang mga anak na babae. Isinasagawa ng mga babae ang mga proseso
mula sa pag-aani ng pandan hanggang sa aktuwal na pagdidisenyo.
Matagal at komplikado ang mga prosesong ito na nangangailangan
ng tiyaga at sigla ng katawan. Bukod sa mga ito, kailangan din silang
marunong sa pagtutugma ng kulay, mapunahin sa mga detalye, at mahusay
sa matematika.

Natatangi ang mga likha ni Haja Amina dahil bagaman pinananatili pa


rin niya ang tradisyonal na paggawa sa mga ito, hindi siya nangingiming
lahukan ito ng kaniyang higit na modernong mga disenyo. Makikita ito
sa banig na ang gitnang bahagi ay nagtataglay ng hanggang walong kulay
at tila pinoprotektahan ng animo’y balangkas na walang disenyo sa mga
gilid. Tumatagal ng halos tatlong buwan ang paggawa ng obrang ito.

Kumapal at napunô na ng kalyo ang mga kamay ni  Haja Amina dahil sa


matagal na panahon ng pag-aani at pagkukulay. Sa kabila nito, ibayong
paggalang pa rin ang isinusukli ng kaniyang komunidad hindi lamang dahil
sa natatangi niyang disenyo, katuwiran ng kaniyang mga tabig (edging), at
kapinuhan ng kaniyang sasa at kima-kima kundi dahil sa mga itinuro niya
sa kanila.

Dalawang henerasyon na ng mga Sama—ang kaniyang mga anak at


apo—ang napagsalinan ni Haja Amina ng kaniyang sining at kaalaman
sa paglikha ng makukulay na banig ngunit patuloy pa rin niya itong
ibinabahagi sa kababaihan ng kaniyang komunidad hindi lámang upang
matiyak na hindi malilimutan ang sining na minana rin niya kundi dahil
ipinagmamalaki niya ang kaniyang kultura. (GB) (ed GSZ)
halaán
Ang halaán o nylon shell (Paphia undulata) ay isang uri ng mollusk na
may dalawang taklob na kabibe at naninirahan sa mababaw na bahagi ng
tubig alat. Mula ito sa pamilyang Veneridae o mas kilalá bilang Venus
clams. Ang Venus clams ay isang malaking pamilya ng maliliit hanggang
malalaking almeha na naninirahan sa tubig alat at karamihan ay maaaring
kainin ng tao. Karaniwang may disenyong konsentriko at hugis na bilu-
gan ang talukab nitó. May tatlo hanggang apat na uka ito na nagsisilbing
pinakangipin nito sa bawat balbula at maikling siphon, isang organong
humihigop at nagbubuga ng tubig.

Ang genus na Paphia ay may talukab na pahabâ, manipis, at makintab ang


rabaw. Ang halaan ay may masalimuot na disenyo ng talukab, tila sanga-
sangang guhit ang makikita sa rabaw nitó. Karaniwang matatagpuan ang
ganitong uri ng almeha sa karagatan ng Timog Silangang Asia at isang ma-
halagang lamandagat na ipinagbibili sa merkado. Sa Filipinas, ginagawa
itong sopas, ginisa, adobo, at tinolang halaan. (KLL)
halabós
Halabós ang tawag sa malasadong pagkakaluto ng hipon o alimasag sa
sarili nitong katas na tubig at binudburan ng kaunting asin para magkalasa.
Ang niluluto ay kaagad na hinahango mula sakawali o kaserola para mapa-
natili ang katas at lambot. Kapag nasobrahan ang lutong hipon o alimasag
ang mga laman nito ay titigas at kukunat nang husto kaya mas matigas na
kapag kinain. Maaaring magdagdag ng ilang rekadong pampalasa katulad
ng dinikdik na bawang at turmeric (dilaw na luya).

Ang angkop na pagkain ng halabos ay gamit ang mga kamay. Ang sabi,
para higit daw malasahan ang sariwang laman ng hipon o alimango. Isina-
sawsaw ang halabos na hipon o alimango sa sukà na may sili at dinikdik
na bawang. Para sa mga alimango mas madalîng kainin ito kung nahati
sa gitna. Sa Bulacan, isang paboritong sawsawan ng halabos ang sisig na
hiniwang manggang hilaw, hiniwang kamatis, at bagoong na halubaybay.

Bagama’t pangngalan ang salitâng “halabos,” ito ay maaaring gawing pan-


diwa: halabusin/ihahalabos (panghinaharap), naghalabos (pangnagdaan),
naghahalabos (pangkasalukuyan). (PGD)
halál
Ang halál ay mga bagay, pagkain, o kilos na pinahihintulutan ng batas ng
Islam. Ginagamit ito partikular sa mga karneng makakain at pagpatay ng
hayop sa paraang isinasaad ng naturang batas. Ayon sa Koran, ang mga
hindi maaaring kainin ng mga Muslim ay mga: hayop na hindi kinatay
sang-ayon sa batas ng Islam; hayop na pinatay bilang alay sa ibang diyos;
baboy at produkto mula dito; karneng mula sa patay na hayop bago pa ito
katayin; dugo at produktong mula dito; ibong mandaragit; at alkohol.

Isinasaad sa Koran na ang mga hayop ay kinakailangang irespeto at ala-


gaan upang mapanatili ang balanse ng kalikásan. Isang paraan nitó ang
pagkatay sa mga hayop sa paraang nililimita ang paghihirap at sakit na
mararamdaman ng mga ito. Tinatawag na dhabihah ang pagkakatay na
ito ng mga hayop. Gumagamit dito ng matalim na kutsilyo para sa isang
mabilis at malalim na pagtusok at paghiwa sa mga ugat ng leeg at lalamu-
nan hábang iniiwan nang maayos ang gulugod. Sinasaksak ang leeg upang
patigilin ang daloy ng oxygen sa utak at mga ugat na tumatanggap ng kirot.
Iniaalis ang dugo mula sa kinatay sa paraang walang matitira dito.

Ang Islamic Da’wah Council of the Philippines, Inc (IDCP) ang awtoridad
na nangangasiwa at nagbibigay ng sertipikasyon at akreditasyon sa mga
negosyo at produktong halál sa Filipinas sa ilalim ng G. R. No. 153888 na
ipinatupad noong 9 Hulyo, 2003. (KLL)
halálan
Ang halálan ay isang pagpapasiya hinggil sa isang usapin o sa pagpilì ng
mga pinunò sa pamamagitan ng bóto. Ang bóto ay isang pormal na pag-
papahayag ng pagsang-ayon, pasiya, o hatol sa pamamagitan ng balota,
pagtataas ng kamay, at katulad.

Sa panahon ng Espanyol, limitado ang pakikilahok sa halalan sa kalalaki-


hang edukado at may ari-arian; nilalahukan lamang ito ng mga principales
at silá ring maaaring tumakbo bilang gobernadorcillo. Ipinakilala ng mga
Amerikano ang pagbuo ng partidong politikal at halalan para sa maha-
halagang posisyon sa pamahalaan. Naganap ang unang pambansang elek-
siyon noong Setyembre 1935 at naging unang halal na pangulo si Manuel
Quezon. Sa panahong ito pinalawak ang pakikilahok sa eleksiyon; Abril
1937 nang iginawad sa kababaihan ang karapatang bumoto. Sinasabing
ang eleksiyon ng 1949 ang simula ng isang maduming eleksyon dahil sa
manipulasyon at pagbilí ng mga boto habang ang eleksiyon ng 1961 ang
naging pinakamagastos. Nang magdeklara ng Batas Militar noong 1972,
nasuspinde ang eleksiyon sa bansa at muli lámang ibinalik noong 1981.
Mas kilala bilang snap election ang naganap na halalan ng 1986 nang maa-
gang magpatawag si Ferdinand Marcos ng eleksiyon dahil sa kaguluhan sa
lipunan na dulot ng kritisismo ng mga tao sa kaniyang lehitimidad. Naging
kontrobersiyal ang halalan ng 2004 dahil sa eskandalong “Hello Garci,”
isang pag-uusap diumano ni Gloria Macapagal Arroyo at ng noon ay elec-
tion commissioner Virgilio Garcillano sa telepono hinggil sa pagdadagdag
ng boto pabor kay GMA.

Ang eleksiyon ngayon ay ipinatutupad alinsunod sa Konstitusyong 1987 at


ng Omnibus Election Code. Ayon dito, walang pamantayang nakapagdudu-
lot ng diskriminasyon—gaya ng edukasyon, ari-arian, at iba pa—na ma-
glilimita sa karapatang bumoto. Naging automated ang eleksiyon sa bansa
noong 2010. Ang Commission on Election (COMELEC) at National Citi-
zens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga organisasyong
nangangasiwa para isang malaya at malinis na halalan. (KLL)
halámang-butó
Ang halámang-butó ay gulay o punongkahoy na ang bunga ay buto. Ang
naturang buto ay ang gumulang at pertilisadong ovule ng namulaklak na
halaman. Nabibilang sa halamang-buto ang mga legúmbre at nuwés. Ang
legumbre ay mula sa pamilyang Fabaceae na kilala rin bilang pamilya ng
bean. Matatagpuan ito malalaking punongkahoy hanggang sa mga maliliit
na yerba. Karaniwan itong may kaluban o pod na kusang bumubuka upang
palabasin ang buto. Ang mga nuwes naman ay buto na may matigas at
nakakaing lamán. Maaari itong ituring na prutas at buto. Hindi nitó nabibi-
yak ang matigas na balát at umaasa sa ibang paraan, gaya ng pamumulok
o predation, para pakawalan ang buto. Mayroon itong tatlong pamilya—
ang Juglandaceae, Fagaceae, at Betulaceae.

Mayroong daang libong uri ng bean sa buong mundo at ilan dito ang na-
kakain ng tao. Isa ito sa mga halamang matagal nang itinatanim ng mga
sinaunang sibilisasyon. Mahalaga itong mapagkukunan ng protina. Ang
patanì o lima bean (Phaseolus lunatus) ay baging na payat at makinis,
may dahong tatlong pilas, lungti o mapusyaw na dilaw ang bulaklak, at
nakakain ang bunga na malalaki ang buto. Ang sítaw o string bean (Vi-
gna unguiculata) ay mayroong napakahabang pod. Ang bátaw o hyacinth
bean (Dolichos lablab) naman ay makinis na baging na nakakain ang bun-
ga at dahon, mayroong kalauban na biluhaba at kulay lila ang gilid. Ang
bitsuwélas kilala ring snap bean o Baguio bean (Phaseolus vulgaris) ay
uri ng halamang mabuto ang bunga na hawig sa sitaw ngunit mas maikli.
Ang útaw o soybean (Glycine max) ay halamang nakukuhanan ng sangkap
sa paggawa ng tokwa at toyo. Ang sigarílyas o winged bean (Psophocar-
pus tetragonolobus) ay halamang baging na may bungang kaluban na may
apat na panig. Ang munggó o mung bean (Vigna radiata) ay mayroong
maliit, bilugan, at lungtiang butil.

Ang sitsaró o pea (Pisum sativum) ay uri ng yerba na nakakain ang lung-
tiang bunga. Ang gisántes o sweet pea (Lathyrus fruttescens grossum) ay
halamang gumagapang at may matamis at mabangong bulaklak. Kapuwa
nása kaluban ang buto ng sitsaro at gisantes. Samantala, ang garbánsos o
chickpea (Cicer arietinum) naman ay isang legumbre na putî ang bulaklak,
4-5 sm ang taas, at katulad ng patani ang bunga. Ang manî o peanut (Ara- makinis. Ang lingá o sesame (Sesamun indicum) ay halamang may mal-
chis hypogaea) ay mayroong pod na biluhaba, makunat, may disenyong iliit, bahagyang manipis, at bilugang buto na nakakain at nagdudulot ng
sanga-sanga, at naglalaman ng isa hanggang tatlong butong bilugan at langis. (KLL)
halámang-ugát
Ang halámang-ugát ay mga halamang gaya ng kamote, patatas, at katulad
na itinatanim dahil sa malakí at nakakáing ugat. Itinuturing itong geophyte,
ibig sabihin, nagtataglay ng organong nag-iimbak ng enerhiya sa ilalim ng
lupa. Sa pamamagitan nitó, natatagalan ng halamang-ugat ang mga map-
insalang kondisyong tulad ng matagal na tagtuyot at taglamig. Ang mga
halamang-ugat ay nagkakaiba sa komposisyon ng sugar, starch, at car-
bohydrates. Mayroong dalawang uri ng halamang-ugat: ang true roots na
kinabibilangan ng tuberous roots at taproots; at ang non-roots tulad ng
tubers, risoma, korm, at bulbo.

