You are on page 1of 4

1. Ano ang Heograpiya?

- nagmula sa salitang Greek na “geographia”na


nangangahulugang paglalarawan ng daigidig. - siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig - tinatalakay dito ang distribusyon at interaksyon ng
samo’t saring pisikal, biolohikal, at kultural na katangian ng mga bagay sa
ibabaw ng daigdig.
2. 2. Sumusuri ng pagbabago sa daigdig at ang kaugnayan at interaksyon nito sa
mga taong naninirahan dito. Tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag- aaral
ng heograpiya. 
3. 3. Kasaysayan Ekonomiks Agham Pampolitika Sosyolohiya
4. 4. Nakaapekto ang heograpikal ng kalagayan sa kung paano naganap ang mga
pangyayari sa kasaysayan. Halimbawa: - Dahil sa malamig na klima kung kaya
nalagas ang hukbong French ni Napoleon Bonaparte at bigong masakop ang
Russia noong 1812. Asignatura
5. 5. Ang pagtakda ng hangganang politikal ng isang bansa ay saklaw ng
heograpiya. Halimbawa: - Sa naganap na armistice sa Korean War noong 1953
ay nahati sa pamamagitan ng 38th parallel ang Korean peninsula sa dalawang
politikal na yunit – ang North Korea at ang South Korea. Asignatura
6. 6. Ang pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan ay nakasalalay rin sa lagay ng
kapaligiran nito. Halimbawa: - Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang salik
sa pagkakaroon nito ng iba’t-ibang pangkat etnolingguwistiko na may iba’t- ibang
kaugalian at tradisyon. Asignatura
7. 7. Mahalagang salik ang likas na yaman, vegetation, klima, at topograpiya ng
isang teritoryo sa kabuhayan ng mga naninirahan dito. Halimbawa: - Ang
lokasyon ng Constantinople sa pagitan ng mga rutang pangkalakalan ng Europe
at Asya ay salik sa pag-unlad ng Imperyong Byzantine. Limang Tema
8. 8. Lokasyon Paggalaw Interaksyon ng Tao at Kapaligiran RehiyonLugar
9. 9. Gamit sa pagtukoy ng kinaroroonan at distribusyon ng tao at lugar sa
daigdig. Sumasagot sa tanong na “Nasaan ito?” 
10. 10. Tiyak na Lokasyon - Eksaktong kinaroroonan ng tao o lugar ay
natutukoy sa pamamagitan ng paglandas ng line of latitude at line of longitude.
Sistemang Grid - Sistema ng pagtukoy ng lokasyon batay sa pinagkrus na line of
latitude at line of longitude.
11. 11. Relatibong Lokasyon - Ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan ng
isang tao o lugar sa pamamagitan ng mga nakapaligid dito. Limang Tema
12. 12. Nagsasaalang-alang sa pisikal at kultural na katangian ng isang lugar
na kaiba sa iba pang lugar sa daigdig. Sumasagot sa tanong na “Anong
mayroon dito?” 
13. 13. Katang Pisikal na katangian - Tumutukoy sa likas na kapaligiran ng
isang lugar tulad ng kalupaan, katubigan, vegatation, klima, at likas na yaman.
iang Pantao - May kinalaman sa idea, gawi at kultura ng tao, tulad ng
kabuhayan. Limang Tema
14. 14. Ang bawat rehiyon ay pinagbubuklod ng higit sa isang pagkakatulad sa
aspektong pisikal, politikal, ekonomiko, at kultural. Limang Tema Tumutukoy sa
isang bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangian.  Sumasagot sa
tanong na “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar?” 
15. 15. Gamit ito sa pagtalakay o pag-aaral kung paano umaasa sa, nililinang
ang, at umaangkop sa kapaligiran ang tao. Limang Tema Sumasagot sa tanong
na “Ano ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?” 
16. 16. Tinatalakay kung paano ang paglipat ng kinaroroonan ng tao, ideya,
bagay, at iba pang sistemang pisikal tulad ng hangin ay nakaaapekto sa
ugnayan ng mga tao sa magkakaibang lugar. Sumasagot sa tanong na “Bakit at
paano nagkaugnay ang mga lugar sa isa’t-isa?” 
17. 17. Distansyang Sikolohikal - Tumutukoy sa pananaw ng tao tungkol sa
distansya Distansya sa Oras - Sumasagot sa tanong na “Gaano katagal ang
paglalakbay?”  Distansiyang Linear - Sumasagot sa tanong na “Gaano kalayo?”

