You are on page 1of 4

AKING

MUNDO

SUBMITTED TO:
Prof. Mary Rose D. Sermon , LPT

SUBMITTED BY:
Cabugatan, Al-khairah O.
11-4M / AHUMSS
AKING MUNDO

Maraming mapang husga sa unang pagkikita,


Kadalasan ito ay nakabasi sa kilos at itsura.
Ngunit hindi ito sapat, upang ako ay iyong makilala
Tanging pakikisama ang kinakailangan
Tahimik, mahinhin, mabait at masungit ang kadalasan
paglalarawan niyo

Ngunit sa likod ng lahat nang ito,


Ay isang malaking biro.
Biro na hindi mo aakalain ganito pala ako,
Madaldal, makulit, at minsan tahimik
Ang totoong pagkatao ko.

Oo iyon ako, Yun ang totoong ako.


Ngunit nakadepende nayan sa pakikisama mo,
Pag dating sa pamilya ko tila magtataka ka nalang.
At masasabi mong, may pinag manahan nga talaga,
Ngunit maraming pinag kaiba isa na rito ang pag-uugali.

Ikaw ay mapapagod sa kakadaldal at mabibingi sa katahimikan,


At maiisapan mo nalang mamaalam dahil sa kapaligiran na ito.
Sa loob nang bahay may kanya kanyang pinagkaka-abalahan,
Si mama abala sa kakadotdot ng telepono makipag usap,
sa kaniyang mga kaibigan.

Habang abala sa paglalaro ng online ang isa kong kapatid,


Matataas naman marka ang kaniyang nababatid.
Sa maikling pagsasalaysay nang aking buhay at pagkatao,
Sana’y mas gustohin niyo pang kilalanin ako
Kung saan mas higit niyong matutuklasan
Kung gaano kasaya ang aking mundo
Mundong nanaisin niyong
Maging parte nito,
Aking mundo.
SINO
AKO?

SUBMITTED TO:
Prof. Mary Rose D. Sermon , LPT

SUBMITTED BY:
Cabugatan, Al-khairah O.
11-4M / AHUMSS
SINO AKO?

Hindi ko alam paano ko to sisimulan


pero bawat gabi ako ay nadadatnan
sa tanong na laging dumadaan
dito sa sarili kong sugatan

pero ang tanong na ito,


ang laging nagpapahinto
sa kasayahan kong di aabot nang minuto
sa pag iisip ko, sino ako?

Napapaisip ako gabi gabi


kung saan nga ba ako magsisisi
ang hindi pag hanap sa katanungan kong tangi?
O balang araw malaman kong ano nga ba akong klase..

Ang mundong ito na malawak


ay napakaraming tanong na hawak
iba, mga kababalaghang di tiyak
nasa kanila ba ang sagot kong tiyak?

Ano nga ba ako dito sa mundo


Mag-aaral? Anak? Kaibigan? Bestfriend? Kalaro? Classmate?
O baka naman isang taga-pagpayo
o baka wala lang talaga ako
dito sa mundong tinitirhan ko

baka isa lang akong extra?


Sa buhay ng pamilya, kaibigan, kaklase o iba,
na mahalaga lang pag may problema
at wala nang kwenta pag lahat masaya

baka nga ganon lang talaga ako


dito sa mundong tinitirhan ko
pero minsan sinasabi ko
baka mahanap ko ang sagot ko dito

sagot nang isang tanong ko


sino ba talaga ako?

You might also like