You are on page 1of 5

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Introduksyon

Edukasyon ang nagsisilbing haligi ng bawat kabataan tungo sa paghubog ng


kanilang kinabukasan. “Ang kabataan ang kinabukasan ng bayan” (Rizal, Jose) ika nga,
sa kabataan manggagaling ang patutunguhan ng ating bansa. Sa kanilang mga kamay
nakasalalay ang bawat hakbang tungo sa kaunlarang tinatamasa ng bawat Pilipino na
noon pama’y ipinaglalaban na ng ating mga ninuno.

Ngunit sa bawat daloy ng panahon, mayroon ding mga pagsubok na


kinakaharapang tao sa mundo. Kabilang na rito ang pinakaiingatang edukasyon ng
bawat kabataang Pilipino.

Hindi lamang sa loob ng bansa nararanasan ng mga estudyante ang


suliraning may kaugnay sakanilang pag-aaral, kundi pati sa mga bansang tulad ng
Estados Unidos, ay damang-dama din ang suliranin sa performance ng mga estudyante
sa eskwelahan.

Kadalasan ay sa mga asignaturang Math, Science, at English nagkakaroon


ng mga kumplikasyon ang mga estudyante sa kanilang mga marka. Dahil sa mga
pangyayaring ito, nagkakaroon sila ng mga summer classes at remedial classes.
Nagsusumikap na matustusan ng gobyerno ang mga kakulangang ito sa iba’tibang mga
paraan tulad ng K+12 Basic Education Curriculum.

Bakit nga ba bumabagsak ang mga estudyante sa mga asignaturang


nararapat lamang nilang mapag-aralan? Ano ba ang mga kalalabasan ng mabababang
marka sa eskwelahan dahil sa mababang performance ng mga estudyante? Ano ba
ang mga kadahilanan ng kanilang pagbagsak? Sa pananaliksik na ito malalaman ang
mga kasagutan sa mga katanungang ito.
II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nag-bibigay ng kaalaman tungkol sa mga dahilan sa pagbagsak ng


mga freshmen students sa Angeles University Foundation. Naglalayong itong matugunan ang
mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang posibleng dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa unang
taon?
2. Ano ang iba’t-ibang salik na makakaapekto sa pagbabago ng pagganap ng mga
freshmen sa kanilang pag-aaral?
3. Ano ang maaaring maging epekto ng kanilang pagbagsak?
4. Anu-ano ang mga posibleng solusyon upang malutas ang suliranin na ito?

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay umaasa at naniniwala na napakahalaga ng pag-aaral na ito


dahil sa mga posibleng solusyon at Maari itong maging basehan sa kaalaman para sa mga
estudyanteng nasa unang taon ng College of Allied Medical Profession dahil ang impormasyon
dito ay maari ring maipalagay sa sitwasyon.

Ang mga impormasyong nakasaad dito ay mahalaga sa pagkat malaki ang maitutulong
nito, hindi lamang sa mga mag-aaral sa Unang taon ng College of Allied Medical Profession ng
Angeles University Foundation kundi pati narin sa mga mambabasa na maaring naghahanap ng
mga layuin at solusyon kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga pag-
aaral.
Gamit ang pananaliksik na ito, maari ring malaman ang kadahilanan at epekto sa
pagkakabagsak ng mga estudyante at ang solusyon na dapat pang paunlarin sapag-aaral na
ito.

Bukod dito, maeevalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at mga
pag-aaral na dapat pang linangin ay mapagtuunan ng atensyon.

Sa gayon, gamit ang pag-aaral na ito, umaasa ang mga mag-aaral ng AUF na
magkaroon ng mas matatag na pundasyon at kaalaman upang matukoy ang layunin ng pag-
aaral na ito.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik ay isang importanteng kaalaman na


maaaring magamit hindi lamang sa loob ng institusyon, kundi pati narin sa pamumuhay ng mga
tao. Saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga bumabagsak na estudyante sa College of Allied
Medical Professions – Angeles University Foundation sa ikalawang semsetre ng akademikong
taon 2011-2012.

Ang pananaliksik na ito ay nalilimitahan sa unang taon lamang ng mga kursong BS


Medical Technology, BS Pharmacy at BS Physical Therapy sa College of Allied Medical
Professions. Umaasa ang mga mananaliksik na maisasagawa nila ito sa takdang panahon nang
hindi nawawala ang esensya at importansya ng pag-aaral. Ang paksang “Dahilan ng
Pagbagsak ng mga Estudyante” ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa pang-
edukasyonal lang na langlarangan, kundi maging sa araw-araw nilang pamumuhay.
V. DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali, maunawaan, at maintindihan ng mga mambabasa, nais


naming bigyan ng kahulugan o depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay
kung papaano ginamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito:

Ang Bawal na gamot ay mapanganib na gamot na naka apekto sa isip at sa katawan


ng tao. Nabibilang ang bawal na gamot sa mga produktong droga na may kapeina,
tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga itinutusok, ang marihuwana, heroina, at
mga isteroyd ang ilan sa halimbawa nito.

Ang Bisyo ay isa sa mga kinahihiligan ng mga estudyante. Ilang halimbawa lamang
nito ay sugal, droga, sigarilyo, alak at iba pa.

Ang Kaibigan ay isang tao na maaring mag dulot ng kasamaan o kabutihan sa kapwa
niya mag-aaral.

Ang Kapaligiran ay isang lugar na nakapaligid sa isang tao o bagay. Maaring magulo o
tahimik. Ito rin ay nakakaapekto sa isang mag-aaral.

Ang Karamdaman ay ang estadong pagkakaroon ng sakit na nagreresulta sa hindi


pagpasok ng isang mag-aaral sa paaralan.

Ang Memorya ay ang kakayahan ng pag-iisip ng isang estudyante na alalahanin at


panatilihin ang mga impormasyon ng nakaraang leksyon o pangyayari sa kanyang
isipan.

Ang Tahanan ay isang lugar kung saan nakatira ang isang mag-aaral. Maari rin itong
maka apekto sa isang mag-aaral kung ano man ang klaseng pamilya ang nandito.
Maaari ng magulo o tahimik.

Ang Emosyon ay ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagkatakot,


pagmamahal, pagkagalit, atbp.
MGA BUMABAGSAK NA ESTUDYANTE SA UNANG TAON NG COLLEGE OF ALLIED
MEDICAL PROFESSIONS; MGA DAHILAN AT EPEKTO HINGGIL SA MGA ASIGNATURANG
MAJOR NA KADALASANG NABABAGSAK NG MGA ESTUDYANTE SA AKADEMIKONG
TAON 2011-2012

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Departamentong Filipino, Kolehiyong Allied


Medical Professions, Angeles University Foundation

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang filipino 2, Pagbabasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Isusumite nina:

Agatha L. Malinit

Jhon Joseph Ocampo

Ng BSMT-1B

Isusumite Kay:

Dr. Leonora L. Yambao

You might also like