You are on page 1of 3

STI College – Surigao

Narciso St. Surigao City

Gawain sa Filipino Sa Piling Larangan


(Feasibility Study)

Ipinasa kay:

Bb. Loureneth Cubelo

Ipinasa ni:

Rhoann E. Rieza
James Boc

October 05, 2018


No meat Burger
“Healthy na, namit pa!”

Burger ang isa sa mga tanyag na pagkain o miryenda ng mga tao sa mundo lalong lalo na
ang mga tao sa kasalukuyan. Mahilig tayong mga pinoy kumain at kadalasang patok ito at swak
sa mga trabahante, tao sa lipunan at lalong lalo na sa mga estudyante/tenedyer. Napili namin itong
negosyo sapagkat ayon sa aming pagsusuri at pagmamasid, burger ang isa sa mga hinahanap hanap
na pagkain o miryenda ng mga mamamayan at pinaka “top selling” na mirienda sa bansa. Sa
kaniyang tag line na “Healthy na, namit pa!” ang salitang NAMIT ay galing sa illocanong wika na
ang kahulugan ay “masarap.” Bagama’t burger ay isa sa masasarap na pagkain, marami rin itong
naiduulot na sakit tulad ng pagtatas ng timbang ulot ng sobrang pagkain nito o “obesity” ito rin ay
nakadudulot ng hypertension, higblood pressure at marami pang iba. Nang dahil sa maraming
masasamang dulot nito nakalulungkot isipin na mayroong mga Pilipino na umiiwas na sa pagkain
nito, kaya naisipan naming na kahit ikaw ay “Health Concious” maari ka pa rin makakain nito
sapagkat umimbento kami ng isang burger na gawa sa sapal ng niyog ang patty at nilagyan ng
organic na mga sangkap at gulay at upang ang lahat ay makakain ng burger’ng masarap na, healthy
pa. Samatutal, ang aming capital para sa negosyong ito ay nag kakahalaga nga 90, 000 pesos.

Ang Layunin ng aming negosyong food cart ay ang mabigyan ng pagkakataon ang mga
taong hindi makakain ng burger o mga taong itinigil na ang pag kakain nito sapagkat bawal sila
kumain ng karne, tulad ng mga mayroong ibang relihiyon na sagradong ipinag babawal ang pag
kain ng raw meat, mayroong mga komplikasyon o iba’t ibang karamdaman ngunit sa isang mas
mura at masarap na paraan. Layunin din nitong maipakilala sa nasyon at sa mundo ang kakaibang
produkto gawa sa sapal ng niyog. Ninanais namin na mabawasan ang mga nag kakasakit ng
malulubha ng dahil sa mga frozen foods at upang gawin itong daan sa isang pamumuhay na
masagana.
Ang target naming demograpiko ay ang mga sumusunod:

 Estudyante
 Trabahante o Employees
 Senior Citezen
 Health Concious
 Muslim (o kahit ano pang relihiyon)

Sa palagay naming ang magiging sagabal lamang sa pag-unlad ng aming negosyo


ay ang pag daratingan ng iba’t ibang negosyo na dihamak na masarap, nagsi-usbungan na
rin ngayon ang iba’t ibang mga food carts na higit na mas interesado at nakatatakam
tingnan. Sagabal rin sa pag unlad ang pwesto kung saan naming ito itatayo sapagkat
napakarami na nating kakompetensiya kahit saan marahil naka dipende nalang lamang ito
sa namumuno kung papaano ang kanyang business at costumer style. Ang pang huling
maaring dahilan o sagabal ng paglago ng aming negosyo ay ang kakulanagn sa mga
ehemplo at kagamitan upang mapabilis ang trabaho at mapaganda ang serbisyo nito

Basi sa aming obserbasyon ay marami kaming nakikta na malaking kakompetinsiya


sapagkat nagsilabasan na kasalukuyan ang mga burger na mas patok, ma lasa at swak sa
budyet, ngunit sa aking pananaw ito lamang ang natatanging burger na mayroong
magandang benipisyo sa katawan at ito rin ang natatanging hindi karne ang gamit sa patty
kung saan ito ay ginagamitan ng sapal sa niyog at mga natural na kasangkapan na nagiging
dahilan ng pagiging “unique” sa mata ng mga tao.

You might also like