Ang taproot ay may isang malaki, tila tuwid o konikong ugat na humahabà
paibabâ. Mayroon itong sentrong tinubuan nang pagilíd ng iba pang ugat.
Halimbawa nitó ang carrot, labanos, singkamas, at beet. Halimbawa na-
man ng tuberous root ang ube, kamote, tugî, at kamoteng-kahoy..

Ang korm ay maiksi, nakatayô, at mapintog na tangkay na nagsisilbing


imbakan ng enerhiya. Halimbawa nitó ang gabe, waterlily, at iba pa. Ang
risoma ay isang sangang tila ugat at karaniwang pahabâ, tinutubuan ng
ugat paibabâ, at nagkakatalbos sa bahaging itaas. Kung itatanim ang na-
pira-pirasong risoma, magkakaroon ng panibagong halaman mula sa mga
ito. Halimbawa nitó ang luya, asparagus, ginseng, hops, turmeric, galan-
gal, at iba pa. Ang búlbo ay isang makapal, bilugang organong nag-iimbak
ng enerhiya sa ilalim ng lupa, nagtataglay ng sapin-sapin at matambok
na dahon at lamad, at may malahimaymay na ugat. Halimbawa nitó ay
sibuyas at bawang. (KLL)
haleá
Ang haleá, mula sa Espanyol na jalea at tinatawag ding halayá, ay
isang popular na panghimagas ng mga Filipino at kadalasang inihahanda
tuwing Pasko, pista, at iba pang mahahalagang okasyon. Isa din ito sa mga
pangunahing sangkap ng haluhalo. Ang ordinaryong preparasyon mismo
ng halea ay tila panggagaya ng jalea ng Espanya o ng tinatawag na jam sa
Ingles.

Ito ay pangkaraniwan nasasangkapan ng ube, gatas na kondensada, banilya


at mantekilya. Minsan, ginagamit rin ang kalabasa o kukurbita bilang
kapalit ng ube. Sa ibang lugar, ginagamit naman ang gata ng niyog, gatas
na ebaporada, at asukal bilang kapalit sa gatas na kondensada.

Simple at mabilis lang ang pagluluto ng halea ngunit nangangailangan ng
pisikal na lakas dahil sa tuloy-tuloy na paghahalò nitó kapag iniluluto.
Sa isang malaking kawali, unang inilalagay ang mantekilya hanggang
sa matunaw sa mahinàng apoy. Habang patuloy ang paghahalo, kasunod
namang idinadagdag ang gatas na kondensada at banilya. Panghulí ang
paglalagay ng nagadgad na nilabong ube. Hanggang sa puntong ito,
kailangang tuloy-tuloy ang paghalo sa halea sa mahinang apoy sa loob
ng 20-25 minuto hanggang sa lumapot ito at magkaroon ng makapal na
testura upang maiwasan ang pamumuo. Kapag naluto ang halea, maaari
na itong ilagay sa molde na may mantekilya upang maiwasang dumikit sa
lalagyan. Maaari muna itong palamigin sa reprehidura nang dalawang oras
bago tuluyang ihanda. (MJCT) ed VSA
halùhalò
Kapag katindihan ng tag-init, nakahanay noon sa gilid ng lansangan ang
mga munting ponda na nag-aalok ng pampalamig na halùhalò. Ang ponda
ay isang pansamantalang tindahan na may silungang bubong na kugon,
may isang mahabàng bangkô na kaharap ng isang mesa. Sa mesa’y may
mga garapon ng panghalòng minatamis at mga prutas, sakâ isang gadgaran
ng yelo. Nasa likod ng tindera ang isang munting patungan ng mga baso’t
kutsarita, garapon ng asukal, láta ng gatas na ebaporada, at iba pang gamit.
Nakabálot ng sako o nakabaón sa ipa ang isang bloke ng yelo.

Ang panghalò ay karaniwang binubuo ng sariwang prutas (kinudkod na


milon, kinudkod na makapunô, kinutsarang mangga at kaimito) at mina-
tamis (munggo, garbansos, kamote, rimas o langka, gulaman, kaong, sag-
ing na saba). Nangangalahati ang baso sa mga ito. Isinisiksik sa ibabaw
ang ginadgad na yelo, nilalagyan ng asukal, at pinatutuluan ng gatas. Kung
minsan, tinatampukan ang halùhalò sa ibabaw ng haleang ube, letse plan,
o pinipig. May halùhalò na sabaw ng búko sa halip na de-látang gatas ang
ginagamit. Sa Tiwi, may halùhalòng kinagigiliwan ang naiibang lasa dahil
sabaw ng búko ang pinatitigas upang gawing yelo.

Maraming restoran sa siyudad ang naghahandog ng halùhalò na may higit


na maraming panghalò. Ngunit malimit na walang lasa ang minatamis;
kung minsan, panis ang saging; puro food coloring ang sago. Sa mga pon-
da noon sa nayon, matitiyak na bagong luto ang minatamis at bagong ani
sa bakuran ang prutas. At di-matatawaran ang matamis na ngiti ng dala-
gang tindera. (DRN) (ed VSA)
Handangáw
Isa sa popular na tauhan ng katakata o kuwentong-bayan ng mga Tausug
si Handangáw.

Sa wikang Tausug, literal na ibig sabihin ng handangaw ay “ga-dangkal” o


“isang dangkal.” Kahit na maliit lámang si Handangaw, may pambihirang
gana ito sa pagkain at lakas ng pangangatawan.

Dahil dukha ang pamilya, naging isang suliranin sa mga magulang niya
ang pagpapakain sa kaniya. Makailang beses siyáng tinangkang patayin
ng kaniyang magulang. Minsan, niyaya si Handangaw ng kaniyang ama
na kumuha ng bato na gagamitin upang makagawa ng lutuan ang kaniyang
ina. Ang tunay na balak ng kaniyang ama ay daganan siyá ng batong
ubod ng laki. Dahil sa lakas ni Handangaw, sa halip na madaganan ng
bato ay nabuhat niya ito. Muling tinangka ng kaniyang ama na patayin si
Handangaw. Pumuntang muli ang mag-ama sa kagubatan upang pumutol
ng isang napakalaking puno. Hinayaan ng ama na matumba ang punò sa
anak ngunit kagaya nang nauna ay hindi ito nagtagumpay.

Gayunman, kahit na alam ni Handangaw na nais siyáng patayin ng mga


magulang ay mahal niya ang mga ito at ganap na pinaglingkuran. May mga
kuwentong-bayan na nagsasalaysay naman sa mga pakikipagsapalaran
ni Handangaw nang maglayas siyá. Hinangaan siyá sa kaniyang lakas,
nagkaroon ng mga kaibigan, at ginantimpalaan ng mga datu. Iniuwi niya
ang gantimpala at inihati ang mga magulang. Kabilang ang kuwento ni
Handangaw sa mga kuwentong-bayan na may kategoryang marchen. Sa
nasabing kategorya, kakaiba ang bida kaysa karaniwang tao. Maaaring
may pambihirang lakas o kayâ’y kakaibang kapangyarihan ang mga bida.
(SJ)

Guhit ni Angeli Marie Narvaez


harána
Ang harána ay tumutukoy sa tradisyonal na pag-awit ng isang binata sa
tapat ng bahay ng dalagang napupusuan. Madalas, may kasáma ang binata—
mga kaibigang lalaki na tumutugtog ng gitara para saliwan ang pag-awit ng
naghaharana. Karaniwang idinaraos ito sa pagitan ng ikapito at ikasampu
ng gabi. Nahahati ito sa tatlong bahagi: pagpapakilala, pagtumbok, at
pamamaalam. Ginagawa ito ng mga Tagalog, Kapampangan, Bikolano,
Ilokano, at Pangasinan.
Ang pagbubukás ng maliit na siwang ng bintana at pakikinig sa harana ng
binata ay sapat nang kapalit sa pagod at puyat para sa isang masugid na
manliligaw. Kung susuwertihin at kung may pagtingin din sa binata ang
dalagang hinaharana, maaaring paakyatin sa bahay ang nananapatan upang
sila ay makapagkuwentuhan. Ang harana ay hindi palaging nagtatapos sa
magandang kapalaran. Kung minsan ay sinasabuyan ng likidong mula sa
arinola ang nananapatan, at kung minsan, sa mas mainam na kamalasan,
ay hindi ito pinapansin ng hinaharana.
Isang sikat na awit para sa harana ang “Dungawin Mo Hirang” na likha ni
Santiago Suarez. Narito ang mga titik ng harana:
Irog ko’y pakinggan, awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa isang pusong namamanglaw.
Huwag mong ipagkait, awa mo’y ilawit
Sa abang puso kong naghihirap sa pag-ibig.
Dungawin mo, hirang, ang nanambitan,
Kahit sulyap mo man lamang, iyong idampulay.
Sapagkat ikaw lamang ang tanging dalanginan
Ng puso kong dahil sa ‘yo nabubuhay.
Sa mga probinsiya, ang harana ay maaari ring magsilbing paraan upang
tanggapin ang isang baguhan sa lugar, o sariwain ang mga nakalipas na
pagkakaibigan katulad sa mga nangingibang-bayan at nagbabalik.
May iba pang layunin ang harana bukod sa panliligaw. May tinatawag
na harana sa manok o harana sa bigas.  Dito, ang naghaharana
ay humihingi ng manok at bigas o iba pang makakain para sa mga
darating na pagdiriwang katulad ng binyag at kasal. (RCN) (ed GSZ)
Hári Ráya Háji
Tinatawag na “Pista ng Peregrinasyon,” ang Hári Ráya Háji ang wakas ng
pagdalaw ng mga debotong Muslim sa banal na lungsod ng Mecca sa Saudi
Arabia. Kinikilala din itong “Pista ng Sakripisyo” dahil ginugunita ang
kusang-loob na kahandaan ni Propetang Ibrahim na isakripisyo ang anak
na si Ismael bilang pagtalima sa utos ng Diyos. Gayunman, isang lalaking
tupa ang lumitaw at pumalit bilang sakripisyo. Sa araw na ito, ginugunita
ang naturang pangyayari sa buong mundong Muslim sa pamamagitan ng
pagkatay sa isang tupa, báka, o kamel bilang handog sa relihiyon at sa
komunidad.
Pumapatak ang Hari Raya Haji sa 10 Zulhijjah, ang ika-10 araw ng ika-
12 buwan sa kalendaryong Muslim. (Ang kalendaryong Muslim, na
may halinhinang mga buwang may 29 at 30 araw, ay maikli nang 11
araw sa kalendaryong Gregorio na may 365 araw.) Lahat ng Muslim ay
namamanatang makarating sa Mecca dahil ito ang ikalimang haligi ng
Islam.
Ang seremonya ng pagkatay ay ginagawa ng mga boluntaryo sa masjid
pagkatapos ng maramihang panalangin para sa Hari Raya Haji. Ang
seremonya ng pagkatay ay tinatawag na kórban at isinasagawa alinsunod
sa tuntuning hálal. Ang karne ay ipinamumudmod sa komunidad, mga
kapitbahay at mga kamag-anak, lalo na sa mga dukha at nangangailangan.
Isang pagunita ito na ibahagi sa iba ang anumang kayamanan. (GCA) (ed
VSA)
Hari Raya Puasa
Hári Ráya Puása ang salitâng Malay para sa Eid’l Fitr o Eid, ang pagdi-
riwang at araw ng pasasalamat ng mga Muslim matapos ang 29 na araw
ng Ramadan. Naganap ang unang Eid noong 642 AD nang manalo sa la-
banang Badr ang grupo ni Muhammad. Ipinagdiriwang nang tatlong araw
ang Eid at ang unang araw nitó ay ang unang araw sa buwan ng Shawwal.
Ito ang araw na nagkakaroon ng layuning magkabuklod ang lahat ng Mus-
lim sa mundo.

