You are on page 1of 4

SALITANG GINAGAMIT SA PALENGKE:

Uri ng hati sa ISDAAN

Kaliskisan Pagtanggal ng kaliskis ng isda


Linisan Tatanggalin ang iba’t ibang laman loob ng isda.
Boneless Tanggalin ang tinik ng isda
Hasang Laman sa ulo ng isda
Fillet Purong laman ng isda

Ibang mga salita sa ISDAAN

Buhay Buhay na ibinebenta ang isda


Guhit Makikita sa timbangan
Bago Bagong dating sa palengke sa araw na iyon, o bagong huli
mula sa pangingisda, o bagong katay (salitang kanais nais
upang maakit ang mamimili na bumili)

Sukat at Ginagawa sa GULAYAN:

Tanda Marka sa pambalot sa lumpia


Tali Ginagamitan ng goma, sukat na timbang ng mga gulay.
Bungkos Malaking pagkakahati ng gulay. Tansyahan lamang
Tingi Isang bahagdan ng timbang. Tansyahan ng maliit na
bahagi.
“small, medium, large” Sukat o laki na madalas ginagamit sa itlog at iba pa
Repack Ang mga produktong binibili nang buo ay pinaghihiwalay pa
ng balot upang mapresuhan muli.
Pakyawan Maramihang pagbili ng produkto
Tumpok Pinagpapangkat pangkat na pagbenta ng produktong hindi
tinitimbang
Piga Ang niyog na ginagawang gata

Kagamitan sa KARNEHAN

Sangkalang sampalok Malaking kahoy na pinaghihiwaan sa karnehan. Ito ay gawa


sa puno ng sampalok.
Panghiwa Isang mahaba at matalim na kutsilyo at ginagamit upang
maghiwa.
Pangtaga Mala-parisukat ang hugis na kutsilyo na ginagamit sa
panghati ng malalaki at matigas na bahagi ng karne.
panghasa Ginagamit sa pangtalim ng mga kutsilyo.

Ilang mga Kataga

Lugi Ito ay nangyayari kapag hindi na kumikita ang nagtitinda


Balik puhunan Hindi na pinapatungan ng dagdag na halaga ng
nagbebenta ang produkto. Ito na ang presyo ng kanilang
kapital.
Bago ang kalakal Mayroong bagong dating na produkto.
Matumal Kaunti ang bilang ng mamimili, kaunti ang benta o kaunti
ang kita.

Katawagan sa mamimili

Ate / Kuya Tawag ng mga tindero/tindera sa mga mas nakakabata at


sa mga hindi suki.
Madam / Sir Ang pagtawag ng mga nagbebenta sa mga mamimiling
may edad, o sa kanilang mga suki.

Sa aking mga nalikom na salita ay maipapakita ang pagpapakahulugan ng mga


tao sa palengke sa mga salitang ginagamit sa pang-araw araw na buhay. Unang
mahihinuha na halos wala namang pinagkaiba ang kanilang paggamit ng salita sa tunay
na kahulugan nito. Ngunit nagkakaroon pa rin ng naiibang pagkakaintindihan ang mga
tao na nanroon sa komunidad na iyon. Halimbawa sa bago, sa diksyunaryong paggamit
ay pinapakahulugan nito na ang isang bagay ay ngayon pa lamang na naparirito o
kaya’y sariwa samantalang sa palengke naman ay nagiging mas espesipiko ito at
nabibigayang buhay ang salitang ito. Sa konteksto ng mga tao sa palengke, ito ay
tumutukoy sa panibagong dating, o huli, o katay at ito’y nabibigyang katangian sa speech
community na ito bilang isang mabuting bagay para sa mamimili at mas maganda. Sa
madaling salita, ang paggamit ng mga salitang katulad ng bago, buhay at iba pa sa
ibang konteksto (palengke, para sa sitwasyong ito) ay may kalakip na tagong
pagpapakahulugan. Sa pamamagitan ng halimbawa ay naipapakita kung paano
nakakagawa ng rehistro ng wika sa bawat speech community.