18. 18. Heograpiyang Pisikal - Ang sangay na nakatuon sa pag-aaral ng iba’t-
ibang katangian at proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at
tubig. - Karaniwang nagdidikta kung malilimitahan o mapauunlad ng tao ang
kaniyang pamumuhay.
19. 19. Heograpiyang Pantao - Sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-
aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na
kapaligiran. - Saklaw nito ang pag-aaral sa wika, relihiyon, ekonomiya,
pamahalaan, at iba pang aspekto tulad ng distribusyon ng populasyon at
kalunsuran.
20. 20. Daigdig - Matatagpuan sa Solar System - Ikatlo sa walong planeta
mula sa araw - Mayroon itong natural satellite, ang buwan.
21. 21. Diyametro 12, 756 kilometro (km) Tinatayang layo mula sa araw 149.6
milyong (km) Tagal ng pag-ikot sa axis 23 oras, 56 minuto at apat na segundo
Tagal ng pag-ikot sa araw 365.26 na araw Temperatura sa ibabaw ng daigdig 70
hanggang 55 degree celsius
22. 22. Mantle - Makapal at mainit na layer ng semi-solid na bato may 2900
km ang kapal. Crust - Pinakamanipis at pinakalabas na bahagi ng daigdig may
tatlo hanggang 60 km ang kapal. Binubuo ito ng lahat ng kalupaan at ocean
basin. 
23. 23. Core - May dalawang bahagi: - Outer Core > 2200 km ang kapal at
binubuo ng tunaw na bato - Inner Core > solido at may kapal na 1250 km.
24. 24. Sa paggalaw nito, nagkakaroon ng paglindol, pagputok ng bulkan, at
pagbuo ng mga kabundukan – daan upang magbago ang anyo ng ga kalupaan
at katubigan sa daigdig. Naglalakihang tipak ng batong bumubuo sa crust ng
daigdig. 
25. 25. Karagatan Kabuuang Sukat (sa kilometro kuwadrado) Pacific Ocean
155 557 000 Atlantic Ocean 76 762 000 Indian Ocean 68 556 000 Southern
Ocean 20 327 000 Arctic Ocean 14 056 000
26. 26. Kontinente - Ang pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig -
Karaniwang naliligiran ng malalaking anyong tubig
27. 27. Asya AustraliaEuropeAntartica South America North America Africa
28. 28. Ang timog-silangang bahagi ng kontinente ay may mainit at basang
panahon. Mga Kontinente Nasa kanlurang bahagi naman nito ang pinakamainit
na rehiyon.  Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Asya ang pinakamalalamig na
lugar sa daigdig. 
29. 29. Ang timog na bahagi nito ay may klimang disyerto, steppe, tropical
savanna, at tropical rainforest. Mga Kontinente Malaking bahagi ng hilagang
Africa ay binubuo ng mga disyerto. 
30. 30. Klimang tropikal sa timog-silangang kontinente, gitnang America, at
Caribbean. Mga Kontinente Mainit na disyerto sa timog-kanlurang bahagi nito. 
Nakakaranas ng malamig na klima ang North America partikular sa Alaska at
Greenland 
31. 31. May klimang steppe at highland naman ang kanlurang bahagi nito
tulad ng Andes. Mga Kontinente Ang Columbia, Venezuela, Brazil, Bolivia, at
Paraguay ay may klimang tropical savanna.  Mayroong klimang tropikal ang
malaking bahagi nito partikular sa Amazon Basin. 
32. 32. Itinuturing na disyerto ang Antartica sapagkat 0.20 metro lamang ng
karaniwang ulan nito sa buong taon. Mga Kontinente Ang pinakamalamig at
pinakama-yelong rehiyon sa daigdig. 
33. 33. Malaking bahagi ng timog Europe ay may klimang Mediterranean. Mga
Kontinente Mayroon klimang marine coast, katamtamang temperatura tuwing
tag-init at taglamig ang hilagang-kanlurang bahagi nito. 
34. 34. Mas malamig at mas basa ang panahon sa mga baybaying lugar dito.
Mainit at karaniwang tagtuyot ang panahon sa gitnang bahagi nito. 
35. 35. Ang kontinente ng daigdig ay dating magkakadikit at bumuo sa
supercontinent na tinatawag na Pangaea Ayon sa siyentistang German na si
Alfred Wegener 
36. 36. Tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.
37. 37. Everest sa Nepal at China - Sa taas na 8850 metro, ito ang
pinakamataas na bundok sa daigdig.
38. 38. Andes sa South America - Sa habang 8900 km, ito ang
pinakamahabang hanay ng mga bundok sa daigdig.
39. 39. Tambora sa Indonesia - Itinuturing na pinakamapinsalang bulkan sa