Sa umaga ng pagdiriwang ng Eid, kumakain ang isang Muslim bilang


tanda ng pagtatapos ng Ramadan at pagkaraan ay magdadasal ng takbir at
salah o panalanging Islamiko kasáma ang iba pang Muslim. Sinusundan
ang dasal ng khutbah o sermon. Naniniwala ang mga Muslim na iniutos ni
Allah na ipagpatuloy nilá ang pag-aayuno hanggang sa hulíng araw ng Ra-
madan at bayaran ang Zakat at fitra bago nilá gawin ang mga panalanging
Eid. Ang karaniwang batì sa panahong ito ay “Eid Mubārak” (Mabiyayang
Eid) o “Eid Sa‘īd” (Maligayang Eid).

Sa bisa ng Proclamation No. 9177, idineklarang pambansang araw ng


pagdiriwang ang Hari Raya Puasa sa Filipinas. Isinabatas ito noong ika-13
ng Nobyembre 2002. Sinasabing ang Filipinas ang tanging Kristiyanong
bansa na isinabatas ang pagkilála ng pagdiriwang na ito ng mga Muslim.
(KLL)
hasà-hasà
Ang hasà-hasà (Rastrelliger brachysoma) ay kabilang sa pamilyang
Scombridae. Ito ay kilalá rin sa tawag na aguma-a, kabalyas, at luman.
Ang hasà-hasà ay makikita sa Pasipiko na may lalim na 15-200 metro, mula
sa dagat ng Adaman hanggang Thailand, Indonesia, Papua New Guinea,
Filipinas, mga isla ng Solomon at Fiji. Ito ay mahalagang komersiyal na
specie ng isda sa Filipinas.

Ang katawan ay napakalalim at ang lalim sa gilid ng talukap ng hasang ay


umaabot sa 3.7-4.7 na beses ng habà ng sanga sa buntot. Ang súkat ng ulo
ay katumbas o mas maliit kaysa lalim ng katawan. Ang nguso ay patulis.
Ang panga ay binabalutan ng isang buto. May mahahabàng kalaykay sa
hasang na makikita kapag ang bibig ay bukás. Ang likod na palikpik ay
madilaw-dilaw na may itim sa gilid at may 8-11 tinik. May 13 bertebra
bago sa buntot at 18 naman sa buntot. Ang tinik sa puwit ay hindi pa ganap
na buo. Ang bituka ay napakahabà, 3.2-3.6 na beses ng habà ng sanga sa
buntot. Ang palikpik sa pektoral at katawan ay madilim samantalang ang
ibang mga palikpik ay madilaw-dilaw.

Ang hasà-hasà ay matatagpuan sa estuwaryo at lugar na may temperatura


ng tubig na 20° hanggang 30° sentigrado. Nagsasáma-sámang lumangoy
ang mga isda na magkakasinlaki. Pinaniniwalaang ito ay nangingitlog
mula Marso hanggang Setyembre. Kalimitang kinakain ay plankton.

Ang karaniwang habà nitó ay 15-20 sentimetro at ang pinakamahabàng


naitalâ ay 34.5 sentimetro. Ito ay maaaring mahúli nang buong taon sa
pamamagitan ng talakop, baklad, at pante. Ito ay ibinebenta nang sariwa,
elado, de-lata, tuyo, inasnan, at pinausukan. Ang Filipinas ay isa sa mga
bansang may malaking produksiyon ng hasà-hasà. Subalit ito ay nangan-
ganib na maubos dahil sa malawakang paggamit ng makabagong teknolo-
hiya at ilegal na pamamaraan ng pangingisda. (MA)
hasmín
Ang hasmín ay alinman sa mga gumagapang na palumpong ng genus
Jasminum na may napakabangong munti at putîng bulaklak. Karaniwang
pinakawawalan nitó ang halimuyak pagpatak ng dilim, kayâ naman mada-
las itong pinipitas kapag gabi. Ang pangalang siyentipiko nito ay Jasmi-
num officinale. Matagal nang itinatanim ang hasmín kayâ’t hindi matiyak
kung saan sa Gitnang Asia ito nagmula. May talâ noong ikatlong siglo sa
mga tekstong Tsino hinggil sa hasmín bilang isang banyagang bulaklak.
Nagmula ang tawag ng mga Filipino rito sa Espanyol na jazmin.

Ginagamit din ang nakakatas na langis mula sa hasmin para sa aromather-


apy. Madalas na mamahalin ang langis nitó, bagaman kaunting patak lang
ang kailangan para sa mabisang halimuyak nitó. Nakapagpapakalma um-
ano ang halimuyak ng hasmin, at nakatutulong upang maibsan ang pagod
at depresyon, gayundin ang ilang kondisyong may kinalaman sa paghinga.
Sinasabi ring mabisang aphrodisiac ang hasmín at natutugunan ang ilang
suliraning may kinalaman sa pakikipagtalik.

Ginagamit din ang hasmin sa dermatolohiya o anumang may kinalaman sa


sakit sa balat, bilang antiseptiko o panlaban sa paglago o pagkalat ng mik-
robyo na nagdudulot ng sakit, o bilang panlaban sa pamamagâ. Nagtata-
glay ng halos 25% na benzyl acetate ang hasmin na kilaláng nasisipsip ng
balát at maaaring magdulot ng iritasyon sa mga sensitibo o may alerhiya
rito. May talâ sa Timog Tsina na ginagamit din ng ilan ang hasmín bilang
katutubong gamot panlaban sa hepatitis. (ECS) ed VSA
hermáno mayór
Sa anumang pista o selebrasyon ng simbahan, pinipilì ang isang tao upang
maging punòng-abala ng okasyon. Tinatawag na hermáno mayór ang
nahirang punòng-abala para sa pagdiriwang ng simbahan o kayâ hermána
mayór kung babae ang napilì. Sa ibang pagkakataón, tinatawag na hermano/
hermana mayor ang pinakamataas na opisyal ng isang organisasyong
panrelihiyon.

May iba’t ibang pamamaraan upang maging hermano/hermana mayor.


Maaari siyáng mapilì ng kura paroko upang magsilbing punòng-abala sa
pagdiriwang. Maaari rin naman pagbotohan ng mga mananampalataya
kung sino ang hihirangin na susunod na hermano/hermana mayor . Sa
Angono, ang hermano/hermana mayor ay idinadaan sa palabunutan
sa Linggo ng Pagkabuhay at magtatagal ang kaniyang panunungkulan
hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay sa susunod na taon. Sa ibang bahagi
ng bansa, karaniwang mariwasa ang napipilì.

Malaki ang responsabilidad ng hermano/hermana mayor. Kinakailangan


niyang matiyak na mairaos nang mabuti ang pista o pagdiriwang sa
simbahan. Siyá ang namamahala sa programa at tumitiyak na may
nakatalagang mga tao para sa bawat aktibidad. Tiniitiyak din niya na
lahat ng kaniyang kababayan ay makikilahok sa pagdiriwang, lalo na
upang makibahagi ng mga tungkulin sa pagdiriwang. Sino ba ang dapat
magpakain sa araw na ito? Sino ang dapat mag-asikaso sa palabas? Sino
ang dapat mag-arkila ng bánda ng musiko? Sino ang dapat magpalamuti
sa simbahan? Sino ang dapat mamunò sa misa? Bukod pa, karaniwan ding
inaasahan ang masaganang handa sa bahay ng hermano/hermana mayor sa
araw ng pista.

Sa Lungsod Makati, pormal na ipinapása ng kasalukuyang hermano/


hermana mayor ang responsabilidad sa susunod na hermano/hermana
mayor sa pamamagitan ng isang prusisyon. Ibinababâ ang Banal na Krus
mula sa Lumang Simbahan ng Makati ng kasalukuyang hermano/hermana
mayor. Ipinuprusisyon niya ito sa mga kalsada sa paligid ng simbahan
bago dalhin sa bahay ng susunod na hermano/hermana mayor. (SJ)

Guhit ni Jose Lozano


Amádo V. Hernández
(13 Setyembre 1903-24 Marso 1970)
Si Amádo V. Hernández ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining
sa Panitikan noong 1973. Mas kilala siya bilang Ka Amado sa kaniyang
mga kaibigan at kasáma sa kilusang paggawa. Kinilala siya dahil sa mga
akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at
dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitika.

Nagsimula siya bílang manunulat at editor bago ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Pagkaraan ng digma, naging kinatawan siya ng Newspaper
Guild of the Philippines sa pamunuan ng Congress of Labor Organizations
(CLO). Naging pangulo siya ng CLO noong 1947 at nahalal ding Konsehal
ng Maynila noong 1945 at 1947. Nang sumiklab ang pag-aalsang Huk,
isa siya sa pinaghinalaang Komunista at dinakip. Kahanga-hanga ang
pangyayaring marami siyang nasulat na akdang pampanitikan habang
nakabilanggo at nililitis. Napawalang-sala siya noong 1964 at nagpatuloy
sa pakikilahok pampolitika hanggang mamatay noong 24 Marso 1970.

Itinuturing na pinakamahalagang aklat niya ang kalipunan ng tulang


Isang Dipang Langit (1961), ang mga nobelang Luha ng Buwaya at Ibong
Mandaragit (1969), tulang pasalaysay na Bayang Malaya (1969), at mga
dulang “Muntinglupa” (1957), “Hagdan sa Bahaghari” (1958), “Ang
mga Kagalang-galang” (1959) at “Magkabilang Mukha ng Isang Bagol”
(1960). Paborito namang binibigkas ang kaniyang mga tulang “Kung
Tuyo na Luha mo Aking Bayan,” “Panata sa Kalayaan,” “Inang Wika,” at
“Makalawang Namatay.” Nagtamo ng karangalang banggit ang kaniyang
“Kayumanggi” sa Commonwealth Literary Contest noong 1938, at
nabigyan siya ng Republic Cultural Heritage Award para sa Isang Dipang
Langit noong 1962. Kinilala rin siyang Makata ng Ilaw at Panitik noong
1925, Patnubay ng Sining at Kalinangan ng Lungsod Maynila noong
1964, at Tanglaw ng Lahi ng Ateneo De Manila noong 1970.

Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 13 Setyembre 1903 kina Juan


Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya ang Reyna ng Sarsuwela at
Kundiman at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro na si Atang
de la Rama. (RVR) (ed GSZ)
híbi
Ang híbi o híbe ay maliit na hipong tinuyô matapos maasnan at maluto.
Karaniwan itong inihahalò sa lugaw o ibang lutuin at inirerekomenda ng
ilan bilang pamalit na pampaalat kaysa karaniwang pampalasa na masy-
adong maraming asin. Sinasabing isa ang híbi sa mga impluwensiyang
Tsino sa pagkaing Filipino. Gayunman, sinasabi ring nagmula sa salitang
Hapon na ebi ang híbi.

Karaniwan ding inilalahok sa paggigisa, o kahit sa pagluluto ng sopas.
Isa sa mga paboritong lutuin na gumagamit ng híbi ang ginisang upo, o
ginisang munggo na may miswa. (ECS) ed VSA
hibík
Ang hibík ay karaniwang nangangahulugan ng malakas na pagdaing
upang manghingi ng awa, at maggiit ng isang apela. Gayunman, ang hibík
ay isang uri ng tula na nagpapahayag ng naturang mga layunin at naging
popular sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. May nagsasabing isang
metamorposis ito ng sinaunang tagulaylay ng mga Tagalog. Ngunit waring
isang natural na pahayag itong isisilang sa gitna ng sikil na katwiran noong
panahon ng pananakop. Sa pamamagitan ng mapagpahiwatig na pagtangis
ay nailalabas ng makata ang kaniyang malungkot na pag-iral sa ilalim ng
mapanikil na gobyerno.

Kinasangkapan ang anyong ito para sa subersibong layunin ng mga Pro-


pagandista at Katipunero sa panahon ng pagkilos na mapagpalaya. Isang
hibik na sagutan ang ipinakalat nina Hermenegildo Flores at Marcelo H.
del Pilar upang ipaalam sa madla ang malaganap na abuso sa ilalim ng
mga Espanyol. Unang tumula si H. Flores sa “Hibik ng Filipinas sa Inang
España” (1888) upang kunwa’y isang anak ang Filipinas na nasusumbong
sa ina (ang Espanya). Sinagot ito ni M. H. del Pilar sa “ Sagot ng España
sa Hibik ng Filipinas” (1889) upang palabasin na hindi alam ng inang
Espanya ang nangyayari sa Filipinas at kagagawan ang lahat ng mga to-
toong abusadong mga fraile. Ikiatwiran din ni M.H. del Pilar na lubhang
maraming problema ang ina kayâ hindi makatulong sa anak. Nakatimo sa
dalawang hibik ang kabuoang mithiin ng Kilusang Propaganda.

