You are on page 1of 2

REPLEKSYONG PAPEL

“PITAKA”

Ang “Pitaka” ay isang napapanahong short film na kung saan ay nagpapakita ito ng mga
suliranin na totoo ngang kinakaharap ng mga taong alipin ng kadukhaan at ng mga taong
nagsusumikap na makaahon sa hirap ng buhay. Ito rin ay tumutungkol sa pagmamahalan,
pagrespeto, pagtutulungan, pagsukli sa binigay sa iyong kabutihan, at ang determinasyon at
pagsisikap na makaahon sa kahirapan. Sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng mga
pangunahing tauhan sa kuwento, mapupulot mo rito ang aral na tumutukoy sa pagtanaw mo
nang pasasalamat at utang na loob sa mga taong gumagabay sa iyo patungo sa magandang
kinabukasan. Iyo ring maisasaisip na may taong handang gumabay sa iyo at ang kahalagahan ng
iyong pagtitiis at pag-asa sa panahong hindi mo na kaya.

Nang akin ngang mapanood ang "Pitaka", nilinaw nito sa akin ang karaniwang karanasan ng
mga taong nagtitiis at pagsusumikap sa kabila ng kahirapan. Ang pagbibigay rin ng importansiya
sa iyong mahal sa buhay ang akin ngang tunay kong masasabing aking isasabuhay. Makikita sa
kuwento na lumayo ang loob ng nakakabatang kapatid sa kaniyang kuya na nag-aaruga sa
kaniya. Nakita ko mula roon na iyo mong pahalagahan ang mga mabubuting tao na nais gabayan
ka, pahalagahan din ang kanilang sipag at tiyaga upang tulungan kang abutin ang iyong magang
kinabukasan. Nakita ko rin ang matibay determinasyonat pagsusumikap ng nakakatandang
kapatid na maalagaan at masuportahan ang kaniyang kapatid. Dito ko nasabing tunay ngang
hindi siya nagkulang sa kaniyang kapatid at kahit ako, kung siya ang kuya ko ay siya ang magiging
inspirasyon ko na mithiin at suklian ang bawat patak ng pawis, dugo at luha. Kasama rin ang
bawat sentabos na inilalabas sa kaniyang pitaka, malaman niya lamang na ito ay
pinahahalagahan ko. Ang pagkakaroon na lamang ng isang mumunting bagay gaya ng pitaka ay
maaring maging simbolo ng pag-asa at dterminasyon na magpatuloy at unahin ang iyong mahal
sa buhay sa kabila ng hamong iyong natatanggap.

Akin ngang napansin na ang mahalagang mensahe sa tulang ginawa ng pangunahing tauhan
para sa kaniyang kuya ay nauukol ito sa pagtutulungan, pagsusumikap at pagsukli sa kabutihan
lalo na sa panahon ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng tulong at suporta na natanggap ng
pangunahing tauhan sa kaniyang kuya, natutunan niya na hindi siya nito iniwan at pinabayaan.
Hindi siya hinayaang mag-isa, kundi ay tinulungan pa siya kaya naisip niya na siya naman ang
babawi sa kabutihan na ibinigay sa kaniya ng kaniyang kuya. Ito rin ang nakaugalian ng bawat
pilipino, kaugalian na gaya rin ng ugali ng nakakatandang kapatid sa kuwento, na uunahin ang
iba bago ang sarili. Mas pipiliing gabayan patungo sa magandang kinabukasan ng iyong mahal sa
buhay kaysa na matulad sa iyong nakakaranas ng maraming trabaho, pagkatisod at pagsuko sa
mga suliraning iyong kinakaharap.

Bilang isang manonood, napagtanto ko na ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon


ng pag-asa sa kabila ng anumang problema. Dagdag pa rito, ang pagrespeto mo sa mga
sakripisyo at bagay na ginagawa para sa iyo ng mahal mo sa buhay tungo sa iyong
pagtatagumpay magandang kinabukasan. Ang pitaka ay magsisilbing paalala sa akin na
magsumikap, magtagumpay ay isama sa aking tagumpay ang pagsukli sa bawat sentabos o
barya na inilalabas ng mga taong sumusuporta at nais na magtagumpay ako sa buhay. Isa rin
itong bagay na nararapat isaisp na sa kabila ng mga suliranin, masalimuot na kahapo at ang mga
bagay na hindi napagkakaintindihan ay may kapalit na magandang mabubuong istorya, at
mayroon pa ring taong iintindihin at magsisilbing biyaya.

Filmmaker Cahilig, C. at ang manunulat ng tula na si Sanchez, L.J. (2017, Mayo 12). “Pitaka
(The Wallet)”AWARD-WINNING SHORT FILM. https://youtu.be/LlMOSmRXtAQ?
si=DFIx9ObfeVwU59Vd

Ang short film na ito ay pinarangalan at nanalo ng Best Digital Ad (Branded) noong 2018
Catholic Mass Media Awards at Best Illustrated Poem sa Wales International Film Festival.Sa
ngayon, ang “Pitaka” ay nakipag kumpitensiya sa labing limang international festival sa buong
mundo at nakaipon ng 40 millions views sa iba’t ibang social platforms gaya na lang ng
facebook.

You might also like