You are on page 1of 1

Antonio Pigafetta (sk. 1491–sk.

1534)

Si Antonio Pigafetta (An·tón·yo Pi·ga·fé·ta) ay isang iskolar at eksplorador na Italyano mula sa Republika
ng Venezia na naglayag para sa España kasáma ni Ferdinand Magellan, na nakarating sa kapuluan ng
Filipinas noong1521. Siyá ang nagsilbing katuwang ni Magellan sa kaniyang paglalayag patungong
Filipinas, at karamihan sa salaysay tungkol sa paglalakbay at kamatayan ni Magellan ay mula sa kaniyang
mga talâ.

Isinilang siyá sirka 1491 sa Vicenza, Italis. Noong 1519, sinamahan niya ang papal nuncio sa España, at
doon niya nabatid ang planong paglalayag ni Magellan. Tinanggap niya ang titulong sobrasaliente at
katamtamang sahod na1,000 maravedís. Sa kanilang paglalayag, nangalap siyá ng maraming datos
tungkol sa heograpiya, klima, mga hayop at halaman, at mga mamamayan ng mga lugar na kanilang
dinalaw. Naging mahalaga sa mga susunod na eksplorador at tagagawa ng mapa, pati na rin mga
historyador, ang mga detalyado niyang ulat. Sa Mactan sa Filipinas, nasugatan si Pigafetta sa labanang
kumitil sa buhay ni Magellan. Nagpagalíng siyá at napabilang sa 18 tao na nakabalik sa España sakay ng
barkong Victoria.

Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang estatwa ni Pigafetta sa Fort San Pedro, isang moog sa Lungsod
Cebu na sinimulang itayô ng mga Español noong 1565, ang unang taon ng pananakop ng mga ito sa
Filipinas. (PKJ)

You might also like