Halimbawa: Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
2. Ilaw Ng Tahanan – Ina
Halimbawa: Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
3. Alog Na Ng Baba - Tanda Na
Halimbawa: Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.
4. Alimuom – Mabaho Halimbawa: Alimuom niyo naman po.
5. Bahag Ang Buntot – Duwag
Halimbawa: Bakit ba bahag ang buntot ka?
6.Ikurus Sa Noo – Tandaan
Halimbawa: Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.
7. Bukas Ang Palad – Matulungin
Halimbawa: Napakabukas ang palad mo.
8. Kapilas Ng Buhay – Asawa
Halimbawa: Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. 9. Nagbibilang Ng Poste - Walang Trabaho Halimbawa: Bakit siya ay nagbibilang ng poste?
10. Basag Ang Pula - Luko-Luko
Halimbawa: Napaka basag ang pula mo .
11. Ibaon Sa Hukay – Kalimutan
Halimbawa: Huwag mo ako ibaon sa hukay.
12. Ahas - Taksil; Traidor
Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
13. Anak-Dalita - Mahirap
Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
14. Alilang-Kanin - Utusang Walang Batad, Pakain Lang, Pabahay At Pakain
Ngunit Walang Suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." 15. Balitang-Kutsero - Balitang Hindi Totoo O Hindi Mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
16. Balik-Harap - Mabuti Ang Pakikitungo Sa Harap Ngunit Taksil Sa Likuran.
Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
17. Bantay-Salakay - Taong Nagbabait-Baitan
Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
18. Basa Ang Papel - Bistado Na
Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
19. Buwaya Sa Katihan - Ususera, Nagpapautang Na Malaki Ang Tubo
Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
20. Bukal Sa Loob - Taos Puso Tapat
Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
21. Busilak Ang Puso - Malinis Ang Kalooban
Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. 22. Di Madapuang Langaw - Maganda Ang Bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. 23. Di Makabasag-Pinggan - Mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
24. Hampaslupa - Lagalag, Busabos
Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
25. Isang Kahig, Isangtuka - Kakarampot Na Kita Na Hindi Makasapat Sa Ibang
Pangangailangan Halimbawa: Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.
26. Itaga Sa Bato - Tandaan
Halimbawa: Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
27. Itim Na Tupa - Masamang Anak
Halimbawa: Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa. 28. Kalapating Mababa Ang Lipad - Babaing Nagbibili Ng Aliw, Babaing Puta Halimbawa: Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
29. Kakaning-Itik - Walang Gaanong Halaga, Hindi Maipagpaparangalan
Halimbawa: Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita. 30. Pagputi Ng Uwak - Walang Maaasahan, Walang Kahihinatnan Halimbawa: Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.
31.Pagiisang Dibdib - Kasal
Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.
32. Pusong-Bakal - Hindi Marunong Magpatawad
Halimbawa: Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong- bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?
33. Tinik Sa Lalamunan - Hadlang Sa Layunin
Halimbawa: Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko. 34. Tulak Ng Bibig - Salita Lamang, Di Tunay Sa Loob Halimbawa: Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.
35. Maamong Kordero - Mabait Na Tao
Halimbawa: Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.
36. Mahangin Ang Ulo - Mayabang
Halimbawa: Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
37. Matalas Ang Ulo - Matalino
Halimbawa: Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.
38. Mahina Ang Loob - Duwag
Halimbawa: Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.
39. Malakas Ang Loob - Matapang
Halimbawa: Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip. 40. Makapal Ang Bulsa - Mapera Halimbawa: Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
41. Makapal Ang Palad - Masipag
Halimbawa: Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.
42. Magdilang-Anghel - Magkatotoo Sana
Halimbawa: Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.
43. Kapit-Tuko - Mahigpit Ang Hawak
Halimbawa: Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.
44. Kidlat Sa Bilis - Napakabilis
Halimbawa: Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
45. Kilos-Pagong - Makupad,Mabagal
Halimbawa: Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi. 46. Mababaw Ang Luha - Iyakin Halimbawa: Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.
47. Mabigat Ang Dugo - Di-Makagiliwan
Halimbawa: Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.
48. Maitim Ang Budhi - Tuso, Masama Ang Ugali
Halimbawa: Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.
49. Malikot Ang Kamay - Kumukuha Ng Hindi Kanya Kawatan
Halimbawa: Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
50. Malawak Ang Isip - Madaling Umunawa, Maraming Nalalaman
Halimbawa: Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman. Idyomatikong Pagpapahayag Kahulugan 51. Mapaglubid ng buhangin 51. Sinungaling 52. Buto’t balat 52. Payat na payat 53. Butas ang bulsa 53. Walang pera 54. Dibdiban 54. Totohanan 55. Kisapmata 55. Iglap 56. May sinasabi 56. Mayaman 57. Isang kahig, isang tuka 57. Husto lamang ang kinikita sa pagkain 58. Matandang tinali 58. Matandang binata/ dalaga 59. Bulanggugo 59. Galante sa gastahan 60. Bukambibig 60. Laging sinasabi 61. Bukas ang dibdib 61. Maawain 62. Buwayang lubog 62. Taksil 63. Kaibigang karnal 63. Matalik na kaibigan 64. Hawak sa leeg 64. Sunud-sunuran 65. Pusong mammon 65. Mabait 66. Tuyo ang papel 66.Gumagawa ng hindi maganda 67. Humalik sa yapak 67. Labis na humahanga 68. Kumukulo ang tiyan 68. Gutom 69. Matalim ang dila 69. Masakit magsalita 70. Agaw buhay 70. Naghihingalo 71. Anghel ng tahan 71. Anak 72. Binuksan ang dibdib 72. Ipinagtapat angnararamdaman 73. Kabagang 73. Kaibigan/ kasundo 74. Kabatakan 74. Kaibigan/ tropa 75. Di mahapayang gating 75. hindi magpatalo 76. Di mahulugang karayom 76. maraming tao 77. Durugin ang puso 77. Pasakitan 78. Guhit ng Palad 78. Kapalaran 79. Haharap sa magaling 79. mag-aasawa 80. Hubad sa katotohanan 80. hindi totoo 81. I-krus sa noo 81. Tandaan 82. lumaki ang ulo 82. naging mayabang 83. Humanap ng batong ipinukpok sa ulo 83. naghahanap ng gulo, away o problema 84. Ibong mababaw ang lipad 84. babaeng bayaran 85. Iguhit sa tubig 85. Kalimutan 86. Mabubulaklak na Landas 86. kabuhayang maginhawa 87. Magaan ang dugo 87. Magiliw 88. Magdilat ng mata 88. nag-iisip ng mabuti 89. Magsagap ng Alimuom 89. paghahanap ng tsimis 90. May uod sa katawan 90. Malikot 91. Mat utak 91. Matalino 92. Magbuhat ng sariling banko 92. Nagyayabang 93. naghahalukipkip ng kamay 93. nagwawalang bahala sa mga nakikita 94. Nasa mga balikat o kamay 94. nasa kanya ang responsibilidad 95. Nagmumurang kamyas 95. matanda na nag-iisip bata 96. nagpanting ang tenga 96. nagalit; nainis 97. nagpasan sa krus 97. Nagtitiis 98. sumama sa agos 98. sumang-ayon 99. Walang ilaw ang mga mata 99. Bulag 100. nagdilang anghel 100. nagkakatotoo ang sinabi