You are on page 1of 1

Paunang Salita

Magandang araw mga Bata! Kamusta kayo?

Habang dumarami ang tao sa mundo kasabay din nito ang pagdami ng basura
sa kapaligiran. Layunin ng kwentong ito ay maipakita at maisapuso ang kahalagahan
ng pag-aalaga at paglilinis sa kapaligiran. Kayo bilang isang mambabasa sana
malaman nyo ang masamang dulot ng basura sa kalikasan. Sa pamamagitan ng
kwentong ito madadagdagan ang inyong kaalaman sa pangangalaga ng kapaligiran.
Makikita rin sa kwento ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang komunidad
upang maisaayos ang kanilang kapaligiran. Ika nga nila "paglilinis ang solusyon sa
nasisirang kalikasan".

Paghahandog
Buong puso at pagmamahal na inihahandog ang kwentong ito sa mga batang
mambabasa at sa kabataan na Kung saan sila ang pag-asa ng bayan.

Pasasalamat
Taos-puso kong inaabot ang aking pasasalamat sa mga sumusunod na
indibidwal na walang humpay ang suporta upang makalikha ng kapaki pakinabang na
kwento. Ang naging inspirasyon at gumabay sa paggawa hanggang sa pagtapos ng
ebook na ito.

Sa poong maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay at walang


hanggang biyaya upang maisakatupran ang likha na ito.

Sa aking magulang at mga kaibigan na hindi tumigil upang palakasin ang aking
loob at nagbigay ng walang katumbas na suporta

Sa paaralan na naging tulay upang bigyan ako ng pagkakataon maipakita ang


aking talento sa pagsusulat.

Higit sa lahat sa aking guro na si ---------- na nagtulak samin upang gawin ang
kwentong ito at nagbigay ng oportunindad para makalikhan ng ganitong kwento na
naglalayong makapagbigay kaalaman sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa inyo!

You might also like