Ito ay mahalagang aklat na isinulat ni Lydia Gonzales-Garcia hinggil sa usaping gramatika. Sa aklat na ito ay nilayon niyag suriin ang mga pag-aaral na isingawa ng mga Pilipino tungkol sa wikang Tagalog/Pilipino mula 1893-1977 Limang aspeto sa pagsusuri nito Ang iba’t ibang gramatikang nasusulat sa panahong ito. Ang kaibahan at pagkakatulad ng mga pag-aaral gayundin ang naging impluwensiya ng mga taga ibang bansa. Ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga linggwista sa larangan ng pangkalahatang gramatika at linggwistika. Ang papel na ginagampanan nila sa kasaysayan ng linggwistikang Pilipino. Ang naging ambag nila sa pag debelop at pagpapalaganap ng Tagalog bilang isa sa mga wikang sinasalita sa maraming lugar sa bansa Apat na bahagi ng pag-aaral Ang mga naunang pag-aaral na kinabibilangan ng mga Pilipinong nagsisulat sa wikang kastila at may malinaw na impluwensiya ng gramatikang kastila. Ang mga tagapanguna sa pananaw Pilipino na unang ginamit ang wikang Tagalog sa pagpapaliwanag at paglikha ng mga terminolohiyang panggramatika Ang gramatikang Pang-edukasyon na kinabibilangan ng mga gramatikang isinulat para gamitin o isaalang-alang para maging batayan sa pagtuturo ng gramatika para sa paralan. Ang mga Kontemporaryong Gramatikang kinabibilangan ng mga pag-aaral ng mga manunuring naimpluwensiyahan ng mga pagsusuring panglinggwistikana lumaganap sa mga bansang kanluranin at maging sa Asya. A. Mga Pag-aaral na Molde sa Wikang Kastila Jose Rizal sa kanyang Estudios sobre la lengua tagala (1893). Pedro Serrano-Laktaw sa kanyang Estudios gramaticales sobre la lengua tagala (1928). At si Rosendo Ignacio sa kanyang Nueve gramatika tagala (1921). Dito kinakitaan ng paggamit ng modelong kastila sa pagbibigay nila ng katumbas ng ser at estar na siyang pangunahing pandiwa sa Kastila. Mainam ang paglalarawan ni Rizal sa mga bigkas ng titik sa Tagalog Mapapansin dahil sa ng ang katutubong Tagalog ay wala itong katulad sa ibang wikang kanluranin, nagkaroon ng pagkakaiba sa simbolo. Si Rizal ay g, si Laktaw ay ng at Ignacio’y ng. Binago na nila ang panahunang banggit ng mga prayle. Tatlo na lamang ang knilang panahunan: pasado, presente at futuro. Tatlo rin ang kanilang caso na bagamat iba-ibang katawagan ay masusuma sa katawagang nominativo, posesivo at objetivo na ang mga ito ay kinakatawan ng mga panandang ang, ng,sa. Ipinakilala ni Laktaw ang bagong ortograpiya na tinutulan noon ngunit ngayo’y siyang makabagong ortograpiya ng Filipino. Si Ignacio naman ang nagpakilala ng iba’t ibang uri ng pangungusap at komplemento. Sa kanya maiuugat ang pag-uuri ng mga pangungusap bilang pagpapanaguri at di-pagpapanaguri. B. Mga Tagapanguna sa Pananaw Pilipino Pinili ni Gonzales sina Mamerto Paglinawan sa kanyang Balarilang Tagalog at Ignacio Evangelista sa kanyang Balarilang Pilipino. Ilan sa naging kontribusyon nila sa gramtika ay ang ilang katwagan ni Paglinawan (halimbawa ang pang- ukol) na gamit ngayon sa kasalukuyang balarila. Sinikap ni Paglinawan na gumamit ng Tagalog kahit na may impluwensya ng kastila. Higit na malinaw ang pagiging pasiva buhat sa activo na pinangungunahan ng mga panlaping banghay sa i- , in- at an. Si Evangelista naman, dahil sa nais niyang paunayang naiiba ang balarilang Tagalog , sinikap niyang suriin ito batay sa inaakala niyang mahalagang sangkap tulad ng ngalan, pamagat at wika ( nombre, adjetivo at verbo). Kapwa naniniwal ang dalawa na mahalagaang tung kulin ng mga tungkulin ng panlapi sa mga salitang ito. Nakita rin nila ang mga katangian ng wika na hindi nakita ng mga dayuhang nagsisulat ng mga impormasyon Si Evangelista ay gumamit ng paulit-ulit na mga salita na siya namang naging daan sa paglilinaw ng kanyag mga pagpapaliwanag. Ginamit man ni Paglinawan ang salitang balaria sa kanyang akda ay hindi naman niya ito ginamit bilang pamagat. Samantalang si Evangelista ay gumamit ng salitang balarila sa akda niya. Sumakatuwid sa panahong ito ay ginamit na ang terminolohiyang balarila at hindi unang ginamit ni Santos sa kanyang akda. C. Gramatikang Pang-edukasyon Sinikap ni Gonzales na suriin ang mga gramatikang gnagamit sa pagtuturo sa mga paaralan. Ilan sa mga ito ay ang isinulat na Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos Manwal ng Pambansang Wika ( Manual of the Philippine national language) ni Cecilio Lopez, at Salitikan ng Wikang Pambansa ni Jose N. Sevilla. Ang panahong ito ay matatawag na pagpapalaganap sa mga paaralan ng wikang pambansa batay sa Tagalog. Maisaalang-alang ang ang kanilang akda para magamit sa paaralan. Sila ay may layuning pedagohikal. Napili ng Surian ng Wikang Pambansa ang aklat ni Santos Sapagkat ang kay Lopez ay masasabing pagtatangkang ipaliwanag ang wika. At wikang ingles ang akda ni Lopez. Si Sevilla naman ay simple lang ang paliwanag tulad na lamang ng paghabi ni sa mga salita batay sa lapi tulad ng siphanay ( isip + hanay). Nagpatuloy si Santos, halimbawa ay ang tatlong panahunan ng pandiwa at wastong gamit ng gitling. Si Lopez naman ang nagpakilal ng tunog ng wika kaalinsabay ng pagsususring pangliggwistika, pag-uulit ng mga pantig at pagpapahaba ng mga pangungusap sa iba’t ibang kaparanan. Si sevilla naman ay nagpalawak ng tinatawag na mga panlapi, gayundin sa pagpapadalisay ng wika. D. Kontemporaryong Gramatika Ito ay mga makabagong gramatika na tinangkang gawin ng mga kontemporaryong awtor. Isinama ni Gonzales ang mga sumusunod: Teresita Ramos - Tagalog Structure (1971) Teodoro Llamzon - Modern Tagalog (1781) Alfonso Santiago – Makabagong Balarilang Pilipino (1977) Masalimuot ang naging pagsusuri ni Llamzon sapagkat ito’y pang-akademya’t hindi lamang sa mga mag- aaral lamang. Mahalaga ang pagsusuri nila sapagkat nasa punto na ng linggwistika at nagbubukas ng pinto sa bagong landas ng pag-aaral ng gramatika. Gonzales (1922) sa gramatikang Tagalog, masasabing maayos at malaki ang ambag sa batayang kaalaman sa gramatikang Filipino.