You are on page 1of 3

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

College of Education
Roxas City

PONOLOHYA NG PILIPINO

Salik upang makapagsalita ang tao:


1. Ang pinanggagalingan nga lakas o enerhya
2. Ang pumapalag na bagay o artikulador
3. And patunugan o resonador

Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito ay lumilikha ng mga alon ng


mga tunog. Ang hangin ang nagiging midyom o pahatiran ng mga alon ng tunog na
sya naman nating naririnig.

TANDAAN:
Ang enerhya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang galing sa
baga na siyang nagpapapalag sa nga babagtinang pantinig na siyang gumaganap na
artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang
nagiging patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig
at ang butas ng ilong.

Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng tunog:

1. dila at panga (sa ibaba)


2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)

Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at


sa dila na malayang naigagalaw at dahil sa pagbabagu-bagong ito ay nagpag-iiba-iba
rin ng nagsa-salita ang uri ng nga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.

Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang


kinsasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.

Halimbawa: bansa
bana (small lake)
banta (threat)

Ang Pilipino ay may 21 ponema – 16 ang katinig at 5 ang patinig

Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, n, s, h, l, r, w, y/
Ang mga katinig ng Pilipino ay maiaayos ayonsa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mgaito ay binibigkas ng mga tinig o walang tinig.

Mga Patinig ay /i,e,a,u,o/ - ito ay tinuturing na siyang pinakatampok o


pinakaprominenting bahagi ng pantig. Walang pantig sa Pilipino na walang patinig.

Punto ng artikulasyon ay naglalarawan kung saang bahagi ng bibig


nagaganap ang pagbigkas ng isang katinig.

Anim na punto ng Artikulasyon:

1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p,b,m/


2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidit sa loob ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Pangngilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid. /s,l,r/
4. Pangngalangala – ang ibabaw ng punong dila ay lumalapit o dumidiit sa
matigas na bahagi ng ngalangala. /y/
5. Velar – ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi
ng ngalangala. /g,n,w/
6. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay naglalapit o nagdidiit at hinaharang
ang presyon ng papalabas na hininga at pagkatapos ay pakakawalanupang
lumikha ng paimpit o pasutsut na tunog. /?,h/

Sa paraan ng artikulasyon, ay inilalarawan kung alin sa mga artikulador ang


gumagana okung paano ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng
alinman sa mgaponemang katinig.

Paraan ng Artikulasyon:

1. Istap o pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p,t,k,?,b,d,g/


2. Nasal o pailong – ang hangin na nahaharang dahil sa pagbaba ng velum ay
hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. /m,n,n/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay dumaraan sa makipot na pagitan ng dila
at ng ngalangala o kaya’y mga babagtingang pantinig. /s,h/
4. Lateral o Pagilid – ang hangin ay lumalabas sa mgagilid ng dilasapagkat ang
dulong dila ay nkadikit sa punong gilagid. /l/
5. Trill o Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng artikung dila. /r/
6. Glayd o Malapatinig – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon
ng galaw mula sa isang pusisyon ng dila patungo sa ibang pusisyon. /w,y/

Diptonggo – ito ay ang pagsasama o pagtatambal ng mga patinig at ng malapatinig na


/w/ at /y/

Hal: iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy


giliw, kami’y, reyna, bahay, kalabaw atbp.
Klaster – ay ang magkakabit na dalawang magkaibang tinig sa isang pantig. Ito ay
matatagpuan sa lahat ng pusisyon ng pantig – sa unahan o inisyal at hulihan o pinal.

Halimbawa ng klaster sa pusisyong inisyal:


Pwede, pyano, preno, braso
Halimbawa ng klaster sa pusisyong pinal:

iskawt, istrayp, plaslayt, nars, relaks

Ito’y nagpapakita kung paanong sapilitan ang pagtanggap ng klaster sa


pusisyong pinal ng pantig sa mga salitang hiniram sa Ingles.

Mga Pares Minimal – salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas


maliban lamang sa isang ponema. Ginagamit ang mga ito sa pagpapakita ng mga
tunog na magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.

Hal: /p/ at /b/ pala : bala

Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan – ang magkaibang ponemang matatagpuan


sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.

Hal: Lalaki bibi tutoo nuon


lalake bibe totoo noon

Glottal na Pasara o Impit na Tunog – ito ang nakapagpapagulo nang kauntiti sa


balabaybayang Pilipino sapagkat kahit ito’y itinuturing na isang ponema hindi ito
inirereprisinta ng titik o letra. Sa halip ito ay inirereprisinta sa dalawang paraan:

1. Tuldik na Paiwa ( ) kung nasa pusisyong pinal ng salita. Ang mga salitang
may impit na tunog sa pinal ay tinatawag na malumi o maragsa.

hal: Malumi – baga puso talumpati


Maragsa – baga kaliwa salita
2. Gitling( - ) ay kapag ito ay nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at
patinig.
Hal: may-ari, mag-alis, pang-ako

Pansinin na kapag inalis ang gitling na kumakatawan sa ponemang glottal na


pasara ay mag-iiba ang kahulugan ng mga salita.

Hal: mayari magalis pangako

Maraming Salamat...
Mga Tagaulat:

Welmar D. Alam

You might also like