You are on page 1of 1

Agape

Agape, pagmamahal na walang kapantay


Na sa aki'y iyong ibinigay
Isang pagmamahal na walang makakahanay
Sapagkat ito'y pagmamahal na tunay

Kadalasan akoy nahihirapan


Sa mga problemang nararanasan
Ninanais ko ng sumuko
Sa mga pagsubok na tila ako'y bilanggo

Tiwala sa Diyos ang nagtulak sa akin


Upang mga problema ay aking harapin
Ilang beses man akong madapa
Balikat nya'y sandalan sa aki'y nakahanda

Paalala ng Ama huwag kang mag alala


Sapagkat sa buhay mo'y hindi ka nag iisa
Handang damayan ka sa anumang laban
Pagkat pagmamahal ko sayo'y walang hanggan

You might also like