You are on page 1of 1

Kapatid,

Maraming salamat sa pagkikilahok sa dulang Katipuneros RPG: Bisperas ng Himagsikan!


Higit sa kasiyahan at bagong karanasan ay lalong hangad namin ang iyong pagkatuto ng mga aral ng
kasaysayan at maibahagi sa inyo sa munti naming paraan kung paano kaya maging isang ganap na
Katipunero. At dahil sa inyong ipinamalas, sana ay nadama ninyo na kayo ay dumaan sa isang tunay na
lakaran ng pagiging isang bayani.

Maaaring maguluhan o masubok ng bahagya ang inyong mga pansariling paniniwala at prinsipyo sa mga
ibang kritikal na eksena ng Katipuneros RPG. Unawain sana ninyo na ang mga kundisyon at hinihingi noong
panahong sigwa ng 1896 ay totoong buhay at kamatayan ang seryosong nakasalalay.

Hindi hangad ng dula na baguhin ang inyong paniniwala ukol sa kawastuhan ng mga hinihingi ng proseso
ng pagiging Katipunero. Iba noon, Iba ngayon.

Lamang, ito ang proseso na sa palagay ng ating mga ninuno ay tanging paraan upang subukin ang
katapatan ng ibig makilahok sa Katipunan at Himagsikan noon. Sa madaling sabi, hindi basta-basta maging
Katipunero at maging isang bayani.

Kung sa palagay ninyo ay ito ay mali at hindi ninyo pinahintulutan ang inyong sariling gawin ang hinihingi
ng dula, binabati ko parin kayo sapagkat kayo ay naninindigan sa inyong prinsipyo sa konteksto ng
panahon ngayon. Isa paring marka ng pagiging bayani.

Pakatandaan na ang proseso, lohika, at moralidad ng dula, may hawig man sa totoong buhay o kasaysayan,
ay totoo rin lamang sa mundo ng dulang Katipuneros RPG. Isa syang dula-dulaan, hango lamang sa
katotohanan at bilang isang uri ng sining ay naghahangad din ng magbahagi ng isang mensahe o kwento.

Naging matagumpay man o hindi sa pagiging Katipunero sigurado ako na may babaunin kayong bagong
alaala at karanasan. Pagnilay-nilayan sana ninyo ang mga aral ng Katipunan na kayo mismo ang nakaranas.
Gawin natin ito bilang pag-alaala kina Rizal, Bonifacio atbp. At sana’y maging paalala ito sa lahat na tayo
ay may dugong bayani at sana ipamalas natin ito sa lahat ng pagkakataon.

At dahil tapos na ang bisperas at Katipunero na kayo…ipamalas na ninyo ang inyong kabayanihan sa
tahanan, pamayanan, at bayan…at lalong lalo na sa susunod na kabanata ng dula.

Muling dinggin ang tawag ni Inang Bayan sa Katipuneros RPG: Lihim na Digmaan

Maghanda na kayo Kapatid…hasain na ang mga tabak!

Sumasainyo,

Huwan Carlos ni KristongHesus


Punong Pasimuno
Katipuneros RPG

You might also like