Pumasok sa sagutan si Andres Bonifacio sa pamamagitan ng “Katapusang


Hibik ng Filipinas,” ipinalalagay na sinulat noong 1896. Ang tula ay hitik
na sa poot laban sa inang Espanya dahil isang pabayâng ina. Tahasang
tinuligsa ni Bonifacio ang pamamalakad ng Espanya sa kolonya. Dito ma-
linaw na naiiba ang adhikang himagsikan ng Katipunan sapagkat sinasabi
ng hibik na nakahanda namang pumatay at mamatay ang Anak ng Bayan
upang makamit ang ganap na kalayaan. (MJCT) ed VSA
Felix Resurreccion Hidalgo
(21 Pebrero 1855-13 Marso 1913)
Dakilang pintor ng siglo 19 si Felix Resureccion Hidalgo (Fé·liks
Re·su·rek·syón I·dál·go) at itinuturing na kaagaw ni Juan Luna sa unang
hanay. Ang kaniyang Las virgenes Cristianas expuestas al populacho (Mga
Birheng Kristiyano na Nakalantad sa Madla) ay nagtamo ng medalyang
pilak sa Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid noong 1884.
Noong 1887, sa Exposicion General de las Islas Filipinas na ginanap sa
Madrid, nagwagi ng gintong medalya ang kaniyang La Laguna estigia.
Noong 1904, nagawaran ng gintong medalya ang kalahatang paglahok ni
Hidalgo sa Universal Exposition sa St Louis, Missouri. Nakatanggap rin
ng indibidwal na gintong medalya ang kaniyang obrang El violinista.
Isinilang siyá sa Binondo, Maynila noong 21 Pebrero 1855, ikatlo sa
pitong anak nina Eduardo Resurreccion Hidalgo at Maria Barbara Padilla.
Nagtapos siyá ng pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1871
habang nag-aral din sa Escuela de Dibujo y Pintura sa ilalim ng pintor
na Espanyol na si Agustin Saez. Nagwagi siyá ng gantimpalang pilak sa
patimpalak sa paggawa ng dibuho para sa pabalat ng Flora de Filipinas
ni Padre Manuel Blanco. Nagpakadalubhasa sa pagpipinta si Hidalgo sa
Europa at nagpalipat-lipat ng pag-aaral sa Madrid, Paris, at Roma. Marami
siyáng malaking obrang nilikha para sa pamahalaang Espanyol kapalit ng
pagtataguyod sa kaniyang pag-aaral.
Nanirahan sa Pransiya si Hidalgo at dumalaw sa kaniyang mga kamag-
anak sa Maynila noong 1912. Nais siyáng makapiling kaniyang ina ngunit
hindi siyá nakapagtagal sa Filipinas sapagkat kailangang magbalik sa
Paris. Pumanaw si Hidalgo 13 Marso 1913 sa Sarrea, Espanya. Naibalik
sa Filipinas ang mga labí niya at nakahimlay sa Cementerio del Norte.
(RPB) (ed VSA)

Self-Portrait (1901)
Pilar Hidalgo-Lim
(24 Mayo 1893-8 Disyembre 1973)
Mahusay na lider sibiko, edukador, at tagapagsulong ng karapatan ng ka-
babaihan, si Pilár Hidálgo ay isinilang noong 24 mayo 1893 sa Boac,
Marinduque at pang-anim sa siyam na anak nina Luis Hidalgo at Eulalia
Lardizabal. Sa Maynila siyá nag-aral ng elementarya at segundarya. Na-
kilála agad ang kaniyang talino nang magtapos ng bachelor of arts, cum
laude sa University of the Philippines, ang unang babae na gumradweyt
nang may mataas na karangalan sa UP.
Pagkagradweyt, nagturo siyá ng matematika sa UP. Noong 1911, lumipat
siyáng instruktor sa Centro Escolar University, naging sekretarya ng un-
ibersidad, at noong 1962 ay naging pangulo ng CEU pagkamatay ni Car-
men de Luna. Bago ito, noong 1917, ikinasal siyá kay Vicente Lim, ang
unang Filipino na nagtapos sa West Point at magiging heneral na namatay
sa pagtatanggol ng Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Marami siyáng hinawakang puwesto sa mga samahang sibiko. Naging


pangulo siyá ng Girl Scout of the Philippines, pangulo ng Philippine As-
sociation of University Women, pangulo ng Philippine Foundation for the
Rehabilitation of the Disabled, miyembro ng kalupunan ng mga goberna-
dor ng PNRC. Hinirang siyá ni Pangulong Osmeña na miyembro ng Relief
and Rehabilitation Commission pagkatapos ng digmaan.

Si Pilar ay naging aktibong tagapamansag din ng mga karapatan ng ka-


babaihan. Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Council of Filipino Women na
nanguna sa pakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan. Namatay
siyá sa kanser noong 8 Disyembre 1973. (GVS)
higántes
Karaniwang makikita ang mga higántes sa ilang pistang Filipino, baga-
man isa sa pinakapopular ang Pista ng Higantes sa Angono, Rizal. Ipina-
parada ang mga dambuhalang pigura ng tao, hayop, o maalamat na nila-
láng, na umaabot sa 12 talampakan ang taas at 5 talampakan ang lapad, sa
mga lansangan hábang pinanonood ng taumbayan.

Yari ang ulo ng isang higante sa táka (paper-mache) na hinuhulma ng pi-


natutuyong putik (noong mga nakaraang dekada) o plaster of Paris at resin
(sa kasalukuyan). Maaaring yari ang balangkas ng katawan sa kawayan,
yantok, maninipis na bakal, o aluminyo. Pinipinturahan, dinadamitan ng
tela, at pinahihiyasan ng makukulay na palamuti ang mga higante. May tao
o mga táong pumapasok sa loob ng bawat higante upang “makapaglakad”
at “makapagsayaw” ito.

Sa kultura ng Filipinas, kasingkahulugan ng higantes ang masining na


bayan ng Angono. Bahagi ang parada ng higantes sa Pista ni San Clem-
ente na idinadaos tuwing Nobyembre 22-23. Pinakamatanda sa disenyo
ng mga higante dito ang pamilya ng tatlong dambuhala—tatay, nanay, at
anak na higante. Nagsimula ang mga higante bilang malalaking karikatura
ng mga Espanyol na panginoong maylupa ng mga Indiong taga-Angono.
Nadagdagan ang mga ito ng iba’t ibang uri ng higante sa pagdaan ng pana-
hon. Matatagpuan din ang higantes sa ibang pista, tulad sa Pistang Magay-
on tuwing Mayo sa Lungsod Legazpi sa Albay; na ipinaparada ang mga
maalamat na nilaláng ng sinaunang Bikol. Makikita rin ang ilang higantes
sa Ati-atihan tuwing Enero sa Kalibo sa Aklan, at maaaring ituring na ini-
lawang higantes ang ilang parol sa Lantern Parade tuwing Disyembre sa
Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon. (PKJ)
Zoilo Hilario
(27 Hulyo 1892-13 Hunyo 1963)
Si Zoilo Hilario (Zo·í·lo Hi·lár·yo) ay isang makata, mananaysay, man-
dudula at mambabatas na Pampanggo. Naging mahalaga ang kaniyang
librong Bayong Sunis na naglalaman ng kaniyang tula sa wikang Pampan-
go, pagpupugay sa mga bayani at mga manunulat ng Pampanga, gayundin
ang kaniyang mga prinsipyo sa pagtula at mga saliksik sa alpabeto at or-
tograpiyang Pampanggo.
Isinilang siyá noong 27 Hulyo 1892 sa San Fernando, Pampanga kina
Tiburcio Hilario at Adriana Sangalang. Nagtapos siyá ng bachiller en
artes sa Liceo de Manila. Natapos niya naman ang abogasya sa Escuela de
Derecho noong 1911 at naging ganap na abogado nang sumunod na taón.
Nalathala ang kaniyang aklat ng tulang Adelfas de la lira Filipina noong
1913 at Patria y redencion noong 1914. Nagkamit siyá ng karangalang
Makatang Laureado noong 1917 at 1918 sa kaniyang mga tulang “Alma
Española” at “Jardin y Epicureo.” Kinilala din ang kaniyang pagtula sa
wikang Kapampangan nang magwagi sa isang timpalak sa Pampanga ang
kaniyang tulang Ing Babai. Ang Bayong Sunis ang hulíng aklat na ipinal-
imbag niya na naglalaman ng 150 pilìng tulang Kapampangan. Nailimbag
naman noong 1968 ang kaniyang Ilustres varones at Himnos y arengas na
naglalaman ng kaniyang mga tula sa Espanyol. Bukod sa pagiging maka-
ta, kinilala rin siyá bílang mandudula. Ilan sa kaniyang mga isinulat ay
ang Mumunang Sinta, Sampagang E Malalanat, Bandila ning Filipinas at
Juan de la Cruz, Anak ning Katipunan.
Naging aktibo siyá sa politika. Naging konsehal siyá ng San Fernando.
Mula 1915 hanggang 1931, nagsilbi siyáng kalihim ng sangguniang pan-
lalawigan ng Pampanga. Noong 1931, nahalal siyá bilang kinatawan ng
lalawigan sa Kongreso. Bílang mambabatas, inakda niya ang unang batas
tungkol sa pangungupahan sa lupa, naging katuwang na may-akda ng mga
batas tungkol sa karapatan ng kababaihang bumoto at ang paggunita sa
Pambansang Araw ng mga Bayani, at ilan pang mga batas para sa kapa-
kanan ng mga manggagawa. Noong 1932 at 1933 ay itinanghal siyáng
isa sa mga nangungunang mambabatas sa bansa. Noong 1938 ay hinirang dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa mga usaping legal. Noong 1962
siyá ni Pangulong Manuel L. Quezon na isa sa mga unang kasapi ng Su- ay itinalaga naman siyá ni Pangulong Diosdado Macapagal na kasapi ng
rian ng Wikang Pambansa, at naging kinatawan ng mga Kapampangan Philippine Historical Commission. Namatay siyá noong 13 Hunyo 1963.
dito. Nagsilbi rin siyáng hukom sa Ilocos Sur mula 1947 hanggang 1954, Noong 1982, nagpugay sa kaniya ang National Historical Institute at ang
at sa Tarlac mula 1954 hanggang sa kaniyang pagreretiro noong 1960. pamahalaang lokal ng Pampanga sa pamamagitan ng inagurasyon ng kani-
Matapos magretiro ay nagpatuloy pa rin siyáng magsilbing tagapayo ni yang rebulto. (KLL)
Hiligaynon
Ang Hiligaynon ay isang lingguhang magasin na nakalathala sa wikang
Hiligaynon. Naglalaman ito ng mga akdang pampanitikang tulad ng no-
bela, maikling kuwento, at tula, at ng mga balita o artikulo tungkol sa
mga napapanahong usapin. Nakatulong ang magasing ito sa pagpapalakas
ng panitikang Hiligaynon at pagpapaunlad ng paggamit ng wikang Hili-
gaynon.

Lumabas ang unang isyu ng Hiligaynon noong 1934, ilang taon pagkata-
pos mailabas ang Bisaya at Bannawag sa pamumunò ni Don Ramon Ro-
ces sa ilalim ng Ramon Roces Publications, Inc. Ang unang naging pat-
nugot ng Hiligaynon ay si Abe Gonzales at una namang tao na lumabas sa
pabalat ay si Remedios Martin. Ang pamagat namang lumabas sa pabalat
ng isyung ito ay “Ang Bisaya sa Hiligaynon.”

Sumunod na naging patnugot si Ulisis Vadlit noong mga taóng 1940.


