You are on page 1of 10

Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na
nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o
pangyayari.
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng
mga tao.

Sawikain Halimbawa at Kahulugan

1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.

8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.

10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

11. Balitang kutsero


Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

12. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.

13. Basa ang papel


Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong
magsinungaling.

14. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.

15. Bilang na ang araw


Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.

16. Buhok anghel


Kahulugan: May magandang buhok
Halimbawa: Si Kat ay may buhok anghel.

17. Bukal sa loob


Kahulugan: Taos puso tapat
Halimbawa: Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong asa kapwa.

18. Bukang liwayway


Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Hindi namalayan ni George ang oras kaya bukang-liwayway na ng siya’y makauwi.

19. Bukas ang isip


Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Abel sa mga usaping iyan.

20. Bukas na kaban


Kahulugan: Mapagkawanggawa
Halimbawa: May bukas na kaban si Aling Tasya sa mga mahihirap.

21. Bulaklak ng lipunan


Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
Halimbawa: Si Ginang Milagros ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.

22. Bumangga sa pader


Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao
Halimbawa: Kahit pa bumangga sa pader ay gagawin ni Tonyo huwag lamang maging sunud-
sunuran sa mga ito.

23. Bungang-tulog
Kahulugan: Panaginip
Halimbawa: Bungang-tulog lang pala! Akala ko’y totoo na.

24. Buntong hininga


Kahulugan: Himutok, hinagpis
Halimbawa: Napa-buntong hininga na lang si Mang Ben ng masaksihan ang aksidente.

25. Busilak ang puso


Kahulugan: Malinis ang kalooban
Halimbawa: Busilak ang puso ng batang si Angel.

26. Butas ang bulsa


Kahulugan: Walang pera
Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Cesar kung kaya’t hindi siya nakabayad agad ng kuryente.

27. Buto’t-balat
Kahulugan: Sobrang kapayatan
Halimbawa: Halos buto’t balat na si Boyet ng dalawin namin.

28. Buwaya sa katihan


Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa: Buya sa katihan naman yang si aling Iska.

29. Di mahapayang gatang


Kahulugan: Sobrang yabang
Halimbawa: Aminado naman si Ruben na siya ay di mahapayang gatang kaya kaunti lang ang
kanyang kaibigan.

30. Di makabasag-pinggan
Kahulugan: Mahinhin
Halimbawa: Sadya namang di makabasag pinggan iyang anak ni Ka Miling.

31. Di malaglagang karayom


Kahulugan: Napakaraming tao
Halimbawa: Di malaglagang karayom ang rally kanina.

32. Galit sa pera


Kahulugan: Gastador
Halimbawa: Ang asawa ni Petra ay parang laging galit sa pera tuwing araw ng swelduhan.

33. Ginintuang tinig


Kahulugan: Maganda ang boses
Halimbawa: Si Elizabeth ay may ginintuang tining kaya laging nagwawagi sa tunggalian ng
kantahan.
34. Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakdang kapalaran
Halimbawa:Siya na yata ang guhit ng aking tadhana.

35. Halang ang kaluluwa


Kahulugan: Masamang tao
Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng taong gumawa ng karumal-dumal na krimen.

36. Haligi ng tahanan


Kahulugan: Ama o Tatay
Halimbawa: Ang aming haligi ng tadhanan ay mabait at maasahan.

37. Hampas ng langit


Kahulugan: Ngitngit ng Diyos
Halimbawa: Dahil sa ginawa mong iyan ay matitikman mo ang hampas ng langit.

38. Hampas-lupa
Kahulugan: Lagalag, busabos
Halimbawa: Ang hampas-lupang kagaya ni Dan ay di nababagay sa ganda at yaman ni Marian.

39. Hawak sa leeg


Kahulugan: Sunud-sunuran
Halimbawa: Palibhasa’y hawak sa leeg ng kanyang amo kaya kahit anong iutos ay sinusunod ni
Inday.

40. Hindi madapuan ng langaw


Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan
Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang iyan.

41. Ibong mandaragit


Kahulugan: Mananakop
Halimbawa: Napakaming ibong mandaragit ang umaali-aligid sa bansa natin.

42. Ilaw ng tahanan


Kahulugan: Ina o Nanay
Halimbawa: Mahal na mahal ng aking kaibigan ang kanilang ilaw ng tahanan.

43. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma


Kahulugan: malapit ng mamatay
Halimbawa: Isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Koring.

44. Isang kahig, isang tuka


Kahulugan: Nabubuhay sa hirap
Halimbawa: Ang pamilya niya’y isang kahig, isang tuka.

45. Itaga sa bato


Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Kahit kayla’y hindi na ako pupunta pa rito. Itaga mo yan sa bato!
46. Itim na tupa
Kahulugan: Masamang anak
Halimbawa: Si Pokwang ay itinuturing na itim na tupa ng kanyang ina.

47. Kabiyak ng dibdib


Kahulugan: Asawa
Halimbawa: Si Cardo pala ang kabiyak ng dibdib ni Elsa.

