You are on page 1of 2

Garde 10-Kelvin GROUP 4

Paksa/Tema:Zephyrna/Pag-ibig

Group 1-Tauhan:Prinsipeng Caspian


Zephyrna
Madrasta/Diyosa Mayani
Tatlong anak na babae:
*Zea
*Eka
*Zirena
Kupido
Venus
Haring Polaris

Group 2-Tagpuan:*Nayon ng Katotohanan


*Gubat ng Kasakiman
*Palasyo

Group 3-Banghay:
*Nang pumanaw ang ina ni Zephyrna, nagpakasal muli ang kanyang ama na si Haring Polaris sa
isang diyosa na si Diyosa Mayani na may tatlong anak na babae. Di lubos akalain ni Zephyrna na
ibang iba ang napangasawang diyosa ng kaniyang ama sa ibang mga diyosa.Kung ang diyosa ay
may taglay na katangian na masipag, mapagmahal at higit sa lahat mabait subalit ang lahat ng mga
nabanggit ay kabaligtaran.Sa tuwing umaalis ng kaharian o madalas na tinatawag ay kaharian ng
sumayangan ang ama ni Zephyrna, palaging pinagmamalupitan siya ng kanyang madrasta
kaagapay nito ang kaniyang tatlong malditang anak na babae na sina Zea, Eka at Zirena. Hindi
niya magawang makapagsumbong sapagkat ayaw niyang sirain ang kaligayahan ng kanyang ama.
Isang araw, nabalitaan na lamang nila na namatay na ang kaniyang ama na siyang naging dahilan
ng pagiging alilang lubos ni Zephyrna at ang pagsisimula ng kanyang kalbaryo.Simula noon,
katulong nalamang ang turing sakanya ng kanyang pamilya. Wala siyang magawa dito sapagkat
wala siyang matitirahan at wala ring salapi. Ang pera kasing dapat ay sakanya ay kinuha ng mag-
iina at ang pumalit sa ama niya ay ang kaniyang madrasta na dapat ay siya.Isang tanghali,
mayroong bumisita sa kanilang tahanan na galing sa palasyo na nag aanyaya sa lahat na pumunta
sa nasabing palasyo upang magbigay pugay sa bagong hari ng Nayon ng Katotohanan.Nang
marinig ito ng mag-ina, nagalak sila at nagsimula ng mag-ayos ng kanilang mga susuotin para sa
nasabing aktibidad, ganoon rin si Zephyrna. Ngunit ng aalis na sila, nakita nila si Zephyrna na
nakabihis na rin at nag nanais na sumama sakanila kaya ang ginawa ng mag iina ay sinira ang
damit na pinaghirapang tahiin at ayusin dalaga. Umiyak siya ng umiyak.Nagmumukmok siya sa
loob ng kaniyang kwarto.Nang marinig ng isang engkantada ang mga luha niya ay tinulungan siya
nitong makapagbihis sa pamamagitan ng mahika. Ang sasakyan at kasuotan na ibinigay sakanya
ng engkantada ay panandalian lamang kaya naman kailangan niyang magmadaling umuwi kapag
nag alasdose na ng umaga. Nakapunta si Zephyrna sa nasabing palasyo, kung saan nakilala nya
ang prinsipe na siyang kaibigan ni Kupido na nagngangalang Prinsipeng Caspian.Nag sayaw sila
hanggang sa maalala niya ang babala ng engkantada sakanya.Kaagad siyang umalis ng palasyo at
di niya namalayan na ang singsing niya kaniyang suot suot ay nawala.Nahulog na ang loob ng
prinsipe sakanya kaya naman nanalangin siya sa ina ni Kupido na si Venus, ang diyosa ng pag ibig
"O, diyosa ng pag ibig akoy iyong dinggin sa king panalangin na hanapin ang magandang dilag na
aking napusuan!".Hinanap niya ito at dininig naman siya ni Venus na gabayan siya sa paghanap sa
dilag na iyon at sa kaniyang paghahanap ay may nadatnan siyang magandang singsing na
kumikinang.Sa Gubat ng Kasakiman ay may nakitang siyang anino ng babae na suot suot ang
magandang baro na kulay dilaw.Hinabol niya ito subalit laking gulat niya na hindi na naka baro
ang babae at pumasok na sa kanilang tirahan.Sumunod naman ang madrasta ng dilag at ang
kaniyang mga kapatid.Kinatok ng prinsipe ang magarang bahay nila Zephyrna dahilan nga ay
isang diyosa ang kaniyang madrasta.Pagkabukas ni Zephyrna natandaan niya na ang lalaking iyon
subalit tinalikuran niya lamang ito sa halip ay kamustahin."Bakit ka naparito?"tanong ng kaniyang
madrasta."Ako po'y naparito upang ibigay ang singsing na ito.Nadatnan ko pa itong pagulong
gulong sa hagdanan ng palasyo kaya naman nais ko pa sanang tanungin kayo kung sino ba ang
nagmamay ari nito?"wika pa ni Prinsipe Caspian.Ang kaniyang madrasta ay agad isinuot ang
singsing na hawak hawak ng prinsipe ng walang permiso subalit hinde naman ito sumakto sa
kaniyang mga daliri kaya naman ipinasa niya ito sa kaniyang tatlong anak na babae subalit ganoon
din ang kinalabasan.Nakita ni Prinsipe Caspian si Zephyrna na siyang nakaupo sa sulok kaya agad
niya itong kinuha sa kamay ng madrasta ni Zephyrna at tinanong si Zephyrna kung sakto ba ito sa
kamay niya."Binibini, maari ko bang hiramin muna ang kamay mo upang isuot ang singsing
na ito sayo?"tanong ni Prinsipe Caspian.Tumango si Zephyrna at isinuot niya na ito at
sumakto ito sa kaniya kaya naman laking tuwa ng prinsipe na nahanap niya na ang babaeng
napusuan.Inis na inis ang kaniyang tatlog babaeng kapatid.Nagpaalam agad ang prinsipe sa
madrasta ni Zephyrna at itinananong agad kung maari niya daw bang pakasalan na ang kaniyang
anak.Gusto sanang humindi ng madrasta ni Zephyrna subalit napa oo na lang siya dala ng
kahihiyan sa prinsipe.Agad silang pumunta sa Nayon ng Katotohanan at pumunta sa palasyo
upang magpaalam sa ama't ina ng prinsipe upang magpakasal na sila ni Zephyrna.Hindi naman ito
humindi at umoo agad ang kaniyang mga magulang.Pagkabukas ay ikinasal na sila agad agad at
nakita ni Zephyrna ang engkantadang tumulong sa kaniya at natutuwa siya naroon sila.Laking
pasasalamat ni Zephyrna na nakilala niya ang engkantadang iyon.Simula noon, namuhay na sila
ng masagana at mapayapa.WAKAS.

You might also like