You are on page 1of 6

THE SPEEDLANG GROUP OF COMPANIES

MABIGA, MABALACAT CITY


Tel No.: 870-008-0096 E-mail: needmorespeed@gmail.com

MEMORANDUM

Para sa: Board of director’s ng Speedlang Group of Companies


Mula kay: G. Fritzerald D. Romano, CEO
Petsa: Setyembre 14,2019
Paksa: Paglalabas ng Makabagong Modelo ng Sasakyan

Ang ating kumpanya ay nais maglabas ng isang makabagong modelo ng sasakyan ngayong
nalalapit nating anibersaryo, kung kaya’t magkakaroon ng isang pagpupulong ngayong Setyembre
16, 2019 para pag-usapan kung ano mga dapat ihanda at gawin. Gaganapin ito sa silid R5, gusali
ng SGP, 8:00 ng umaga. Ang lahat ay inaasahang dadalo sa naturang pagpupulong

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

Gng. Christine Raiza C. Yumul G. Fritzerald D. Romano


Kalihim CEO

Nabatid ni:

Gng. Maureen Yrish N. Dizon


COO
THE SPEEDLANG GROUP OF COMPANIES
MABIGA, MABALACAT CITY
Tel No.: 870-008-0096 E-mail: needmorespeed@gmail.com
Paglalabas ng Makabagong Modelo ng Sasakyan
Setyembre 16,2019
8:00-11:00 ng umaga
Silid R5, Gusali ng SGP

Panukalang Adyenda

I. Pagsisimula ng Pulong

II. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

III. Pagbabasa at Pagapapatibay ng Katitikan Pulong ng mga Board of director’s noong ika-8 ng
Mayo 2018

IV. Mga Dapat Pag-usapan Kaugnay ng Nakaraan Pulong


1. Ang pagtaas ng sales ng Kumpanya ng mga nakaraanng buwan
2. Victory Party

V. Adyenda mga Pag-uusapan


1. Paglalabas ng Makabagong Modelo ng Sasakyan

VI. Iba pang Pag-uusapan


1. Team Building

VII. Iskedyul ng Susunod na Pagpupulong

VIII. Pagtatapos ng Pulong

Inihanda ni:

Gng. Christine Raiza C. Yumul


Kalihim
THE SPEEDLANG GROUP OF COMPANIES
MABIGA, MABALACAT CITY

KATITIKAN NG PULONG
Silid R5, Gusali ng SGP
Setyembre 16,2019
8:00-11:00 ng umaga

Mga Dumalo:
Board of Director’s:

Galura, Patricia D. (Creative Director)


Castro, Cyricson R. (Finance Director)
Lusung, Armyr A. (Managing Director)
Yumul, Christine Raiza C. (Kalihim)
Romano, Fritzerald D. (CEO)
Dizon, Maureen Yrish N. (COO)

Mga Hindi Dumalo:


Arceo, Christine Joyce D. (Creative Director)

1. Pagsisimula ng Pulong

Nagsimula ang pulong ng ika-8:00 ng umaga sa silid R5, gusali ng SGP, pinangunahan ni
G. Armyr A. Lusung ang panalangin at pinamahalaan ito ni Gng. Maureen Yrish N.
Dizon, COO.

2. Pagpapatibay sa Panukalang Adyenda

Pinagtibay ni G. Cyricson R. Castro ang adyenda. Pinangawalahan naman ito ni Gng.


Patricia D. Galura.

3. Pagbasa at Pagpapatibay sa Katitikan


Pinagtibay ni G. Castro ang katitikan ng pulong noong ika-13 ng Mayo 2019.
Pinangalawahan ito ni G.Armyr A. Lusung.

4. Mga Dapat Pag-usapan sa Nakaraang Katitikan

4.1 Ang Pagtaas ng Sales ng Kumpanya ng mga Nakaraanng Buwan

Si G. Cyricson R. Castro ang nag-ulat ng pagtaas ng sales ng kumpanya, ito ay lagpas


pa sa kota na inaasahan ng buong kumpanya kung kaya’t may idinagdag na 5
porsyentong dagdag sweldo sa lahat ng manggagawa.

4.2 Nagsagawa ng Victory Party

Inulat ni Gng. Patricia D. Galura ang naganap na victory party para sa lahat ng
bumubuo ng Speedlang Group of Companies dahil sa isang matagumpay na
proyektong kanilang natapos. Lahat ay nagkaroon ng oras at pagkakataon para
magsaya.

5. Pagtalakay sa mga Panukalang Proyekto

5.1 Estratehiya Para Mahikayat ang mga Mamimili

Naisipan ng buong grupo na magsagawa ng mga flyers na ipamimigay sa mga mall na


naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa ating bagong binebentang sasakyan,
ipalagay rin sa mga billboards para makita kaagad ng mga taong nasa labas ng
kanilang mga bahay at gumawa ng isang patalastas para i-endorso ang bagong
modelo ng sasakyan na ilalabas natin, kukuha rin ng isang sikat na artista tulad ni
Coco Martin para mas lalong makahikayat ng mga mamimili.

5.2 Petsa kung Kailan Ilalabas ang Bagong Modelo ng sasakyan

Napagdesisyunan ng lahat na ilalabas ang bagong modelo ng sasakyan sa mismong


anibersaryo ng kumpanya na gaganapin sa ika-12 ng Disyembre 2019.

5.3 Mga Great Deals na Ibibigay ng Kumpanya sa mga Mamimili

Dahil sa mismong anibersaryo ng kumpanya ilalabas ang bagong modelo ng sasakyan


ang unang bumili nito ng cash payment ay makakahuha ng isang power scooter na
gawa rin ng mismong kumpanya. Habang ang mga susunod naman ay makakakuha
nalang ng car cover o pantakip ng sasakyan at 5 litro ng gasolina.

5.4 Pangalan ng Sasakyan


Ang bagong labas na modelo ng sasakyan ay tinawag na Fastquick dahil sa mas
pinabilis nitong makina at mas matipd rin sa gasolina.

6. Iba pang Pinag-usapan

6.1 Team Building ng Buong Kumpanya

Inaprubahan ng CEO ng kumpanya na si G. Fritzerald D. Romano, ang team building


na buong trabahador ng kumpanya na gaganapin sa Hundred Islands sa ika-8 ng
Hunyo. Sinugarado ni Mr. Aryudiga na walang babayaran na kahit magkano ang mga
empleyado sa pagpunta at pag-uwi.

7. Iskedyul ng Susunod na Pagpupulong

Wala pang iskedyul para sa susunod na pagpupulong.

8. Pagtatapos ng Pulong

Natapos ang pulong ng 11:15 ng umaga

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

Gng. Christine Raiza C. Yumul G. Fritzerald D. Romano


Kalihim CEO

Nabatid ni:

Gng. Maureen Yrish N. Dizon


COO

You might also like