You are on page 1of 4

THIRD YEAR NOLI ME TANGERE

NAME: DATE: SCORE:


Kilalanin natin ang mga tauhan:

1.………………………………- bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.

2.……………………………..- isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

3.……………………………..- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

4.…………………………….. - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina
na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

5.………………………………- maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

6.………………………………- Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.

7.……………………………….- magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

8.……………………………….- matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya
ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

9.………………………………...- babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila.

10.…………………..- napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

11.…………………..- isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran;
napangasawa ni Donya Victorina.

12.……………………- malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.

13.……………………- tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin

14.……………………- namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

15.……………………- kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

16.……………………..- magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

17.……………………..- hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

18.……………………..- masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

19.……………………..- mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

20.……………………- pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

21.…………………….- ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.

22.……………………- lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.


23.……………………………. - nuno ni Elias na naging isang tulisan

24.……………………………..- ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

25.……………………………..- pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

26……………………………….- ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang

27………………………………..- isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.

28………………………………- binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

29…………………………………………..- tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

30……………………………………………- paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

31……………………………………………- dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

32……………………………………………- mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

PAGHANGO NG KAISIPAN: BILUGAN ANG TAMANG SAGOT.

1. Si Kapitan Tiyago ay higit na kilala sa pagiging maginoo sapagkat siya’y:


a. Maawain at matulungin b.mapagbigay at bukas ang palad
k. makabago at mapangahas d. maarte
2. Ayon kay Ibarra, matalik na kaibigan ng kanyang ama ay:
a. si Padre Damaso b. si Tenyente Guevarra k. si Maria Clara d. si Padre Sibyla
3. Ang natapat na pagkain kay Padre Damaso ay:
a. hita, laman loob at pitso b. ulo, pakpak at liig k. ulo,liig at pitso d. sabaw
4. Ang pagtitiponng iyon ay handog ni Kapitan Tiyago kay:
a. Padre Damaso b. Maria Clara k. Crisostomo Ibarra d. bayan
5. Si Don Rafael Ibarra ay kilala ng lahat na:
a. pinakamarunong sa buong lalawigan b. pinakamabait sa buong lalawigan
k. pinakamayaman sa lalawigan d. pinka mandurugas sa lalawigan
6. Ang ama ni Ibarra ay namatay sa:
a. bilangguang naghihirap b. bibitayin nang walang nagtanggol
k. sa bilangguang kasama ng maraming kaibigan d. sa dengue
7. Ang San Diego ay isang baying itinulad sa:
a. Rusya b. Espanya k. Roma d. Amerika
8. Ang libingang hinahanap nila ay may mga tanim na:
a. adelpa at gumamela b. sampagita k. rosas d. adelpa at sampaga
9. Ang bangkay ay wala na sapagkat iyon ay ipinadala ng kura sa:
a. libingan ng mga Intsik b. sa ilog na malapit doon k. sa kabilang libingan
10. Naghirap si Pilosopo Tasyo sapagkat:
a. napabayaan niya ang kayamanan b. nahumaling sa pagsusugal
k. nagumon sa paglalasing
11. Ayon kay Maria, siya ay natatakot sa kura dahil sa;
a. lagi siyang binubulungan b. lagi siyang tinititigan k. lagi siyang kinikindatan
12. Pumupunta ang mga tao kung araw ng lingo sa
a.sabungan b.simbahan k. sugulan

13. “Huwag ninyong pakialaman an gaming buhay” ang sabi ni

a. Bruno b. Pedro k. Tarsilo kay Lucas

14. Ang pagbabago sa Pilipinas, ayon kay Ibarra ay:

a.lalong makasasama b. higit na makakabuti k.mawawalan ng bias

15.Si Linares ay tumanggap ng liham mula kay

a. Donya Espadana b. Donya Victorina k. Padre Damaso

16.Ang dapat na isigaw ng mga sasalakay ay

a. Mabuhay ang Pilipinas! B. Mabuhay ang mga Praile! K. Viva Crisostomo Ibarra

17. Ang nuno sa tuhod ni Ibarra ay si:

a.Don Saturnino b. Don Pedro Ebarramendia k. Don Rafael Ibarra

18. Ang sumunog sa bahay ni Ibarra ay

a. ang mga utusan b. si Elias k. ang mga sibil

19. Si Linares ay namatay sa sakit na

a. iti b. lagnat k.pulmonya

20. Sa huli, si kapitan Tiyago ay nagumon sa

a.paghithit ng apiyan b.pagbabasa ng aklat k.pagsamba ng santos

Sagutin kung wasto o mali.

……………….1. Nag-iwan ng maraming pera kay Basilio ang taong namatay.

………………..2. Noche Buena ng habulin ni Basilio ang kanyang inay.

……………….3. Si Sisa ay pagala-gala sa bayan at kanta ng kanta.

……………….4. Niyakap ni Sisa si Basilio ng ito ay Makita niya.

……………….5. Sa bahay ng alperes ay nakadungaw ang paraluman ng Guwardiya Sibil.

………………..6. Ayon kay Padre Damaso ay maraming lihim sa loob ng monastery na hindi alam ni Maria Clara.

………………..7. Nawalan ng halaga ang buhay ni Maria Clara ng mamatay si Ibarra.

……………….8. Si Don Primitivo ay tiyo ni Kapitan Tinchang.

……………….9.Ayon kay Tarsilo si G.Ibarra ang nagbigay sa kanila ng pera.

……………….10. Ang bangkay ni Lucas ay nakabitin sa punong santol na malapit sa kumbento.

________11. Mayaman si Kapitan Tiyago dahil sa lagi siyang naghahanda ng napakamarangyang mga

handaan para sa kanyang mga bisita.

________12. Isa ngang ulirang asawa at ina si Sisa dahil sa kanyang hindi pag-iwan kay Pedro at sa

pangngalaga ng kanyang ama.

________13. Reliniyos si Kapitan Tiyago dahil sa kagustuhang magpatayo ng kumbento

________14. Mahal nina Elias at Crisostomo ang inang bayan kahit magkaiba ang kanilang mga pamaraan.

________15. Nabulag si Crisostomo sa paniniwalang mas makatutulong ang paggamit ng dahas upang

maging handa ang kinabukasan ng bayan.


Balangkas

PANIMULA:

PAGTINDI NG GALAW

KASUKDULAN

KAKALASAN

WAKAS

MENSAHE

TEMA

PAKSA

You might also like