Pansamantalang natigil ang paglalathala ng Hiligaynon dahil sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Naging pangatlong patnugot naman si Francis Ja-
molangue noong mga taóng 1960. Nahinto ang paglilimbag ng Hiligaynon
noong 1973 bagaman malakas naman ang sirkulasyon nitó. Dalawampung
taon muna ang hinintay bago muling lumabas ang Hiligaynon at si Quin
Baterna ang naging patnugot. Sa paglilimbag ng Hiligaynon, umusbong at
nakilála ang ilang manunulat sa Hiligaynon, tulad nina Conrado Norada at
Ramon Muzones. (MJ) ed VSA
hílot
Ang hílot ay ang tradisyonal na paraan ng panggagamot sa Filipinas. Bahagi
nito ang paghagod o pagmasahe sa mga kasukasuan para mapasigla ang
sirkulasyon ng dugo, mapaginhawa ang pagod na kalamnan, o di kayâ’y
malunasan ang anumang uri ng pilay.
Bagaman walang pormal na kasanayan sa siyensiyang pangmedisina
ang mga manghihilot, maraming Filipino ang naniniwala sa bisa ng hilot
upang lunasan ang anumang karamdaman. Praktikal na alternatibo ito sa
panggagamot ng mga doktor na nagpakadalubhasa sa kanluraning medisina
lalo’t karaniwang walang ospital o malayò sa mga sentrong pangkalusugan
ang karamihan sa mga mamamayang Filipino. Kung may ospital naman,
hindi sila makapagpagamot dahil walang sapat na pambayad. Gayunman,
mayroong mga pagkakataóng negatibo ang turing sa hilot dahil bumabangga
ito sa interes ng komersiyal at Kanluraning medisina.
Karaniwan ding tinatawag na hilot ang mga komadronang nagpapaanak sa
kababaihan at tumutulong sa pangangalaga ng mga sanggol. (SABP) (ed
GSZ)
Himagsíkang 1896
Ang Himagsikang 1896 ang pambansang paghihimagsik ng mga Filipino
laban sa kolonyalismong Espanyol at sumiklab noong Agosto 1896 sa
pangunguna ng Katipunan. Itinatag ang Katipunan o Kataastaasang
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong gabi ng 7
Hulyo 1892 pagkatapos mapabalita ang pagdakip at pagdestiyero kay Jose
Rizal. Inisip ng mga tagapagtatag na sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata,
Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at dalawa pa na walang
saysay ang kilusang repormista. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan
para ibagsak ang gobyernong dayuhan. Unti-unti itong kumalat sa mga
bayan sa paligid ng Maynila at nagkaroon ng mga sanga hanggang Ilokos
sa hilaga, Kabikulan, Aklan, Cebu, Palawan, at hanggang Mindanao bago
natuklasan noong Agosto 1896.
May ulat na si Padre Mariano Gil ng Tondo ang nagsuplong sa Katipunan.
Nalaman niya ito mula sa isang Katipunero, si Teodoro Patiño, na hinimok
ng kapatid na relihiyosang ipagtapat sa pari ang lihim na kilusan. Noon ding
gabi ng 19 Agosto 1896 ay dinakip ng pulisya ang maraming Filipino na
pinaghihinalaang kasapi ng Katipunan. Nása Kalookan noon si Bonifacio
at dagliang nag-atas na magtipon ang mga Katipunero sa Balintawak. Sa
naganap na pagtitipon, ipinasiya niláng lumaban para sa kalayaan. Noong
Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumaganyak sa
sambayanan na lumahok sa himagsikan. Ang unang malaking labanan ay
naganap noong Agosto 30 sa San Juan del Monte. Samantala, nagsipag-
alsa din ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.
Sa gayon, noon ding Agosto 30 ay nagdeklara ng batas militar si Gobernador-
Heneral Ramon Blanco sa unang walong probinsiyang naghimagsik—ang Guhit ni E. Liwanag
Cavite, Maynila, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva
Ecija. Nagpatuloy ang maramihang pagdakip sa mga Filipino. Malimit na umatras ang hukbo ni Aguinaldo hanggang makarating at humimpil sa
pinaparusahan ng kamatayan ang mga bilanggo nang walang paglilitis. yungib ng Biyak-na-Bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Nagkaroon
Noong 4 Setyembre, apat na Katipunero ang binaril sa Bagumbayan. ng negosasyong pangkapayapaan at noong Disyembre 15 pinirmahan
Walong araw matapos iyon, binitay sa Cavite ang 13 bilanggong tinatawag ang hulíng dokumento sa tinatawag na Kasunduang Biyak-na-Bato.
ngayong “Trece Martires.” Noong Enero 1897, 12 patriyotang Bikolano Sa mga aklat, itinuturing na ito ang wakas ng Himagsikang 1896 bilang
ang binitay at 19 pa ang binitay sa Kalibo. Binitay din si Rizal noong unang yugto ng Himagsikang Filipino. Gayunman, maraming pangkating
30 Disyembre 1896 sa hinalang tagapagsulong ng rebolusyon. Ngunit sa Katipunero ang hindi nagsuko ng sandata. Bumuo ng bagong gobyernong
halip matakot ay sumapi ang marami sa himagsikan. mapaghimagsik si Heneral Francisco Makabulos sa Tarlac dahil iyon
diumano ang mas nais ng taumbayan. (VSA)
Isang masaklap na pangyayari sa Himagsikang 1896 ang pagpaslang
kay Bonifacio sa Cavite noong 10 Mayo 1897. Napunta kay Heneral
Emilio Aguinaldo ang liderato. Dumanas ng mga pagkatalo ang mga
manghihimagsik sa iba’t ibang pook. Upang hindi mapikot sa Cavite,
Himalâ
Ang Himalâ ay isang pelikula noong 1982 sa direksiyon ng Pambansang
Alagad ng Sining Ismael Bernal at batay sa istorya’t iskrip ni Ricardo Lee.
Bukod sa isa itong box-office hit ay itinanghal itong pangunahing pelikula
ng panahong iyon. Gumanap sa pangunahing papel ng dalagang pinaghi-
malaan at naging manggagamot si Nora Aunor at nagbigay sa aktres ng
maraming parangal.

Sa istorya, ginampanan ni Nora Aunor ang papel na Elsa, isang sumikat


na manggagamot ngunit pagkaraan ay isinumpa ng bayan niyang Cupang.
Dahil sa kanyang pagpapagaling ng mga may karamdaman ay naging bal-
ita siyá na pinaghimalaan. Dinumog ng mga may karamdaman at turista
mulang iba-ibang lugar ang kaniyang bahay. Halos sambahin siya ng lahat.
Nakinabang naman ang Cupang dahil kinalakal ang himala ni Elsa. Ito rin
ang dahilan kayâ naisipan ni Orly na gumawa ng pelikula ukol sa búhay ni
Elsa at siya ring nag-udyok sa kaniya na kunan pati ang ginawang pangga-
gahasa sa Maynila kay Elsa at sa kaibigan nitong si Chayong ng dalawang
binatang naimpluwensiyahan ng droga.

Nagkaroon ng epidemya sa Cupang at marami ang namatay. Isinisi ni Elsa


sa sarili ang mga naganap at ipinasara ang kanyang pagamutan. Nang
siyá ay magdalang-tao dahil sa panggagahasa, inisip ng kaniyang mga ta-
gasuporta na ito ay himala galing sa Maykapal at tulad siya ni Birheng
Maria. Pinulong ni Elsa ang mga ito at sakâ inihayag sa kanila ang tanyag
na linya: “Walang himala! Ang himala ay nása puso ng tao, nása puso nat-
ing lahat! Táyo ang gumagawa ng mga himala! Táyo ang gumagawa ng
mga sumpa at ng mga diyos...” Si Elsa ay binaril sa dibdib na kaniyang
ikinamatay.

Ang Himalâ ay nagkaroon ng restorasyong high definition nitóng 2012.


Ang naturang kopya ay nagkaroon ng primyer sa ika-69 Venice Interna-
tional Film Festival at itinanghal na isa sa mga dakilang pelikula ng mun-
do. (IPC)
Hiniláwod
Tinatawag na Hiniláwod ang epikong-bayan ng mga Sulod na nakatira sa
bulubunduking bahagi ng Panay. May dalawa itong pangunahing tauhan,
sina Labaw Donggon at Humadapnon, at may mga sariling salaysay. Sa
saliksik ni F. Landa Jocano, kaniyang naitalâ ang Labaw Donggon noong
1956 mula kay Ulang Udig, isang Sulod sa Iloilo.

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa


siyá sa tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata,
at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at
Dumalapdap. Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon
ng mapapangasawa. Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa
si Anggoy Doronoon. Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran
niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan, tagapag-
alaga ng araw. Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw
Donggon sa labanan na tumagal ng maraming taon. Ibinilanggo ni
Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng bahay
niya. Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni
Labaw Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan. Hiananap ng
magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan
ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kayâ napatay
ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si
Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat. Sina Nagmalitong Yawà na nakabalatkayo) at muling naglaho. Nagpatuloy sa
Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at paghahanap si Humadapnon at dumanas ng marami pang hirap. Sa wakas,
nakita nilá ito sa loob ng lambat ngunit halos bingi at lubhang matatakutin. natagpuan niya ang Ilog Halawod at nakasal kay Nagmalitong Yawà. Sa
Gayunman, pinagtulungan siyáng gamutin nina Abyang Ginbitinan at pagdiriwang, isang lalaki ang dumagit kay Nagmalitong Yawà. Sakay ng
Anggoy Doronoon pagkatapos mangako na pantay-pantay siláng ituturing kalasag, humabol si Humadapnon at naglaban silá ng lalaki nang pitóng
na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga taon. Sa dulo, namagitan si Launsinà, diwata ng langit, at ipinaliwanag na
pakikipagsapalaran nina Humadapnon at Dumalapdap na nakuha din ng kapatid ni Humadapnon ang lalaki—si Amurutha. Hinati ni Launsinà si
kani-kanilang asawa. Nagmalitong Yawà, na nabuhay muling dalawang magandang babae, at
naging mga asawa nina Humadapnon at Amurutha. (VSA)
Sa ulat ni E. Arsenio Manuel (1963), may epikong-bayan tungkol kay
Humadapnon na anak nina Munsad Burukalaw at Anggay Ginbitinan
at ang pakikipagsapalaran nitó upang makuha si Nagmalitong Yawà
Nagmaling Diwatà. Naipit ang kaniyang ginintuang biray sa dalawang
nag-uumpugang malaking bato ngunit iniligtas siyá ng mga kaibigang
espiritu. Pagkaraan, naengkanto naman siyá nang pitóng taon sa pulo ng
magagandang babae. Isang mahiwagang lalaki ang nagligtas sa kaniya (si
hípon
Ang hípon ay alinman sa marami at maliliit na dekapodong crustacean na
may makitid, pahabâng katawan, at nababálot ng talukab, siksik na tiyan,
at patulís na ulo. Tinatawag itong ífun ng mga Ifugaw, lagdáw ng mga
Ilokano, páro ng mga Kapampangan, at pasáyan sa Bikol, Hiligaynon,
Sebwano, at Waray. Mayroon itong pangalang siyentipiko na Crangon
vulgaris. Sa mga sinaunang Tagalog, tinatawag na kulagyá ang isang uri
ng maliit na hipon. Tinatawag din itong camaron, na nagmula naman sa
wikang Espanyol.

Tinatawag na alamáng ang maliit na hipon na ginagawang patis o ba-
goong; agamáng ito sa Pangasinan, aramáng o dóong sa Ilokano, bálaw
sa Bikol, orábang sa Maranaw, at úyap sa Tausug. Samantala, tinatawag
namang sugpô ang alinman sa mala-hipong crustacean na malaki. Úlang
naman ang uri ng hípon na malaki ang ulo at lumalaki ang sipit nang higit
sa laki ng katawan.

Isa sa nangungunang kalakal ng Filipinas ang hipon na makikita sa iba’t


ibang bahagi ng bansa at madali pang paramihin. Mayroon itong mataas
na bahagdan ng protina, bitamina, at mineral, samantalang mababa naman
ang taba at kaloriya nito at madaling matunaw sa tiyan. ECS
hitò
Ang hitò, lalo na ang kabilang sa mga pamilyang Clariidae at Pangasii-
dae, ay inaalagaan sa mga palaisdaan sa Asia. Ito ay matatagpuan sa Apri-
ka, Syria, at timog at kanlurang Asia (mula Pilipinas hanggang Java).

