You are on page 1of 2

Pamahiin ng mga Waray

Maraming mga pamahiin ang sinusunod natin, ito'y namana natin sa mga nakatatanda sa atin.
Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang araw-araw na buhay ng ibang
tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o hangarin nila sa buhay.
Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang respeto at pagbibigay-galang sa mga nakatatandang
nagpayo sa kanila na sumunod sa mga pamahiin.

Ang mga Waray ay mayroong tinatawag na ‘Kuratsa.’ Isang napakasikat na tradisyonal na sayaw
ng Waray sa maraming mga pagtitipon lalo na sa mga kasalan. Ang mag-asawang sumasayaw ng
‘Kuratsa’ ay hindi lang sinasabitan kundi sinasabuyan ng pera ng mga tao sa kanilang paligid.
Ang pamahiin ay kung mas maraming pera ang ibinuhos sa kanila, mas maraming pagpapala
ang darating sa kanila.

‘Gala' o 'abuag' ang tawag sa perang isinasaboy sa kasal. Simbolo raw ito ng kasaganahan sa
bagong buong pamilya. Sayaw ng panliligaw ang isa pang uri ng kuratsa. Inihahalintulad ang
sayaw nito sa mga nagliligawang mga ibon tulad ng mga tandang at inahing manok.

Pamahiin din ng mga Waray na bawal magwalis tuwing gabi dahil winawalis o pinapalabas mo
raw ang grasya sa inyong tahanan at tinataboy ang swerte. Bawal din ang pagwawalis nang
bahay kapag may lamay dahil itinataboy mo raw ang kaluluwa ng namatay at isinasama mo sa
kanya ang kaluluwa ng kanyang mahal sa buhay.

Ipinagbabawal din ng mga Waray ang pagsasabog ng kanin sa hapag dahil ito ay
pinaniniwalaang malas. Tulad ng pag-uuwi ng mga pagkaing inihanda para sa namatay, dahil
ang malas daw ay maiuuwi mula sa mga patay.

Ang iba pang pamahiin ng mga Waray ay bawal magsuyod sa gabi sa kadahilanan na para mo na
rin daw pinapanalangin na mamatay ang iyong magulang. Bawal din ang mag gupit ng kuko sa
gabi dahil mamamatay daw ang iyong lolo’t lola.

Pamahiin din ng mga Waray na huwag liligpitan ng mga platong patong-patong ang binata o
dalaga habang kumakain dahil hindi na raw ito makakapag-asawa. At huwag din pagliligpitan ng
pagkain ang mag-asawa habang kumakain dahil mag-aasawa pa raw ito muli ng iba.
Tandaan natin na ang mga pamahiin na ito ay mga kasabihan ng mga matatanda na maaaring
may kinalaman sa mga paniniwala, kultura, at maging sa aspetong panrelihiyon. Ang mga
pamahiin ay mga sabi-sabi lamang at maari ding walang katotohanan.

References

Tradisyon sa Visayas. (2017, August 22). Hayzkul Lyf. http://hayzkul.blogspot.com/2017/08/tradisyon-

sa-visayas.html

You might also like