You are on page 1of 1

Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano

Ang panahon ng mga Amerikano ang isa sa mga naganap na pagbabago sa Pilipino sa
pagkaraan ng panahon ng mga Kastila. Isang malaking pagbabago ang ginawa ng mga
Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas. Isa na dito ang pagbabago sa edukasyon. Ang
edukasyon noon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol ay kabaligtaran ng sistema sa
panahon ng mga Amerikano.Dito, pinapayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap
na mga Pilipino. Hindi tulad sa panahon ng mga Kastila, lahat ng mga kababaihan at mahihirap
na Pilipino ay hindi pinahihintulutan na makapag-aral. Sa panahong ding ito,nabigyan din ng
pagkakataon na magkaroon ng pribadong paaralan at publikong paaralan. Ngunit ang mga ito ay
hindi na pag-aari ng simbahan, na nakagawian naman noon sa panahon ng Espanyol.

Kung sinagkangan ng mga Kastila ang kalayaan sa pamamahayag at hangaring mapayabong ang
isipan at kaalaman sa pagtuklas ng talino ng mga Pilipino, sa panahon ng Amerikano ay
nagkaroon ito ng katuparan. Edukasyon ang pinakamahalagang naipagkaloob nila sa atin.

Maraming pagbabagong ipinakilala ang mga Amerikano sa Pilipinas. Isa sa mga ito ang
edukasyon. Itinuro nila ang wikang Ingles at ang mga unang guro ay sundalong Amerikano.
Napalitan sila nang magpadala ng 600 guro ang Estados Unidos noong ika-23 ng Agosto,
1907. Sakay sila ng barkong St. Thomas kaya tinagurian silang Thomasites. Sila ang nagsilbing
tagapagligtas sa kumunoy ng kamangmangan. Ang mga aklat na ipinagamit sa mga mag-aaral ay
sinulat lahat at nilimbag sa Amerika.

Naging sapilitan ang libreng pag-aaral sa elementarya. Itinuro sa mababang paaralan ang
pangunahing kaalaman tulad ng pagbasa, pagsulat, pagbaybay at Aritmetika. Di naglaon,
nadagdagan na rin ito ng mga asignaturang musika, pagguhit, sining at industirya, agham
panlipunan, edukasyong pangkalusugan at edukasyong pangkagandahang-asal. Pitong taon ang
itinakdang pag-aaral para sa elementarya.

Ipinatupad naman ang apat na taong kurso para sa mataas na paaralan. Ipinadadala sa
Amerika ang mga pantas na mag-aral sa gugol ng pamahalaan. Itinuring silang haligi ng
karunungan. Pagbalik nila sa Pilipinas ay pinagtuturo sila o di-kaya'y pinatatrabaho sa iba't ibang
tanggapang Normal ng Pilipinas noong 1901 sa pamamagitan ng paaralang ito'y, muling sumilay
ang liwanag sa nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong naghahangad maging guro at
makatuwang ng bansa sa pagpapalaganap ng edukasyon. Kasabay nito'y nagsimula na ring
magbukas ang iba pang mga pribadong paaralan tulad ng Far Eastern Univeristy Centro Escolar
University at Philippine Women's University.

1908 nang maitatag naman ang Pamantasan ng Pilipinas. Nagbukas ito ng pagkakataon
para sa mga mayayaman at mahihirap na nais magduktor, maging inhinyero at komersiyo. Ito
ang naging tanglaw ng nalulong nilang pangarap. Nagtayo rin ng mga paaralang bokasyonal
upang ihanda ang mga Pilipino sa mga hanapbuhay na nais nilang pagkakitaan at makatulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Isang edukasyon na ang pwede lang pumasok ay
mamayanan at ang nagtuturo ay ang mga amerikano na tinatawag thomasites isa dito William H.
Taft nagtuturo sila sa pamamagitan ng ingles

You might also like