You are on page 1of 4

[Scenario 9]

Narrator I(Imie): Ilang beses nag padala ng sulat is Carmelita kay Leandro ngunit ni isa
ay wala syang natanggap na tugon kailangan na nya itong tapusin ilang gabi syang
binabagabag ng mga salita ni Teresita.

[Scenario 10]

Narrator II(Eva):Hindi alam ni Carmelita na ngayon ang araw ng pagbabalik ni Don


Leandro Flores.Kung kayat nagulat sya nang maabutan nya ito sa mabulaklak na hardin
ng mansion ng mga Flores. May hawak itong isang kumpol ng rosas at naka ngiting
nakatingin sa kanya.

Leandro(Seth): Binibing akoy nag balik na.

Narrator II(Eva):Iniabot ni Leandro ang bulaklak kay Cramelita saka hinagkan ang likod
ng palad nito.

Leandro(Seth):Maaari ba kitang makasama hanggang sa mag takip silim?

Narrator I(Imie):Hindi agad naka sagot si Carmelita. Hindi nya alam ang gagawin hindi
nya kayang wasakin nang harap harapan ang puso nang taong walang ginawa kundi
ang mahalin sya. Hinawakan nito sa likod bilang alalay nya.

Leandro(Seth):Ayos kalang ba binibini?

Narrator II(Eva):Ang luhang kanina pay pinipigilan ay tuluyan nang nahulog nang isang
napakapamilyar na pigura ng lalaki ang galit na naglalakad papunta sa direksyon nila si
Juanito. Nagbabadyang tumulo ang luha nito handing pinag mamasdan ang kanyang
mahal na may kasamang iba. Kasama ni Juanito si Ignacio,kaibigan ni Juanito.

Juanito(Anzhar):Carmelita?

Narrator I(Imie):Nahulog ang paningin ni Carmelita sa hawak ni Juanito. Kaya pala hindi
sya naka tanggap ng tugon galing kay Leandro ay dahil si Juanito pala ang nag babasa
ng kanyang mga sulat.
Leandro(Seth):Sino ka? Paano ka naka pasok dito? Nasaan ang mga guardia
personal? Ano ba ang sadya mo rito?

Narrator II(Eva):Hindi pinansin ni Juanito ang mga sinabi ni Leandro. Hindi nya hindi
nya inalis ang tingin kay Carmelita pinipiga nya ang puso ni Carmelita nang nakita nya
amng galit,lungkot at pagtatanong sa mga mata ni Juanito. Kasabay nito ay ang
pagkawala ng luha mula sa mga mata na kanina pa nga babadya.

Juanito(Anzhar):Carmelita.

Leandro(Seth):Bakit mo kilala ang aking kasintahan?

Narrator I(Imie):Sa pagkakataon ito, malalim ang tingin na ipinukaw ni Juanito kay
Leandro diretso nya itong tiningnan sa mata. Galit ang bumalot sa kanyang dibdib.

Juanito(Anzhar):Ang iyong kasintahan ay ang aking asawa.

Narrator II(Eva):Kontrolado ni Juanito ang kanyang sarili.Ayaw nya nang gulo kahit
papa ano may respeto sya kay Don Flores ngunit kung asawa ang aagawin sa kanya,
hindi na nya alam kung sino ang dapat respetuhin.Nagtatakang lumingon si Leandro
kay Carmelita.

Leandro(Seth):Ano ba ang sinasabi nang lalaking iyan?

Juanito(Anzhar):Kung hindi dahil kay Ignacio,hindi ko malalaman na ang babaeng


pinakasalan ko ay isa palang taksil.

Narrator II(Eva):Naikuyom ni Leandro ang kanyang kamao,lumalim ang pag hinga nya
dahil nag sisimula na syang magalit kay Juanito itinaas ni Juanito ang mga sobre.

Juanito(Anzhar):Pruweba.

Narrator I(Imie):At itinapon nya ang mga iyon sa dibdib ni Carmelita. Ang mga sobreng
iyon ay ang mga isinulat ni Carmelita kay Leandro.

Ignacio:Pasensya na, Carmelita.hindi ko kasi kayang ilihim ang tungkol dyan. Ako kase
ang mga nagdadala nang mga sulat sa daungan at hindi ko sinasadya na makita ang
iyong pangalan at ang pangalan ni Don Flores.

Narrator II(Eva):Lumalim din ang tingin ni Leandro.

Leandro(Seth):Kung ganoon ay totoo nga ang sinasabi nila na isa kang taksil Carmelita!

Ang yaman kolang pala ang habol mo! ginagago mo ako! ayaw na kitang makita kahit
kailan!
Narrator I(Imie):Lumapit si Leandro sa gwardiya sa personal nadi kalayuan.

Leandro(Seth):Paalisin mo sila ngayon din.

Narrator II(Eva):Pagkatapos non ay tuluyan na syang umalis. Agad namang sinunod ng


guwardiya personal ang utos ni Leandro.

[FINAL SCENARIO]

Narrator I(Imie):Sa bahay nila Juanito at Carmelita nag usap ang mag asawa binigyan
ni Juanito ng pagkakataong nag paliwanag maayos naman iyong nagawa binibini
naiintindihan ni Juanito ngunit ang sana nyay…………….

Juanito(Anzhar):Mahirap ibalik ang tiwala ngunit pag bibigyan kitang gumawa ng


paraan upang makuha muli ang aking loob sapagkat tayo ay mag asawa.

WAKAS…….

You might also like