You are on page 1of 2

 Mga Uri ng Tayutay:

1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang
tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp
2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito
gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.
3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao,
hayop, bagay at halaman
4. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa
isang grupo
5. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung
ano ang tunog ay siyang kahulugan.
6. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa
pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-
puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na
pang-uyam.
7. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa
kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na
antas.
8. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng
pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.
9. Pagbibigay katauhan (Personipikasyon) - Pagsasalin ng mga katangian
ng Tao sa mga karaniwang bagay.
10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang
mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri
11. pagsalungat o epigram - ang mga salitang pinag-uugnay nito ay
pinagsasalungatan sa kahulugan.
12. Pagpapalit tawag - Ito'y ang paggamit ng isang salita sa halip ng ibang
salitang kaugnay nito
13. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay
na tila ito ay isang tao.
14. Pagtatambis - ang tayutay na itoy bumabanggit ng mga bagay na
magkakasalungat upang mapabisa at mangibabaw ang isang kaisipan.
15. Pag uulit - Ang pag-uulit ng salita o parilala ay nakalilikha ng musika o
ng isang padron na maganda ang dating sa tenga. Maaaring makatulong
ito sa pagkakabisa sa tula o sa pagbibigay-diin sa isang konsepto o aksyon.
16. Pagdaramdam (Exclamation) – ay nagsasaad ng di-pangkaraniwang
damdamin, ginagamitan ng damdam (!) sa dulo ng pangugusap.
1. Pagtutulad :
*sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
*babaeng parang pagong sa bagal
2. Pagwawangis :
*Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
*Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Pagmamalabis :
*Pilit na binuhat ang sandaigdigan
Upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
4. Pagpapalit saklaw :
*Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak
*Ayaw kong makita ang mukha niya!
5. Paghihimig :
*Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa kalye
*Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong
6. Pag-uyam :
*Kung anong iginanda mo siya namang ikinapangit ng ugali mo.
*Bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan, nagmumukha kang
suman sa ibus.
7. Pasukdol :
*Tumilapon na sa pagkakalaglag ang dilim
*Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim
8. Pagtanggi :
*Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.
*Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
9. Pagbibigay katauhan :
*Tik-tak na orasan ay naghahabulan
*Masayang umihip ang hanging amihan
10. Paglilipat wika :
*Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
*Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
11. Pagsalungat :
*Ang iyong kalakasan ang iyong kahinaan.
12. Pagpapalit Tawag :
*Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
13. Pagtawag :
* O tukso! Layuan mo ako!
14. Pagtatambis :
* Nalulungkot ako sa pananalo mo
Sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
15. Pag uulit :
* ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang mapatid
16. Pagdaramdam :
* Aking nadarama ang kapighatian
Sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!

You might also like