Ang katawan ng hitò ay siksik sa likuran. Ang itaas na panga ay bahagyang


nakausli. Tulad ng pusa, ito ay may 4-8 balbas. Ang palikpik sa likod ay
lagpas sa habà ng katawan, walang isang nangungunang tinik at nakadug-
tong sa palikpik sa buntot. Bilugan ang palikpik nitó sa buntot. Malapad
ang pagkakabukás ng hasang. Ang paghinga ng hangin ay nagagawa sa
pamamagitan ng laberinto. Ang ilang specie ay may kakayahang maglak-
bay sa lupa. Ang ilan na naglulungga ay may maliliit na matá at ang pa-
likpik sa pektoral at katawan ay maliit o ​​wala. Ang laman ay karaniwang
malambot at putî o kulay-abo.

Kumakain ito ng prutas, dahon, ugat, insekto, at molusko. Karamihan sa


inaalagaang hitò ay mabilis lumaki at káyang kumain ng marami. Naga-
gawang ubusin ng Pangasiids ang malalaking pagkain. Ang organong pa-
nunaw nitó ay kumakatawan ng hanggang sa sangkapat ng timbang ng
katawan. Ito ay dahil sa malawak na tiyan, bituka, at hungkag na espasyo
sa loob ng katawan. Naitalâ ang pinakamalaking Clarias batrachus na
may sukat na 47 sentimetro samantalang ang pinakamabigat naman ay
1.19 kilo. Ang Pangasius hypophthalmus na inaalagaan sa mga palaisdaan
ng Vietnam ay maaaring lumaki hanggang 800 gramo sa loob ng 6 na
buwan. Ang Clarias macrocephalus naman ay maaari nang ibenta kapag
umabot ng 200 gramo. Ang uring ito ay lubos na pinahahalagahan dahil sa
kalidad ng laman.

Sa natural na kondisyon, ang hitò na isdang tropiko ay madalas na nakatira


sa pabago-bagong kaligiran. May kakayahan itong tiisin ang manirahan
sa maruruming ilog. Halos lahat ng uri ay makikita sa tubig-tabáng. Sa
kasalukuyan, dalawang pamilya (Pimelotids at Ariids) ang matatagpuan sa
dagat at maaalat na tubig. (MA)
hiyâ
Isang katutubong hálagáhang Filipino ang hiyâ at naipapahayag sa iba’t
ibang paraan at maaaring magkaroon ng mabuti o masamâng kahulugan.
Karaniwang nakaugnay ito sa pagpapahalaga at paggálang sa sarili at sa
kapuwa. Umiiral ito kapag nag-aalinlangan ang tao sa sariling katayuan
o inaakala niyang hindi tatanggapin ng iba ang kaniyang gagawin.
Nangangahulugan din ito ng pagtupad sa kasunduan at sa inaasahan ng
pamilya, komunidad, at kaibigan.
Ang hiyâ ay isang nakapanliliit na pakiramdam kapag nagkulang sa
inaasahan. Isang simpleng halimbawa ang pangyayaring nakahihiyâ sa
isang ninong na hindi magbigay ng aginaldo sa inaanak. Kapag nangyari
ito at nagkita ang ninong at ang inaanak pagkatapos ng Pasko at tiyak
na papawisan ang ninong dahil sa kaniyang pagkukulang. Lalo na kapag
sinita siyá ng inaanak sa harap ng ibang tao. Napahiyâ ang ninong.
Ngunit hindi rin maganda ang ginawa ng inaanak, dahil ipinahiyâ niya
ang ninong. Kung may paggálang siyá sa ninong ay ibubulong na lámang
niya ang pagkukulang nitó. Ngunit ang pagtupad sa obligasyon ay diwa ng
sumusunod na salawikain:
Sa táong may hiyâ
Dangal ang salitâ.
Sa di-nakasulat na kodigo ng hiyâ, kailangang tupdin ang anumang
kasunduan; kung minsan, kahit magbunga ito ng kamatayan. Kayâ
pinaparatangang “walanghiyâ” ang walang “isang salitâ” bukod sa hindi
sumusunod sa kahit simpleng tuntunin.
Sa kabilâng dako, isang kahinaan din ang “mahiyain.” Nagiging palatandaan
ito ng malubhang pagpapahalaga sa sarili o pagiging talusaling. Ang tao
na “masamâng mapahiyâ” ay napagsasamantalahan ng kapuwa dahil
madalîng makuha sa kaunting kantiyaw. May ayaw mapahiyâ at inuubos
ang naipong salapi kapag nakantiyawan ng mga kaibigan. May nagdidilim
ang paningin at nang-aaway kapag napahiyâ sa tuksuhan kapag nag-
iinuman. Isang masamâng ugali ang mangutan para sa pista dahil ayaw
mapahiyâ sa mga bisita. Samantala, palatandaan naman ito ng matinding
inferiority complex. Nakikita ito sa mga batà na nahihiyâng lumahok sa
mga paligsahan o gawaing pangmaramihan, umiiyak agad kapag natukso,
hindi nagsasalitâ kapag may ibang tao, at iba pa dahil may napakababàng
pagtingin sa sarili. Malîng mahiyain ang ayaw sumalungat dahil matanda
ang nag-utos. (EGN) (ed VSA)
hólen
Ang hólen ay isang munting laruang hugis bola na karaniwang gawa sa
kristal, plastik, luad, o bakal. Karaniwan may diyametro itong kalahati
hanggang isang pulgada at makinis na makinis ang rabaw upang mapagúlong
nang mahusay. Iba’t iba din ang paraan ng paggawa nitó. May ginagawa
gamit ang kamay, tulad ng mga holen na gawa sa luad at seramika na
inihuhugis hanggang maging korteng bola bago patuyuin. Samantala,
mayroon din namang ginagawa gamit ang mekanikal na pamamaraan,
tulad ng mga holen na gawa sa kristal at sa bakal.

Maraming laro gamit ang holen. Isa sa mga popular na laro nitó ay
nangangailangang ilagay ng mga manlalaro ang kanilang mga holen sa
loob ng isang bílog na iginuhit sa lupa at isa-isa siláng titira gamit ang
kanilang holen para palabasin ang holen ng ibang manlalaro sa nasabing
bílog. Ang manlalaro na makakapagpalabas ng pinakamaraming holen
ang siyáng tatanghalin panalo. Sa ibang lugar, upang tanghaling panalo,
kailangan namang tirahin at tamaan ng manlalaro ang holen ng kalabang
manlalaro.

Isa pang popular na laro ang paghukay ng mga munting bútas sa lupa
na may isa o dalawang dipa ang layò sa isa’t isa. Magdadaan ang bawat
manlalaro sa mga bútas sa pamamagitan ng pagpapagúlong ng kanilang
mga holen papasok sa bawat bútas. Ang unang manlalaro na makatapos
sa pagpapasok ng kaniyang holen sa lahat ng bútas ang panalo. May laro
namang paligsahan sa pagtarget ng mga nakahileran holen sa pamamagitan
ng pinipitik na holen. (MJCT) ed VSA
Hospicio de San Jose
Ang Hospicio de San Jose (Os·pís·yo de San Ho·sé) ang kauna-unahang
Katolikong institusyong pangkawanggawa sa Filipinas. Ang hospicio ay
salitâng Espanyol na nangangahulugang “ampunan.” Itinatag ito noong
1778 upang magsilbing tahanan ng mahihirap at may kapansanan sa May-
nila. Ngayon, kinukupkop nitó ang mga batàng ulila o iniwan ng mga
magulang, matatandang walang tahanan, at mga may kapansanan.

Nagsimula ito bilang Hospicio General at natatag sa pamamagitan ng


pondo sa halagang apat na libong piso (P 4,000.00) na kaloob ni Don
Francisco Gomez at ng kaniyang maybahay na si Doña Barbara Versoza,
upang magpasalamat sa paggalíng mula sa isang malubhang karamdaman.
Ayon sa balita, may iba pang nagkaloob ng karagdagang halaga noong
buháy pa ang mag-asawa. Sa kasamaang palad, hindi na nilá nakita ang
aktuwal na pagkatatag ng institusyong hinangad niláng maging tagakup-
kop ng mga kapuspalad ng Maynila.

Nang lumaon, ipinangalan ang Hospicio General kay San Jose kaya nag-
ing Hospicio de San Jose. Nagkaroon ito ng iba’t ibang tahanan: una, sa
Pandacan, pagkaraan ay sa Intramuros, sa Nagtahan, at sa Echague. Noong
1810, inilipat ito sa Isla de Convalescencia malapit sa Tulay ng Ayala at
doon ito matatagpuan hanggang sa kasalukuyan.

Noong Disyembre 1810, isang Lupong Pamunuan ang namahala sa Hospi-


cio; pagkaraan, isang Decreto Real ang nag-atas sa Arsobispo ng Maynila
upang mamahala nitó. Noong Hunyo 1886, nalipat ang pamamahala sa
Daughters of Charity of St. Vincent de Paul, sa kahilingan sa Gobernador
Heneral ni Doña Margarita Rojas, isa sa mga tagapagtaguyod ng Hospicio.
(AEB)

Hospital San Juan de Dios
Ang Hospital de San Juan de Dios (Os·pi·tál de San Hu·wán de Di·yós)
ang pinakamatandang ospital sa Filipinas. Kilalá ngayon bilang San Juan
de Dios Educational Foundation, Inc., itinatag ang institusyon ng mga mi-
syonerong Pransiskano noong 24 Hunyo 1578.

Nagsimula ang ospital bilang dispensaryo (gusali para sa pamamahagi ng


mga gamot) sa Intramuros. Noong 1579, nagpatayô ang mga pari ng ku-
bong nipa at ospital na yari sa kawayan na may dalawang ward (silid). Si
Fray Juan Fernandez de Leon ang unang kapelyan ng ospital. Noong 1596,
nalipat ang pamamalakad ng ospital sa Confraternity of Mercy (Hermani-
dad de la Misericordia). Isang apoy noong 1603 at lindol noong 1645 ang
umubos sa yaman ng Cofradia, at nalipat ang pamamahala sa Brothers
of St. John of God at nakilala na bilang Hospital de San Juan de Dios.
Noong 1863, giniba ng isang lindol ang ospital. Noong 1866, nilipat ang
institusyon sa pangangasiwa ng Konseho ng mga Inspektor pagkatapos
lumipat sa Cavite ang orden. Noong 1868, nalipat ang ospital sa Daughters
of Charity of St. Vincent de Paul. Noong 1880, isa na namang lindol ang
gumiba sa gusali, na isinaayos dalawang taon ang makalipas.

Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, karamihan ng mga pasyente ay


mahihirap, ngunit sinimulang tanggapin ang mga nagbabayad na pasyente
noong panahon ng Amerikano. Noong
����������������������������������������
1913, binuksan ng ospital ang kau-
na-unahang Paaralan ng Narsing sa bansa. Isa ito sa mga pangunahing paa-
ralang pang-narsing bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong
1936, naging pinakamalaking pribadong ospital sa Filipinas ang San Juan
de Dios. Nawasak ang ospital sa Liberation sa Maynila noong 1945.

Noong 1952, lumipat ang ospital sa kasalukuyan nitóng kinatitirikan sa


Roxas Boulevard. Ang bahaging outpatient nitó ay nakalaan noon para
lámang sa mahihirap na pasyente. Noong 1991, naging educational foun-
dation ang ospital at binigyan ng bagong pangalan. Sa kasalukuyan, may-
roon itong kapasidad na 230 kama. Dito pumanaw si Mario O’Hara, isa sa
pinakamahusay na direktor at manunulat ng dulang pampelikula. (PKJ)
hóta
Ang hóta ay isang sayaw na nagmula sa Espanya. Natutuhang sayawin ito
ng mga Filipino sa kanilang malimit na paglahok sa mga aktibidad ng mga
Espanyol. Mabilis at karaniwang nasa batayang kompás na 3/4, maaari
rin itong tugtugin at sayawin sa kompás na 2/4 at 4/4. May apat o mas
maraming pares ng lalaki at babae ang sumasayaw nito. Sinasayaw ang
hota sa pagdiriwang ng mga pista, binyag, at kasal.

Rondalya ang malimit na sumasaliw sa pagsayaw ng hota. Ang ritmo ay


nabibigyang-diin sa pamamagitan ng pagpadyak at pagpalakpak ng mga
mananayaw at ng mga manonood. Maria Clara, maskota o patadyong ang
karaniwang suot ng babae, at barong tagalog at itim na pantalon naman
ang sa lalaki.