48. Kakaning-itik
Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa: Kakaning-itik kung ituring ni Mang Kepweng ang kanyang pamangkin.

49. Kalapating mababa ang lipad


Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw
Halimbawa:Kayraming kalapating mababa ang lipad ang naglakad sa lansangan ng Maynila.

50. Kape at gatas


Kahulugan: Maitim at maputi
Halimbawa: Nang aking pagkumparahin, kape’t gatas pala ang kulay nina Amy at Daisy.

51. Kapit tuko


Kahulugan: Mahigpit ang hawak
Halimbawa: Kapit tuko naman iyang si Vilma sa kanyang asawa.

52. Kidlat sa bilis


Kahulugan: Napakabilis
Halimbawa: Ang tsismis talaga kahit kayalan ay kidlat sa bilis kung kumalat.

53. Kilos pagong


Kahulugan: Mabagal kumilos
Halimbawa: Kilos pagong ka kasi kaya tayo nahuli sa klase.

54. Kumukulo ang sikmura


Kahulugan: Nagugutom
Halimbawa: Kumukulo ang sikmura ko kanina ngunit ng ako’y binigyan mo ng biskwit ito ay
nawala na.

55. Kutsarang ginto sa bibig


Kahulugan: Lumaki sa yaman
Halimbawa: Palibhasa’y lumaking may kutsarang ginto sa bibig kaya hindi siya namomroblema sa
mga bayarin.

56. Lahing kuwago


Kahulugan: Sa umaga natutulog
Halimbawa: Itong si Andeng ay may sa lahing kuwago.

57. Lakad pagong


Kahulugan: Sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan
Halimbawa: Pambihirang trapik yan, lakad pagong!
58. Laman ng lansangan
Kahulugan: Laging istambay sa kalye
Halimbawa: Laman ng lansangan na yang batang yan kaya madalang ng umuwi ng bahay.

59. Lamog ang katawan


Kahulugan: Sobrang pagod
Halimbawa: Napaka-daming trabaho sa opisina kaya lamog ang katawan ni Joy pag-uwi ng bahay.

60. Lantang gulay


Kahulugan: Halos hindi na maigalaw ang katawan sa sobrang pagod
Halimbawa: Ang layo ng tinakbo nya kaya lantang gulay na siya ng matapos ang karera.

61. Lawit ang dila


Kahulugan: Sobrang pagod
Halimbawa: Lawit ang dila ni Nancy pagkauwi galing trabaho.

62. Laylay ang balikat


Kahulugan: Bigong-bigo
Halimbawa: Kung alam ko lang na laylay ang balikat mong uuwi dito, hindi na sana kita hinayaang
umalis pa.

63. Luha ng buwaya


Kahulugan: Hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong
Halimbawa: Akala mo’y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya.

64. Lumagay sa tahimik


Kahulugan: Nagpakasal, nag-asawa
Halimbawa: Mula ng lumagay sa tahimik si Nathan ay di na siya muling ginambala pa ni Karen.

65. Lumaki ang ulo


Kahulugan: Nagyayabang dahil sa nakamit na tagumpay o pangarap
Halimbawa: Sana hindi na lang siya nagbago at lumaki ang ulo.

66. Lumuha man ng bato


Kahulugan: Hindi mapatawad
Halimbawa: Kahit pa lumuha man ng bato si Leni ay hindi na magbabago ang desisyon ni Ashley.

67. Maaliwalas ang mukha


Kahulugan: Masayahin, taong palangiti
Halimbawa: Nakakatuwa ang taong maaliwalas ang mukha.

68. Maamong kordero


Kahulugan: Mabait na tao
Halimbawa: Bakit kaya sa maamong kordero na si Toto pa nangyari ang bagay na ito?

69. Mababaw ang luha


Kahulugan: Iyakin
Halimbawa: Pasensya na kayo kung mababaw ang luha ko, hindi ko lang talaga mapigilang umiyak.

70. Mabigat ang dugo


Kahulugan: Di makagiliwan
Halimbawa: Mabigat ang dugo ni Vic sa kanyang manugang.

71. Magaan ang kamay


Kahulugan: Laging nananakit
Halimbawa: Masyadong magaan ang kamay ang mga kamay ni aling Petra sa kanyang mga anak.

72. Magaling ang kamay


Kahulugan: Mahusay gumuhit o magpinta
Halimbawa: Bihira lang ang taong may magaling ang kamay.

73. Magdilang-anghel
Kahulugan: Magkatotoo sana
Halimbawa: Naku Pedro magdilang-anghel ka sana.

74. Magkataling-puso
Kahulugan: Nag-iibigan, mag-asawa
Halimbawa: Magkataling-puso na pala sina Ariel at Marta.

75. Mahabang dulang


Kahulugan: Kasalan
Halimbawa: Nalalapit na ang mahabang dulang ng anak ni Mang Tonyo.

