You are on page 1of 2

Tausu

A ng Tausug ay nagmula sa salitang "Tau Ma


Isug" o “Ang mga Taong Matatapang” sa
lengguwahe ng mga Sulu. Kadalasan sila’y
kinakatakutan dahil sa taglay nilang katapangan
ngunit sa likod ng bawat katapangan ay ang iba’t
ibang kagandahan na sa kultura nila ay mararanasan.
Katulad na lamang ng kasalan na pinaniniwalaang
deklarasyon ng kanilang paniniwala sa Islam, binubuo
ng pagpapakasal ang kanilang pagkatao sapagkat
inaayos nito ang kanilang buhay. Hindi naman
maitatanggi ang angking galing ng mga Tausug sa
pagsasayaw na kanilang tinatawag na pangalay na
kung saan ito’y itinatanghal upang magpasalamat at
humiling ng paghihilom at gabay sa tuwing may
pagdiriwang habang ang kanilang pagkain ay
inilalantad ang iba’t ibang putahe na nagpapakita ng
kanilang mga kasangkapan. Magkakaiba man tayo ng
kultura ay ating alalahanin na ang bawat isa ay
natatangi at biyaya ng Panginoon na dapat nating
pagyamanin.

You might also like