Ang hota ay masasabing inampon na ng mga Filipino. Sa katunayan,


nagkaroon na ng sariling mga bersiyon ang sayaw na ito sa iba’t ibang
lugar sa bansa. Ang hota Batangueña, Manileña, Caviteña, de Olongapo,
Ecijana, Paloana, Cagayanon, Sarrateña, Laoageña at iba pa ay mga
halimbawa nito. Bawat bersiyon ng hota ay may kani-kaniyang katangian.
Ang la hota San Joaquin at Moncadeña ay sinasayaw sa saliw ng ritmo ng
kawayan; ang hota Echagueña at Ilocana ay karaniwang sinasayaw naman
ng bagong kasal; ang hota Bicolana ay ginagamitan ng mapalamuting
pamaypay; ang bersiyong Ilokano na hota Zapatilla ay sinasayaw sa tunog
ng pagpadyak ng mga babaeng mananayaw; at ang hota Cabungan naman
ay isang pagsasalarawan ng ligawan.

Ang iba pang bersiyon ng sayaw ay ang sumusunod: ang la hota Concordiana
at hota Sevillana sa Iloilo; ang hota kalipay ng Samar; hota Rizal ng
Batangas; ang hotabal na hango sa pinagsamang pangalan ng hota at balse
ay nagmula sa Camahoguin, Gumaca, Quezon; ang hota Gumaqueña na
sinasayaw sa mga pormal na pagtitipon ay nagmula sa Gumaca, Quezon;
at ang hota Paloana na nagmula naman sa Leyte. (RCN) (ed GSZ)



Hudhúd
Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula
na karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga
payyo o dinadamuhan ang mga palayan Inaawit din ito kapag may lamay
sa patay at ang yumao ay isang táong tinitingala dahil sa kaniyang yaman
o prestihiyo. Kinakanta ang Hudhud sa mga naturang okasyon bilang
paglilibang o pampalipas-oras lamang. Hindi nakaugnay sa anumang
ritwal ang pagkanta ng Hudhud.

Karaniwang umiikot ang kuwento nito sa mga karanasan ng isang


pambihirang nilaláng, kadalasan ay si Aliguyon, na kabilang sa uring
mariwasa o kadangyan. Ang diin ay nasa pagsuyo at pakikipag-isang-
dibdib niya sa isang babaeng mula rin sa uring kadangyan. Ang tema ng
pag-ibig at kariwasaan ang nangingibabaw sa Hudhud.

Tumatagal nang ilang oras o isang araw ang pag-awit ng Hudhud. Kinakanta
ito ng isang grupo o koro, ang mun-abbuy, na pinangungunahan ng isang
punòng mang-aawit, ang munhaw-e. Ang mga linyang kinakanta ng
munhaw-e ang nagdadala ng salaysay. Mga babae ang umaawit ng Hudhud.
Kung minsan, panandaliang sumasali sa pagkanta ang ilang kalalakihan,
ngunit ayon sa matatanda, hindi ito sumasang-ayon sa tradisyon.

Sinasalamin ng Hudhud ang mga paniniwala’t kaugalian ng sinaunang


lipunan ng mga Ifugaw, at binibigyang-paliwanag ang mga bagay na
kanilang pinahahalagahan. Matatagpuan sa Hudhud ang paglalarawan sa
mga konsepto na kinababatayan ng mga ugnayang pampamilya, at ng mga
ugnayan ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng ili o nayon. Makikita rito
ang paniniwala ng mga Ifugaw tungkol sa mga diyos at espiritu, at kung
paano sila dapat makipag-ugnayan sa mga ito. Mangyari pa, matatagpuan
din sa Hudhud ang pagtukoy sa iba’t ibang ritwal na mahigpit na bahagi ng
pang-araw-araw na buhay ng mga Ifugaw.
mula sa Stories Filipinos Tell (1976)
Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang Hudhud bilang isa sa mga
Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity. (DLT) (ed
GSZ)
Huk
Ang Hukbóng Báyan Lában sa mga Hapón, mas kilala bilang Huk-
balaháp, ay isang kilusang gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipi-
nas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang armadong bahagi nitó
laban sa mga Hapon. Nagsimula bilang armadong kilusan laban sa mga
Hapon, ito ang nagpasiklab ng malaking rebelyon laban sa Pamahalaan ng
Filipinas sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Carlos Quirino. Sa pana-
hong ito higit na ginamit ang pinaikli pang tawag na Huk sa Hukbalahap.

Ang kilusang Huk ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitnang Lu-


zon. Sinasabing may malalim na ugat ito sa sistemang encomienda ng mga
Espanyol, isang sistemang sanhi ng pagkakaroon ng malalawak na lupa-
ing hawak ng iilan at ng malubhang pag-abuso sa mga magsasaka. Ang
patuloy na pagsikil sa karapatan ng magsasaka ang sanhi ng mga kilusang
nagsilang sa Huk.

Noong 29 Marso 1942, nagkaroon ng pulong sa Bawit, San Julian, Ca-


biao, Nueva Ecija ang mga lider magsasaka upang bumuo ng isang or-
ganisasyon. Mula dito, binuo ang isang komiteng militar na pinamunuan
ni Luis Taruc, Castro Alejandrino bilang pangalawang pinunò, Bernardo
Poblete, at Felepa Culala. Mabilis na dumami ang kasapi nitó at sinasabing
noong 1943 ay mayroon itong 15,000 hanggang 20,000 na aktibong sun-
dalo habang 50,000 naman ang reserba. Ang mga armas ay nakukuha mula
sa pagnanakaw sa mga kampo ng mga Hapon, Amerikano, at Filipino.

Nang manalo sa pagkapangulo si Manuel Roxas, ikinampanya niya ang


pagsupil sa Hukbalahap. Nang matanggal sa Kongreso si Luis Taruc, na-
mundok muli ang mga gerilya at idineklara ang kanilang rebelyon laban
sa pamahalaan. Sinasabing nangungumpiska silá ng pera at ari-arian para
maipagpatuloy ang kanilang kilusan at umasa sa maliliit na baryo para sa
suportang politikal at materyal. Lumakas at kumalat ang kilusan sa Nueva
Ecija, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Laguna,
Bataan, at Quezon. sa handog na reporma ni Magsaysay. Noong 1954, ipinadala ng noon ay
Pangulong Magsaysay si Benigno “Ninoy” Aquino Jr upang makipagne-
Noong mga taóng 1950, sa pamamagitan ng interbensiyong Amerikano, gosasyon kay Luis Taruc. Nagresulta ito sa pagsuko ni Taruc noong 17
itinalagang kalihim ng Tanggulang Bansa si Ramon Magsaysay at naging Mayo 1954 at opisyal na nagwakas ang rebelyong Huk. (KLL) ed VSA
epektibong pinunò sa kampanya ng gobyerno laban sa mga Huk. Unti-un-
ting lumiit ang tagatangkilik ng rebeldeng grupo at marami ang naniwala
Hulíng Hapúnan
Ang Hulíng Hapúnan ay tumutukoy sa pangwakas na hapunan ni Hesus
at naganap kasáma ang kaniyang apostoles bago ang pagdakip sa kaniya,
kalbaryo, at pagpapakô sa krus. Ito ang batayan ng sakramento ng Eukar-
istiyá.

Nasasaad sa Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lukas at Juan na naganap


ang Huling Hapunan sa pagtatapos ng linggo ng matagumpay na pagpasok
ni Hesus sa Herusalem at bago siya ipakò sa krus. Sa naturang hapunan,
nabanggit ni Hesus ang tungkol sa magiging pagtataksil ng isa sa mga
apostoles at pagtatatwa ni Pedro sa kaniya. Sinasabing naging batayan ng
sakramento ng Eukaristiya ang ritwal ni Hesus ng pagkuha, paghati, at
pagbibigay ng tinapay bilang kaniyang katawan at pagbabahagi ng alak
bilang sariling dugo sa mga apostoles. Wala ang tungkol sa tinapay at alak
sa Ebanghelyo ni Juan—sa halip, isinaad nitó ang paghuhugas ni Hesus
sa paa ng kaniyang mga Apostoles. Tuwing Huwebes Santo, nagdaraos
ang Simbahang Katolika ng huling misa bago ang Linggo ng Pagkabuhay
na mayroong pagsasadula ng paghuhugas ng paa ng mga Apostoles na
sinusundan ng prusisyon ng tinapay at alak bago ilagay ang mga ito sa mula sa museo ng Butuan
altar.

Naging malaking paksang pansining ang Huling Hapunan. Pinakaban-


tog ang obrang miyural na may gayunding pamagat ni Leonardo da Vinci
noong siglo 15 sa Simbahan ng Santa Maria della Grazie sa Milan, Italya.
Isa itong eksena ng Huling Hapunan batay sa Ebanghelyo ni Juan na ipi-
nakikita ang mga reaksiyon ng mga Apostoles nang ihayag ni Hesus na isa
sa kanila ang ipagkakanulô siyá. (KLL)
Humadápnon
Si Humadápnon ay isa sa mga bayani ng Hinilawod, isang epikong-bayan
ng mga Sulod sa gitnang Panay. Kasáma ni Humadapnon sa kuwento ang
dalawa pang bayani na sina Labaw Donggon at Dumalapdap. Sa isang
bersiyon ng epiko, magkakapatid ang tatlong tauhan. Samantala, sa mas
naunang bersiyon naman ay hindi niya kamag-anak si Labaw Donggon
ngunit napangasawa ang anak nitóng si Nagmalitong Yawa.
Kung isasalin, ang salitang “hinilawod” ay nangangahulugang “kuwento
mula sa bukana ng ilog Halawod.. Isa sa mga pinakamahahabàng epiko
ng mundo, aabutin ng tatlong araw ang pagkanta sa Hinilawod na may
nairekord na ngayong bersiyong binubuo ng 8,340 na taludtod. Bukod sa
pagiging mahalagang bahagi ng panitikan, nagsisilbing ebidensiya rin ang
epikong-bayan ng mga sagradong ritwal at paniniwala ng mga Sulod.
Sa isang lumang bersiyon ng epiko, nagsimula ang paglalakbay ni Humad-
apnon nang nagpakita sa kanyang panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang
mga kaibigan niyang espiritu. Panukala ng dalawa na hanapin na ng datu
ang kaniyang mapapangasawa at ito ay si Nagmalitong Yawa, anak nina
Buyong Labaw Donggon at Uwa Matan-ayon.
Sa tulong ng kaniyang mga magulang, binuo nilá ang isang datu at kapam-
ilya na makakasáma niya, si Dumalapdap. Sa paglalakbay ng dalawa, na-
karating silá sa Tarangban, isang isla ng mga binukot na nang-aakit gamit
ang napakaganda niláng tinig. Sa kabila ng pagpapaalala ni Dumalap-
dap, tinanggap ni Humadapnon ang paanyaya ni Malubay Hanginon, ang
pinakabatà sa isla. Nagsara ang yungib ng Tarangban at naging bihag si
Humadapnon sa isla sa loob ng pitóng taon.
Sa pagbabalik ni Dumalapdap sa kanilang kaharian, iba’t ibang paraan ang
ginawa ng kanilang mag-anak upang mailigtas si Humadapnon. Pabuyang
kayaman ang ipinangako nilá sa lalaking magiging tagapagligtas ng anak
ngunit walang nagtagumpay. Nakausap ni Dumalapdap ang mga kaibig-
ang sina Duwindi, Taghuy, at Hangin at napagkasunduan niláng si Nag-
malitong Yawa lang makapagliligtas kay Humadapnon dahil pareho silá
ng lakas. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki at naging si
Sunmasakay. Pagdating nilá sa Tarangban, agad binuksan ng mga binukot
ang isla para sa inaakala niláng makisig na binata. Pinaslang ni Sunmasa-
kay ang lahat ng binukot sa isla at iniligtas ang naengkantong si Humadap-
non. Sa tulong ng mga kaibigang espiritu, binuhay niláng muli ang binata
gamit ang tubig mula sa ikapitóng antas ng langit. (CID) ed VSA
human-human
Tumutukoy sa mga kuwentong-bayan ng mga Mansaka ang human-
human. Kadalasan, isinasalaysay ang mga human-human kapag may
pagdiriwang at pagtitipon ng taumbayan, gaya ng kasal, lamay sa patay,
at panahon ng anihan. Minsan, isinasalaysay rin ang mga human-human
kung nagkakatipon-tipon ang mag-anak para magsalo-salo ng pagkain.
Gumagamit ang mga Mansaka ng linda, isang uri ng estilo upang mas
madaling matandaan ng mga nagbahahagi ng human-human.
Isang popular na human-human ng Mansaka ang tauhang isang kimod,
isang binatang lalaking may kakayahan na gawin ang anumang iutos sa
kaniya ng iniibig na babae. Halimbawa, “Si Kimod at ang Diwatang Uwak.”
Sa kuwento, upang maging asawa ni Kimod ang diwatang uwak, nilinlang
niya ito sa pamamagitan ng pagtatago ng mahiwaga nitóng damit. Nang
napilit ni Kimod na magpakasal sa kaniya ang diwata, kaniyang sinabi
ang katotohan na siyá namang ikinagalit ng diwata at agad na bumalik sa
kalangitan. Upang makuha niyang muli ang asawa, dumaan siya sa mga
pagsubok hanggang sa mapagtagumpayan niya ang mga ito at nagsáma
siláng muli.
Pumapaksa sa iba’t ibang inter-aksiyon ng tao sa kaniyang kapuwa at
kaligiran ang human-human. Sa “Tinampikan,” isinasalaysay ang búhay
ng mag-asawang Maison at Tinampikan. Hábang inaayos ni Maison ang
barong-barong nila ni Tinampikan, nagutom ang babae. Nang nakita niya
ang isang saging na saba, agad niya itong inihaw. Sa tákot na humingi
at makihati ang kaniyang asawa, agad isinubo ni Tinampikan ang mainit
na saging. Napasò siya, nabilaukan, at namatay. Dahil sa nakahihiyang
kamatayan, kakaunti ang nakiramay at mabilis lamang na ibinurol si
Tinampikan.
Matatagpuan ang mga Mansaka sa bulubunduking bahagi ng mga lalawigan
ng Davao at Compostela Valley. Sinasabing nagmula sa mga salitâng man
(tao) at saka (umakyat) ang kanilang pangalan. Sa pagsasáma ng dalawang
salitâ, tinutukoy ang mga táong umakyat sa bundok bilang kahulugan
ng Mansaka. Dahil hindi nilá ninanais ang pakikipaglaban, lumayô silá
sa kapatagan at tabing-dagat nang dumating ang mga mananalakay na
Espanyol at mga Bisaya. Ang ilan sa mga naiwan nilang kalahi ay itinangi
ang sarili at tinawag na Mandaya, mula sa dalawang salitâ: man (tao) at
daya (ibabâng bahagi ng ilog). (SJ)
guhit ni Angeli Marie Narvaez
humbá
Ang humbá ay karneng baboy na kinulob sa pagluluto at hinaluan ng
puláng asukal, sukà, kanela, sangke, lawrel, at hinog na saging na sabá.
Malapit ito sa dalawa pang sikat na pagkaing Pinoy, ang adobo at esto-
pado. ����������������������������������������������������������������
Popular ito lalo sa mga handaan sa Kabisayaan at Mindanao. Sina-
sabing isa sa maaaring pinanggalingan ng salitâng “humbá” ay “HUMot
nga BAboy,” na nangangahulugang “mabangong baboy.”