76. Mahangin ang ulo


Kahulugan: Mayabang
Halimbawa: Siya ba yung lalaking mahangin ang ulo?

77. Mahina ang loob


Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Kung alam ko lang na mahina ang loob mo ay hindi na sana kita isinama.

78. Maitim ang budhi


Kahulugan: Tuso, masama ang ugali
Halimbawa: Maitim ang budhi ng babaeng iyan!

79. Makapal ang bulsa


Kahulugan: Masalapi, mayaman
Halimbawa: Hindi ba’t makapal ang bulsa nya? Bakit ngayo’y halos walang-wala siya?

80. Makapal ang palad


Kahulugan: Masipag
Halimbawa: Ang taong makapal ang palad ay may magandang bukas.

81. Makitid ang isip


Kahulugan: Mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa: Hindi nga ba’t makitid ang isip ni Balang kaya ayaw na siyang kausap ni Pina.

82. Malakas ang loob


Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob
Halimbawa: Ang mga sundalo ay malakas ang loob na humarap sa mga rebelde.

83. Malawak ang isip


Kahulugan: Madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa: Sana’y kagaya ka na lang ni Baldo na malawak ang isip.

84. Malikot ang kamay


Kahulugan: Kumukuha ng hindi kanya, kawatan
Halimbawa: Kung alam ko lang na malikot ang kamay ni Berta ay di ko na sana siya kinaibigan.

85. Mapait na lunukin


Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo
Halimbawa: Mapait na lunukin ang nangyari sa akin.

86. Mapurol ang utak


Kahulugan: Bobo
Halimbawa: Mapurol ang utak ni Wanda kaya nakailang balik na siya sa Grade 3.

87. Masama ang loob


Kahulugan: Nagdaramdam
Halimbawa: Masama ang loob ni Lea sa mga nangyari sa kanyang ama.

88. Masama ang panahon


Kahulugan: May bagyo
Halimbawa: Walang pasok bukas dahil masama ang panahon.

89. Matalas ang tainga


Kahulugan: Madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa: Matalas ang tainga ng pusa ni Minda.

90. Matalas ang ulo


Kahulugan: Matalino
Halimbawa: Ako ay nagagalak dahil matalas ang ulo ng aking anak.

91. Matandang kalabaw


Kahulugan: Taong may edad na
Halimbawa: Kahit matandang kalabaw nang ituring ang tatay ni Juan ay sige pa rin ito sa
pagtatrabaho.

92. Nag-aapoy sa init


Kahulugan: Mataas na mataas ang lagnat
Halimbawa: Nag-aapoy sa init na ang bata bago pa man dalahin sa ospital.

93. Nagbibilang ng poste


Kahulugan: Naghahanap ng trabaho
Halimbawa: Nagbibilang ng poste si Inggo kung kaya bukas ay sasama ako sa kanya.

94. Nagmumurang kamatis


Kahulugan: Matandang lalaking nag-aayos binata, matandang babae nag-aayos dalaga
Halimbawa: Kung maka-porma iyang si Elsa akala mo’y nagmumurang kamatis
95. Nagsusunog ng kilay
Kahulugan: Masipag mag-aral
Halimbawa: Ang batang si Marco ay nagsusunog ng kilay kung kaya nakatanggap siya ng parangal.

96. Nakahiga sa salapi


Kahulugan: Mayaman
Halimbawa: Mabuti pa si Lando lumaking nakahiga sa salapi kaya hindi na niya kaylangang
maghanap ng trabaho.

97. Namamangka sa dalawang ilog


Kahulugan: Salawahan
Halimbawa: Hindi ko maintindihan kung bakit namamangka sa dalawang ilog itong si Mitoy kahit
maganda naman at mabait ang kanyang asawa.

98. Naniningalang-pugad
Kahulugan: Nanliligaw
Halimbawa: Naniningalang-pugad na naman si Karding.

99. Pag-iisang dibdib


Kahulugan: Kasal
Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib na inaasam ni Liway ay magaganap na bukas.

100. Pagputi ng uwak


Kahulugan: Walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa: Babayaran ka rin nya sa kanyang pagkakautang pagputi ng uwak.

101. Panakip butas


Kahulugan: Panghalili, pamalit
Halimbawa: Akala mo totoong mahal ka niya pero panakip butas ka lang pala.

102. Pantay ang mga paa


Kahulugan: patay na
Halimbawa: Naawa ako sa mga anak ni Ingga ng malaman kong pantay na ang mga paa niya.

103. Parang aso’t pusa


Kahulugan: Laging nag-aaway
Halimbawa: Parang aso’t pusa ang magkakapatid na aking kapitbahay.

104. Parang kiti-kiti


Kahulugan: Malikot, galaw nang galaw
Halimbawa: Parang kiti-kiti na naman si Sam.

105. Patabaing baboy


Kahulugan: Walang hilig magtrabaho, tamad
Halimbawa: Patabaing baboy na lang yang si Edgar.

You might also like