Sa naipaliwanag na halimbawa ay makikita na sa pamamagitan ng rehistro na


makikita sa palengke ay nagkakaroon ang wika ng sariling katangian.

Sa pagbebenta ay nakakabuo ng iba pang mas espisipikong pagpapakahulugan


sa isang bagay na may kalakip na katangian dahil napapagkasunduan ng mamimili at
tindero ang likas na pangangailangan upang iklasify o igrupo kung ano ang
magkakatulad o hindi, kung ano ang maganda o pangit. Naipapakita rito na kaya
nakakabuo ang speech community na ito ng kanilang rehistro ng wika ay dahil sa
pangangailangang makakuha ng produktong pinaka kanais nais. Naipapakita na
naapektuhan rin ng wika ang paglilinaw ng pagkapangkat pangkat ng mga bagay
bagay. Kaya’t maipapamalas rito ang pagkakaroon ng ugnayan ng suki at nagbebenta
na ginagamitan ng wika. Posibleng masagot ang aking katanungan mula sa ugnayang
ito:
Ugnayan ng suki at nagbebenta

1) Pagkakatulad ng katutubong wika – Ang nagbebenta at mamimili ay posibleng


magkaroon ng pagkakasundo sa pamamagitan lamang ng pagkakatulad ng
kanilang katutubong wika. Ito ay isang malaking bagay, dahil naisasama ang
paggamit ng mga salita sa kanilang pag-uusap. Kapag alam ng bawat isa ang
ginagamit na wika ng isa pa ay mas madali at madalas makausap ng mamimili ang
nagbebenta at sa kalaunan ay dito na babalik ang mamamili upang bumili dahil
nagkakaroon na ng tiwala ang mamimili sa tindera/tindero na sila ay makikilala at
mas ‘maaalaga’ o mapapahalagahan. Alam din kung ano ang konteksto ng
kausap, kaya mas madaling makapagkonekta ang mamimili at nagbebenta na
may pagkakatulad sa kanilang kultura at wika.

2) Wika bilang pakikipagkapwa – Nagtatanong ang mamimili kung ano ang pangalan
ng ganito o kung saan ginagamit ito. Kung ano rin ang alternatibong gamitin.
Nagkaka-ugnayan. Dahil sa mga pagtulong ng mga tindera/tindero ay
nagkakaroon na rin ng pagtiwala dahil naipapakita na totoo ang ibinibigay na
produkto at serbisyo ng nagbebenta sa mamimili.

3) Sa ugnayang ito ay nagkakaroon ang tinatawag nating tiwala ng mamimili sa


tindera/tindero. Maipapakita ito sa halimbawang ito: hinahayaan ang mga tindera
na sila ang pipili ng kailangan ng suki na produkto at minsan pa’y pinapaiwan pa ito
sa kanilang tindahan, dahil napagkakatiwalaan ng suki na kabisado na ng tindera
kung ano ang gusto.

Mula sa aking mga obserbasyon, ako ay nakakita ng bagong anggulo ukol sa aking
pinag-aaralang speech community. Mapapansin na ang bawat salitang ginagamit ng
bawat isang kabilang sa komunidad na ito, ay may tagong pagpapakahulugan at
nagkakaroon ng implikasyon na matatagpuaan lamang sa speech community na ito.
Hiindi ito mabibigyan ng kaparehong katangian kung ito ay babasahin lamang mula sa
disksyunaryo. Kahit gaano pa katulad ang kahulugan ng bawat salita ay may katangian
itong naiiiba sa iba pang speech community. Halimbawa, kapag may dumayong tao na
nais bumili sa komunidad na ito ngunit hindi pa siya dalubhasa sa kapaligiran at mga
paggamit ng salita dito, ay hindi siya masasabing kabilang sa speech community dahil
hindi pareho ang konteksto niya sa mga naroroon.

Sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagbenta sa palengke, nakikita rito na ang


bawat salita ay may sariling kahulugan ang verbal at di verbal na varayti ng wika na
maiintindihan lamang kung ang kasapi nito ay kilala ang rehistro ng wikang ginagamit sa
komunidad na ito.

You might also like