You are on page 1of 2

Ang mga mamamayan sa Mindanao ay kilala sa kanilang makulay

na sining, kultura at tradisyon. Binubuo ang lugar na ito ng mga iba't


ibang grupo. Sakop ng kanilang kultura ang pagbuburda, pag-uukit,
at paghahabi. Dahil halos lahat ng mga tribo ay may kasanayan sa
mga ganitong paglikha, ito na rin ang pinagmumulan ng kanilang
kabuhayan.
Sa kanila namang literatura, napakahalaga ng simbolo ng
Sarimanok. Ito ay sumasagisag sa pagkakaibigan at pagkakasundo.
Marami ring mga alamat at kwentong bayan ang maga taga-
Mindanao.Kabilang dito ang Alamat ng Perlas, Alamat ng Waling-
Waling at Alamat ng Bundok Pinto.
Sa larangan naman ng musika, hindi papahuli ang mga instrumento
na ginagamit ng mga mamamayan.

Ang ilan sa mga ito ay ang mga Gabbang, Gong, Karandil,


Palendag, Subing at sa aspeto naman ng tradisyon, mayaman ang
mga taga-Mindanao sa kaugalian at pagpapahalaga. Sila ay
naniniwala sa pagiging matapang at determinado sa buhay.
Malakas ang kanilang kumpyansa sa sarili at ito ay kanilang
isinasabuhay para manatiling matatag sa laban ng buhay araw-
araw.

Mga Tao at Kultura ng Kamindanawan:

Limang Pangunahing Grupo sa Mindanao (Muslim or Moros)

1. Ang mga Tausug - sila ang kauna-unahang tribo sa Kamindanawan at mas mataas ang tingin sa
kanilang kasultanan kaysa sa ibang mga Muslim sa Pilipinas.

Ayon sa mga datos, karamihan sa mga kasabihan ng mga Tausug ay "masaalla", mula sa mga
Arabo, ang ibang naman ay mga payo sa buhay o "pittuwa", at ang kanilang mga kasabihan ay
"daman" o sa Ingles ay symbolic speech na katulad ng mga sa bugtong at mga dayalogo sa
tradisyonal na panliligaw.

2. Ang mga Maranao - sila ang mga tribong nasa timog. Ang ibig sabihin ng Maranao ay "people of
the lake" o "mga tao sa ragat". Sila ay tanyag na rehiyon ng mga Muslim sa isla ng Mindanao.

3. Maguindanao - "people of the flood plain" ang tagari sa mga taga-Maguindanao. Ang kultura ng
Maguindanao ay kilala sa pagiging maasikaso at sa mga magagarbong ritual.

4. Samal - "loyal commoners" naman ang tawag sa kanila sa hierarchy of Muslim minorities. Sila ay
literal na nakatira sa ibabaw ng katubigan, dagat o sa mga coastal waters.

5. Badjao - "sea gypsies" ng katubigan ng Sulu. Sila ay mga tribong Muslimna may bilang na 20,000
populasyon.
Iba Pang Mga Grupo na Nakatira sa Mindanao:

1. Yakan - Mga nakatira sa Basilan Island ng Zamboanga. Sila ay mga Polynesian at mga manghahabi.

2. Tiruray - Ang mga tribong nangangabayo sa mga bundok ng Mindanao.

3. T'Boli - Mga taga-Mindanao na mahihilig sa sining, mga katutubong kasuotan at tugtugan.

4. Bagobo - Manggagawa ng mga produktong gawa sa metal, ng mga armas at kilala rin sila sa kanilang
paghahabi ng mga tela at basket.

5. Subanon - Mga tribong taga-Lanao na gumagawa ng mga paso at palayok.

6. Bukidnon - Mga tribong nasa matataas na lugar ng Lanao.

7. Manobo - Ang salitang Manobo ay galing sa salitang "Manuvu" na ang ibig sabihin ay "people". Mga
naninirahan sa Sarangani Island, Agusan del Sur, Davao, Bukidnon at Cotabato. Kilala sila sa mga antik na
kanilang kalakal.

8. Lumad - Para sa pangkalahatan, ang Lumad sa Mindanao


ay pangkat ng mga katutubong tao ng katimugang Pilipinas.
Ang salita ay nangangahulugang "katutubo". May 17 pangkat
ang mga Lumad sa Pilipinas. Sila ay ang mga Atta, Bagobo,
Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon,
Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka,
Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Sa katunayan ay
itinuturing silang mga "marurupok na pangkat" na nakatira
sa mga kagubatan at mga baybayin.

You might also like