daigdig. May 92,000 buhay ang nasawi sa pagsabog nito noong 1815.
40. 40. Sahara sa Africa - Ang pinakamalawak at pinakatuyong disyerto sa
daigdig na may lawak na 8, 600, 000 km2.
41. 41. Nile sa Africa - Sa habang 6695 km, ito ang pinakamahabang ilog sa
daigdig.
42. 42. Caspian Sea sa Asya-Europe - Sa sukat na 311,000 km2, ito ang
pinakamalawak na lawa sa daigdig.
43. 43. Angel Falls sa Venezuela - Sa taas na 979 metro, ito ang
pinakamataas na talon sa daigdig.
44. 44. Wika - Mahigit 6800 na wika ang ginagamit ng tao sa kasalukuyan - Sa
taong 2100, may sangkatlo ng mga wikang ito ang inaasahang maglalaho. - Ang
kolonyalismong Kanluranin mula ika-15 hanggang ika-20 siglo ang dahilan sa
paglalaganap ng mga wikang Europeo.
45. 45. Ang Mandarin, English, Spanish, Hindi, at Arabic ang mga wikang may
pinakamaraming gumagamit.
46. 46. May apat na pangunahing relihiyon sa daigdig batay sa bilang ng mga
kasapi nito: Kristiyanismo, Islam, Hinduism, at Buddism. May 20 relihiyon sa
daigdig na mahigit sa isang milyon ang kasapi.  Halos 83% ng populasyon sa
daigdig ang kasapi ng isang relihiyon. 
47. 47. May ilang bansa tulad ng North Korea, Cuba, at Laos na ang
ekonomiya ay tuwirang pinangangasiwaan ng estado. Nakabatay ang
pangkalahatang pangdaigdigang ekonomiya sa prinsipyong free market
capitalism kung saan ang pagpapasya sa presyo, produksyon, at distribusyon ng
mga produkto at serbisyo ay batay sa malayang kompetisyon sa pamilihan. 
48. 48. Mula sa 80 bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa
kasalukuyan ay may 200 malalayang estado na sa daigdig. Ang pagbabagong
pampolitikang ito ay dulot ng paglisan ng mga imperyalistang Kanluranin sa mga
teritoryong sinakop at ang pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.
49. 49. Ayon sa bibliya, sa Genesis, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa
daigdig, kabilang ang tao sa loob ng anim na araw. Ayon sa Qur’an, nilikha ng
diyos na si Allah ang langit at lupa sa loob ng anim na araw.  Ayon sa mga
Hindu, paulit-ulit na nilikha ang daigdig ng diyos na si Brahma at pinananatili
naman ng diyos na sa Vishnu. 
50. 50. Teorya Deskripsyon Planetisimal Theory ni Viktor Safronov ng Russia
Nagmula ang planeta mula sa pinagsama- samang alikabok sa kalawakan
Nebular Hypothesis nina Immanuel Kant ng Germany at Pierre Laplace ng
France Nagmula ang mga planeta mula sa nebula, o malaking ulap ng gas at
alikabok na gumuho bunsod ng nagtunggaliang puwersa ng gravity at gas Solar
Disruption Theory Nagmula ang mga planeta sa debris ng nagbanggaang araw
at isa pang mga bituin Big Bang Theory nina Georges Lemaitre ng Belgium at
Edwin Hubble ng US Nagmula sa kalawakan at lahat ng bagay sa sandaigdigan
sa singularity, o isang siksik at mainit na espasyong may walang hanggang
kakapalan, na sa kalaunan ay lumawak, lumamig, at naging manipis.
51. 51. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. 1. Bahagi ng daigdig na may
magkakatulad na katangian. 2. Siyentistang bumuo ng Continental Drift Theory.
3. Pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. 4. Ikatlong planeta mula
sa araw. 5. Pinakaibabaw na bahagi ng daigdig.
52. 52. 6. Pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig. 7. Karagatang
nasa kanluran ng North America sa South America. 8. Pinakatanyag na
paliwanag tungkol sa pinagmulan ng daigdig. 9. Pinakamalaking kontinente sa
daigdig. 10. Diyos na lumikha ng daigdig ayon sa mga Hindu. 11. Tema ng
heogarapiya na sumasagot sa tanong na “Ano ang ugnayan ng tao sa kaniyang
kapaligiran?”
53. 53. 12. Tema ng heograpiya na sumasagot sa tanong na “Paano
nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar?” 13. Pinakadulong timog na
kontinente. 14. Kontinente sa hilaga ng Africa. 15. Pinakamahabang hanay ng
mga bundok. 16. Pinakamataas na bundok. 17. Binubuo ng makapal at mainit na
tunaw na bato. 18. Pinakaloob ng bahagi ng daigdig. 19. Pinakamahabang ilog.
20. Pinakamalaking lawa.

You might also like