You are on page 1of 1

LIHAM NA PERSONAL

PARA SA: Aking mga kapatid sa Iglesia ni Cristo


GALING KAY : Nep Guiao – Tumatakbo bilang Kagawad ng Barangay 628

ANG AKING 5-POINT AGENDA


Bukod po sa walang humpay na pagtulong at pagserbisyo sa ating mga ka-Barangay 628,

UNA po, ang aking adhikain ay makapag taguyod ng pang kabuhayan at magkaroon ng munting Negosyo
ang aking mga ka-Barangay sa pamamagitan ng Kooperetiba at mga Trainings at Seminars sa pag kakaroon
ng sapat na kaalaman at SKILLS. Ako po ay makikipag ugnayan sa aking mga kaibigan sa TESDA at
Bureau of Cooperative Development para ito ay maisakatuparan. Adhikain ko po na mabigyan ng
kabuhayan at mapagkaka-abalahan ang ating mga ka-Barangay para maging productive na ginagawa sa
araw araw sa pamamagitan ng pag tatayo po ng Tahian o Sewing Business na gumagawa ng mga RUGS,
mga Damit o tela na gagawing damit o basahan gamit pang bahay at pang opisina at sa mga sasakyan. Pag
conduct ng Trainings at Seminars bata man o may edad na, babae o lalaki, kaagapay ang TESDA sa pag
hubog ng SKILLS ng aking mga ka-Barangay sa larangan ng pagsasanay sa Welding, Auto Gas/Diesel
Mechanic, Auto Electrical Technician, Plumbing at Sanitary, Basic Occupational Safety Hazard Course,
Caregiver, Building Electronic/Electrical short courses, Housekeeping courses, Foreign language studies,
tulad ng pag sasalita o pag susulat ng Japanese na lenguahe, Pag gawa at pagtitimpla ng mga Pagkain o
processed meat, Basic baking courses, Cooking para sa pagtatayo ng munting kainan o Carinderia at iba
pang makabagong pag aaral na iaalok ng ating Gobyerno National para sa ikabubuti ng pagsasanay sa
ating mga ka-Barangay. Pag imbita sa mga kumpanya ng mag conduct ng JOB HIRING Process sa ating
Barangay 628 para sa mga qualified worker na makapag trabaho.

PANGALAWA, pag bibigay po ng kaluwagan sa pagtatayo ng munting Negosyo at paghahanap ng


distribusyon para maibenta ang mga gawang produkto ng “KOOPERATIBA 628” at pag tatayo ng isang
lugar na “KADIWA 628” para sa ibang produkto na gustong ibenta na galing sa kani-kanilang probinsya ng
ating mga ka-Barangay.

PANGATLO, pag himok sa aking mga ka-Barangay na sumali sa Sports activities o “SPORTS 628” bata man
o matanda, bukod sa Basketball at Volleyball tournament, magbubuo po tayo ng Zumba 628 Class,
Marathon Run Events District 6, Table Tennis, Dart, Badminton, at larong Patintero competitions.

PANG-APAT, pag tatayo ng Mini Gym at Mini-Klinika para sa kalusugan ng ating mga ka-Barangay.

PANG-LIMA, ang pagtatayo ng “General Information Office 628” o “KAALAMAN 628” para makapag
asiste at mag bigay ng kaalaman sa ating mga ka-Barangay tungkol sa ibat ibang sangay ng ating Gobyerno
na maari nilang lapitan at hingan ng tulong tulad ng mga bagong programa ng PCSO, Malasakit Center,
DSWD, sa CITY HALL Mayor, Vice Mayor and Councils Offices , Senior Citizen Office at mga
espesyalistang mga Hospital sa buong Maynila.

Panalangin ko po lagi ang inyong kaligtasan at pag-iingat sa ninyong gawain at pagsusumikap sa araw
araw ng hamon sa buhay. Hangad at adhikain ko ang inyong tagumpay sa buhay na inyong ginagawa,
hinaharap at haharapin pa.

Taus Sa Puso na mag-lilingkod gamit ang aking edukasyon, ekspiryensya at kakilalang mga matutulungin
at mabubuting tao na may mga kuneksyon sa ating Gobyerno. “EXCUSE ME PO ! HINDI KO KAYO
TATANTANAN SA PAGLILINGKOD !”

Ang inyo pong lingkod,

NEP GUIAO
Para KAGAWAD 628
Neptali Raymund Gamboa Guiao, Compliance - Permits and Licenses; Real Estate Broker
Far Eastern University - AB Political Science
Member, Tau Gamma Phi - Triskelion Grand Fraternity, Batch ’84 FEU Manila Chapter.

You might also like