You are on page 1of 2

ARALIN 1

Filipino Bilang Wikang Pambansa

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinlang, ito’y dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

-Saligang Batas ng 1987,


Artikulo XIV, Seksyon 6
____________________________________________________________________________

Mga Pangkat ng mandarayuhan bago ang Kastila

1. Negrito – dumako sa kagubatan at kabundukan ng Luzon. Sa Tulong ng mga Tulay na


Lupa nadala ang kanilang kultura kagaya ng pasandaliang anyo ng mga awitin at
pamahiin.
2. Indones – naipakalat din nila ang dala nilang wika tulad ng alamat, epiko at kwentong
bayan.
3. Malay – narrating nila ang Pilipinas bitbit ang kanilang sistema ng pamamahala, wika at
sistema ng pagsulat (Alibata).
4. Intsik, Bumbay, Arabe at Persiyano – ang layon ay makipagkalakalan.

Katulad ng klasipikasyon ng wika sa daigdig ni Gleason (1961), inilahad na ang wikain ng


Pilipinas ay kasama sa angkang Malayo-Polinesyo na kinabibilangan ng wikang Indonesian
(Tagalog, Visayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol atbp.) at Malay.

Panahon ng Kastila

 Miguel Lopez de Legazpi – sa kanya nahudyat ang pananakop ng Kastila. Ang layo
nila ay ang pagtuklas ng pampalasa (spices). Pinangunahan ng mga prayle ang
paglinang sa wika sa bansa.
 Panahon ng Himagsikan (1896) – Naging opisyal na wika ng Katipunan ay Tagalog
batay sa ipinahayag sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato.

Panahon ng Amerikano

 Naudlot ang pagkakaroon ng wikang sarili ang bansa.


 Dila ang sinakop ng Amerikano sa kapangyarihan ng Philippine Commission Batas Blg.
74 na nag utos na gamitin ang wikang Ingles sa panturo sa mga paaralan.

____________________________________________________________________________

Kumbensyong Konstitusyunal, 1934

 Maka-Kastila – Rafael Palma


 Maka-Ingles – Pedro Paterno at Benito Legarda
 Maka-Tagalog – Eulogio “Amang” Rodriguez at Norberto Romualdez
 Maka-Cebuano – Wenceslao Vinzons
“Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinlang at pagpapatibay
ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hanggat
walang ibang itinatadhanang batas, ang Ingles at Kastila ay magpapatuloy na mga wikang
opisyal.”

-Saligang-Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3

Batas Komonwelt Blg. 184 (Nobyembre 13, 1936) – binunsod ng administrasyong Quezon na
naglalayon bumuo ng samahang pangwikang tutupad sa hinihingi ng konstitusyon. Isinilang ang
Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

December 30, 1937 – pinagtibay ni Pangulong Quezon ang pagproklama ng Kautusan


Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940) – binigyang pahintulot ang paglimbag sa


talatinigang “Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa” ni Lope K.
Santos (Ama ng Balarilang Tagalog)

Kautusang Militar Blg. 13 (Hulyo 10, 1942) – ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang
Hapon at Tagalog.

MGA BATAS PANGWIKA

Batas Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 946) - Pinagtibay na ang wikang pambansa na
tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng Pilipinas.

Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang isang
kautusan na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang
Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2, sa kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian
ng Wikang Pambansa.

Proklama Blg. 186 (Sept. 23, 1955) – Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang susog sa
Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taon-taon sa ika-23 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong
Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959) – Ipinatupad sa pamamahala ng


Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang
pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 570.

You might also like