You are on page 1of 1

Ang Alamat Ng Gagalangin(kastila)

Noong panahon ng Kastila ay kakaunti lamang ang mga


lugar na may pangalan. Hirap magbigay ng pangalan ang mga
matatanda kaya sila ay nagtitiyaga na lamang kung ano ang
kanilang narinig o nakita.

May mga Kastilang napadako sa isang lugar sa Tondo.


Naglabas sila ng mga armas. Nagtaka ang mga Pilipino kung
bakit naglabas ng mga armas ang mga kastila gayong hindi
naman sila nakikipaglaban. Ang ginawa ng mga tao ay lumapit
sa mga Kastila at sila ay nagmano. Waring napahiya ang mga
Kastila sa ginawi ng mga tao.

Sa pamamasyal ng mga Kastila ay nakita rin nila ang


kakaibang paggalang ng mga Pilipino. Ang pag-aalis ng
sumbrero kapag may nasalubong, pagyukod sa may
kapangyarihan, pagtulong ng mga bata sa matanda, ang
paghalik sa kamay ng matatanda at ang pagsagot ng "po at
opo" kapag nakikipag-usap sa matatanda at mga di-kilalang
mga panauhin. Lalo pa silang natuwa nang iutos ni Raha
Matanda sa mga kalalakihang Pilipino na tumulong sa
pagkumpuni sa nasirang bapor ng mga Kastila.

Sa panahong inilagi ng mga Kastila sa lugar na iyon ay,


nasaksihan at naramdaman nila ang pagiging mabait at
matulungini ng mga Pilipino. Sa utos lamang ni Raha Matanda
ay isang taong kumilos ang mga tao. Ginamot, nila ang mga
nasugatang sundalong Kastila, binigyan ng maginhawang
tulugan, pinakain at ianalagaan hanggang.

Nang paalis na ang mga Kastila, sila ay lungkot na


lungkot dahil sa parang ayaw na nilang lisanin ang lugar na
iyon. Doon nila nadama ang paggalang ng kanilang kapwa
tao. Ang pagkamagagalangin ng mga Pilipino sa lugar na iyon
ay ipinamalita ng mga Kastila saan man sila mapadako. Lagi
nilang isinasalaysay ang kanilang karanasan sa lugar ng
"Magagalangin." Sa paglipas ng panahon ang lugar na iyon sa
Tondo ay tinawag na "Magagalangin" at dahil sa pasalin-salin
ng bibig ay naging "Gagalangin."

https://www.gintongaral.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-gagalangin/

You might also like