Ang tatlong madalas gamiting bahagi ng baboy para sa humba ay pork


belly, pork hocks, at pork ham. Bukod sa baboy, ginagamit din ang karne
ng báka at karne ng manok para sa humba. Manamis-namis ang putahe da-
hil sa saba, at higit pa kapag nilahukan ng pinya o katas nitó. Sinasahugan
din ito ng mga buong nilagang itlog, kayâ busog na busog ang sinumang
kakain nito! (PKJ)
huramentádo
Ang huramentádo ang panata ng mandirigmang Muslim na makipaglaban
hanggang kamatayan pagkatapos na dumaan sa pagsasanay, pag-aayuno,
pagdarasal, at pakikinig ng mahabàng sermon ukol paraiso. Mula ito sa
salitâng Espanyol na juramentar na nangangahulugang taong nanumpa.
Sa ilang henerasyong pagtatanggol sa kanilang lupain laban sa panana-
kop ng mga Espanyol, nagkaroon ng reputasyong notoryoso at mabagsik
na mandirigma ang mga Moro. Bagaman hindi kasing-unlad ng kalaban
ang kanilang kagamitang pandigma, ginagamit nilá ang kanilang talino,
tapang, at taktika sa paglusob sa depensa ng kalaban. Isang uri ng asim-
etrikong pakikidigma na ito ang huramentado.

May ulat na unang ginamit ni Jose Malcampo ang naturang salitâ hábang
namumunò ng pananakop ng mga Espanyol sa Jolo noong 1876. Noong
panahon ng Digmaang Espanyol-Amerikano, pinag-uusapan sa Amerika
ang mga huramentado. Noong 1903, ibinalita ni Komander Leonard Wood
kay Gobernador William Howard Taft na madalas ang pag-atake sa mga
sundalong Amerikano sa pamamagitan ng huramentado.

Tinatawag na mag-sabil ang kandidato sa pagkahuramentado at pinipilì


mula sa mga kabataang Muslim na napukaw ang damdamin hinggil sa
pagiging martir ayon sa turo ng mga Imam. Kinokonsulta muna ang mga
magulang bago payagan ng sultan ang mga kabataang lalaki na sumailalim
sa pagsasanay at paghahanda para sa parang-sabil o daan tungo sa Paraiso.
Matapos manumpa sa Koran, nagkakaroon ng ritwal na pagligo ang kan-
didato at pag-ahít sa lahat ng buhok sa katawan. Binabalot ng benda ang
kaniyang baywang, ari, sakong, bukong-bukong, hita, galang-galangan,
siko, at balikat na pumipigil sa pagdaloy ng dugo upang maiwasan ang
pagkaubos ng kanilang dugo sakaling mapinsala hábang isinasagawa ang
kanilang tungkulin. Hinuhugasan ang katawan ng namatay na mag-sabil at
ibinabalot sa telang putî bago ilibing. Kapag nabuhay ang mag-sabil mata-
pos maging huramentado, pinaniniwalaang aakyat sa Paraiso ang kani-
yang katawan matapos ang 40 taón. (KLL)
hurubaton
Sa katutubong panitikan ng mga Hiligaynon, tumutukoy ang mga hu-
rubaton (o minsan ay hulubaton) sa mga salawikain o kasabihan. Karani-
wang binubuo ang isang hurubaton ng dalawang linya at magkakatugma
ang mga dulong tunog ng mga ito. Sa mga nalikom na kuwentong-bayan
ng mga Hiligaynon, madalas na nakapaloob dito ang mga hurubaton bilang
linya na nagsasabi o nagpapahiwatig ng aral o saysay ng salaysay. Noong
unang panahon, inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang ipaalala
ang mga kaugalian at hálagáhang kailangang panatilihin o pangalagaan ng
taumbayan. Sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ang salitang hurubaton sa
lahat ng sawikain o kasabihan sa Hiligaynon, katutubo man o makabago.

Mga halimbawa ng hurubaton ang sumusunod:

Ang tao nga wala sing pilak,


Daw pispis nga wala sing pakpak.
(Ang taong walang salapi
Ay parang ibong walang pakpak.)

Ang tao nga malikaya,


Sa katilingban gina-amuma.
(Ang taong mabuti
Ay tinatanggap ng lahat.) (MJ) ed VSA
húsi
Ang húsi ay napakapino’t mamahaling hibla sa tradisyonal na paghabi ng
damit. Binabaybay din ito sa pa-Espanyol na jusi. Tradisyonal na mula
ito sa himaymay ng saging ngunit napalitan ng higit na makislap na sutla
o seda. Ngayon ang sutla ay malimit na may halòng koton o sintetikong
rayon at polyester. Ang paghabi ng tela sa husi ay tiyak na bunga ng pag-
babago sa pananamit noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, lalo
na dahil sa introduksiyon ng modang damit mulang Europa, at pagsusuot
ng damit alinsunod sa uring panlipunan. Nangailangan ng naiiba’t higit na
may uring mamahaling damit ang mga mariwasa at mga dayuhan upang
maibukod ang sarili sa karaniwang Indio.

Isang pagbabago ang paglaganap ng pagboborda noong ika-18 siglo,


isang industriyang itinuturo sa mga babae sa beateryo, at ginagamit sa
pagpaparikit ng panyuwelo at belo. Malimit na husi o koton ang telang
binobordahan. Malaking bahagi din ng pagbabago sa pananamit ang meta-
morposis ng katutubong baro’t sáya tungo sa tinawag na trahe de mes-
tisa (traje de mestiza). Ang nakasunod sa modang tabas at ang telang husi
ng trahe ay nagpapatingkad sa antas mariwasa ng nagsusuot.

Sa ngayon, húsi pa rin ang tela ng mamahaling barong tagalog at terno


para sa mga pormal at espesyal na okasyon. Binuhay din ang husi na hi-
maymay ng saging. Ilang bayan sa Aklan, Laguna, at Batangas ang bantog
sa bordadong husi. (VSA)
huwégo de anílyo
Ang huwégo de anílyo ay isang uri ng paligsahang pangkalalakihan at
idinadaos kng pista at malaking pagdiriwang. Ang pangalan ng laro ay
mula sa Espanyol na juego de anillo o “laro ng singsing.” Tinutukoy ng
“singsing” ang mga binilog na alambre o bakal na isinasabit sa isang sam-
payan at siyáng sisikaping matusok at matangay ng sinumang kalahok sa
paligsahan.

Ang mga kalahok ay sumasakay ng kabayo o kalabaw at humihilera sa


isang takdang pook sa plasa o palaruan, ilang metro ang layò sa sam-
payang may mga nakasabit na anilyo. Ang anilyo ay may palawit pang
lasò o papel na makulay upang higit na maging kaakit-akit sa matá, lalo
na’t tila sumasayaw sa hangin. Hawak ang isang punyal o instrumentong
pantusok, patatakbuhing mabilis ng kalahok ang kabayo patungo sa sam-
payan at sakâ sisikaping makuha sa pamamagitan ng punyal ang isa sa
mga anilyo.

Paligsahan ito sa husay sumakay ng kabayo o kalabaw, tatag ng pulso, at


talas ng paningin. (KLL)
huwégo de prénda
Ang huwégo de prénda, batay sa kahulugan ng pinagmulan nitóng Es-
panyol na juego de prenda, ay “laro ng multa.” Nilalaro ito tuwing búrol
o lamayan. Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit
malimit na kabataan ang mga kalahok. Umuupô sa isang pabilog ang mga
manlalaro, magkahiwalay ang mga babae at ang mga lalaki, at may lider
o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng
punongkahoy o bulaklak ang sa babae. Pangalan ng ibon o numero ang sa
lalaki.

Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na nawawala


ang kaniyang ibon at sisimulan niyang pagbintangan ang isang kalahok na
babae. Itatatwa ito ng napagbintangan at ipapása ang sakdal sa isang kala-
hok na lalaki. Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapása ang kalahok.
Kailangang memoryado din niya ang mga ibinigay sa kanilang pangalan.
Kapag namali sa pagsasabi ng pangalan, o bumagal sa pagsagot, ang kala-
hok ay “napeprendahan” o napaparusahan. Ang parusa ay dalawang klase:
tumupad ng isang utos o tumula/umawit.

Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga atr binata, dahil ginag-
amit na pagkakataón para sa pagliligawan. Malimit na mapagbiro ang utos
kapag dalaga ang naparusahan. Malimit namang may nakahandang tula
ng pagsuyo ang binata kapag naparusahang tumula. Bago magsimula, sa
pagitan ng mga parusa, at sa pagtatapos ay umaawit ang mga kalahok ng
dalít at ganito ang koro:

Sa Diyos natin ialay


Kaluluwa ng namatay
Patawarin kaawaan
Sa nagawang kasalanan.

Ang pagsasaulo ng mga solo sa pagdalít ay isang katangiang kailangan Guhit ni Eugenio Hermoso
upang maging higit na maging aktibong kalahok sa huwego de prenda.
Nagagamit niya itong awit sa parusa. Naipagmamalaki din niya itong solo
bago magkoro. (KLL)

You might also like